Chuni And The Upper East Siders: Christmas Edition
*******
At dahil magpa-Pasko, nakahanap ng opportunity ang mga bakla na mag-get-together.
Ito ay ang mga sumusunod.
Ako.... ay babae nga pala akez. Hihihi!
At ang tatlong bakla ay sina Zuki, Baronessa at Galandriel or also known as The Upper East Siders.
Me: "Saan naman ang lafang? Ang traffic-traffic ha. Baka sa Quezon City 'yan, hindi ako pupunta."
Zuki: "Gagah, ang KJ mo talaga!"
Me: "Ay naku, basta."
Zuki: "Ako ang in-charge sa venue. We will meet half-way para fair."
Me: "O sige, saan?"
Zuki: "Sa Omakase. Sa Alabang."
Me: "Alabang?"
Zuki: "Oo."
Me: "Futah ka, eh pano naging halfway 'yon eh taga-Makati ako, taga-Pasig ka tapos si Baronessa sa San Juan at si Galandriel ay Mandaluyong! Ambobo mo talaga sa geography bakla!"
Zuki: "O sige, sa Makati tayo, pero ikaw ang manlilibre."
Me: "Baket, sagot mo ba yung dinner?"
Zuki: "Oo, treat ko."
Me: "Pwes, sa Alabang tayo!"
Dahil I have to meet a friend also in Paranaque, dumiretso na akez sa Alabang at hinanap ang Omakase. Akala ko naman nasa loob ng Alabang Town Center, hindi pala. Eh since commutera lang ang lolah nyo, Haggardo Versoza na akez by the time na masilayan ng chinita kong mata ang venue. Sa Casa Susana pala, which is lalabas ng slight ng ATC.
Nandoon na at naghihintay ang third, second at first runner-up ng dumating and title holder - Akez.
Baronessa: "Bakit ang tagal mo?"
Me: "Huli talagang dumarating ang beauty queen, baket, sino ba ang na-unang dumating?"
Galandriel: "Si Zuki!"
Me: "Hodevah, ang chaka. Hahaha!"
Zuki: "Fuki mo, gusto mong tubig lang ang orderin ko sa 'yo?"
Me: "Ito naman hindi mabiro, pare-pareho naman tayong kagandahan, kumbaga sa Ms. Earth, si Baronessa si Ms. Earth-Fire, si Galandriel si Ms. Earth-Water at ako si Ms. Earth-Air."
Zuki: "So ako si Ms. Earth - the titleholder?"
Me: "'Wag naman mashadong ambisyosa. Ikaw si Ms. Earth - Pollution."
Tumawa ang mga bakla. Napalingon sa amin ang ibang customers.
Zuki: "Hayuf ka talaga Chuni. Toothpick lang ang order mo!"
At lumapit ang waiter.... beki rin.
Naunang um-order ang tatlo. Then it's my turn na.
Me: "Ano ang pinaka-mahal?"
Namutla ang Zuki!
Waiter: "Yung sushi platter namin sir..."
Me: "Magkano 'yon?"
Waiter: "Php 625.00 po."
Me: "Wala ba 'yung Kobe steak o Wagyu na per gram ang price. Bigyan mo ko non, mga limang kilo."
By that time butil-butil na yata ang pawis ng baklang Zuki.
Waiter: "Ay wala po 'non."
Me: "Ganon ba? O sige yung sushi platter nyo na lang, 5 orders, take-out. Dagdagan mo ng Kikkoman ha. Hihihi!"
Hagikgik ang Baronessa at Galandriel.
Zuki: "Seryoso ka ba?"
Me: "Look at my fez, mukha ba kong nagdyo-jowk?"
.
.
.
.
.
.
Me: "Hahaha! Joke lang! Baklah, eto order ko... Jurassic Maki.... teka, masarap ba 'yan?"
Waiter: "Opo. Bestseller 'yan."
Me: "Weh? O sige na nga, tapos ang main course ko ay Tuna Tepanyaki."
Waiter: "How about soup or salad sir?"
Me: "Okey na 'yan, diet ako..... ay teka, saka 1.5L na coke."
Zuki: "Gagah, walang 1.5L na coke dito. Ano akala mo dito, Mang Inasal?"
Me: "I know! Nag-dyojowk lang uli. Family-size na coke na lang. Hihihi!"
At nag-kwentuhan ang mga bakla ng ano pah... eh di kung ano-anong mga kabaklaan. Char.
Ang dami naming napag-kwentuhan habang hinihintay ang order. Pero dumating naman and food bago pa man magsimula ang midnight mass. Char.
So nilabas ko na ang 3210 ko para kunan ng picture ang food.
Zuki: "Bakla! Ano na naman 'yan?"
Me: "Pi-picturan ko lang."
Zuki: "Baket, wala sa bukid nyo nyan?"
Me: "Gagah, ipapa-gaya ko kay Adoray ang presentation!"
Jurassic Maki P285.00
Tuna Teppan with Yasai Itame P225.00
Baronessa: "Bakla, kamusta na si Adoray?"
Me: "Ayun, nagpa-practice ng ipe-perform nya sa Christmas party."
Galandriel: "Talaga? Saan ang Christmas party nya?"
Me: "Sa bahay, Christmas party naming dalawa. May performance sya, pwes, may performance din ako. Syempre kailangang ako ang manalo."
Zuki: "Adik!!! Kayong dalawa na lang, may kumpitisyon pa?"
Me: "Paki mo, eh di mag Christmas party rin kayo ng mommy mo. Pero alam nyo, feel ko mananalo si Adoray."
Baronessa: "Bakit naman?"
Me: "Eh kasi, ang bruha, may back-up dancer sya -yung mga tambay sa amin. Alma Moreno daw ang peg ng performance. Yan ang sabi nung isang tambay back-up nya. May lifting at throwing sa thin air!"
Galandriel: "Sushyal ha. Eh ikaw?"
Me: "Ang performance ko?"
Galandriel: "Oo."
Me: "Dalawang oras na extemporaneous speech."
Baronessa: "Hahaha! Duduguin sa 'yo si Adoray."
Me: "Yun nga ang purpose, death by nosebleed for the competition! Para ako pa rin ang winnur! Tingnan ko lang kung hindi sya mag-back-out!"
Char.
Haynaku, mahaba pa ang kwentuhan ng mga bakla. Pero enjoy sa get-together.
:)
*************************
By the way, ang sarap lang ng food sa Omasake! Five out of 5 orgasms ang rating ko sa kanya. And the prices are very reasonable. Sulit na suit and pakikipag meet-halfway sa mga bakla!
Until then mga ateh.
Hihihi! :)
*****
23 comments:
Miss Chuni this made my gloomy day! :D dami kong tawa, nawala saglit ang lungkot ko
@Jenny... 'Wag ka ng malungkot. Paskong-pasko eh. Sige, bibigyan kita ng iPad.... sleeve. chos! :)
Miss Chuni, buti earlier this year kayo pumunta ng CDO ano?
-Been
@Been.... First week of November lang (this year). Pero ibang friends yon. I was with Raki and JR.
another panalo post ms. chuni!
Tata Berto
ms chuni, di ba kau na-inlove ni adoray sa isa't isa, or nagparaos man lang sa isa't isa minsan?
harhar, gross ba ung tanong ko?
Miss Chuni, wag nalang IPad sleeve kasi wala ako nyan...ano nalang boylets! LOL
@Tata Berto.... Salamat pow! Hihihi! :)
@Anon.... Pakyu ka! Hahahaha! Etchos lang. Hindi ako cannibal. Yun lang. Chos! :)
@Jenny.... Shure! Anong age bracket? Hahaha! Chos! :)
Haha..dami ko tawa. Lupet talagang magkwento. Panalo to maam.
Omasake or Omakase? Hehe. Iba po ba yung Omakase sa Libis? Sana dun na lang kayo.. hehe
miss chuni, i think u didn't get the joke of Been..
i think its about the bagyong Sendong--kasi nga kung ngaun kayo pumunta dun, isa ka sana sa mga lumalangoy sa putik at nka mud pack... hihihi (dba ang gross, im making fun of other's misfortunes.. parang very typical filipino values lang hayyzz) ..
@Aike.... Mam talaga? hehehe! mwaahhh!
@JohnM.... Ay, i stand erected! Thanks for correcting moi. It's Omakase. Hihihi!
@Anon.... Hihihi! Bobita me, hindi ko na gets. :)
ahahaha! madam!! ahahaha! salamat for this post.. pampasaya ka talaga!! :)
you never fail to amuse me your highness :)
Miss Chuni am back ulit! LOL
gusto ko ages 25-35, standing 5'9" - 6"1" tall :D yung yummylicious Miss Chuni...salamat mwahhh
inuna tlga ang take out? HSF(hagalpak sa floor)! that's nt so beauty queenly. chowz.
enwei, wla pa bng result sa a-day-wd-d-queen raffle promo? dnt tell me i hav been fooled? may nagbenta ng tickets sa rockwell "meet ms. Chuni in person" ang tag line. i bought 20 bundles p nman. finger nails turned blue & violet sa kakafill-up.
@Nate.... hihihi! Pang comedy ba ang peg? :)
@Elay.... Anp depthness na rin. Hihihi! Chos! :)
@Jenny....Ay sorry 'teh, hindi pumasa sa standard mo yung mga tambay dito. hahaha! Chos! :)
@Geminianchi.... Okey lang, hindi ko naman suot yung crown that time. Hihihi! Yung raffle ay na-postpone. Nag-i-inarteh ang mga prizes. Hongdaming demands. Akala mo naman may diamonds ang mga titi kung maka-emote. hihihi! Chos! :)
@madam: tohmoh!! parang clown lang 'teh.. ganyan.. :P
@Nate.... Hahaha! Ay, magpapa seryoso na nga akez. Nakakasira ng image. Char! :)
Hi Ms. Chuni! wow! na miss ko ang mga gantong post, Merry Christmas your royal highness. pwede ba humingi din ng boylet na gift, matagal ng di nasi simsim ang aking hiyas ;)
Benta yung Christmas party nyo ni Adoray teh.
super laff-in ako sa entry mo na ito ms chuni biglang napawi ang stress ko here sa kuwait with all these fucking auditors in the office hahahha
merry christmas ms chuni 5 days to go na lang love na talaga kita love love love
marlon
dami kong tawa chuni mga piptitu.. hahaha.. bago mo kong fan.... :)
Post a Comment