Hapdi sa Tag-Araw


Hindi 'to ST.


Isang pagbabalik tanaw sa nakaraan.


Summer noon. Bakasyon sa klase.


Ina-abangan ko ang pangunguha at paglalaro ng gagamba sa aming probinsya...



















Onse pa lang ako.


Ito ang panahon at edad na akin ding kinatatakutan.


Sapagkat magaganap ang isang ritwal...


Ang ritwal na pag-aalay sa altar ng mga batang kalalakihan.


Na kung tawagin din ay ang ritwal ng pukpukan...

.................................


Itinakda ang petsa.


Isang linggo bago ang Mahal na Araw.


Sa burol na malapit sa ilog ang pagda-dausan.


Alas-sais ng umaga.


Walo kami.


Nakapila sa isang tila prusisyon ng pag-aalay.


Ako, si Dindo, ang pinsan kong si Leo si Pancho at ilan pang kabataang lalaki.


Lahat kami ay inutusang ngumuya ng usbong ng bayabas....


Kinakabahan, pinagpapawisan.... namumutla.


Mayabang si Dindo. Wala daw 'yon. Kayang-kaya daw nya.


Pero ng tawagin na sya ni Mang Berto, gusto ni Dindo ay mauna na daw kami.


Amfootah. Itinulak ko nga. Ambaan ba naman ako ng sapak.


Hindi ko makita ang nagaganap. Napapaligiran kasi ng tumpok ng mga nakakatandang kalalakihan ang altar.


Naiinis ako. Bakit kasi maraming tao.


Tila mo isang palabas na inaabangan ang seremonyas.


Pero napalitan muli ng takot at kaba ang inis ng madinig ko ang malakas na sigaw ni Dindo.


"Arrraaaaaayyyyyyy!!!!!!!!!"


Puta! Parang ayoko na.


Gusto kong umatras.


Pero kahihiyan ko ang nakataya. Ayokong maging paksa ng kwentuhan sa tindahan ni Aling Maria.


Kaya ng tawagin na ako... napalunok ako. Kasama sa paglunok ang dahon ng bayabas na aking nginunguya.


Puta talaga.


Kaya muli akong pumangos ng dahon habang naglalakad papunta sa altar.



Kulang na lang ay hilahin ko ang aking mga paa.


Nakangisi ang mga lalaking nakapaligid. Tila pinagtatawanan nila ang mapait kong sitwasyon.


Ang sarap lang nilang sapakin.


Sinenyasan ako ni Mang Berto na pumwesto...


Lumuhod ako...


"Idura mo dito ang bayabas 'pag sinabi ko."


Tumango lang ako.


Hinasa ang labaha...


Tila kuminang pa ang talim nito ng tamaan ng araw.


Napa-pikit ako.



















At hinintay ang karima-rimarim na pag-tapyas...


Naramdaman ko ang malamig na pagdampi ng metal sa aking balat.


Kasabay ng isang pukpok....


Gumuhit ang isang hindi maipaliwanag na sakit....


...ang hapdi.....


...ang kirot!


napamulat ang aking mga mata...


at nakita ko ang pagdanak ng dugo.


ang dami.... pulang-pula...


Nagsalita si Mang Berto, "DURA! I-dura mo na!"


Subalit umikot ang aking mundo. Nahilo ako at dumilim ang paligid...


Nawalan ako ng malay...


At sa muling pagmulat ng aking mga mata. Muling nanumbalik ang ala-ala.


Dagli kong tiningnan ang suot kong palda ni ate....


May dugo!!!


Noon ko napagtanto......


...nire-regla na ako.














posted under |

40 comments:

Kiks said...

at nagdalaga ka sa panahon ng kwaresma.

nOx said...

ay naglaro din ako ng gagamba nung bata aketch. mas rare ang gagamba, mas sikat ka.

at hindi ko kinaya ang second pic. nagdadasal si tutuy sa kalangitan. hahahaha! :))

Seriously Funny said...

Hahaha!!!

Wala pa akong muwang nang aking maranasan ang ritwal na ito. Sanggol pa lamang ako nang ako'y matapiyasan. Hihihi!

Ms. Chuniverse said...

@Kiks... Oo, at ako ay namulat sa pakinabang ng panty liner na may wings. =)


@Nox... Hahaha! at ano kaya ang dindasal nya? Kainis yung mga miron noh? hahaha!



@Seriously Funny... ows? di nga? patingin nga. hehehe

Anonymous said...

hahahaha.... natawa ako dun ahhhh
wala na sa amin yung ritual na ganun.... kasi sa doctor na nagpapa ano...

Desperate Houseboy said...

ikaw na ang dalaga mama chu. mwah

Mu[g]en said...

Taena! Ang ganda ng twist sa huli ah! Hahaha.

Mu[g]en said...

Amp! Ang cute nung binatangang naglalaro ng gagamba, I mean yung mga gagamba. hindi yung binata.

Jpy Dee said...

bwahahahaha. jusko buti panaginip lang at ang akalang pagtuli eh regla pala talaga sa tunay na buhay. buti na lang at babae ka ms chuni. hahahaha.

naalala ko din nung tinuli ako... LOL

Ms. Chuniverse said...

@Anonymous... aliw sa pukpok. try mo. hehehe.


@Houseboy... Oo, masaya ang ala-ala ng pagka-dalagita ko. hihihi!


@Mugen... Ows, gagamba ba talaga? Hahaha!


@Jepoy... OO, buti na lang panaginip lang. Ano naman ang tutuliin sa 'kin devah? hahaha!

jc said...

sabi yung iba tumatalon pa sa ilog pagtapos hahah! buti na lang, sa mga malalambot na kamay ni doc nakutingting si jun jun. ahihihi!

Mr. G said...

panalo sa punchline sa ending...."..nire-regla na ako." hahaha!

Ms. Chuniverse said...

@JC... oo, may jump over the river pang drama yon. hahaha!


@Mr. G.... Hehehe. =)

Seriously Funny said...

Ms Chuni, private viewing ba ito? To see is to believe? Hahaha!

Jedd said...

hutaena regla?! HAHAHAHAHA!

Ms. Chuniverse said...

@Seriously Funny... e-mail mo na lang ang pics at vids. hahaha!


@Jedd.... Oo, buwanang dalaw.... tagos.... regla. =)

~Carrie~ said...

Nakakalokang tulian. Daming spectators. LOL

Anonymous said...

ms. chuni you never failed to amazed me...
such a talent you had...
you're one of the few bloggers that i always look forward to...

regards,

xracerboi...

Ms. Chuniverse said...

@Caridad... ganyan sa province 'pag summer. hahaha.


@Xracerboi... Thank you. pang-alis stress ang blogging na itetch. hihihi.

c - e - i - b - o - h said...

regla tlga noh?? dalaginding ka na nun!! ahahaha

Ms. Chuniverse said...

@Ceiboh.... hahaha! regla talaga tawag sa probinsya non eh. hindi pa uso ang discreet na menstruation chuva. =)

astroboi said...

hahaha!galing mo tlga miss chuni!binalik mo ang alala nung una din akong gumamit ng whisper..bawahaha!

teka cr lang ako magpapalit lang ako puno na ata choz!

Ms. Chuniverse said...

@Astroboi... mag-upgrade ka na. Try mo ang adult diapers. hihihi!

AC/DC said...

ayos ka talaga ms. chuniverse. ahahaha. di pa ba uso sa panahon mo ang pasador?

Mac Callister said...

hahah!niregla pala!

natawa ako sa picture buti may nakunan ka niyan ganyan pic!thanks for this funny post!

astroboi said...

oo miss chuni di kinaya nung pang overnight na modess..hahaha malakas ang tagas! (parang gripo lang hahaha)

pongpong pagong said...

at panalo ang huling pucnchline,
nwala stress ko :),thnx miss chuni heheh :D

Ms. Chuniverse said...

@AC/DC.... eh first time ko ngang reglahin non. hihihi.


@Mac.... Oo, ano akala mo, tinuli ako? Ano naman ang tutuliin sa akin? Clitoris? char.


@Astroboi... Hahaha. isa kang bampira.


@Pongpong.... Ur welcome. Beauty rest na rin aketch. =)

Nishiboy said...

nagpatuli ako noon dahil sa peer pressure. at ayokong matawag na bakla. pero as you can see...

Yj said...

beautiful Miss Chuni...

beautiful!

candy said...

fucklalu! ahahahahaha.... gagah ka ms chuni. napatawa talaga ako ng malakas. hahaha..

aru said...

nagnapkin ka nun teh??? or tampoon man lang???

Sean said...

omg! sobra akong natawa dito ms. chuni. ingat ka dahil pwede ka nang mabuntis. baka bawian ka ni mrs. araneta ng korona.

orally said...

Ahahahaha. For some reason Tatarin came to mind. Ikaw na si Ms Summer Solstice.

Ok lang ba kung si Houseboylet mo ay di tuli?

Ms. Chuniverse said...

@Nishiboy.... kaya sa susunod, 'wag kang magpapadala sa pressure. tandaan mo, katawan mo yan. choz.


@YJ... sing=gandah mo lang teh. hihihi! mwah. =)


@Candy... siguro nangyari din sa 'yo noh? char.

Ms. Chuniverse said...

@Aru... oo, home-made napkin. hihihi!


@Sean.... Oo nga eh. hindi na ko masyadong nagpapa chorva nowadays. =)


@Orally... ay gusto ko tuli si Houseboy-let. Hihihi! Ako na magpapatuli sa kanya kung hindi pa sya tuli. Ipapa-german cut ko. =)

john chen hui long said...

lol! i dreaded this as a boy and then i was told that it's fine for the chinese to be 'supot'. little did i know that there's a huge market for uncuts. winning!

willy said...

ang galing puno ng simileys and methamorphesis ang kwents mo...zobbbbeerrr....zalodo mi zayooo./...salamat chorvah...

Anonymous said...

Ms. Chuni, am a long time reader and follower of your blog. Naaliw po ako ng husto doon sa pic na nag sasapote ng spidermen, kaya kahit wala po po kayong pahintulot, eh I grabbed it. Patawad po sa aking kapangahasan at maraming salamat in anticipation of your positive response... :-P

MARIELLE said...

gondo! wenner ang dulobells.

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse
There was an error in this gadget

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

There was an error in this gadget

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments