Coming Out?
Gusto kong mag-out pero ‘di ko magawa.
I know that I owe it to myself and kung meron mang dapat akong unang pagsabihan, sa parents ko siguro. Pero hindi ko kaya. Kung mag-out man ako in public…
Siguro ‘pag isa na akong ulila.
Baka kasi ako pa ang maging cause of departure ni mother at father sa mundong itetch pag vonggang vonggang nag-spread ng wings ang kanilang panganay.
Seriously.
Mahirap. Sobrang hirap. I’d rather make the ultimate sacrifice kaysa makabigat pa sa damdamin ng mga magulang ‘ko. Kung ako lang, kaya ‘kong tiisin ang mga malisyosong tingin, ang mga bulong-bulungan at ang mga pag-uusisa. Pero my parents, I don’t think they can take all of those. I’ll just spare them the trouble.
Buhay ko man ito, kadugtong pa rin ang pamilya ko. And until such time na totally tanggap na ng publiko ang buhay na itinadhana sa ‘kin, hindi ko pa masasabi ang katagang…
Mom, Dad, whiz ko na ever kayang mag hide cheverlu. Isa po akong sirena.
Well, in the closet or not, that won’t stop me for living the life of a happy gay man.
15 comments:
that's actually brave - taking on the pain for your parents' sake. i came out to my parents very long ago and there was no drama at all. but i can tell you it's not for everyone. i respect you. and, of course, i'm amazed by your talent!
thanks john. buti ka pa. that's why i envy you. ;-)
mas maganda sana kung noon na tayo nag come out habang bata pa tayo, para tanggap na nila. Kasi kung ngayon tayo magchechenelyn at kimerlu - madaming mahihimatay. (teka anu ba meaning ng chenelyn at kimerlu? malimit ko yun mabasa eh hahahaha)
Ahahahha, i am blog browsing and i like your post. This one!ahahaha, i am also into gays kasi may kakilala din akong ganyan and even me, i even relate myself to boys, very open, like "Pare, pa kwiss" ahahaha, and i also use Gay lingos for fun kasi nga may friend kami na gay din and i'm happy that finally i saw a blog like this where i can show my beki side, ahahhaha. Pero hindi ako beki, just happy with the culture!basta!kasi nakakatawa kayo sobrang especially pa ginagalore na ang mga jokes!May i tawa ang lolo mo!
O, yun na nga, anis na?ahahaha, mahirap nga yang mag out kasi yung parents mu ang mga madadamay pero diba ganun naman talaga sa umpisa? may napanuod nga ko sa bottomline yung kuya niya sundalo pero at the end natanggap na siya ng family nia and sabi ng kuya nia proud daw siya sa kanya!.
I know at first mahirap. I understand you. Pinapalakas ko lang loob mu!ahahaha.
Basta kung saan ka sasaya yun gawin mo.!:)
same here kaya di ako makapag-out ng bonggang-bonggang bougainvillea, slight lang. respeto lang sa kanila kumbaga
@Pilyo... alam mo, tama ka dyan. i know some people na out na yata since birth and it seems tanggap sila. sorry, hindi ko rin alam ang meaning ng chenelyn at kimerlu. hihihi
@stevevhan.. thanks ;-)
@orally... at least sa singapore pwede kang kumembot. pwede nga ba?
Bakit? Akala mo ba wis knowing ng iyong maderaka at faderaka na ikaw ay isang sirena na sumisisid ng mga siyukoy, o kaya man isang bulaklak sa ilang?
Indayyyy, very perceptive ang mga magulang natin. Alam na nila. They are just waiting for you to come out para hindi ka mapahiya.
Me inuwi ka na bang girlfriend sa bahay? Hindi ba sila nagtataka kung bakit wala pa?
Sumasali ka ba sa basketball league sa inyong barangGAY? Hindi ba sila nagtataka kung bakit mas gusto mong manood ng basketball players kesa sa basketball game.
Anong laro mo nung bata ka? basketball, volleyball, taguan, chinese garter, luksong tinik?
Oh, yes, my dear, they know. Maski takpan at itago mo pa.... lalabas at lalabas din ang kabadingan parang half-slip yan.
Wag mo nang hintaying maging ulila ka bago mo sabihin sa iyong peyrents.
The truth will set you free.
Ruben
@Ruben... salamat Ate Charo. i know na alam na nila. Tama ka, parents sila. Parents instinct siguro.
Sa iyong mga katanungan, opo, may 2 girlfriends na akong pinakilala sa kanila. dumating din kasi ako sa point na pilit nilabanan ang nature.
ang laro naming nung bata ako ay tinatawag na 'harangang-taga' parang habulan 'yon na moro-moro.
i know the truth will set me free. but are they ready to face the truth? inasmuch as i want to come out, takot talaga aketch. Baka ma heart attack si fadir. conscience ko pa. active pa naman sila ng vonggang-vongga sa mga church activities.
anyway, sana nga. magkaroon ako ng lakas ng loob to come out.
daanin ko na lang kaya sa isang production number noh? ala Alma Moreno na may back-up dancers na may lifting pa at naka-glitter panty lang. hihihi.
We are on the same situation. KUYA ako.. ouch!!! Only SON.. ouch!!! Minsan gusto ko ipost sa FB ko, HELLO MADLANG PEOPLE! BAKLA AKO! WOHHHOOOO!!!
Teh Chuni parehas tayo ng kalagayan... i need more advice from you
@Anonymous... sige mauna ka... sunod ako... after 10 years ;p
@Ewan... sige, isangguni natin. hihihi.
problema ko rin yan.. ahyzzz
In my case, hanggang hindi nila ako tinatanong, I won't spill the sperms este the beans i mean. Hindi naman mahalaga kung bading man ako, ang mahalaga mahal ko sila at mahal nila ako. Just take it like a normal thing, nothing to be discussed.
ms. chuni, ngayon ko lang nabasa tong post na ito. baka nakita mo na to pero kung hindi pa mairecommend ko ito para sa coming out mo. eto ang bonggang-bonggang coming out production number, http://www.youtube.com/watch?v=-cH-c-3TkeI
kalurkei!
I came out to my parents about three yrs ago..ng ma approve petition ko kasi sabi ko ung dyowa ko that time gusto ko makasama pag alis ko..hihi! ang landee lang hodevah?
sabi ng tatay ko matagal n nya lam wait lang nya na magsabi ako sa kanila..its a big relief when I did.. alam na din ng fave tita ko..pero dahil alam na nila mas maingat ako kasi tama naman por respeto..
i also agree that its not for everyone to come out to their parents..
nag come out nga ako ang deal naman dpat di ako makipag commit hahah!
- cHard
Post a Comment