Ang Iyong Kapalaran


Welcome to SYZYGY!


Horoscope na totoo, astrologing totoo.


Narito po ang sinasabi ng Sun, Moon and Stars at ang kinalaman sa inyong buhay, kapalaran at swerte.
















Ang Astro weather vibes ngayong araw na ito... may kalungkutan ang sangkavaklaan dahil sa pag -iskemberlu ng Jupiter sa planetang Neptune. Pero keri lang yan mga beauties dahil may chorvahang magaganap sa pagpasok ng Mars sa Uranus.



Pisces

Ikaw ay mahiyain pero romantic. Gusto mong sinasabihan ng "i love you" habang nagdo-do. But you must understand na hindi nya ito magagawa kung puno ang kanyang bunganga.

Alalahanin mo 'rin, na hindi lahat ng isinusubo ay iniluluwa. Matututo kang ngumuya. Dahil hindi sa lahat ng oras ay puro biyaya. Magtipid sa gastusin at simulan ang pag-impok. Para pag ika’y nagipit may perang madudukot. Dahil hindi lang ut*n ang pwedeng dukutin.

Iwasan ang pagkain ng mga ma-a-anghang specially kung bottom ka.

Your Lucky numbers are 23 at 4 and your Lucky Color is Ecru.



Aries

Ayon sa mga planeta at asteroids ikaw ay su-swertihin. May sorpresang darating sa ‘yo ngayong weekend.

May pagka adventurous at energetic ka. Pero iwasan mo na ang pag-sakay-sakay sa hulihang bahagi ng MRT lalo na kung rush hour. Alam mo at alam ko kung ano ‘yang adventure mo na ‘yan. Ibinulong sa akin ng mga bituin.

Makuntento kung ano ang meron ka. Kung kapos man sa ganda, isipin mo na lang ang ibang biyayang ipinagkaloob sa ‘yo gaya ng - at least normal ka, at walang masyadong birth defects.

Bukas may isang taong pag-u-ukulan mo ng ngiti. Again, hindi ito magaganap sa MRT.

Your Lucky Numbers are 6 at 9 and your Lucky Color is Mother of Pearl.



Taurus

Kadalasan, nagdadalawang isip kang mag-take ng risk. Remember, wala kang matres. At dahil dyan tinatanggap mo na lang kung ano ang meron ka even if you deserve so much more.Likas kang tahimik na tao. Simple. Kahit sa sex, tinitipid mo ang ahhhhh at ohhhhh kahit pa walang bayad ito.

Sometimes may pagka-tenacious ka. Ano ang tenacious? I-Google mo.Astrologer ako at hindi Merriam Webster. ‘Pag may goal ka, na-a-achieve mo naman sa sarili mong paraan.

Para sa ‘yong kalusugan, hayaan mo munang gumaling ang tonsillitis bago i-subject for further irritations. If symptoms persists, consult na your doctor.

Your Lucky numbers are 7 at 21 and your Lucky Color is Periwinkle.



Gemini

May pagka-split personality ka. Hindi ko naman sinasabing baliw ka.Ikaw ay laging curious, madaldal at versatile – pwedeng top, pwedeng bottom. Kung sasabihin mong strictly top ka lang, well, you’re in denial.

Dahil sa iyong personalidad, hindi lahat ay nakakaunawa sa iyo. Basta isipin mo na lang kiber lang kung di ka nila nauunawaan. At least you and yourself understand each other.

Iwasang kausapin masyado ang sarili, para hindi magkaroon ng misunderstanding.

Your Lucky numbers are 13 at 234,432 and your Lucky Color is two-toned Red & Violet.



Cancer

Iyan ang aking zodiac sign. Pero as a professional astrologer, i won't be bias sa horoscope ko.

Ikaw ay may pagka-sensitive pero minor na minor lang at nasa lugar. Sobrang minor that a prospective lover can surely let it pass dahil mas marami kang good traits.

Mabait ka. Super! Very creative ka, nag-e-excel sa larangang gusto mo at very loyal na friend.

Masarap kang mag-mahal. Romantic at you will go beyond what is necessary para sa taong mahal mo. Kaya ang sarap-sarap mo lang mahalin.

At ang taong minamahal mo ay mamahalin mo ng buong puso. Kaya dapat ka nilang mahalin.

Again, dapat ka nilang mahalin.

Your Lucky numbers are: 8 at 24 and your Lucky Color is Parisian Blue.



Leo

Ikaw ay confident, loyal at ambisyosa. Not in a bad way naman. Pero may pagka dominante at vain ka rin. Kailangan mo lagi ng taong mako-control at modo-dominante or else hindi kumpleto ang araw mo.Kailangan mo rin lagi ng isang taong mag-a-appreciate sa ‘yo maliban sa nanay mo. Kumbaga sa teleserye, ikaw ang character ni Rita Avila saSabel.

Bawas-bawasan ang pagka istariray. Wala kang fans club.

Your Lucky numbers are: 43 at 5 and your Lucky Color is Silver.


Virgo

Ikaw ay makatotohanan hindi nabubuhay sa mundo ng pantasya. Ikaw ay maaasahan sa maramig bagay.

Hindi ka masyadong showy na iyong emosyon. At wala kang paki kung single ka man.

Isa sa mga katangi-tanging katangian mo ay ang pagkakaroon ng iang analytical mind. Pinag-aaralan mong mabuti ang mga bagay-bagay bago pasukin ito. May mataas ka ring ala-ala at hindi basta-basta marunong makalimot kaya mahirap kang utangan.

Sa iyong kalusugan, ingatan ang masyadong pag-i-isip dahil hindi ka rin nya masyadong iniisip.

Ang iyong lucky numbers are 6 at 29 at ang iyong lucky color ay Pink.





Libra

Pasensya na kung ikaw ay nalimutan. Dahil sa lahat ng zodiac sign, ikaw lang ang inanimate o walang buhay. I’m not saying na wala kang kalatoy-latoy. cHoz lang.

Ikaw ay patas sa pagtimbang ng opinion ng mga taong may hindi pagkaka-unawaan. Sensitive ka to the needs of the others. Hindi baleng hindi ka makaraos basta happy sila.

Pero may pagka self-righteous ka rin. Mas matimbang ng hindi hamak sa iyo ang sarili mong opinion at pananaw.

May pagsubok kang kakaharapin at syang hahamon sa iyong kakayahan. Alalahanin mong hindi kinakailangang lunukin – ang pride para tanggapin ang katotohanan.

Sa iyong kalusugan, iwasan ang pagpupuyat. Nangangalumata ka na.

Your lucky numbers are 16 and 9 and your lucky color is Green.



Scorpio

Ikaw ay very passionate, resourceful at dynamic. At lahat ito ay nai-a-apply mo ng sabay-sabay sa kama. Ang swerte lang ng partner mo, pero nakakapagod din ang iyong energy.

Iwasan ang madalas na pag-kambyo at pag-kamot ng maselang bahagi lalo na kung nakapila ka sa ATM machine– walang baong sanitizer ang nasa likod mo. Konting finesse.

Matutupad this weekend ang isang inaasam na pangyayari. Ang lalaking iyong pinakamimithi at pantasya ay magtatapat sa iyo.

At gaya mo- isa rin syang bottom.

Hindi bale, top ang kuya nya - hindi nga lang ka-gwapuhan at may koleksyon ng warts.

Your Lucky numbers are 21 at 1 and your Lucky color is Old Rose.



Sagittarius

You are an honest and a very optimistic person. Naniniwala kang ang ginamit na condom ay half-full instead na half-empty.

Maniwala ka, gagaling ang isang pusong sawi at u-usbong ang isang bagong pag-ibig basta ‘wag ka lang choosy. Ang mahalaga, may mga mata, ilong at bibig. Ok lang kahit isa ang tenga.

Bawasan ang pagka-straightforward o taklesa. Kung nakita mo ng pangit, ‘wag ng i-verbalize. Mukha nya 'yon kaya alam nya na 'yon. No need for you to rub it in.

And sometimes uli may pagka-irresponsible ka.

But you must focus on your good traits like… ahh… ahmmmmm…. your lucky numbers are 7 and 26 and your lucky color is Royal Blue.



Capricorn

You are practical and prudent. Pero may pagka pessimistic ka naman. Kabaligtaran ni Sagittarius. May pagka OC. Gusto mo ng responsibilidad pero ayaw mo ng napi-pressure. Kaya naman pag tinatanong ka ng mga kamag-anak mo kung kailan ka mag-a-asawa, eh haos ma-utal ka.

‘Wag padadala sa mga pressure-pressure. Alalahanin mong ang puwet mo ang mapupunit at hindi kanya.

Your lucky numbers are 9 and 18 and your Lucy Color is Peacock Blue.



Aquarius

You are independent and intellectual. Kahit maraming temptations, you try to live within your means. Ayaw mo ng mga away-away at ano mang uri ng violence. Sometimes naman ay nagiging unemotional ka na sa mga nangyayari sa paligid mo. Napagkakamalan ka tuloy manhid. Well, may sense of truth naman don.

Subukan mo namang lumabas sa hawla mo minsan at gawin ang mga bagay na hindi normal sa ‘yo – gaya ng ikaw naman ang gumastos sa isang date.

Your Lucky Numbers are 2 and 12 and your Lucky Color is este are pala ay lahat ng kulay sa rainbow. Oh devah how colorful.



Ito po ang inyong lingkod, Zenaida Zeva Zaturnah ang nagsasabing...


Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Mayroon tayong free will, gamitin natin ito. Magbabalik pooooow ang Umagang Kay Gandah.


posted under , |

32 comments:

Jpy Dee said...

yey!!! kahit dinagdagan ang sign, Cancer pa rin ang pipiliin ko (dapat Gemini na ako eh). Salamat Ms. Chuni. haha

Eternal Wanderer... said...

madame chuni, how very madame auring ka na!

nOx said...

ay puro pechay! ano ba yan. nakakasira ng araw. hahahaha!

pisces ako teh. mejo tama ang hula mo. haha :))

Anonymous said...

gemini rules! hahaha. ang simple naman nung akin. wala man lang firework?!

ms.chuni, may kulang sa iyong SYZGY. asan, o asan si LIBRA?!

...ayaw ng lola Zenaida Zeva mo ng ganyan. wahahaha.

-number_yuan

Anonymous said...

ayun na pala ang Libra. nauna. mali ang placement. :))

-number_yuan

Ewan said...

magkabirthday kaya tau teh chuni???? :)

ang sure ko mas una kang pinanganak sakin! choz

Ewan said...

at in fairness ang ang ganda ng entry na to... more daily horoscope to come...

Mac Callister said...

taurus ako pero di ako simple hahaha!

Anonymous said...

miss chuni cancer din ako pero parang ang bias mo ata dun sa zodiac sign hahahaha

Ms. Chuniverse said...

@Jpy... hehehe. hindi tuloy ang dagdag zodiac. ksp lang ang zodiac na yon.


@Ternie... hahaha!


@Nox... alin ang tama? ang pagkain ng maa-anghang? hehehe.

Ms. Chuniverse said...

@Yuan... Gemini ka pala. Now i know. Hahaha! choz.


@Ewan... Kung magka-birthday tayo, isahog mo na lang ako sa handa. choz.


@Mac.... baka nagkamali ng sulat sa birthday mo sa Birth certificate. hahaha!


@Anonymous... of course not. hindi ako bias. hahaha!

nOx said...

hoy hindi ako bottom! shet. hahaha!

Seriously Funny said...

I love it! Very entertaining talaga ang mga entries mo!

caloy said...

goodd job! akong-ako! LOL

You are independent and intellectual. Kahit maraming temptations, you try to live within your means. Ayaw mo ng mga away-away at ano mang uri ng violence. Sometimes naman ay nagiging unemotional ka na sa mga nangyayari sa paligid mo. Napagkakamalan ka tuloy manhid. Well, may sense of truth naman don.

Ms. Chuniverse said...

@Nox... bata ka pa. magbabago pa ang iyong pananaw. hahaha!



@Seriously Funny... Salamat. Maliban sa panghuhula, tumatanggap din ako ng labada at typing jobs. choz.


@Caloy... Hahaha! Hmmmm... =)

nOx said...

NEVER!!!!! hahahaha!

shenanigans said...

nag enjoy ako sa mga pics...

infairness medyo totoo yung sa scorpio

scorpio kasi ako eh.. haha!

Yj said...

:)) ayan napangiti na ako....

hindi daw bias sa sign niya... TSE! ahahaha

Ms. Chuniverse said...

@Nox... Never say NEVER! Hahaha!


@Shenanigans.... ah, kaya pala. choz! hahaha!


@YJ.... oo naman. hahaha!

robbiethree said...

thanks sa cancer,,
nangyayare talaga sakin yun,
kaya pala nkk relate ako sayu magka sign tayo

Ako si Diosa said...

Ms Chuni, tama yung naging basa mo sa attitude ng isang diosa lalo na sa pagiging self-righteous. Kailangan ito.

Ngunit ako'y humihingi ng iyong pang unawa na hindi kita pwedeng kuning manghuhula sapagkat meron na kaming Oracle of Delphi.

Don't worry pag bakante ang posisyon i will recommend you.

Nimmy said...

bet na bet ko ung para sa capricorn! hehehe

google ko nga nag peacock blue na yan! hehehe

Ms. Chuniverse said...

@Robbiethree... ganon, pareho pala tayong... magandah. choz.


@Diosa.... Hahaha! Daily ako kung magpalit ng career eh. Food stylist kahapon, Astrologer ngayon, bukas Photographer naman.


@Nimmy... nakalimutan kong idagdag sa horoscope mo.... mag-ingat, masyado kang layas. hahaha! enjoy, enjoy!

Désolé Boy said...

apir Miss Chuni!!!
(ayy beso na lang pala)
.
.
Cancer din ako!
Hehe

candy said...

ang taray ng cancer - talagang dapat mahalin! sushal! btw, thanks for the advise titigilan ko na ang pagkain ng maanghang dahil botomesa akens! hahaha...

pongpong pagong said...

npaka leo ko pala, hahah pero di naman ako ganun ka dominante baet ko kaya hahaha ^_^

saya saya talga magbasa ng enrty mo po ms.chuni :D

sivrej said...

wow ang ganda nman ng horoscope ko!

virgo ako! virgin na virgin! chos!

Ronnie said...

Anteh, tugmang-tugma yung Capricorn sakin. Ikaw na ang tatapos sa career ni Zenaida Seva at Madam Auring haha.

Ms. Chuniverse said...

@Desole Boy.... *beso* *mwah*. =)


@Candy.... Uhaw na uhaw na sa pagmamahal. hahaha!


@Pongpong..... Hehehe. Thanks.

Ms. Chuniverse said...

@Sivrej..... virgin na virgin? hahaha! o sige, sabihin mo yan sa sun, moon and stars. hahaha!


@Ronnie.... Silang dalawa ang consultants ko. Hahahaha!

cheverlyn echos said...

waging wagi ka talagah teh! ahm yer numbah one fanz cheverlyn echos (shevurrlin etchowz) hihihihihihi

Seriously Funny said...

@ Ms Chuni, nagma-manicure at pedicure ka din? Home service? Hahaha!

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse
There was an error in this gadget

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

There was an error in this gadget

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments