At Sa Muling Pag-Rampa
Naalala nyo ba si JR?
Birthday nya last week.
Uuwi ang inhinyerang vakla from Singapore at magsasabog ng lagim sa kamaynilaan.
Kaya itago nyo na ang mga dyowa nyo.
Uhaw ang vakla.
Parang si Lestat lang sa “Interview With The Vampire.”
Sabik s’ya sa Philippine delicacy – or as Friendship would say it… mga lalaking hitsurang nambu-bugbog (i.e. tricycle boy, tambay, construction boys and the likes).
Pero teka, may plano ang bruha.
Ayaw daw sa Manila kumain ng bite-size longganiza.
Kaya kinakarag kami ni Friendship magsabog ng gandah at financial assistance sa mga kalalakihan dito....
Welcome to Paradise!
Kung saan ma-alat-alat ang mga mensung na medyo toasted ang skin tone.
Haist! First time kong kakain ng well-done. Choz!
I can imagine Friendship wearing this... wearing only this...
Para lang maka-seduce ng natives.
Patatalo ba akey?
Well, tanzan ng Coke at band-aid lang ang outfit ko mga ateh!
Kaso mo, bago pa man kami inimbitahan ng haliparot na JR, nag book na pala sya kasama ang isa pang endangered specie na si Raki – ang vaklang may paper-thin eyebrow at ang consistent press release ay discreet daw sya.
Nanangkupo. Mother of Pearl!!!
So itong si Friendship, tarantang makapagpa-book kami ng same flight nina JR at Raki para happy.
Kulang na lang ay isubsob ang angelic fez ko sa harap ng computer.
So mega check ng itinerary ni JR at Raki. In short, naka-buysung naman kami ng tickets on-line gamit ang aking credit card.
Success!!!
Tig- P1,800.00 lang kami ng airfare ni friendship. Back and forth.
How cheap.
Hindi kaya itatali lang kami sa pakpak ng airplane??? - Well, as long as hindi sa tapat ng engine.
Review ng ticket...
Hmmmm... walang insurance!!!
So magda-dala ako ng sariling saranggola just in case?
Oo daw. Just in case lang naman.
At ang in-flight meal?
Mentos.
Libre naman ang toothpick.
Buti na lang one toothpick per passenger ang allocation.
Keri na 'yan.
Kaso ang bruhang Friendship hindi pa pala sure kung makakasama. Baka kasi hindi sya payagan ng Peace Keeping Force mag-vacaycay dahil regular working days ang week-long sked namin.
As if may magagawa sya sa Peace and Order ng mundo.
So, nakuha namin ni Friendship ang same flights nina JR at Raki.
Sabay-sabay kaming magpa-fly.
Miss Chuniverse, Friendship, JR at ang impostorang Raki.
Apat na vakla sa isang eroplano?
Tapos makasalanan pa yung tatlo.
Oo mga ateh… sinners sila kaya ipag-pray natin. PLEASE!
Sa aming apat, ako lang ang may itinatagong….
HIYA.
Char! Hahaha!
Hindi kaya mag turbulence ng vongga sa himpapawid?
I shudder the thought.
Titili ako... pramis!
Eh kung mag crash landing ‘yon?
Eh di four less mouth to feed?
Magpa-party lang ang mga vaklang makikinabang sa mga hombreng aming mai-iwan.
Anyway, ako, aminado akong excited na makarating ng mas malayo pa sa napuntahan kong lugar dito sa Pilipinas which is... BAGUIO.
I am so dayuhan in our native land.
Arteh!
Kaya abangan ang pag-rampa nina Carrie, Charlotte, Miranda at Samantha…
or better known as.... the Blogger and the Cougars!
Sa Palawan.
Sa June 26.
Akala mo naman bukas na.
But it’s gonna be fun.
Palawan boylets…. Get ready for moi and the 3 froglettes.
..............................................................
PS. Sisiguraduhin kong pagbalik ko ng Maynila....
gilagid ko lang ang walang sunburn.
Exercise ng panga starts tomorrow.
Choz!
25 comments:
hahahaha...panalo!
miss chuni good for you... gora lang ng gora.... sana ako pa rin ang first na mag comment hahahahaha
@Mr. G.... thanks!
@Anonymous... Thanks. pero second ka. char. hahaha!
ahahahahahaha apat na bloggers na masugid mong tagasubaybay ay nasa palawan din pero sa July 27 pa... nyahihihihi
goodluck teh... sana madonselya ka ng mga powerful waves!
and-joy, pepita.
@YJ... wow, at rarampa din pala kayo. Enjoy! masdan mo na lang ang iiwan naming bakas.
Mwah!
So whose who lol
@Kiks.. you bet i will. hahaha! thanks!
@Herbs.... guess who! =)
hiwalay na si Friendship at ang most recent jowa nya? why o why? talaga bang discreet si raki? talaga bang patay na si mara?
abangan sa susunod na yugto ng... MARA CLARA!
cnxa na. utak sabaw today :))
@Nox... Si friendship kasi ay hindi makuntento sa isa, parang si Samantha, kaya si boylet ay broken hearted.
Hindi discreet si Raki. Mas maraming dugong vakla ang nananalaytay sa kanya than me, friendship and JR combined. In denial lang sya- kaso alang naniniwala. Hahaha!
Patay na si Mara? Oh hindeeeeee!!!! Pwede ko kayang i-offer ang services ko as lamay organizer? char. =)
ay mabagyo na ang June. Goodluck sa turbulence. hahahaha
@Jpy Dee.. oo nga eh, 'yan din ang worry ko. wet look ako all throughout sa bakasyon. Birthday ko rin ng week na 'yon. hihihi! di bale, mas bagyo sa sked ni manilabitch - July ang palawan nya. 'yan ang goodluck. hahaha!
hahaha
"gilagid ko lang ang walang sunburn."
Tawa ako ng tawa dito! Panalo ka talaga Chuni!!!
miss chuni aabangan nmin ang fotos mo ha! un nka topless kayo ha hehe
wow! summer na summer na buti ka pa may plans na.. nyway, enjoy your vacation!
punta kayo tubataha reef... sa palawan ba yun?
sensya boba lang sa geography
pasalubooooong... ;p
ang galing mo talagang magsulat ms chuni! :) idol! :) hehehe
@Iurico... thanks! ;-)
@Hot bicycle... sure. bottomless na rin. char. =)
@Shenanigans... oo naman. ilang mensung ang kaya mo? hihihi!
@Chefjayps.... Thanks chef! =)
bongga! ingat sa trip nyo! :)
teh hindi pa ba tag-ulan sa date ng rampa nyo?
Love this post mama Chu, hehehehe, namiss ko tong ganitong entry. mwah
@Mike... thanks! tama... ingat sila sa mga kasama ko. hahaha!
@Ewan... malamang. keri na yon, magbabaon ako ng kapote. hehehe.
@Houseboy.... Thanks! Mwah. =)
sama akens!.. hahaha..
hindi pwdeng hindi ako mag enjoy pag binabasa ko blog mo! LOL na LOL! haveeey!
sa palawan pla ang rampa nio! enjoy!
dont forget my pasalubong isang well done na palaweño! haha
1800 lang? hongggcheap nmannnn!!!
hayyst kailangan magtago ang mga boylets jan sa palawan at bka matuyot ang mga tamod nila sa inyo bwahhaha ching!
@Candy... tara. bilis. i ready na ang bathing suit. =)
@Sivrej... Thanks! hahaha. sure. ang hindi ko lang sure ay kung hindi dadaan sa palad ni JR at Friendship bago dumating sa palad mo. hahaha.
@Papa Josh... Oo cheap. Para ka lang nag buffet. hahaha. Oist, hindi sila dapat magtago. harmless kami... HARMLESS!!! char. hahahaha
Post a Comment