Si Friendship

Matagal na kaming magka-kilala ni Friendship. Pa-straight pa kami ‘non…bata… sariwa… fresh grad kaya hindi na ma-ituturing na kolehiyala.

‘Eto ang kwento…

Nagka-kilala kami ni Friendship sa boarding house ni Sukne – ang dalahirang landlady namin na tanging pag-upa ng apartment at i-convert itong boarding house ang source of income.

One thousand eight hundred (P1,800.00) ang upa ng bawat isang boarders. Pag may electric fan ka, plus P200. Pag magcha-charge ka ng cellphone, plus P100. Outgoing at incoming calls, P5.00 per 3 minutes. Kung may laptop ka, plusP500. Ang plantsa, one hour every week ganon din ang laba – hindi naman one hour pero once a week lang.

At ang curfew, 10pm. Tinalo pa namin si Cinderella na magpa-palit ng anyo at the strike of midnight. Ila-lock talaga ni Sukne ang gate at main door kaya matutulog ka sa labas pag inabutan ka ng curfew. May boarder na sumubok na kumatok ng madaling araw, gising na ang buong baranggay pero never nag open ng door ang oversized na landlady.

Sampu kaming boarders sa loob ng isang kwarto na may limang double deck. Para kaming sardinas in olive oil sa dami. Olive oil, kasi magma-mantika ka sa sobrang init.

Take note, pati sa kusina ay may isang double deck na may dalawang boarders naman. Ang ligo at morning ceremony mo ay dapat maximum of 15 minutes lang or else, male-late ang mga susunod sa ‘yo dahil isa lang ang banyo. Kaya kahit na sa Makati ako nakatira at nagta-trabaho, kailangan ko pa rin gumising ng 5:30am para ma-una at makarating sa office ng hindi male-late.

Bagong salta pa lang ang reyna sa Makati kaya hindi ako masyadong choosy noon. And besides, nung mag-inquire ako, may naka-brief na boarder na cute kaya paysung agad ako ng one month advance at one month deposit. Hindi ko alam last week na pala nung boarder na ‘yon at mega travel na sya abroad. Hindi ko man lang s’ya natikman. Anyway may iba pa namang cute boarders na mahilig mag-ala- Bench uncut fashion show. Syempre wiz nila know na may girl sa grupo. Ako ‘yon.

Two months na akong boarder ng dumating si Friendship. Nag click kami instantly. Isa syang Ilokano (na eventually ay na-discover ko ngang isa pala syang Ilokana). Mabait sya at ako naman ay isang maldita. Kung kambal kami, sya si Agua at ako si Bendita. Pero hindi ko alam na verde rin ang blood-type nya. In short, dalawa pala kaming Eba. Hindi ko man nabasa ang kanyang aura ay unconsciously hindi ko naman sya natipuhan. Take note, may hitsura si Friendship.

Fast forward.

Eventually, nag-plano at nilayasan din namin ni Friendship ang boarding house ni Sukne at kumuha kami ng sariling apartment. Sa Makati rin. In fact 2 blocks away lang kay Sukne. Malaki pa ang bagong apartment namin kaysa sa boarding house ng tsubibong landlady. Two-storey at may 2 malaking kwarto. Tig-isa kami ng room ni Friendship.

Maliban sa electric fan at kutson, wala na kaming gamit. Hanggang unti-unti, buy kami ng tv, ng ref, ng sofa at maging ultra vongga at sushyalin ang dati’y aalog-alog na apartment.

Isang sabado, chumovah ako sa ‘school’ (‘yung sinehan sa kwento ko about POLA). May I watched ako sa balcony area ng nagsu-show na dalawang hombre na nakaupo sa harap ko. Game ang dalawa at ok lang na pinagpi-fiestahan ng mga vaklang miron ang palitan nila ng body fluids. Biglang may lumapit na isang guy. Na-shock ako ng makilala ko ito. Si Friendship!!! At mega comment sya sa chumo-chorvah…

Friendship: “Wow, ang galing mo… ako naman pwede? Hehehe!”

Bigla akong yumuko at nagtakip ng belo sa mukha. He cannot see me here. Kahiya. Paano na lang ang reputasyon ko???

Pero wait, bakit s’ya nandito rin?

Siguro tanga lang talaga ako but for so many years na kasama ko si Friendship, hindi nag-buzz ang gaydar ko. Wala kahit isang bar na signal. At sobrang galing nyang magtago ng katauhan.

Nang lumipat ng pwesto si Friendship ay dali-dali akong lumabas ng ‘school’. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ku-komprontahin ko ba ‘sya o ignore lang. But since hindi ako mapapakali ay I decided na kausapin ko na lang sya pag-uwi nya ng house.

Pagdating ko sa bahay, naligo muna ako. Paglabas ko ay nandoon na sya sa sala at at nanonood ng tv . Naupo muna ako sa study table ko na nasa sala din at nag internet. Nang matapos na yung movie ay nag-paalam na syang matutulog na. Tinanong ko sya kung pwede ko muna syang makausap. Pumayag naman sya.

Hindi ko naman alam kung paano ako magsisimula. Isang hingang malalim at....

Me: “Bro, (yan kasi tawagan namin…eeewwww!) nakita kita kanina sa sinehan...”

Friendship: “HA!!!!??????”

Me: “Oo, nandon din ako kanina. Nakita kita.”

Hindi agad naka imik si Friendship. Nakangiti pero parang namutla and to think na moreno s’ya.

Me: “Wala naman sa akin ‘yon, gusto ko lang sabihin sa ‘yo na hindi issue sa akin ‘yon. Kahit ano pa gawin mo... buhay mo ‘yan. I cannot judge you kung ano man gawin mo sa buhay mo.”

Friendship: “Nakita mo ginawa ko kanina?”

Me: “Alin? May tsinupa ka?”

Friendship: “’Nay...” sagot nya.

Me: “Hindi ko nakita pero alam ko naman ang kalakaran do’n. Ok lang naman yon. Nagawa ko na rin yon. Nagulat lang ako kasi hindi ko akalain na ganon ka rin.”

Friendship: “May sasabihin din ako sa ‘yo.”

Me: “Ano ‘yon?”

Friendship: “Nakita na rin kita don. About two weeks ago. Papalabas ka na. May kasama ka. Nagtago nga ako kasi baka makita mo ko.”

Me: “Ha?”

Friendship: “Oo, kaya nga after nung makita kita, iniiwasan ko ng pumunta don. Pero kanina... akala ko hindi ka pupunta kasi hapon na nandito ka pa sa bahay kaya akala ko ‘di ka lalabas kaya naglakas loob akong bumalik don.”

Me: “Ah... bakit di mo ko kinausap nung nakita mo ko?”

Friendship: “Kinakabahan kasi ako. ‘Di ko alam kung pano kita i a-approach kaya i decided na sarilinin ko na lang.”

Me: “I see. Pero ako, kasi, di ako mapapakali nyan kaya i decided to talk to you now.”

Friendship: “Buti nga at kinausap mo na ko.”

Me: “Kasi... ayoko namang iwasan yung ‘school’ para di kita makita don. Kaya naglakas loob na kong kausapin ka kasi para kahit magkita man tayo don... di tayo magka ilangan.”

Friendship: “Oo nga eh... sige... marami pa tayong pag-uusapan.”

Me: “I know... parang kalahati lang kasi ang pagkaka-kilala ko sa ‘yo after this...”

Friendship: “Di bale... now... we can be very open to each other...”

Me: “I agree... Pero tulog na tayo... antok na ko eh.”

This happened about 3 years ago. At iyon ang naging simula ng mga adventures naming bilang mga diwata. At wala ng kyeme-kyeme. Lahat na yata napag-usapan namin. Kaya ayun, super friends pa rin. At ang dating ‘bro’…’sis’ na ngayon.

posted under |

4 comments:

Diwata said...

ahihihih... nakakarelate ako! ang awkward kaya ng feeling ng confrontation lalo na kpag kapwa diwata ang nagconfront sau. may point pa bang ideny? haha..

Ewan said...

ang saya naman nun! jejeje

Anonymous said...

Hahaha. O gads. Ngayon ko lang na-discover blog mo. May ganyan din akong friend. kaklase ko sa college. Ten years later, magkaibigan pa rin kami. I know he knows that I am a fairy godmother, hehe. And I sense that he is too. But we never talk abt this mystery, hehe. We are still single. We never talk abt girlfriends, getting married, etc. -- our topic is always how to earn more money. Hahaha. Very safe.

Anonymous said...

cute ^^

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments