Adios Camiguin, Hellow (Again) CDO!
*****
Dahil na-frustrate ang mga bekis, nag-decide kami na lisanin na ang isla the following day.
Babalik na lang kami ng CDO.
Pero instead na sumakay ng Ocean Jet which will bring us direct to CDO, nag Super Shuttle Ferry na lang kami from Benoni Pier to Balinguan Pier (P170.00)
But the Super Shuttle Ferry is sooo super bagal pala.
Kalokah.
Kaya habang nililipad ng hangin ang soft and silky hair ko, I said "Sayonara" to the Island made of fire...
Heniwey, kahit mabagal, narating din namin naman namin ang Balinguan Pier bago pa ako mag-18 at maging ganap na dalaga.
Ang baklitang JR, akala namin ay kasunod namin ng bumaba kami ni Raki.
Pero nakababa na ang lahat ng pasahero, wala pa rin! Napansin namin ni Raki na tinatanggal na yung rope nung ferry. Hamfutah! Nasaan ang bakla???!!!
Sinabihan namin yung mga mama na may baklang naiwan sa ferry!
Ayaw nilang maniwala. Tuloy tuloy pa rin sila sa pagkalas ng lubid.
At yun na nga, biglang may nagmamadaling bruha na makababa ng ferry!
Si JR!
Ayun, naniwala na ang mga koyang nagkakalas ng rope na may bakla ngang naiwan sa bangka.
Amfutang JR, hindi man lang namalayan na sha na lang ang pasahero sa loob!
Grindr kasi ng Grindr!
Eh ang nearest boylet na nakita nya sa Grindr ay two mountains and seven seas ang distance! Hay, basta kalandian.
So ayun, nag-catwalk na kami para habulin yung bus na maghahatid sa amin sa CDO...
Honglalaki ng saging!!! Gusto ko sanang bumili kaya lang ayaw bitbitin ni JR at Raki. Isubo ko daw mag-isa so kebs na lang. Catwalk uli.
Pagdating sa terminal, may commotion factor na.
Putsa, punuan na.
At walang aircon bus! Two hours daw ang byahe!
So, katabi ng mga buhay na manok, mga gulay at saging, nagsumiksik na kami. Buti na lang kahit paano ay nakaupo pa rin kami.
Yung iba, ayun standing ovation na.
Anyway, may some kinda pretty sight rin naman...
Hellow there Misamis Oriental Boylets!
Uy, at nag-flex pa si Koya! Hihihi!
Immediately ay nag-suggest ako na tumayo na lang si JR at Raki para makaupo ang dalawang boylets sa aking tabi.
Pero napansin ko ang masamang tingin ng dalawa kaya sabi ko...
Me: "Yun naman eh kung feel nyo lang."
Mas feel daw nilang i-murder akez.
So end of the discussion na.
Halfway through the byahe, napi-feel kong kinakalyo na ang pwet ko. Hindi kasi mashadong malambot yung upuan. Parang wala ngang kutson.
And then biglang huminto ang bus.
Akala ko nagbababa lang ng pasahero.
Pero 10 minutes na hindi pa rin uma-andar.
After 15 minutes, nalaman ko ang dahilan.
Flat tire.
Kung may dala lang akong blade, naglaslas na ako ng pulso.
At nag-volunteer naman sina JR at Raki na maghahanap ng blade.
Haller. Para ano? Para mapunta sa kanila ang crown? Nevah!
After almost 3 hours, narating din namin ang CDO.
Sumakay kami ng jeep na maghahatid sa amin sa hotel.
May lumapit sa aking matandang babae sa loob ng jeep.
Siguro mga 2 years older sya kay Raki at JR.
Nagsalita sha sa akin.
Matandang Babae: "Hija, ang ganda ng camera mo, sing-gandah mo. Itago mo 'yan. Maraming magnanakaw at manloloko dito."
At parang premonition, isang pangyayari ang naganap ng gabing iyon.
....to be continued.
28 comments:
what happened sa cumera? nawala? pano na mga pics ng boylets?
siguro naman hindi nawala ang camera mo kasi nai-post mo pa lahat ng pictures mo dito eh! hehe!! hope nothing bad happened to you... hada hada na lang sana! :D
may suspense factor pa talaga ha! hahahaha! parang mga telenovela lang XP
@Anon... Hahaha! Basta. :)
@Jeni.... Tama ang analogy mo. Pero something bad happened nga. :)
@Gaspard.... Uu, kailangan talaga ng suspense. Dyan ako mahilig eh. Sa mga suspense-suspense. hahaha! Chos! :)
Detalyado!
Detalyadong nambibitin..hihi.
@Aike.... Per sa ibang bagay hindi ako nambibitin. Bulwak agad. Hahaha! Chos! :)
ay thrilling naman kung ano ang mangyayari sa susunod na kabanata
siguro may nais magnakaw ng iyong camera no?
Premonition.... ikaw maganda ka. nanakawin ang iyong puri ng mga taga-CDO!
At gagawing tosino. CHOS!
@Jenny.... Well, maraming pwedeng nakawin sa akin, pwedeng ang innocence ko devah? Hahaha! Chos! :)
@Kiks.... Pang HAM ang gandah ko 'teh! Pang HAMMMMM!!!!! Hahaha! Chos! :)
Naku, sana walang masamang nangyari sa inyo teh.
kinakabahan naman ako sa to be continued na yan,.. affected much?...,,
Marlon - Kuwait
@Caridad.... Lesson learned to ditse. :)
@Marlon... Don't worry, naka-recover na ako. :)
grabe naman to teh! lalabasan ako sa suspense.
-guaroebii
i wanna meet you, miss chuni.
http://facebook.com/johansuplado
bitin factor ah! Hehee. Don't tell me ninakaw yung cum,este cam mo pero yung memory card sinauli. Kasi may pictures ka pa ngang na-upload eh. Heniweiz, mukhang boring yata ang getaway niyo ngayon. Mukhang wala kang na chorva. Unlike papuntang hongkong, na "pekang" mo kaagad ang taxi driver. Lolz
-Been
ms chuni ha, talagang dinelete mo ung post/comment ko about Water Polo.. ayaw mong ipabasa? pinaghirapan ko pa naman yun.. hmppf! at dahil diyan, nakaisip tuloy ako ng eksena.. sabunutan nating dalawa.. yes, super-extreme and exhilarating catfight beside the pool, habang tayo ay parehong naka-bikini two-piece.. parang sina cristine reyes at anne curtis lang, pero ung sa atin, mas matinding catfight.. ung may hatakan ng bra..
@Guaroebii... Hahaha! talsik ba 'teh? Char. :)
@Unknown.... Handa ka na bang mabulag sa alindog ko? Hihihi! Chos! :)
@Been.... Sabi ko nga sa previous post, mas masarap pang magpabunot ng ngipin without anestesia. Char.
@Unknown.... Excuse me, hindi ako nagba-bra. Bakat-utong lagi ang peg ko. Char.
suspense...as if sequel ng "I Know What You Did Last Summer" CDO edition... :)Bjay
miss chuni, hindi pala bra, i mean two piece bikini nga di ba, so bakat utong talaga.. as in sumisilip-silip pa ung mga areola at utong natin habang nagsasabunutan! post ko ung buong eksena mamaya (with script and blocking)..
@BJay.... Hahaha! basta. :)
@Anon... Hindi rin ako nagbi-bikini. Char! :)
miss chuni, pls advice waterpolo-anonymous-churvahan-etc to pls stop sending his script. sa halip, mag gawa nalang siya ng sarili nyang blog at doon na mag kalat! hmmpp!
and -- thanks for "talagang dinelete mo ung post/comment ko about Water Polo.."
love,
meanbiatch2012
@Meanbiatch2012.... Hahaha! I second the motion. Case closed! Hahaha! Chos! :)
@meanbiatch2012, you're so mean! and you're such a biatch! lol
sige na nga, ayaw niyo ung waterpolo brawl idea ko.. don't worry, sinend ko na nga sa ABS-CBN yun, sila na bahala mag-story-conference at sa casting.. haha.. di ko na ipopost dito kasi di naman pala appreciated.
anyway ms chuni, sa paghahanap ko sa youtube ng waterpolo brawl, ito ang nakita ko ('Mutya episode)..
Rambulan ng mga sirenong sexy at hot sa tubig.. pinangungunahan ni alfred vargas, ahron villena, arbie silva, atbp mga hot hunks na gumanap bilang sirenong Kataw at Itim..
http://www.youtube.com/watch?v=sW3PwclrBQY (complete battle scene)
http://www.youtube.com/watch?v=U188zW2hsrk
i dare you meanbiatch2012 na wag mong panoorin ang youtube video na pinost ko, pati na rin ung mga naimiyerna sa idea kong waterpolo brawl..
lol @ the non aircon bus... ahhahahaa....
miss chuniverse.
ano bang meron ka?
at nahuhumaling ako sa alindog mo.
can't help it.
-- johan salarda
Super benta ng entry na 'to :) Looking forward to more!
@Anon.... Darling, ikaw nah ang obsessed! Hahaha! Chos! :)
@Whren.... sacrifice to the max itey. :)
@Johan... Ayyy! Ganyan talaga. Hahaha! Chos! :)
@Boyinplaid.... Salamat! Sana sipagin pa ang lolah mo. Hahah! Chos! ;)
Ninakaw ni lola yung cumera??.. Hihi!..
Post a Comment