Not My No. 10


The other day, Jay texted me.















Him: “Hello! Musta na Kuya?”

Me: “Hi, Ok naman. Musta rin?”

Him: “Ok lang din. May itatanong ako sayo.”

Me: “Ano ‘yon?””

Him: Paano kung sabihin ko sa ‘yo na gusto kong ulitin yung ginawa natin?”

Me: “Ganon? Bakit naman natin uulitin? Eh di ba supposed to be eh one-time lang ‘yon?”

Him: “Oo nga pero…”

Me: “Pero ano?”

Him: “Parang gusto ko kasing maulit…”

Me: “Pero mag-a-asawa ka na?”

Him: “Oo nga eh…”

Me: “Ayokong makagulo huh.”

Him: “Alam ko namang hindi ka manggugulo.”

Me: “Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”

Him: “Eh ano?”

Me: “Ayokong makagulo sa isipan mo.”

Him: “Hindi naman ah.”

Me: “Hindi naman? ‘Yan na nga ba ikinatatakot ko.”

Him: “Anong ikinatatakot mo?”

Me: “May dala akong sumpa.”

Him: “Anong sumpa?”

Me: “Isinumpa kasi ako. Ang sino mang lalaking makatikim ng alindog ko ay hindi na ako makakalimutan pa.”

Him: “Sira! Ikaw talaga Kuya. Hehehe!”

Me: “Tanungin mo ang sarili mo.”

Him: “Ano ang itatanong ko?”

Me: “Bakit mo gustong i-break yung rule na one time, last time. Epekto na ‘yan ng sumpa. Give me one good reason kung bakit mo gustong ulitin?”

Him: “Gusto ko lang.”

Me: “Not good enough. Hindi pwedeng gusto mo lang. Dapat may mas malalim na dahilan.”

Him: “Kailangan pa ba ‘yon? Eh kung sabihin kong nasarapan ako?”

Me: “Ganon? So sa tingin mo papatol na lang ako ng ganon.”

Him: “Eh ano gusto mo? Relasyon?”

Me: “Nope. Sabi ko nga ayokong makagulo.”

Him: “Ako ang naguguluhan sa ‘yo.”

Me: “Bakit ka naman naguguluhan sa kin?”

Him: “Hindi ko masakyan ang gusto mo.”

Me: “May sinabi ba akong gusto ko?”

Him: “Haaaaaayyyy! Ang labo.”

Me: “Ako pa ngayon ang malabo?”

Him: “Ayaw mo ba?”

Me: “Gusto. Pero hindi ganon kadali ‘yon. ”

Him: “‘Yun naman pala eh. Kahit sunduin kita sa Makati.”

Me: “Pagkatapos ano?”

Him: “Pagkatapos, wala na uli.”

Me: “Ganyan din yung sinabi mo no’ng una, na hindi na mauulit. Tapos heto ka ngayon.”

Him: “Kuya, nalilibugan lang ako. Wala akong ibang purpose.”

Me: “Hindi ako anti-fungal na pang-alis kati.”

Him: “Oist, hindi naman ganon yung ibig kong sabihin.”

Me: “Eh ano?”

Him: “Wala naman akong ibang kakilala. Saka ikaw lang mapagkakatiwalaan ko.”

Me: “Eh bakit hindi ‘don sa dyowa mo?”

Him: “Would you believe, wala pang nangyayari sa amin?”

Me: “Ganon?”

Him: “Yup. Traditional sya. Gusto nya virgin syang haharap sa altar.”

Me: “What about me?”

Him: “Anong what about you?”

Me: “Eh paano kung sabihin kong ayoko.”

Him: “Hmmm…. Ok lang. Hindi naman kita mapipilit. Pero sad ako.”

Me: “Sad ka kasi hindi ko napagbigyan ‘yang gusto mo.”

Him: “Sad ako kasi tinanggihan mo ako.”

Me: “I don’t want to compromise our friendship.”

Him: “Were far beyond friends Kuya.”

Me: “But were not lovers.”

Him: “Do you want us to be?”


Hindi ako nakasagot. Tumahimik lang ako.


Him: “Kuya are you still there?”

Me: “Yes…”

Him: “Hindi mo sinagot yung tanong ko.”

Me: “You already know the answer. You know we cannot be.”

Him: “Why not?”

Me: “Hello? Bangag ka ba?”

Him: “Kasi mag-a-asawa na ko?”

Me: “Exactly!”

Him: “What if I propose na maging lovers tayo?”

Me: “I will say no.”

Him: “Hindi mo talaga ako mahal. Never kang na-in love sa ‘kin.”

Me: “I love you pero hindi ganoong level. Masisira lang friendship natin dahil dyan sa iniisip mo.”

Him: “ Ayokong mangyari ulit ‘yon - yung nagkahiwalay tayo.”

Me: “Then let’s just be friends. Let’s keep it that way.”

Him: “Hmmmm… sige na nga. Hehehe!”

Me: “Good. =)”

Him: “Love you Kuya.”

Me: “Love you too.”

Him: “Haisst! Mariang palad na naman.”


Definitely, Jay is not my No. 10.





posted under |

26 comments:

Yj said...

crown para sayo teh... ang tibay mo lang sa ngalan ng tukso!

P I L Y O said...

WINNER KA TALAGA TEH!!!

Miss Universe ka talaga sa ganda, sa talino at ngayon....... sa character!

Kinabog mo dito si Papa Solts.

marhk said...

Teh to be frank super like ko sya dpat ganyan sex lang walang personalan pero at the end of the day good and close friend pa rin kayo!! lolz

Ms. Chuniverse said...

@YJ... hahaha! siguro gusto ko lang ilagay sa tamang perspective ang relationship ko with Jay. I know he can never be mine, paano kung ma-inlove ako divah?

@Pilyo... Thanks. Oo, minsan utak ang ginagamit ko. Pero minsan lang yon, madalas puson. Hahaha!

@Marhk... Though sometimes i can't help na ma-inlove. Isa sa mga weakness ko 'yan. Dalaginding pa kasi. hahaha!

shenanigans said...

infairness natiis mo yun kasi kung ako hindi ko tatanggihan yun...


astig tong post na toh isa lang sinasabi

"im not a virgin but not a whore either.."

hahahaha! lol

ʎonqʎʇıɔ said...

gusto ko yang sumpang yan! haha my friend claims to be a fortuneteller. once matikman daw siya, isa lang mangyayari sa future. babalik sila. lol

Me: “But were not lovers.”
Him: “Do you want us to be?”
Hindi ako nakasagot. Tumahimik lang ako.


♪♫ I'd never want to see you unhappy. I thought you'd want the same for me. ♫♪

Wala lang parang ang sarap gawan ng soundtrack.

Marcus:) said...

HAyee...


now na lang ulit ako nakahop sa blog mo..I so so like this..keep it posted...:)

Ms. Chuniverse said...

@Shenanigans... Na-sapol mo ditse!

@Citibuoy... Sige, isasalin ko sayo ang sumpa. Shimina Chaka Komini Rumba! Ayan, nasa 'yo na. hehehe! =)

@Marcus... salamat sa pagbalik. masyado kang busy. hehehe

Eternal Wanderer... said...

madame chuni, sasabihin ko sana, ikaw na si alice dixon sa my other woman.

but no, na-realize ko na isa ka talagang kagandahan na venus raj!

ikaw na!!!

shenanigans said...

hoy bakla! anung ditse? tita ba meaning nun?

bakita tita?! lol

Ms. Chuniverse said...

@Ternie... parang mas maganda si Alice Dixon. Hahaha!

@Shenanigas... gagah! ditse is kapatid na babae. hahaha!

Mu[g]en said...

Di baaaaaaaa!! Akoý tao lang na nadadarang at natutukso rin!

Lol

shenanigans said...

ahhh.. kala ko kasi tita sabi kasi nung friend ko tita daw... haha!

hoooong swit mo nomon atsi! lol

wala ka ba cbox?

Ms. Chuniverse said...

@Mugen... ika'y tao, ako'y DYOSA. choz!


@Shenanigans... *beso* wala akong cbox, nilagyan ko dati kaya lang mga buraot yung nag-post kaya tinanggal ko na lang. =)

shenanigans said...

bakit buraot atsi?

john chen hui long said...

i read this post aloud; it has tantric appeal. puedeng audition piece for two actors. loving it!

Anonymous said...

kung ayaw mo, pwedeng ipasa mo saken. pakisabi sa kanya, mapagkakatiwalaan din ako.

sa conversation nyo parang ini-imagine ko kaboses nya si Junakis.

sige na teh, pahiram....

Ruben

Luis said...

ang galing galing mo naman talaga ms. chu chu.. ang husay mo ng mag sulat ang ganda pa ng pananaw mo sa buhay.. isang kang huwarang darna.. hehehehe..

Nimmy said...

hahahah! bunsong bunso ung last reply ni bagets! hahahaha :)

ikaw na ang unforgettable! uiituro mo sa akin ang secret/ hehehe. chos!

orally said...

shet nanliit naman ako sa control mo. hindi puso at puson ang ginamit. bravura teh. you're the queen.

*buti na lang di ka prepaid*

Mac Callister said...

ayaw masira friendship e may nangyari na pala before!!!!!!!!!!!!!

ikaw naman sana pumayag ka na magkamutan kayo ng kati nyo LOL!

Ms. Chuniverse said...

@John... hahaha! pwede ba musical?

@Ruben... Sino si Junakis? Junakis mo?

@Luis.... Sandali, iluluwa ko ang bato. =)

@Nimmy... Hindi mo na kailangan. Sapat na ang 'yong kagandahan. =)

@Orally.... Umiral lang siguro ang pride (chicken). Napi feel ko kasing baka ma-inlove sya sa 'kin ulit at ako pa ang makagulo sa maayos na nyang buhay. choz!

@Mac... read my response to Orally. Ditse, pahiram ng roses. Feel kong mag-pose ng ganyan. =)

kaloy said...

my korona ka na - hetong glitter studded na sash at diamond encrusted na scepter... bongga lang ang pagpipigil sa tukso! hehehe... good read.:)

mark said...

ang ganda naman ng batuhan ng mga linya. parang movie lang. ingat with your sumpa, baka makatisod ka ng stalker type. scary.

Ms. Chuniverse said...

@Kaloy... i'm accepting. hahaha!

@Mark... Oo nga noh? di bale, hindi ko patitikimin ng alindog. =)

Lawrence said...

super backread ako this weekend ng blog posts mo!

#GoodVibes tlaga blog mo Miss Chuni!

Mukhang matsalap si Jay mo (based sa pic). It takes a lot of character to refuse, nanghihinayang tuloy ako hahaha.

Keep it up!

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse
There was an error in this gadget

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

There was an error in this gadget

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments