Nang Rumampa Ang Mga Dyosa
Pagdating sa pakikipag-landian sa mga straight na hombre, isa lamang akong hamak na apprentice. Ang master, or should I say, ang mistress sa ganyang larangan ay walang iba kundi si Friendship.
One weekend, Friendship and I went to Baclaran para mag-lamyerda lang. Nang gumabi na at dumilim, nagpasya na kaming umuwi. Habang naglalakad, may na sight kaming tall, dark and slightly-handsome na hombre. Dikit agad si Friendship with the apprentice in tow. Kinausap nya habang diretso lakad.
Friendship: “Hellow!”
Napatingin ang boylet sabay ngiti rin sa Ms. Congeniality at ever smiling fez ni Friendship.
Friendship: “Pwedeng makuha ang number mo?”
Boylet: “Bakit?” pero nakangiti pa ‘rin.
Friendship: “Wala lang, makikipag-kaibigan. Kung ok lang sa ‘yo. Ok lang ba?”
Boylet: “Ok lang.”
Ang bilis, powerful talaga ang kagandahan at lakas ng loob ni Friendship. Wala ng masyadong kulitan pa at dinictate na ni boylet ang numero ng kanyang cellphone.
Parang may gayuma lang ang ilokanang bruha. Galing!
Pagdating sa lalaki, uber-sharp ang memory ni Friendship kahit pa inborn ang kanyang memory gap. Magpabili ka dyan ng kamatis at for sure, kalamansi ang darating sa 'yo. Pero pagdating sa lalaki, memorize nya agad ang number at namesung nung guy na ang pangalan ay – Brian.
Binulungan ko si Friendship.
Me: “Bakit hindi mo pa i-take home ‘yan?”
Friendship: “Ay naku, hindi na noh. Pang dry-spell lang sya. Pag tigang na tigang na lang aketch.”
At talaga naman. Parang langgam lang na nagsi-save for the rainy season ang drama ng prinsesa ng chorva.
Nagpaalam na kami sa boylet na aming napag-alaman ay isang sikyu pala at naka assign sa SM. Which branch?
Quezon Cityyyyyy!!! Hihihi!
…………………………
Sakto, may humintong jeep sa tapat namin. Inaya ko si Friendship na sumakay na. Pag-upo namin. Napansin ko agad ‘yung guy sa tapat namin. Kinalabit ko si Friendship at nagsenyas na bistahan ang hombre.
Friendship: “I like. Hihihi!”
Mukha kasing nambu-bugbog.
Natawa kaming dalawa.
Mga alembong na palaka.
Para kaming dalaginding na kinilig. Parang bulate lang na napatakan ng tubig na may sabon. Hihihi!
Pag-andar ng jeep, napansin namin na may kasama pala yung hombre na isa pang hombre na sya namang katabi ni Friendship sa kanan nya. Nasa kaliwa kasi ako ni Friendship naka-upo.
Notrious di nga ba ang lakas ang loob ni Friendship kaya mega tanghod at eye contact sya sa hombre. Akala mo nanghi-hypnotize lang. Nangingiti naman si hombre na may magandang ngipin at basang labi. Hindi alintanang baka myembro lang ng Dugo-dugo gang ang aking kaibigan.
Maya-maya pa ay nag-uusap yung hombre at yung kasama nyang guy. Ang dinig ko na sabi.
Hombre: “Mainam pa ‘yata sa bakla na lang tayo pumatol no ‘tol?”
Guy: “Oo nga ‘pre.”
Hindi ko masyado makita yung guy na nasa tabi ni Friendship. Pero napa-smile kami sa tinuran ng dalawang alagad ni Adan.
Sayang… BABAE kami. Hahaha!
Since, halos puno na ang jeep, hindi rin makagawa ng move ang Friendship. Nagulat na lang kami ng magsalita yung guy na katabi nya sabay sabing.
Guy: “Gustong makipag-kaibigan ng friend ko. Ok lang?” sabay nguso sa kasama nyang hombre na may magandang ngipin at basang labi.
Pa-teetums ang drama ni Friendship. Ayaw maglabas ng cellphone baka kasi dekwatin. Ako ang nainip kaya nilabas ko ang aking 3210 sabay sabing…
Me: “Sige ba, ano number nyo?”
Inabot ko kay Friendship ang cellphone ko para sya na ang mag-type. Of course, na sense namin na nakikiramdam yung ibang passengers sa amin pero keber ko. Hindi naman namin sila ka-close. Hahaha!
Konting palitan lang ng kuro-kuro ang naganap kasi malapit na kaming bumaba. Nagpaalam kami sa dalawa at pakendeng-kendeng na ngang tinahak ang kalye ng Libertad.
Parang third world version lang nina Nicole Richie at Paris Hilton.
Napagkasunduan namin ni Friendship na kumain na lang sa Mang Inasal. Habang lumalafang ang dalawang Dyosa, may nag text.
Galing kay Guy yung text na ang pangalan pala ay Jonas.
Jonas: “Uwi n b kau? Gusto nyo hapi2 muna tyo?”
Pinakita ko kay Friendship ang text sabay sabing.
Me: “Are you thinking what I’m thinking?”
Friendship: “Friend, we think the same way. The question is, are they thinking what we’re thinking?”
Clever chuva!
I really think they’re thinking what we’re thinking.
Eh hanopabah ang pwede nilang isipin noh!
I decided to ask them anyway.
Me: “What do you mean by hapi2?”
Ayokong mag-read between the lines specially kung jejemon ang text. Text back naman agad si Jonas.
Jonas: “Baka gusto n’yong makipag-inuman sa amin?”
Hmmmm……
Baka isipin nila kaladkarin ako!
Baka isipin nila na pag nalasing nila ako ay ganon kadali na nilang makukuha ang puri ko!
Baka isipin nila na kagaya ako ng iba na isang aya lang ay sumasama na!
Hindi ako pokpok!
Hindi ako haliparot!
HINDI AKO EASY!!!
Kaya naman sinagot ko agad sya.
Me: “Sure, tara na!”
Sabay sabi kay Friendship na bilisan nya ang nguya ng manok at ‘wag ng magpaka-demure.
I-uuwi muna daw nung dalawa yung gamit nila sa bagong apartment nila sa Blumentritt tapos balik daw sila. Tinanong nila kung saan daw kami iinom.
Sabi namin sa Wang-Wang na lang. Saan daw ‘yon. Sabi ko, sa dulo ng Libertad. Bandang Diosdado Macapagal Avenue.
Eh dadalhin pa ba namin sa sushyal na bar ‘tong mga ‘to? Sayang ang moolah.
Anyway, nagpasya kami ni Friendship na umuwi muna ng bahay, maligo at magpalit ng panty at half-slip. Syempre naman baka ma-asim na. Hihihi!
Less than an hour ay nag-text na sila na malapit na daw sila sa Libertad. Kaya naman mega-rush ang dalawang diwata. Konting powder at perfume lang at bumalik na ng Libertad.
Pagdating namin ng station, dumating na rin yung dalawa. Inaya namin sila na sumakay ng tricycle.
Ang siste, ang gwapo ng tricycle driver. Borta!
Kaya naman, mega volunteer ako na sumakay sa likod. Nainggit yata ang Friendship at sa likod din sumakay. Itinulak pa ako para ma squeeze si papang tricycle driver.
Sabi ni Friendship: “Kumapit ka sa kanya, baka mahulog ka!”
Sumagot naman ako: “Ay sasaluhin ako ni Kuya.” Sabay himas sa braso at yakap. Hihihi!
Syempre, nilandi ko na rin ang driver. Inamoy amoy ko at todo dikit sa kanyang naka-sandong katawan. Ang laki ng muscles ni kuya. Game naman ang mokong sa mga advances ko. Tumatawa pa.
Pero hindi ko na rin magawang pormahan kasi may guests kami devah. Kalandian to the highest level na ‘yon.
Pero Paksyet, sayang talaga!
Pag-baba namin ng tricycle, hindi ko na kinuha ang sukling sampung piso. Smile naman si Kuya sabay kindat. I swear, nag jumping rope ang ovary ko gamit ang fallopian tube!
…………………………
Naglakad na kami para tumawid sa overpass. Ang dami-daming lalaki. Mga student ng AIMS. Puro santol (bukol) everywhere. At mga lumalaban sa ngitian. Hmmmm…
Anyway… basta ang daming lalaki ng gabing ‘yon. Parang gusto ko nga gumawa ng MTV ng ‘Raining Men’.
Too many men, too little time. Isa ba ‘tong sumpa???
……………………………..
Pagdating sa Wang-wang, kuha kami ng table. Ang plano namin ni Friendship ay alternate ang seating arrangement para maka-tsansing naman kami sa dalawa. Hihihi! Kaso, naupo agad ang dalawa sa square table. Kaya kami ni Friendship ang magkatabi.
Maghihipuan ba naman kami ng kaibigan ko, eh di nalusaw kami pareho. Eeeewwww!!!
Alam kong type na type ni Friendship si Hombre na ang pangalan pala ay Mike. Kaya naman sinabi ko na silang dalawa ang magtabi at kami na lang ni Jonas sa isang side.
Eh tatanggi pa ba ang bruha, syempre upo agad.
Si Friendship at Mike
Security guards pala itong dalawa. Both 25 years old at day-off nila that day. Pupunta daw dapat sila sa Batangas para maki-birthday sa kapatid ni Jonas kaya lang ay gabi na. Eh wala naman daw silang ibang gagawin kaya naisip nila na mag-ayang mag happy-happy.
Etong si Jonas ay madali palang malasing. Hindi pa namin nauubos yung beer tower ay nagiging madaldal at sweet-sweetan na. Patulan ko nga.
Halos magdikit ang aming mga labi pag nag-uusap. Amoy baby powder ang hininga ng mokong.
Todo haplos, himas at kalinga naman ako sa kanya. Kung sa mga salat lang, winnur na ang lolah nyo. Mapagparaya naman ang mokong. Pero sabi ko, ‘wag na syang uminom at lasing na sya. Kaya pa daw nya.
Eh di sige, laklak.
Si Friendship naman ay lumalabas na rin sa kanyang lungga at nakikipag-landian na ‘rin kay Mike.
May dumating na dalawang grupo ng mga vaklush at nag-occupy ng magkahiwalay na table. Yung isang group, kakilala ko ‘yung iba. Yung isa naman ay mga total strangers.
Nung minsang nag CR pala sina Mike at Jonas. Umeksena ang ilang vaklush sa dalawa. Kahit nakita pa nilang kasama namin ang dalawa, umeksena pang susulutin. Hello naman dyan? Ang mga ahas nga naman.
Basta ako confident sa ganda ko.
Eh ano naman ang panama ng mga vaklush na mukhang mga biktima ng oil spill sa isang beauty queen – ako yon at kay Friendship na equally stunning in her ‘pang-alembong’ outfit?
Syempre, hindi sila naka porma.
Ms. Chuniverse & Jonas
Nalawayan ko na kaya si Jonas sa tiyan para kontra usog.
Just in case. Just in case lang naman at nasulot nila yung dalawa, hindi ako maghahabol ‘noh! I will never stoop down to their level.
Pero ipapa-salavage ko sila!
Hihihi! Dyowk lang.
You know naman na I’m not that violent.
Ipapa facial ko lang sila ng walang steaming para sarado pa ang mga pores. Tingnan natin kung hindi mag rigodon ang white heads at black heads nila.
Anyway, ang haba-haba na ng kwento.
Ang ending, umuwi kami ng 2 am na yata at syempre kasama ang dalawang sikyung loverboy.
BIG time winner ang Friendship.
Na chorva nya ang jumbo hotdog ni Mike.
Ako ang MAJOR loser. Sa sobrang lasing, tinulugan lang ako ng gagong Jonas. Kung gaano sya ka-himbing, ganon din kahimbing ang junior nya.
Sarap lang gawing leather coin purse.
Gusto ko syang buhusan ng iced-cold water.
Well, enjoy na ‘rin kasi umuwi akong kinaiinggitan ng mga trying hard na bading.
Kinaumagahan, tinanong ako ni Jonas kung may nangyari daw ba sa amin.
Sabi ko wala.
Ows daw.
Haller? Mukha ba ‘kong nanggagamit ng mga lasing?
Tell me!!!
Ako pah!
Hindi kaya ako marunong mag take advantage sa mga lasing na lalaking gwapo na nakahubad sa kama ko at tanging brief lang ang suot.
I can’t.
I just cant!!!
Weh???
Nag-sorry naman sya at tinulugan nya daw ako. Di bale daw, marami pa naman daw opportunity.
Ganon?
‘Yan ay kung hindi ko uli makikita si Papa Tricyle driver.
Kasi effective today, tatambay na aketch sa Libertad. makita lang sya. Hahaha!
Recent Comments