Ang Tula ng Diwata
Habang namamasyal ang diwata sa kaharian ng Mall of Asia, natunghayan nya ang isang mortal na pumukaw sa puso n’yang nagdadalamhati. At ito ang kanyang tula para sa binatang may maamong mukha.
Effort ‘to mga friendsss!!!!
Hindi sinasadya ng ikaw ay mapansin.
Sa dami ng taong nakapaligid sa atin.
Ang tahimik mong kilos at matang malalim
Hindi ko inakalang syang bibihag sa akin.
Isa kang estrangherong hindi ko hiniling
Subalit isang araw ay kusang dumating
Nahihiya man na sa yo‘y tumingin
Ang sabi ng puso ika’y iibigin.
Dagli kong kinuha ang iyong larawan
Isang ala-ala na aking hahawakan
Pagkat pag-ibig mo ay di makakamtan
Dahil ang mahalin ka ay isang kasalanan.
Ika’y isang mortal, ako nama’y isang Dyosa.
Sa mundo mo’t mundo ko, sadya tayong pinag-iba.
Kahit na kumakaba ay nagpasya ng lapitan ka
Subalit sa paglingon, ikaw pala ay wala na.
Hindi ko man nakuha ang iyong pangalan
At kahit pa sabihing ito’y kahibangan
Sa paraang ito, iyo sanang malaman
Puso ko’y lumuha ng ikaw ay lumisan.
Ako’y maghihintay sa ‘yong pagbabalik
Pangakong ibibigay isanlibong halik
Ngunit hindi pa man, puso’y nananabik
Bulong ko sa hangin na ika’y makatalik.
Handa kong isuko immortal kong buhay.
Bukas-palad itong sa iyo ibi-bigay.
Sapagkat walang bukas kung hindi ka karamay
Pait ng pagka-bigo, maaari kong ikamatay.
O bakit, o bakit tadhana’y kay pait?
Tamis ng pag-ibig iyong pinagkait.
Muntik ko na sanang maabot itong langit
Sa halip na ligaya ang dinulot ay sakit.
Paalam na irog ako ay hihimlay.
Sa kabilang buhay, ako’y maghihintay.
Ang pag-ibig sa ‘yo ang syang aking gabay.
Na hamakin ang takot ng hindi nalulumbay.
"Ang ganda koh... sobrah!"
17 comments:
hahaha! claughter!
ay salamat dyosang john. bow. ;-)
inspired na inspired ang iyong musa, ms chuni
Mismo Ms. Carrie
winner ka teh.....Major like it....full of LOVE and kaelyahan hhehehe ;-p
hanep! hindi naman halata ang siphayo ng isang pusong sawi lolz.
haynaku talaga yang mga mortal na yan. tapos na ako sa kanila. ayoko naaaa! mapayapa ko nalang pamumunuan ang kahariang ipinagkatiwala sa akin nina mamang at papang suot2 ang korona ko at papose-pose nalang sa trono. wititit na betsung ng kagandahan kong malurki ulit sa mga mortal. choz.
@Edwin... naglaway lag aketch. hihihi
@Diwata... kamusta naman ang inyong kingdom far, far away?
always find time to check your blog kasi nakakaaliw mga articles mo teh.. Keep it up =)
@Anonymous... salamat pow. ;-)
I am a fan!;P
maria makiling ikaw ba yan? jejejje
@Matthewedan... humbled naman ako. ;-)
@Ewan... hinde! ako si Mariang Sinukuan. susuko rin sa akin ang mortal na 'yan. yan eh kung magkikita pa kami. ;p
ano kaya nagpanggap kang talent manager...
tapos kinausap mo na gusto mo siyang kuning model tas dadalhin mo siya dun sa skating ring
tas biglang liliwanag... lulutang kang bigla
tas bigla kang magiibang anyo bilang isang fairy... magfefreeze lahat ng bagay/tao sa paligid nyo habang binibigkas ang ginawa mong tula para sa kanya..
tas maaakit mo siya...
tas magmomotmot kayong dalawa sa recto!
jejejej
nice post.. i so lurve it!!
You really are witty Ms Chuniverse.. XD
talagang s kalokohan ang galing ng badesa
Post a Comment