Marupok Aketch (Part 1)


Salamat sa mga naka-miss. Salamat sa mga naka-alala. Yup, ma-emosyon ang mga nakaraang araw. Kaya nagpahinga muna ang inyong abang Reyna. Anyway, this story will probably explain everything.


Part 1 of 2.

Hindi ko naman sinasadya.

Almost 3 months na kong walang dyowa.

Aamininin ko.

Isa akong…


Tigang.


Sabik.


Hindi naman sa dyina-justify ko ang naganap.

Pero hindi ko talaga sinasadya.

Hinde.

Period.

…………………………………………………

Wala akong balak lumabas ng araw na ‘yon. Darating daw si “Juan” according sa news at ayoko namang ma caught by surprise gaya nang nangyari kay “Ondoy”.

Kaya lang nag-text sya.

“Musta na? Long time, no see.”

Eh hindi nag-register ang name sa phone ko.

“Care to introduce yourself?”

“Hala? Kuya, dinilete mo na number ko?”

Kuya nya ko? Dalawa lang ang kapatid kong lalaki. At I’m sure hindi sila ‘to.

Kaya sumagot na lang ako.

“Oo, pag 3 months na ‘kong walang communication, dini-delete ko na.”

“Ang taray mo naman Kuya. Sorry po kung ganon.”

“Eh sino ka nga?”

“Si Jay.”

Haller? Sampung Jay kaya ang kakilala ko. Nai-inis na aketch.

“Sinong Jay?”

“Si Jay Alfonso.”

Eh 3 years na yata kaming walang communication nito.

………………………………………………….

Si Jay ay nakilala ko nung mag-offer sya ng forwarding services sa kumpanya namin. Eh wala naman kaming requirements. Pero cute sya kaya ni-refer ko na lang sya sa mga kakilala ko.

Very grateful sya. Simula noon, lagi na lang syang nangungumusta. In short, naging friends kami.

Gwapo si Jay. Pero hindi ko nilagyan ng malisya ang friendship namin. Noong una, nagtataka ako kasi masyado syang open sa akin. He would share his stories about his family, his problems at frustrations in life. Pag nagagawi sya ng Makati, nagkikita kami over lunch or kahit kape lang.

Sabi ko nga, kung diwata lang ako, sya ang kauna-unahan kong tutulungan.

Kaso hindi.

Maganda lang ako. Mukha lang diwata. Pero mortal.











Naaaliw sya sa ‘kin. Kasi daw, nabibigyan ko na sya ng mga advises, napapatawa ko pa sya.

‘Yun naman eh.

Parang comedy bar lang.

Hanggang isang araw ay nawala na lang sya. Hindi na nagparamdam.

Kinamusta ko sya. Tinawagan.

Pero walang sagot.

Sabi ko nga, dini-delete ko ang mga contacts ko na inactive within 3 months.

Pero sya, dinilete ko after one year.

Umasa kasi ako na mababalik ‘yung friendship.

Pero a year after nga, sumuko na ko.

……………………………………………………

Sasagutin ko sana ang text nya pero tumawag na sya.

“Oh, buhay ka pa pala. Kamusta na?” tanong ko.

“Ok naman po. Ikaw musta?” Hirit nya.

Me: “Ok naman ako.”

Jay: “Hindi ka ok.”

Me: “Huh? Paano mo naman nasabi?”

Jay: “Basta. Kilala kita. Hindi ka ok.”

Me: “Ok nga ako noh.”

Jay: “Kuya, kung ok ka, hindi ganyan ka-bland ang dating mo.”

Me: “Eh malay mo naman na inis pa ako sa ‘yo kaya ganito ang dating ko.”

Jay: “Ganun ba? Sorry ha. Busy ka ba?”

Me: “Nope. Bakit?”

Jay: “Kita tayo?”

Me: “Saan?”

Jay: “SM Sta. Mesa?”

Me: “Ang layo.”

Jay: “Hindi kasi ako familiar sa mga one-way dyan sa Makati eh.”

Me: “May kotse ka na?”

Jay: “Ahhh… opo.”

Me: “Susyal.”

Jay: “So, pwede tayong magkita?”

Me: “Tanga ako. Hindi ko alam ang papuntang Sta. Mesa.”

Jay: “Mag-taxi ka na lang. See you in an hour?”

………………………………………………

Aminin ko, medyo nataranta ako sa pagmamadali. Oo excited. Na-miss ko rin si Jay. Gusto ko ring malaman kung ano na nangyari sa mala-telenovelang buhay nya.

Nagkita kami sa Foodcourt ng SM Sta. Mesa. Ang cheap ng venue. Nauna pa ‘kong dumating.

“Saan ka na?’ tanong ko.

“Nagpa-park lang po. Punta ka na lang sa parking, labas ka ng department store.”

Tumataas ang level ng inis ko. Pero di na ako nakipag-argue.

Paglabas ko ng parking, nandon sya. Nakangiti. Maayos ang damit. Naka-salamin.

Gwapo pa rin.

Sinalubong nya ako. Niyakap.

“Musta na kuya?” tanong nya.

“Wow, rich ka na. Mazda 3 ha. ” sagot ko.

“Halika sakay ka.” Aya nya.

Pagpasok sa loob, nakangiti pa rin sya.

Jay: “You’re looking good Kuya. At skinhead ka na ha. Hehehe!” sabay hawak sa ulo ko.

Me: “Oo nga eh. Mas comfortable kasi.”

Jay: “Musta na kayo?”

Me: “Sino?’

Jay: “Yung boyfriend mo, si Doc.”

Me: “Ahhh… wala na kami.”

Jay: “Oh… kailan pa?”

Me: “Nung July 29. Almost 3 months na.”

Tumahimik sya.

…………………………………………

Nag-drive sya palabas ng parking.

Me: “Saan tayo?”

Jay: “Ako bahala. Cool ka lang.”

Umikot lang kami. Pumasok sya sa parking ng Sogo katabi ng SM Sta. Mesa.

Me: “Bakit dito?”

Jay: “Kung nahihiya ka na kasabay ako. Mau-una ako. Iti-text ko sa ‘yo ang room. Sumunod ka na lang. Maghihintay ako ng 15 minutes. ‘Pag hindi ka sumunod within 15 minutes, lalabas na ako.”

Hindi na sya lumingon.

Nagtatalo naman ang isip ko.


Part 2 here.

posted under |

15 comments:

edwin said...

BITIN!

gusto kong hulaan ang karungtong - kung pano naging masalimuot ang lahat para sayo.. pero di ko magawa.

....

pwedeng nagniig kayo pero ibang pangalan ang lumabas sa bibig mo nung oras ng sukdulan..

o nagulat ka at nainis ng todo, dahil siya pala ang gagawa ng mga bagay na akala mo ay iyong teritoryo..

o kakutsaba pala sya ni DOC - at gusto ka lang masorpresa, pagkat sa loob mismo ng sogo, si DOC ay naghahantay na..

-----

isip.. isip. have to admit na gusto ko talaga ang pagkakalahad mo ng mga kwento mo..

RainDarwin said...

Maganda lang ako. Mukha lang diwata. Pero mortal.
----------
teh, panalo talaga ang mga linya mo kaya nakaka-adik tong blog mo.

sex comedy ba to teh?

Nimmy said...

clap clap clap! i so love it!!!! :D

‘Pag hindi ka sumunod within 15 minutes, lalabas na ako. kakalowka! stresss! hihi

Ms. Chuniverse said...

@ Edwin... hanep sa mga conclusions ah. pero none of the above ang sagot. still finishing yung continuation. ;p


@Pilyo... hindi ko rin alam kung pano ise-set ang theme ng kwento kaya hindi ko matapos yung continuation. kaya iku-kwento ko na lang straight from the heart. drama ko noh.

RainDarwin said...

teh, i-twist mo na lang sa pagka-comedy ang story para maligayahan kami.

puro na lang kasi kadramahan at kalibugan ang nababasa ko.

tarayan mo pa ng kwento ang story.

(teh, alam ko na ang sasabihin mo: "Ikaw na lang kaya ang gumawa ng continuation pilyo!")

ching!

Ms. Chuniverse said...

@Nimmy... na-stress nga ako. though (pahiram ha) kembot na kembot na ko.

@Pilyo... hahaha! kinu-compile ko kaya yung Virgo Island mo. Kinabog mo na si Soltero pati si Xerex. hahaha! Naaaliw ako. ipi-print ko sya after. At bakit naka disable ang comment sa blog mo? Hehehe!

Aris said...

ang bilis. wala nang paligoy-ligoy. sogo agad. nakakaloka! aabangan ko ito. :)

john chen hui long said...

if i were not in a relationship, i'll trade places with you. GO! i won't flip channels!

RainDarwin said...

teh, nde sya naka-disable. yung isa lang "breaking the law" lang ang nakadisable.. daming buburaot sakin dun eh. tama na yung lagi ko na lang niki-kiss ang number nya.

ching!

Eternal Wanderer... said...

mej nakakagalet lang ng kaunti ang kahabaan ng hair.

mej lang naman.

lolz

Anonymous said...

uber bitin! parang teleserye lang teh... can't wait for the next update. lolz.

hmmm... naging curious ako sa pez ni jay a.

bien said...

title pa lang, di mo na inantay ang 15 minutes. hulaan ko 15 seconds na pag-iisip sumabay ka na sa kanya at dalawa kayong nag-antay ng number, charoz lang teh.


infairness kabang-abang ang susunod na mangyayari

casado said...

OMG! ang saya naman nito ahahah...I'm sure di ka na nagpa tumpik tumpik pa bwahaha...o sya wait ko na lang mangyayari..


cge na nga..isa ka ng DIWATA!

ching!

Ms. Chuniverse said...

@Aris... oo nga eh. minsan tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. baka kasi may nakasulat na 'pokpok' sa noo ko kaya ganun.

@John...stay tuned. :p

@Pilyo... ay ma namumuong karir ang hombre. hahaha!

@Ternie... yan ang sinasabing "pag may itinanim kang kabutihan, babalikan ka ng kalalakihan."

Ms. Chuniverse said...

@hondafanboi... don't worry, walang komersyal. hihihi!

@Orally... magaling! magaling! magaling! sobrang rupok ko naman non. hahaha!

@Soltero.... ganon? hindi ako easy. super easy lang. hehehe!

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments