Ang Nawawalang Towel


Before di ko talaga bet tumira sa isang condo.


Not because arte lang but I find it creepy.


Lalo na yung naglalakad ka sa hallway na mag-isa lang.


Saka my first exposure kasi sa condo ay nung minsang dumalaw ako sa isang platonic friend.... oo platonic, let me clarify that, singlaki kasi ng pinggan ang fez nya kaya platonic chos.....


Haynaku, nag segway na. Platonic friend kasi lives in a condo na itago na lang natin sa pangalang Citylandia. Hahaha!


Kalerqui yang condo na yan.  May refutation daw kasi na ang mga inhabitants dyan na either kabit, fokfok o beki.  Sorry na lang sa mga readers na nakatira sa pambansang condo na yan. Hihihi.


Eh ayoko namang ma-hashtag na fokfok ako 'noh.


Saka, hoongsikip ng hallway.  Amoy ulam pa.  Found out na wala kasing exhaust ang mga kusina.  Kaya yung mga tenants na nagpi prito ng kung ano-ano, nagli-linger sa hallway ang scent ng menu for the day nila.


But things changed when I was offered to live in my current bachelorette pad.


Hoooongshusyal naman kasi.


Pero kalokah rin 'tong condo na itey.


Super strict!  When I moved in, they gave me a list of appliances na pwede lang bitbitin and their corresponding dimensions and wattages.


So buysung na akez ng mga basics like refrigerator, electric stove, microwave, etc.  The only thing na di ko binili ay yung washing machine.  Sobrang mahal kasi.  When I went to Abenson kasi with my list, isang brand lang ang tumutugma sa dimension at wattage at kalokah sa mahal.


So I did the most intelligent thing.


Nagpa-laundry na lang akez.


Hihihi!


Yung una kong laundry shop sa Amorsolo Street na malapit lang naman sa building charges P25.00 per kilo.  Mura na devah?


Pero nalokah ako nung 3rd time kong magpa-laba.


Nagulat ako na may panty sa laundry bag ko at bacon na ang garter!


Eeeeewwwwww!!!!!


Alam kong hindi akin yon coz in my 19 years of existence, never pa akong nag-suot ng underwear.


Lels.


So lipat agad akez ng suking labandera.


May nakita naman akez na malapit lang din, sa Salcedo Street naman.


But this laundry shop is more expensive.   P50.00 per kilo ang charge nila at nangako sila na never silang nag mix ng clothes with other customers.


So gorla na.


In a week nasa 7-10 kilos lang naman ang mga labahin ko.  So pasok pa rin sa budget.


Malinis at mabango naman ang laba nila.


And so far, walang naligaw na panty or whatever sa mga damit ko.


Wala rin namang nawawala sa mga pinalalabhan ko.


Until last week.


Inaayos ko na sa closet yung mga gamit ko ng mapansin kong may nawawala.


Yung towel kong blue.


So baba ako ng laundry shop.


Me: "Manang, nawawala yung towel kong blue."


Manang: "Anong klaseng towel sir? Hand towel ba?"


Me: "Hindi. Yung malaki."  At parang tanga lang akong ini-stretch ang arms ko to demonstrate kung gano kalaki.


Manang: "Naku, itatanong ko sa mga kasama ko sir. Parang wala akong napansin eh."


Me: "Basta kulay blue 'yon.  Teka, may picture yata ako. Sandali."


Sabay kuha ko ng phone ko.


Me: "Parang ganito yon Manang...."  at ipinakita kay Manang ang hitsura ng towel.


Noon ko napansin ang ubod tamis na ngiti ni Manang.


Napa-kunot-noo ako.


At na realized ko kung bakit.





























Haynaku....



Malanding labandera!



Chos!



:)





posted under | 34 Comments

Death of Friendship (Repost)



I enjoyed writing this piece, at dahil napapanahon (at walang bagong entry ang lolah nyo), i am repostingbthis blog entry. :)   Hello Friendship! You're the best. Char. Hahaha!



********************

Naisip mo na ba kung paano ka mamatay?


Alam ko may pagka morbid ang topic pero hindi ba sumasagi sa guni-guni mo ‘yan?


Ako kasi, gusto ko walang pain, walang matagal na paghihirap. Parang natulog lang ako tapos hindi na ako nagising.


Ayokong magkasakit ng matagal, tapos mahihirapan pa bago mamatay. Hindi ko kasi kering mag bedspace sa hospital at magbilang ng natitirang oras.


My brain is so dynamic kaya I dreaded yung mga pain pag naiisip ko.


During one of our conversations, Friendship and I talked about death.


Si Friendship gusto rin n’ya ng simpleng kamatayan. Ayaw nya ng vongga. Pero gusto nya, mamatay s’yang masaya.


Mamatay ng masaya?


Meron ba non?


Ok. So naging hamon para sa akin kung paano mamatay ng masaya si Friendship.


Yes, I took it as a challenge.


Oh, I love challenges. Being a beauty queen I am so competitive kaya.


So, eto ang scenario kunwari...…


Patay na si Friendship…



Syempre may coffee party (read: LAMAY), habang nagsa-sakla, tong-its at pusoy ang mga kapitbahay at pinaiikot ang tong para sa abuloy, pinag-uusapan ang cause of death nya.


Kapitbahay: “Batang-bata pa mare. Ano ba ang ikinamatay?”


Si kapitbahay pala ay 60 years old kaya bata pa talaga si Friendship sa kanyang point of view.


Ms. Chuniverse: “Death by asphyxia.”


Kapitbahay: “Ano yon?’

Ms. Chuniverse: “Nabulunan po ng titi, hindi nakahinga.”

Kapitbahay: “Aahhhh… kaya pala naka smile yung bangkay.”

Oh devah wagi?

Kapitbahay: “Bakit walang nag first aid? CPR? Mouth to mouth?”

Ms. Chuniverse: “Kung amoy titi po ba ang bunganga? Ima-mouth to mouth nyo ba?”

O sample lang ‘yan ng usapan ha.

Wag ma-keri.
……………………………………..

Pero tahimik na tao lang si Friendship. Simple. Ayaw nya ng media coverage. Kaya just in case na masagap ng mga reporter ang not-so flattering na cause of death, I will try my best to block the evening news na may ganitong headline…

MAGANDANG GABI BAYAN! Isang bakla ang nabulunan sa loob ng sinehan…

I pramis Friendship, I will use all my powers to avoid this (your death) from becoming a media circus, kasi ayaw mo nga ng media mileage devah?

Pero at least, natupad ang wish mo na mamatay ng masaya! At syempre, kakaririn ko ang party este lamay.

Kasehodang kumuha ako ng Lamay Organizer.

Pero bago pag-usapan ang details ng lamay, let’s talk about what Friendship will wear for his ‘groundbreaking’ funeral.

Friendship is an RTW person pero that is sooo not fasyon devah?

Kaya Friendship will wear couture- at least for once in his life... este death pala.

During the funeral, magpapalit sya ng getup twice a day – morning and evening outfit.Friendship will surely understand kung hindi si Michael Kors ang mag-di-design ng outfits nya ‘coz we don’t have enough time to facilitate that.

You know naman na in funerals, time is of the essence. Baka fertilizer na sya, hindi pa tapos ang damit nya.

Kaya we will settle for a local designer. Magaling si Rajo devah? Pero baka busy din zha. Try natin si Ivarluski Aseron.

Basta I promise, we will not get Puey Quinones. Baka kasi may maka-mukha si Friendship ng outfit. Maraming vakla pa naman na favorite ang Dansen.


Imagine, ‘yung makikipaglamay kamukha ng suot ng pinaglalamayan? That is a major fashion faux pas devah?! Friendship will rather die a second time by all STD’s combined then be caught wearing the same outfit as his manlalamay. Char!

I shudder the thought!

Of course, we should not forget the make up.

Funeral make-up is as important as oral sex is to you and me.

You don’t want an uneven make-up during your funeral devah? So ganoon din si Friendship.There will be an hourly make-up retouching. Dapat siguro earth tone colors. Im sure babagay ang bronze sa kanya at dapat may emphasis sa cheekbone kasi maganda ang cheekbone nya.Minsan nga naiisip ko, sana nga naging cheekbone na lang sya. Choz!

At dapat pouty lips para hindi obvious na gamit na gamit ang bunganga nya. Choz uli. Hahaha!

Sa unang gabi ng lamay, may ribbon cutting.

Oh, I’m sure hindi nyo naisip ‘yan noh?

Syempre, to formally open the occasion. Ricky Reyes and Joel Cruz will do the ribbon cutting.Magpapamigay din sila ng libreng rebond at Afficionado perfume samples sa first 50 lamay goers. Kaya guys you should come early.

Admit it, creative ang idea ko. Thank you!

To attract more people, free-flowing ang Starbucks.

Aber, sino sa inyo ang naka-attend na ng lamay na Starbucks ang coffee?

I’m sure, dadagsain ‘yan ng mga social climbers at mga instant 3-in-1 coffee drinkers. Syempre, i-e-ex-deal ko yung Starbucks. Pwede silang magsabit ng tarpaulin sa paligid ng venue. Tapos sa coffin mismo, dun sa nilalagyan ng “Ala-ala ng mga naulila….” kasama ang Starbucks logo at iba pang sponsors. O devah, exposure ‘yan? Syempre may major at minor sponsors. Mas malaki ang bigay, mas malaki ang logo. So, lahat ng sisilip sa fez ni Friendship sa loob ng coffin, makikita ang mga participating advetisers.

Magkakaroon din ng hourly-raffle to sustain the number of nakikiramays. Prizes will be solicited din. Ex-deal din para tipid. Like, gift certificate for an overnight accommodation sa Himlayang Pilipino, gift checks from Club Bath, one year supply ng Durex, etcetera, etcetera.Basta, see posters and print ads for details.

Should I get a DTI permit for that? At kailangan din ba ng DTI representative during the raffle?Hayyy… haggardo versoza. Saka ko na isipin yan.

Sa ikalawang gabi, ipu-prusisyon ang bangkay ni Friendship in his pink coffin with Swarovski crystal embellishments sa Washington St., Makati City. Didiretso ito ng Ayala. Magkakaroon ng re-routing ng mga sasakyan. Kaya mga vaklang nag-o-opisina sa matatas na building ng Ayala– ihanda ang mga glitters at confetti!!!

Pramis, mahihiya ang Panagbenga dito!


Nakapila sa likod ng prusisyon lahat ng lalaking na chorva nya. My gosh, siguro mga dalawanlibong kalalakihan ‘yon! Sana naman, makauwi ng Pinas yung mga seaman, at mga construction workers abroad na na-chorva nya dati.

Ibabalik ang coffin sa venue. Tapos may live streaming ang burol sa Downelink at Planet Romeo. Kabog lang ang mga nagso-show. Holiday muna sila. Gabi ni Friendship toh!. Walang e-epal.

Magsi-set-up din ako ng mga glory holes sa buong area para naman hindi mainip ang mga vaklang makakati ang mga paa. Magkakaroon din ng libreng foot spa, nail art at free henna tattoo.

Sa ikatlong araw ng burol, bibigyan si Friendship ng supreme honors. Ililibot sya sa mga favorite places nya. And these are, Baclaran Cinema, Dilson at Roben.

Oh devah parang METRO MANILA FILMFEST lang! Ang sayah-sayah!!!!

Sana nga lang ‘wag tumapat ng December ang death nya kasi kasabayan nya ang Shake, Rattle & Roll at mga movies ni Vic Sotto at Bong Revilla. Pero just in case na tumapat nga sa Filmfest, igagawa ko si Friendship ng vonggang float at isa-sabay ko ‘to sa Parade of Stars sa December 24 sa Mall of Asia.

Baka nga manalo pa si Friendship ng Star of The Night devah? Syempre, I will gladly accept his award on his behalf – that’s what friends are for.

Sa huling araw ng burol, dapat big night.

Eh ano ba ang usually nangyayari sa big night???

No brainer devah. Tutumbasan ko lang ng mga macho dancers ang edad ni Frienship. Kung natigok sya ngayon, eh di 40 macho dancers yon. Char! Hahaha!

Bata pa si Friendship.

Grade 6 pa lang s’ya nung fourth year highschool si Caridad Sanchez! Chos! ‘Wag kang magalit Friendship, joke-joke lang.

So balik tayo sa huling araw ng burol. Yung mga macho dancers, to keep with the motif ay black na belo lang ang suot covering their nostrils. Tapos sasayaw sila sa music ng “Fireworks” ni Katy Perry.

Unless of course Friendship will insists on his favorite song which is by the way “Luha” of Aegis.

How jologs devah.

Pero hindi na naman siguro sya care kasi nga dedbol na sya. So balik tayo sa “Fireworks” ni Katy Perry which is actually my favorite. Hahaha!

This will definitely outclass lahat ng lamay na napuntahan ko.

Haaay… I am so excited naahhh!!!!

Teka, may libing pa pala.

At sa araw ng libing…

Baka hindi muna sya i-libing.

Kasi kung successful ang event, i-extend pa natin ang burol. Maglalagay uli ako ng tarpaulin sa venue at ang nakasulat ay…

NOW ON IT’S SECOND WEEK!

Oo, I can really envision na this is gonna be phenomenal!

I can imagine CNN and National Geographic Channel covering the event. Friendship, pabayaan na natin ang media, alam mo namang sanay na sanay na ang beauty ko sa mga cameras. Choz.Hahaha!

Siguro after one month, pagod na rin ang lahat sa kala-lamay.

So, it’s time to end everything sa araw ng libing.

Pero…

HINDI SYA ILILIBING!

Friendship will be cremated.

And his ashes will be brought sa isang kumpanya ng condom. Gagamitin itong ingredient sa pag-gawa ng dotted condom.

Tingnan nyo naman, hanggang sa huling sandali, titi pa rin ang kanyang kapiling.

I know, I am so GENIUS kaya!

Haaayyyy…. Isn’t this the most wonderful gift a friend can give?

I’m sure Friendship will be very happy.

I promise I will try not to cry.

But I wonder if Friendship will do the same for me.

Hmmmm….

……………………....................................


Mga Pagbabago



Maraming pagbabagong naganap sa mga frends ko lately.




Si JR, may bagong Singaporean dyowa. Pulis-pulisan lang ang peg. Hooongshusyal devah?  And not only that, may bago syang condo.




Wala akong kamalay-malay dahil habang mahimbing akong natutulog, biglang nag ring ang intercom.




So, kahit antok na atok pa ang lolah, bumangon sya at sinagot ang intercom na obviously ay from Guardo Versoza.




Me: "Haller? Makikipag SOP ka na naman sa intercom? O sya, panty lang ang suot ko. Ready?"



Guardo Versoza: "Hahaha! Not tonight Madam Sleeping Beauty, may ini-expect ho ba kayong guest?"




Me: "Uu, si Brad Pitt."



Guardo Versoza: "Ang tanda na nun Madam! Pero hindi po si Brad Pitt ang nandito sa reception. Maitim po. Parang 50 shades of grey."




Hmmmm... wala naman akong in-order na morenong masseur.




Me: "Sinetch daw sya?"



Guardo Versoza: "JR daw po."



Putang inang bakla ito!  Nandito na naman sa Pinas? Eh kakauwi lang nyan last month! Buwan-buwan yata umuuwi!



Me: "Paakyatin mo na. And by the way, wag kang magpapa-hipo sa kanya."



Guardo Versoza: "Ay, nahipo na po nya kanina pa."



Amfutang JR talaga, basta gwardya!



So ayun, umuwi nga ang bakla dahil turn-over ng kanyang condo sa Davao City.








So instead na dumiretso ng Davao, sa Manila muna dumaong ang bakla.  At kahit Myerkules ng gabi yon, wala na kaming tulugan sa kwentuhan.  At yun nga confeermed na may bagong dyowa ang baklita.  Chinitong makinis na pulis-pulisan ang papa. Hoooongswerte ng bruha.



I-uuwi ni JR sa Pinas ang dyowa nya sa January.



At ipapakilala nya sa akin. Ako, bilang bridesmaid sa impending wedding nila.



Wish ko lang, hindi mangati si JR between today and sa January.  Or else, walang kasalang magaganap.



Lels.




*************


Si Raki ay may bagong work overseas.



Na-assign nga sa Middle East ang bruha. At nag flylalu na sya the other day.  Aymshure, pagkakaguluhan ang hitad ng mga arabong sabik sa exotic pet. Lels.



And aymprettyshure, sila ang susuko sa surviving relative ng mga Homo Habilis.



At pag-uwi ng bakla next year, wala na syang malolokong virgin pa sha.



Lels.




*************


Si Friendship naman ay may bagong toy.



And for the perstaym,  hindi sya boy toy.




Parang ganitey lang.


















Hooongtaray devah?




Ang lakas maka-tomboy!




Lels.




Uu, kinarir ng baklita ang pagmo-motor.




Frustrated tricycle driver kasi sya dati.




Eh since, hindi sya natanggap sa MANDATODDA (Mandaluyong Tryicycle Operators and Desirable Drivers Assoc.) -  nag join na lang ang baklita sa Yummy Riders Chorvahan group.




Tinanggap naman sya.




Wala kasing makuhang Muse, kaya sya na ang nag volunteer.




At saka hindi naman bukelya na half-man, half-vacuum cleaner ang lolah so pasok sya sa group.




**************



Well, ako naman.




Maliban sa 2 fine lines sa aking noo, wala ng bago.



The End.




Hahaha! :)



Mga shufatid, follow me on Twitter:  https://twitter.com/MissChuniverse ! :)






Haller September! :)



Kamustasa mga freeeeeeeennnds?



Na-miss nyo ba akez?



Hahaha!



I know it's been 50 years since the last time na nag-blog akez.  May nagpadala na nga ng Mass Card!



Mga fuki.



Hahaha!



Buhay pa po ang lolah nyo!



Pasensya na kung di po ako mashadong nagpaparamdam ditey sa blog pero active naman akez sa Twitter.



I-follow nyo na lang akez ditey, https://twitter.com/MissChuniverse. :D



Nawala lang ako ng ilang moments hooooongdami ng uso ngayon ha.  Gaya nitetch.








Hodevah?




Bet na bet kong magpa-Gangbang Style sa mga 'yan.



Hahaha!




If my memory serves me right (hodevah?)  at nung nagka cry me a river pa ang lolah, "Call Me Maybe" pa ang uso.  Ngayon hooongdami-dami na!




Pero whiz ko knows na isa sa mga friends ko ang naki-uso.




Itago na lang natin sha sa codename: Cassandra Puriquit.  Ang baklitang tatlo ang utong. Lels.




Dumalaw ang beki sa official residence ko kagabi.  Haggard ang bakla.




May nag-text daw kasi sa kanya.




Ansabeh, "HOY! P*TA KA LAYUAN MO ANG ASAWA KO!!!"




Nataranta ang baklita.  Nanginginig ang adams apple habang kausap ko.




Sabi ni Frend: "Ambastush-bastush nya!  Hindi man lang sya nagpakilala!"




Me: "Eh baket naman kasi kailangang magpakilala?  Layuan mo na lang kasi yung dyowa nya."



Frend:  "Yun na nga eh, kung nagpakilala sha, eh di alam ko kung sino sa kanila ang lalayuan ko."




Doon ko na-realized.



Calling him "The Mistress" is an understatement.



Char.



:)



Moving On Redux


Jeric and I broke up.


I broke up with him.


But not because I don't love him anymore.  Things happened since the last time we were together.



Excuse me for I will not elaborate on those things.



*****************



When our heart gets broken, only us knows how deep or superficial the wound is.



Expressing our emotions through words may not be enough to represent how much (or less) pain and sorrow we are going through.



And moving on is inevitable.



Each one of us is different.  We are individuals with different coping mechanisms.



Most of us would probably take the traditional long process of 'grieving'. Which I did in my past (failed) relationships.  I questioned myself a million times why it ended and why it ended that way.



I remember persecuting myself for a year.



But this time I chose to take  the easy way out.



And many finds my decision or my process 'too soon'.  Some came up to the conclusion that it was probably not love after all.



To be honest, it doesn't bother me.  These opinions do not reflect what I have been through and what I am going through.



I am my own person.



But still, pardon me if some were offended when I chose to spare myself from the long and tedious process of a break-up.



That's just how I wish to move on.



No more drama. No more tears.



Dahil it doesn't necessarily mean na ang beauty queen.....



....ay isa ring drama queen.



Please, don't cry for me Argentina.



Chos.



Kaya let us all move on and be happy.



Peace..... Prosperity....... and Love for all mankind!



:)



Heniwey, vacation mode pa rin ang lolah.



















:)






posted under | 32 Comments

Ulan



Kailangan nyang lumayo...



.... para sa anak nya.



















Him: "Gusto kasi ni Mama doon muna ako.  Lumalaki kasi ang anak ko na wala ako."



Me: "Paano tayo?"



Him: "Tayo pa rin."



Me: "Hindi kasi ako naniniwala sa long distance relationship eh."



Him: "Ano gusto mo Pangga?"



Me: "Hindi ko alam."



Him: "Gusto mo na makipag-hiwalay sa 'kin?"




Me: "No. Hindi ganun."



Him: "Nahihirapan ako."



Me: "Ako din naman. Pero hindi ka dapat mamili. Syempre anak mo 'yon. Doon ka dapat."




Him: "Eh ikaw?"



Me: "Dito. Dito ang buhay ko eh."



Him: "Kung pwede lang sana.  Kaso, hindi ko pwedeng dalhin dito yung anak ko eh. Alam mo naman yon 'di ba?"



Me: "Alam ko 'yon."



Him: "Pero hindi naman ibig sabihin non eh, hindi na ko luluwas ng Maynila."



Me: "Pero hindi mo rin alam kung kailan."



Tahimik kaming dalawa.  Hinawakan nya ang kamay ko. Hinila nya ako para lumapit pa sa kanya.



Him: "Gusto ko tayo pa rin."



Hindi ko alam kung paano magwo-work yon.  Kasi never akong naniwala na magtatagal ang long distance relationship.  



The distance will make us grow apart.



Him: "Pangga?"



Me: "Sige, susubukan ko. Pero wala akong maipa-pangako."



Kasunod non, nakahiga lang kami. Nakatingin sa isa't-isa. Kinakabahan kung anong bukas ang naghihintay para sa aming dalawa.




Relationship Status:



Miss Chuniverse is in a Long Distance Relationship. 



....and she's struggling. 



Agad-agad?



Char.




posted under | 36 Comments

The Day After


Dumapa si Mahal sa aking tabi.



"Pagod ka na Mahal?"



Him: "Hindi naman, pahinga lang ng konti.  Anong oras na ba?"



Tiningnan ko ang cellphone ko.  3 missed calls, 12 unread text messages.



Me: "Mag a-ala-sais na Mahal."



Him: "Tapos na birthday mo Pangga."



Me: "Pero hindi pa tayo tapos. Hihihi."



Ngumiti sya sa akin at nagtanong "Ilan ba dapat Pangga?"




Me: "Syempre, kung ano yung age ko, ganun din dapat. Hihihi."



Him: "Naka-tatlo na tayo, so mga 47 pa?"



Me: "Gagu! Hahaha! Saka hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo na 'noh."



Chos!



Him: "Hmmmm..... gusto mo pa ba?"



Me: "It depends...."



Him: "Saan?"




Me: "Kung kaya mo pa. Hahaha! Joke lang ha. Ano ka ba? Ano akala mo sa akin..... sabik?"




Him: "Gusto ko nga sabik ka sa 'kin lagi Pangga para di mo ko ipagpapalit. Pero pahinga muna tayo.  Gusto ko yung ganito, katabi kita, kayakap ka...."




At muli, hinawi ko ang 10inch bangs ko.



Char.



Tumingin ako sa bintana, malakas ang ulan at hangin.... hindi ko na halos maaninag ang mga bahay ng SanLo at ang mga sasakyang dumaraan sa Skyway.




Him: "Pangga, kantahan mo ko..."



Gumapang ang kamay ko sa katawan ni Mahal hanggang matagpuan ang pakay.  Dahan-dahan akong yumuko...



Him: "Hindi 'yan Pangga. Hahaha! Yung totoong kanta. Gusto ko kantahan mo ko hanggang maidlip ako."



Me: "Ah, 'yun ba? Hindi mo sinabi agad. Hihihi!  Anong kanta ba gusto mo?"



Him: "Bahala ka.... kung ano yung gusto mong kantahin para sa akin."



Me: "Ah, alam ko na!"



Him: "Ano?"



Me: "I don't wanna miss a thing!!!"



Him: "Huh? Mataas yon Pangga, baka di mo abot."



Me: "Haller!  Gusto mo chorus na agad?"



Him: "Iba na lang Pangga... yung medyo mababa dun."



Walang tiwala sa 'kin? Ganon? Hahaha!



Me: "Sige Mahal, lapit ka pa sa 'kin....


We'll do it all
Everything
On our own

We don't need
Anything
Or anyone

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

I don't quite know
How to say
How I feel

Those three words
Are said too much
They're not enough

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

Forget what we're told
Before we get too old
Show me a garden that's bursting into life

Let's waste time
Chasing cars
Around our heads

I need your grace
To remind me
To find my own

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

Forget what we’re told
Before we get too old
Show me a garden that's bursting into life

All that I am
All that I ever was
Is here in your perfect eyes, they're all I can see

I don't know where
Confused about how as well
Just know that these things will never change for us at all

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?





Hanggang napansin ko, nakatulog na nga si Mahal.



Hindi ako dalawin ng antok. Minasdan ko lang sya habang hinahagod ng mga daliri ko ang kanyang buhok.



Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko to deserve him.



Pero grateful ako.



I promised myself, after my last relationship,  na if ever na ma-inlove ako ulit, I will never give it all.



At tuwing magkasama kami ni Pangga, naka mental note na sa 'kin 'yon.  And I don't know if I am being unfair.



I know there is no such thing as 'forever'.



A part of me is anxious and nervous but another part is excited and hopeful.  And I can only hope na tumagal kami beyond the 'shelf-life' that some people imposed on our relationship.



Kebs na muna sa mga unbelievers.



For now, let me just enjoy this moment.



Let me fall and forget what the future hold for us.









:)


posted under , , | 61 Comments

Bumabagyong Birthday :)



Pers, gusto kong magpa-SALAMAT sa mga bumati sa aking kaarawan.



Gusto ko mang i-invite kayo lahat sa party, alam nyo naman hindi pwede.



Nasabay kasi sa Olympics.



Kaya tight ang security sa Buckingham.



Hihihi.



Heniwey, simple lang naman ang celebration.



Tanduay Ice.



Chicboy.



Yun lang.



Sabi ko nga kay papa, mag buffet kami sa Hotel Celeste since stone-throw away  lang naman ang layo nun sa balur.



Ayaw nya.



Magastos daw.



Sabi ko, sagot ko naman and since it's my birthday.



Saka yung siomai at takoyaki, pang ordinary dates lang namin yun dapat.



Naunawaan naman nya.  Pero di daw sya comfortable dun.  Shusyalin daw yung place.



"Eh Chicboy gusto mo?"  tanong ko.



Ngumiti sya.



So ayun, Chicboy it is.



Hihihi!



After lumafang, nilakad lang namin pabalik ng balur.



Malakas na ang ulan.



Share kami sa payong.



Kebs na kung yakap namin ang isa't-isa.



Hahaha!



Pagdating sa balur, nagpaalam syang gagamit ng banyo.  Ligo muna daw sya.  Gusto ko daw bang sumabay.



Maygash.



Sino ako para tumanggi?



Hooongdami palang pwedeng gawin under the shower ha.  Uu, nun ko lang na-discover.




After consuming 5 cubic meters ng Maynilad Water nagsabi ako sa kanyang mauna na akong lumabas ng banyo.



Namumuti na kasi labi ko sa ginaw.



So nahiga na lang ako sa kama at hinintay sya.



At ng lumabas si papa, nakatapis lang sya ng twalya.



Naupo sya sa ibabaw ko.



"Happy Birthday Pangga..."



Sabay alis ng towel.



Iyon na ang cue.



At kasabay ng nagngangalit na hangin at malakas na ulan....



Ako ay nag blow.




Not once, but......




























.....too many to mention.




Char.



:)





posted under , | 41 Comments

Si Zuki At Ang Bilat Sa Jeepney




Among my friends, Zuki is the most maarte.



Ganon yata talaga, pag kinapos sa gandah.



Hahaha!



Etchos!



Pero super bait nyan.  And Zuki is one dear friend na di ko ipagpapalit sa isang lalaki.



Provided na hindi ka-gwapuhan yung lalaki ha.



Char.



Kahapon nagyaya ang bakla na magpagupit.



Zuki: "Saan ka nagpapa skinhead? Bet ko ngayon yang hairstyle mo."



Me: "Dyaan lang sa tabi-tabing barbershop."



Zuki: "Hindi sa Bruno's?!?"



Me: "Eh ba't naman ako magbu Bruno's pa eh skinhead lang naman.  Sasabihin ko lang number 1 at alam na nila yon.  Pareho lang naman ang effect at mura pa."



Zuki: "How much?"



Me: "P45.00 plus tip na P25.  So saradong P70.00.  Pag minassage pa ako, gives ko na ang buong P100."



Zuki: "Ang cheap ha! Samahan mo ko dun sa barbershop mo. Busy ka ba?"



Me: "Hindi naman.  Sige sunduin mo ko."



Zuki: "Wala akong car ngayon."



Me: "Ay, busy pala ako."



Hahaha!



Zuki: "Sige na. Treat kita ng haircut."



Tumingin ako sa salamin.  Two weeks na pala akong hindi nagpapa gupit.  Natatakpan na ng bangs ang mga mata ko. Hihihi!



Me: "Haircut lang ang treat?"



Hahaha!



Zuki: "Futah ka! Sige,  saka dinner."




Me: "Oh where na you? Ready na me."




Hahaha!



Zuki: "Dito lang ako Production House. Labas ako in 15 mins. Meet na lang kita sa lobby nyo."



Ilan pa ngang sandali at nag-text na si Zuki na nasa lobby na sya.




Zuki: "Taxi na tayo?"



Me: "Naku 'wag na. Jeep na lang. Malapit lang naman dito."



So sumakay kami sa Pasay Road ng jeep.  Magkatapat kami ni Zuki sa dulo ng magkabilang upuan ng jeep.  Nagbayad agad ang bakla.



Hindi pa kami nakakalayo ng may sumakay na bilat.  Huminto sya at palingon-lingon kung saan mauupo.



Puno na sa side namin. Napansin ng bilat ang 6-inch space sa pagitan ni Zuki at ng katabi nya.  Out of courtesy, umusod pa si Zuki sa kinauupuan nya to accomodate the gurl.  Pero walang pasintabi, pasalampak itong naupo na para bang isang tarugs na walang patumanggang nagsumiksik sa makipot at non-lubricated keps.


Tinamaan ang braso ng friend ko.  Napatingin sa akin si Zuki at napa-nganga.  Nasaktan yata ang bakla.



Hindi man lang nag sorry yung bilat at nagawa pa nitong ma-upo ng pa slant kaya lalong nasiksik si Zuki.  Tapos hinawi nya ang kanyang dry at sun-damaged bloody orange hair na sakto naman sa pisngi ng bakla.  Hula ko, Liquid Sosa ang conditioner nya. Char.



Gulat si Zuki at hindi sya naka-react.  Hindi ko rin naman ini-expect yung ganung level ng rudeness kaya nagkatinginan na lang kami ni Zuki.



Siguro to distract himself, nakinig na lang ng music si Zuki gamit ang kanyang iPod. Hindi nag-react ang bakla!



Right then and there, ginawaran sya ni Gng. Stella Marquez - Araneta ng Ms. Congeniality awurd. Hihihi.



Maya-maya napapansin ko na ang likot-likot talaga nung gurl kaya nag type ako sa cellphone ko at pinabasa ko kay Zuki.



Me: "Bakla, baka mandurukot yan. Yung cellphone at wallet mo. Mapurnada pa ang rebond at dinner ko."



Char.



Dagli naman sinecure ni Zuki ang cellphone at wallet nya.  Inipit nya muna sa dede nya.




Napansin yata nung babae yun at umirap pa sya.




Tapos pumara na yung bilat at bahagyang tinapakan pa ng stiletto nya ang naka sandals lang na paa ng baklita.




Siguro hindi na napigilan ni Zuki ang sarili nya at nakalimutan din nya na may earphones ang tenga nya ng bitawan nya ang mga katagang...




"Madapa ka sana!!!"  Na may conviction.




Hooonglakas!



Tumingin ang babae kay Zuki.



Matalim.



Palaban naman ang baklita.  Double chin-up. Nakataas ng 95 degrees angle ang left eyebrow.



Pa-awat kong tinawag ang aking friend.



"Zuki!"



Sumagot naman ang bakla sa tawag ko.



"Bakeeeet....... masama bang mag WISH?!?"



Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at ako ay tumawa ng tumawa.



Napahiya yata ang bilat at dali-dali na lang bumaba.



********


:)



Moral of the Story: "Next time, mag taxi."



Chos!






Sore Throat




Ang sama ng pakiramdam ko.



Dala marahil ng nararamdaman kong.... sore throat.



Sa simpleng karamdaman,  hongdami lang nagbigay ng opinyon at unsolicited advice.



Kesyo, 'wag ko daw kasing isusubo lahat.... 



......or baka daw may sumabit na buhok.



Eeeeeeeewwwwwwww!



Hinahawi ko muna kaya to be sure.



Hihihi!



Char.



Para akong akusada na nag-e-explain left and right na the sore throat has nothing to do with my oral calisthenics.



Hula ko it's because of the weather. Tapos inom pa 'ko ng inom ng malamig na tubig.



Pero dahil nga I'm not feeling well.  Nag-stay lang akez sa balur.



Hanggang nag text si Papa Jeric.



Him: "Good morning Pangga, work ka na?"



Me: "Hindi ako pumasok Mahal. Masama ang pakiramdam ko."



Him: "Bakit Pangga? Ano nangyari sa 'yo?"



Me: "Hindi ko alam. Nahihilo ako, naduduwal... nangangasim..."



Him: "Parang buntis? Seryoso ka ba?"



Me: "Bakit Mahal? Kung sakali ba na nagdadalang-tao ako, tatalikuran mo ba ang pananagutang ito? Lalayo ka ba? Hahayaan mo bang lumaki ang batang naging bunga ng ating kapusukan ng walang kinikilalang ama? At pagdating ng araw ay tatawagin syang bastardo???"



At unti-unti akong nalugmok sa aking pagkakatayo habang hawak-hawak ang aking sinapupunan.



Char.



Him: "Sabi ko naman sa 'yo Pangga, forever and ever na tayo ah."



Hihihi!



Me: "Praktis lang Mahal. May sore throat ako. Nahihirapan akong lumunok. Hindi ako pumasok."



Him: "Gusto mo puntahan kita mamaya pagsarado namin ng pwesto?"



Me: "Talaga Mahal?"



Him: "Hindi joke lang. Hehehe!"



Me: "Gagu! Sige Mahal, punta ka dito.... pero..."



Him: "Pero ano?"



Me: "Pero 'wag kang umasang may mangyayari sa ating dalawa.  May sore throat nga ako devah?"



Him: "Hahaha! Gagu ka talaga Pangga. Syempre ok lang. Pero siguro naman hindi masakit yung mga palad mo?"




Hahaha!  Homaygash!!!!



Chos!



Around 2pm na nakarating si Mahal.  May bitbit pang mangga. Hahaha!  Akala naman nito ganun talaga ako kabilis magbuntis? Nagwi-withrawal kaya kami. Hihihi!



Him: "Pangga, kumain ka na ba?"



Me: "Hindi pa po.  Nahihirapan talaga ako lumunok.  Tubig lang laman ng tiyan ko."



Him: "Dapat pilitin mo kumain, baka lalo ka magkasakit."



Me: "Wala akong food. Tinatamad ako."



Him: "Gusto mo ipagluto kita?"



Me: "Yakapin mo na lang ako Mahal. Busugin mo na lang ako sa pag-ibig."



Him: "Hahaha! Hindi ka mukhang may sakit."



Me: "Eh ano?"



Him: "Para ka lang adik!"



Hayuf. Para naglalambing lang eh.



Him: "Sige na Pangga, ipagluluto kita. Ano ba laman ng ref mo?"



Me: "Hmmm, alam ko may leg of lamb pa dyan, saka foie gras at caviar."



Char.



Him: "Uy may chicken ka pa pala dito. Gusto mo ng tinola Pangga?'



Ayyy... ang sweet. Ipagluluto nya talaga ako.



Nagbalat, naghiwa at nag-gisa si Mahal.  Habang ako naman ay nanonood ng cable tv. Hihihi.



Habang hinihintay nyang kumulo at maluto ang tinola, nahiga sya sa tabi ko.  Halos magkalapat ang aming mga labi.  Mainit ang kanyang hininga na dumadampi sa loob ng aking bibig.  Akmang hahalikan nya ako pero umiwas ako.  Ayoko syang mahawa.  Hinimas ko ang pisngi nya... at sya'y nagwika.



Him: "Pangga, kamusta naman yung gimik nyo?"



Me: "Anong gimik?"



Him: "Yung pagpunta nyo sa gay bar."



Hahaha! Yun pala.  Di ko nga pala kinwento sa kanya.



Me: "Ok lang naman Mahal.  Nood-nood lang, kwentuhan, inom-inom."



Him: "Madami bang gwapong macho dancer?"



Me: "Konti lang. Hihihi."



Him: "Ows? Eh bakit mag-a-alas tres na kayo umuwi?"



Uy, may sound of bitterness. Nagseselos? Hihihi!



Me: "Si Friendship at Dexter kasi, ayaw pang umuwi kahit gustong-gusto ko na dahil bored na ko. Pinagbigyan ko na lang sila. Hihihi!"



Chos!



Him: "Nag-table ba kayo?"



Me: "Hindi 'noh.  Mahal kaya yung mga boylets dun.  Yung drinks nila nasa 300 something yata. Eh ang lakas daw tumoma ng mga iyon."



Him: "Magaling ba silang sumayaw?"



Me: "Medyo. Kasi siguro trabaho nila yon."



Him: "Parang ganito ba?"



At tumayo si Mahal sabay giling!  Amfutah!  Marunong ang papa!  Hahahaha!



Me: "Hahaha!  Saan mo natutunan 'yan???? Teka!  'Wag mong sabihing dati kang.... homaygash!!!!"



Tumigil sa sayaw si papa Jeric habang tumatawa.  Seryoso akong tumingin sa kanya.



Me: "Mahal dati kang...."



Tawa lang tawa si Mahal.  



Me: "Uy.... ano ba?  Dati ka bang macho dancer?"



Him: "Hahaha! Gagu, hindi ah.  Hindi ko kayang gawin yon sa maraming tao.  Ginagaya ko lang.  Magaling ba kong sumayaw Pangga? Hahaha!"



Me: "Futah, naloko mo 'ko dun ha.  Para kang professional MD!"



Him: "Ikaw naman kasi Pangga, pumupunta ka pa don. Pwede naman ako na lang ang magsasayaw sa harap mo. Wala ka pang gastos. Hahaha!"



Homaygash! :p



Me: "Ano ka ba Mahal, syempre kasama ko yung mga friends ko kaya naman nagpunta kami don."



Him: "Pero pag tayong dalawa lang Mahal, tapos gusto mo.  Kayang-kaya ko ring gawin yon."



Me: "Talaga Mahal?"



Him: "Oo naman. Wala silang sinabi sa 'kin yung mga macho dancer na 'yon.  Kita mo naman, wala pang praktis yon. Hehehe!"



Ayyyyyyy!!!!! :p



Him: "Gusto mo sayawan pa kita Pangga?"



Me: "Gusto mo ba?"



Him: "Oo naman....."



Hahaha!



At kasabay ng awiting "Bring Me To Life" ng Evanescence (don't ask me kung bakit 'yon. yun ang trip nya eh. so pagbigyan. lels) ay umindayog si papa na parang Star of the Night sa ibabaw ng aking kama.   Unti-unti, nababawasan sya ng saplot.  Hahaha!  Impeyrnes, magaling sha ha. Hahaha!




At kasabay ng pagka-tuyo ng sabaw ng tinola, ako ay nakalimot.




Uu, nakalimot na may sore throat.



  
Hihihi!




Chos!




:)



posted under , | 53 Comments
Newer Posts Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments