CDO: White Water Rafting (Beki Edition)
*********************
Habang lumalafang kami sa McDo- Limketkai Mall kanya-kanyang labasan na ng mga gadgets ang 3 beki para i-avail ang Free-Wifi.
Aba, parehong naka iPhone 4 (but not so S) ang mga etchosera kong kompitisyon.
So, hindi ko na lang nilabas ang Nokia 3210 ko.
Baka kasi ma low-bat. Eh wala akong dalang charger.
Char.
********************
It was then that i realized na wala pala kaming itinerary.
Haynaku. Gudlak.
So, nag-board meeting ang tatlong baklang stakeholder at napag-planuhang dumiretso agad sa White Water Rafting.
Since November 1 'yon, Holiday nga, may kahirapang maghanap ng bukas na shop offering White Water Rafting tours.
Isa-isa naming tinawagan ang mga tour shops, gamit ang phone ko, if they can accommodate 3 bekis with extra-ordinary beauties.
Uu, phone ko ang ginamit.
Kase, kahit naka iPhone 4 ang dalawang bruha, wala naman silang load.
Eh ako, kahit Nokia 3210 lang, naka-Plan 5000 itey. Call-all-you-can.
Ang tarush devah?
At nakahanap naman kami na willing and able na i-accomodate kami - ang Pasig River Rafting Tour.
Hahaha!
Etchos lang.
Kapalit ang P700.00 each at puri ni JR, which has no value at all, ay naka-book kami para sa Basic Water Rafting sa First White Water Rafting Tours.
Sinabihan kami ng operator ng tour na dapat ay nasa shop na nila kami by 12:30 pm.
Their shop is located somewhere in DVSoria. Hodevah, pati namesung ng kalye parang Manila lang.
Eh mga 11:00 pa 'lang 'yon.
Nag-aya si JR na pumunta kami ng Gaisano Mall kase, need nyang bumili ng tsinelas, shorts at puting kamison. Wala kasing pampalit ang morena beauty sa basaang magaganap. Yung mga gamit nya, naiwan sa kafatid nya na nakatira sa far flung area ng Cagayan.
Pagdating sa Gaisano, eh napaka choosy pala nitong si JR.
Tinalo pa ang babaeng hitad sa tagal mag-shopping.
Follow lang kami ng follow ni Raki.
Imagine, bitbit pa namin ang luggage namin non ha!
Gusto ko ng i-reklamo si JR at mag-file ng formal complaint sa Customer Service ng Gaisano Mall kaso nga lang ayaw tanggapin ng Customer Service ang reklamo. Hindi daw kase nila employee si JR.
So kebs na lang.
Feel ko tuloy may mali sa sequence ng vacay na itey and i'm expecting the worse.
Akyat-baba kami sa Gaisano Mall sa pagka-choosy ni JR. Naninigas na ang leeg ko ng matapos ang JR sa shopping nya.
And then we realized na mag 12:30 na pala.
So nagmamadali kaming naghanap ng masasakyan. Eto 'yon.
Ang tawag nila sa carlalu na yan ay Motorela.
Hodevah, parang cellphone lang.
So far, maliban sa cutie guy na nag-aayos ng Christmas tree sa Gaisano mall, wala na kong nakita pang cutipie.
Pagdating namin sa First White Water Rafting Tour shop, naghihintay na pala ang jeep na magsi-service sa amin.
So, nagmamadali kaming pumasok sa shop para magbayad at pumirma ng waiver.
Oo, may waiver.
And since ang nilalaman ng waiver ay dini-disclaim ng shop ang ano mang pananagutan kung ma Luz Valdez ba namin ang virginity during the tour.... ako lang ang nag-sign ng waiver.
Kase nga, among the three, ako lang ang qualified.
Char.
I asked them if we should bring our cameras and cellphones pero we were advised not to.
Mababasa lang daw.
So we left our things sa shop, sumakay ng jeep at gorla na sa starting point.
Habang bumi-byahe, nilandi-landi ni JR ang isang tour guide, si Dennis, na slightly cute.
At dahil dyan, imbes na Basic rafting lang kami, na-convinced kaming mag elevate sa Advanced Level.
According to Dennis, ang Basic ay 15 rapids (combination of major and minor rapids) at ang Advanced naman ay 21 rapids at ihuhulog ka sa waterfalls.
Hahaha!
Etchos lang 'yung waterfalls mga 'teh.
So, ng marating namin ang venue, tinuruan muna kami kung paano mag paddle at ng ilang safety measures kung sakaling may mahulog sa inflatable raft.
Nag-usap kami ni Raki.
Pag nahulog sa raft si JR, sabay naming pupukpukin ng sagwan para hindi na maka-survive ang bruha.
Hahaha!
Chos uli.
At nagsimula na nga.
Ako at si Raki ang pina-pwesto sa unahan.
Ang punyetang JR, katabi si Dennis.
Nakikipag-landian.
Kasabay ng buhos ng ulan, nag-launch na kami.
Paksyet!!!
Ang lakas ng alon at rapids!
Tili ako ng tili!
Ayoko kasing mamatay ng virgin.
Pero after the first rapid, na-enjoy ko na sha.
Uu mga gurls, mas masarap pa sya sa blowjob. This is a must when you go to CDO.
Pramis!
After 4 hours... natapos namin ang rafting.
Yes, my dears. Ganun sha talaga katagal.
As in gabi na kami natapos.
Si JR, dalawang beses nahulog sa raft.
Uu, sya yung nahulog sa picture na 'yan.
Ako, once lang.
Sinadya ko pa.
Akala ko kasi, ima-mouth to mouth ako ni Dennis.
Frustration.
These are the actual pics. Paid an extra P250.00 for the pics.
Anyway, P1,000.00 ang paysung sa Advanced level at may kasama ng dinner at the end of the tour. Pina-lafang sa amin a 2 sticks ng pork barbecue, isang rice at softdrink. Impeyrness, masarap ang food pero bitin. Ikaw ba naman ang apat na oras sa gitna ng ilog na ganyan ang peg. Gusto ko pa sanang um-order kaso wala kaming dalang pera. Iniwan kasi namin lahat sa shop.
Doon ko na-feel ang maging isang baklang dukha.
Scary.
Chos.
Past 7 pm na kami nakabalik ng Tour shop para kunin 'yung mga gamit namin.
At kasabay ng malakas na buhos ng ulan, naghanap kami ng hotel.
Haggardo Versoza.
24 comments:
Parang travel blog! Pero may comedic twist! I love it!
PaRaNG DI kO na fEEL aNg pReSenCE ni miSs cHuNi.. hAySssstttt.......
parang nagka-interest ako dyan teh. For the meantime yayain ko muna ang mga puritang encanto sa Pagsanjan Falls with its Shooting the rapids river adventure ride. Then after that ang mga tulad kong multi-milyonaryo naman sa CDO. CHAROT!
Uy may gaybar ba dun? fantasy ko talagang makapasok sa gaybar. Tapos magsisilid ng binilog na bente pesos sa garter ng brief ng macho dancer.
- pilyo
@SF.... Thanks! :)
@Anon.... Ay, sorry naman dyan. Hahaha! Nagma-mature na kase ang lolah mo. Malapit ng mahinog. Char. :)
@Papa P.... Alam mo ba, dapat di-deretso kami ng Pagsanjan. Kaya lang useless naman kung hindi matatapat sa BANGKERO FESTIVAL kung saan ruma-rampa ang mga papables na taga-sagwan. March yata yung festival na itey.
Hindi ka nag-iisa Papa. Believe or not, hindi pa rin ako napapasok ng gaybar. Mayumi talaga akez sa personal. Hahaha. Char.
:)
Hahahaha! Kawawa naman si JR sa post na ito! :p
jusko tawa ako ng tawa sa post mo na toh!
so si JR pala un nahulog sa pic!akala ko ikaw!!!!
naku hindi ko keri yan!takot ako sa mga ganyan ilog!hahaha
Di yata feel ni Dennis si JR. Siniko nya. Chot
Loka-loka ka talaga Chuneska! This is one of your funniest posts ever at panay and tawa ko! Kulang na lang mautot ako sa katatawa!!! Hahaha!
Twice, you reiterated that you're a virgin.Pareho pala tayo, hehe.
.
.
Ba't ganun Miss Chuni, nagpapatalo ka na yata kay JR. O di mo lang type si Dennis?
hi ms Chuni, read my comment sa post mo na "Why I Love Sports.." tapos reply ka.hehe (abt waterpolo un)
anyway, slightly cutie pa ba ung Dennis para sayo?
may pagkacute si dennis
ikaw ba yung nasa likod nya teh chuni? :)
sabi ko na may itsura si dennis... ahahahh..
more!!!
teh, di talaga ako maka-get-over sa adventure nyo. Alam mo namang mahilig ako sa dagat, ilog at yang mga pasagwan-sagwan everlu. Forte ko kaya yan.
Magkano ang gastos ng per person for the entire adventure? Wag mo nang isali ang air-fare kasi i'll go for cebuPac PISO fare hahahaha. Manlilibre kasi ako. CHAROT!
- Pilyo
Nakita kita miss chuni!!! Hahahahaha! Iniisip ko pa lang na ikaw yun pero ikaw nga!! Haha! Sayang hindi ako nakapag pa autograph.
nakakatakot naman ang lakas ng alon ms. chuni. buti di ka napakapit tuko kay dennis
I love this post! Nakaka-inspire tuloy mag-CDO. Will take note of "First White Water Rafting Tours" and specifically request for "Dennis". Hahaha.
Keep blogging Miss Chuni!
~Discreet Pasigueño
ampogi naman nung dennis
Ryan
@Charles... Sa post ko lang kase nabuburaot si JR. Hahaha!
@Mac... Keri mo yan. Ganyan din yung sinabi ko nung unang chupa, pero tingnan mo, nakaya ko. hahaha! Chos!
@Bien.... I know, sa akin may gusto si Dennis. Nararamdaman ko 'teh eh. Nahihiya lang sha. Hahaha! Chos!
@Albert.... Sumabay kase ang ulan. Ganyan ang impact sa akin pag nababasa. Hihihi! ;)
@Desole Boy..... Ako na ang mapagbigay. Hahaha! Chos! :) Sya kasi ang unang nakakita. Finders keepers daw. :)
@Whren... May itsura din naman si Dennis at game na game ang mokopng sa landian. Kaya landian pa lang, nag-orgasm na akez. Uu kahit nasa gitna ng tidal wave. Hahaha! Chos. :)
@Papa P... Aktwali, kasya na ang 8K (just don't buy pasalubongs). Yan, pasok na sa jar ang budget na yan. Pag nag White Water Rafting ka, mag Extreme level ka na. Gusto ko yan. Hihihi! :)
@Ace..... Ayyyyy, sana nakapag-beso man lang tayo. Hihihihi! :)
@Sean.... Aktwali, kapit tuko ako sa inflatable na bangka. Tako akez malunod. Hahaha! :)
@Discreet Pasigueno.... Tabi-tabi lang ang mga nag-o-offer ng White Water Rafting Tours. Tip ko lang, kung gusto mo ng mas malinaw na pics, check out mo muna sample pics ng mga nag-o-offer ng WWRT. :)
@Ryan.... At game na game makipag-charotan. Hahaha. Chos! :)
ms chuni, ano ba?!! reply ka naman dun sa comment ko sa "Why I Love Sports" na article mo.. ung last comment, eto ung link o, http://misschuniverse.blogspot.com/2011/02/why-i-love-sports.html
exciting ung comment ko dun, 3 days ago lang..
@Anon.... hahaha! Kulit! Hindi pa akez nakakapanood ng Water Polo period. Pero kung may mag-invite, why not. devah? Hihihi! :)
ms chuni naman.. eh yun yung 1st and 3rd pic mo sa article na yun.. anyway, ini-imagine ko lang naman, kung gaya ng mga basketball at football na minsan ay may all-out rambulan na nagaganap - ano kaya kung mangyari yun sa isang waterpolo game kung saan ang mga players ay nasa tubig at naka-swim trunks lang.. kung yung 2 grupo ay nagkapikunan at nagbakbakan sa gitna ng pool in their swim trunks, hindi ba nakakaaliw panoorin yun? labu-labo silang halos hubad lahat, tapos buhul-buhol yung mga seksi at basang katawan nila..
hehe, kulit ko talaga no? basta anong masasabi mo sa nai-imagine ko? :)
@Anon.... Sandale, imaginin ko muna. Slow ang lolah mo. Hahaha! Chos! :)
Post a Comment