Dito Naganap Ang Lahat


Makasaysayan ang sala sa apartment kong itetch sa Makati.










Dito ko binuo at isinulat ang unang entry sa blog kong itetch.


Dito ko tinatapos ang mga trabahong inu-uwi ko galing sa office.


Dito rin ako nagdi-dinner habang nanonood ng tv, kahit mayron namang dining area.


Dito sa sofa una kong na-chorva ang isang straight friend na nakuha matapos ang mahabang kulitan. Kinarir ko talaga, matikman lang sya.


Dito rin sa sofa naganap ang ilang panakaw na chorvahan namin ni Ex-hubby doc. Kahit alam naming anytime ay pwedeng may makakita sa amin, at ma caught-in-the-act ang aking pagma-magic sing sa kanyang wireless microphone. Keri lang.


Dito rin daw naganap (according to Friendship) and chorvahan ni JR at ng isang housemate isang madaling araw. At kumpleto sa details ang bruha. Mega-silip lang naman sya from the stairs. Anong sinabi ng eksena ni Daniel Fernando sa pagka-acrobatic nya sa Scorpio Nights? Wala.


Sa sala na ito nakasama ang ilang kaibigan habang nagsasalo sa inuman at kwentuhan. YES, food and drinks lang ang pinagsaluhan. Mahinhin kami pag magkakasama. Choz!


Naging piping-saksi rin ang lamesang ito sa ilang masasayang chatting at landian sa G4M (RIP), Planet Romeo at Downelink.


Dito rin naganap ang break-up ng taon… with matching dialogues…


“Isosoli ko ba lahat ng binigay mo sa akin?’


“Well, yan ay kung gusto mong bawiin lahat ng binigay mo ‘rin.”


Oo, maraming masaya at malungkot na ala-ala ang aking sala.


Pero, at home ako dito. Sobra.


Kaya kong lumipas ang maghapon ng nandito lang ako.


Kaya last weekend ay medyo inayos ko sya. Na-inspire ang lolah nyo kakapanood ng mga make-over chuva sa mga lifestyle networks.


Medyo shopping ng kaunti, sukat dito, sukat doon. Browse ng mga interior design websites for more inspiration. Nag-babad sa mga display rooms.


Sariling effort.


Ako ang nagframe ng mga shots ko at nag-kabit nito. Ako ang nag-install ng hanging lamp at nag accessorize ng lahat. Pawisan ang hitad ng matapos. Pero happy.


At ito ang ang final result.

















Gusto ko pa syang ayusin ng vonggang-vongga.


Like, additional lamps.


Painting the wall with an accent color of pistachio green or orange.


Kaya lang, masakit din sa bulsa.


For the meantime,


Enough na munang ganyan sya.

Saka na ang continuation.

At syangapala.... wi-fi ang buong kabahayan at speed of 1 Mbps.




















Wala, nag-tataray lang.


Hahaha!


posted under |

40 comments:

iurico said...

wow! taray naman ng interior designing skills mo. innate na tlaga siguro yan sa mga bading. ung tipong making something out of nothing.

hehe

Anonymous said...

aylaveeeet!!! ang ayos ayos nya. ready na ulit ang sala sa mga bagong masasaksihan nitong landian. nagdagdag ka pa ng mga lampara at mga halamang willing din sumaksi. :P

gujab!!! :)

Ms. Chuniverse said...

Thanks Iurico - birthday boy. Siguro nga born creative ang majority ng population. stress-reliever din 'to.

Ms. Chuniverse said...

@Jepoy - Oo nga, ready na ulit to make history. hahaha! Gusto kong mag-install ng hidden camera eh. Para captured talaga. Joke! hahaha!

Eternal Wanderer... said...

impeyrniz, ang tarush ng 1Mbps!

Ms. Chuniverse said...

@Ternie... so far so good ang speed with Globe DSL. Pero just in case na mag falter, hell hath no fury like a woman scorned ang magiging drama ng lolah. hahaha!

c - e - i - b - o - h said...

isang sanktuwaryo ni ms. chuniverse.. ehehe
very sofistikada..

nice place!

Ms. Chuniverse said...

@ceiboh... Thanks! Tama ka - sanktuwaryo ko syah! ;p

Unknown said...

Teka naghahanap ako ng apartment. San to sa Makati?

MARK My Word said...

panalo.. pa-interior din ako ng kwarto ko... hahahahahahaha

Ms. Chuniverse said...

@Pipo... my apartment is located at (formal na formal o! hahaha!), ok, near Waltermart & Don Bosco Makati. Pasong Tamo area.


@Mark.. tara! basta free-flowing ang budget. gawin natin sa kwarto mo ang hindi ko magawa sa sala ko. Hahaha!

ikotoki said...

Gusto kong mabasa ang iyong bargaining skills/convincing powers para magetlak si straight friend!

Ms. Chuniverse said...

@ikotoki.... hahaha! parang salesman lang a. sige, one of these days ipo-post ko. hehehe

Nishi said...

ang galing ha. imperness lang talaga.

Ms. Chuniverse said...

@Ex Jason... salamat for appreciating. hihihi!

Nimmy said...

ang ganda ha! sabi nga ng friend ko, "It's so posh." hihi

Anonymous said...

Nakaka-inspire naman, Ms Chuniverse. Parang kailangan din yata ng isang mabonggang make-over ang aking lungga. For a change.

Good job! :D

-Jay

bien said...

i echo ikotoki.

gusto ko yung mga framed shots teh, na-imagine ko ang mga nakadisplay na diploma sa balay ng mga promdi

Shenanigans said...

makasalanan ang sofa mo! haha...

Ms. Chuniverse said...

@Nimmy... thanks. binabagayan lang ang ganda ng reyna. hahaha!

@Jay.... GO! Therapeutic sya. Pramis.

@Orally... Oo na. Isusulat na po. Hahaha! Talagang diploma sa bahay ng mga promdi ha. Hahahaha!

@Shenanigans... Ok lang. Masarap naman. Hahaha!

Marcus: Bading Down Under said...

I really like your room's new look.

...oh, and lovely blog as well! :-)

Ms. Chuniverse said...

@Marcus... Thanks! ;P

Anonymous said...

Ditse, nakikinita ko na, yang sofa na yan ay magiging collector's item, historical at memorable tulad ng green sofa ni Mandaya Moore! Ahihihi. Bonggacious ng balay ng Ate!
- audie

john chen hui long said...

i see you're in touch with your inner martha stewie! well done, ms chu!

Ms. Chuniverse said...

@Audie.. Pero mahirap tapatan ang mahiwagang basketball shorts ni Mandaya. Hahaha!

@John... Thanks! 'Wag lang makulong gaya ni ateng Martha. Hihihi!

Mugen said...

Wow! Ang galing galing naman ng makeover! Hehehehe!

romeo said...

ang ganda anlaki ng pinagbago mula sa dating picture na tinanggalan ng kuhay hanggan sa nagkaron na ito ng disenyo.

Ms. Chuniverse said...

@Mugen... thanks. magtitipid na rin ako gaya mo para ma-kumpleto.

@Romeo... Thanks. may napulot din sa kapapanood ng lifestyle network. hehehe.

Mac Callister said...

at natarayan nga kami!

sarap nga mag ayos ng bahay, i love doing too!

RainDarwin said...

teh pwede din bang gamitin namin yan ni papa soltero for one night stand lang?

Ms. Chuniverse said...

@Mac... buo tayo ng group a la Queer Eye. Hahaha!

@Pilyo... SURE! basta don't mind me ha. Coz while you and Soltero are doing it, nag-co-compose lang ako ng entry sa table. hahaha.

Shenanigans said...

ikaw na ang maraming experience...hihi!

infairness ang ganda ng bahay mo very refreshing! hihi!...

gusto ko maka upo sa makasalanang sofa! harhar

caloy said...

oh sige. ikaw na naka-wifi! tse! hahahaha!

Shenanigans said...

ms.chuniverse?

Ms. Chuniverse said...

@Shenanigans... bawal maupo sa sofa kung hindi ka prepared 'madumihan.'

@Caloy... Oo nga. ang network name ko: Chubibo. Ang password ko: Bukaka. :-)

@Shenanigans uli... yes my dear?

Shenanigans said...

ah! naghahanap kasi ako kanina ng kausap..

ay naku! im ready to get down and dirty! haha!

casado said...

awooo..nice nice eheheh...makasaysayan nga yang apartment na yan ..ching!

Ms. Chuniverse said...

@Shenanigans... sayang, maputik pa naman ang kalye sa tapat namin. Talagang magiging dirty ka kung nagkataon.

@Soltero... Sobra. Pwede na syang isama sa listahan ng National Historical Institute.

Pinoy Adventurista said...

ang galing! nice makeover! =D

Unknown said...

ganda.. so inviting ang ambiance...

pede punta jan?


heheheh

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments