Ang Hiwalayan ng Taon
*****
And the nominees are...
.
.
.
.
.
.
.
.
Piolo & KC
Mo & Rhian
Annabelle & Nadia
Chuni & Adoray
Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Sa maiksing panahong pinagsamahan namin, naging maayos at masaya naman. Pero kailangan na naming maghiwalay. Because I have to move on.
Me: "Adoray, you're fired."
Adoray: "Excuse me?"
Me: "I said, you're fired!"
Adoray: "No, you can't fire me!"
Me: "And why is that?"
Adoray: "Because I QUIT!!!"
At nag-walk-out ang bruha bitbit ang mga nai-pundar nya sa loob ng isang white plastic bag.
At bago tuluyang lumayo, lumingon sha...
Adoray: "Goodbye na ba talaga?"
Me: "Adoray, you must understand, hindi ka na pwede 'don."
Adoray: "Anyway, okey lang. Gusto ko na ring mag-paalam sa 'yo. May lilipatan na kasi ako eh. Hihihi!"
Me: "Bruha ka, kanino ka lilipat?"
Adoray: "Basta ito lang ang masasabi ko, ang lilipatan ko ay mas generous at mas mabait sa 'yo!"
Me: "I'm sure... chaka."
Adoray: "Opkors not. Kung sa 'yo lang naman madam, di hamak na mas maganda sha ng 100 times."
Me: "Ay naku, you're just making me feel bad. Sige na... adios na."
**************
Two days later, hindi ko ini-expect ang muli naming pagkikita ni Adoray.
At sa bahay pa ng kanyang bagong amo. Nakita ko syang nagdidilig ng halaman sa garden. Pumasok ako sa gate.
Me: "So, dito ka na pala ngayon?"
Halatang nagulat sha. Pero mabilis ding nakabawi.
Adoray: "Hodevah, mas maganda ang balur at mas spacious? Hihihi!"
Me: "Haynaku, may spacious ka pang nalalaman. Nasaan ang amo mo?"
Adoray: "Nasa veranda, nagpapa-pedicure. Baket?"
At hindi na ako nagawang pigilan pa ni Adoray ng dumire-diretso ako sa veranda.
Aba, sushalera ang amo nya, may nagpi-pedicure na sa paa, may nagpi-pedicure pa sa kamay. Vongga!
Lumapit ako sa kanya at nag-mano.
"Merry Christmas 'Nay."
Oo, si Queen Mother ang bagong amo ni Adoray. And I am soooo happy for her. :)
******
27 comments:
you never fail to make my day with your blog, ms. chuni. wishing you a great year ahead. happy new year
@Anon... Thanks! And a Happy New Year to you too! :)
Awww that was so cool Miss Chuni.
.
.
A great new year to you ;D
-DB
Taga Balagtas ka pala Ms. Chuni. Kita ko kasi yung German Espiritu Liner na bus. Sa Wawa lang ako hehehe...Pwedeng pwede pala kita akyatin ng ligaw sa bahay nyo.
- Anton
haha you really made my day Miss Chuni...Have a blessed and happy 2012!
Ganda naman ni Adoray!!!
Mahal ko na!!!
Happy New Year po!
Akala ko naman kung san lumipatsi Adoray. haha. may dialectic accent ba siya?
Happy new year idol Miss Chuni! :)
Joe
kinutuban ako noong una Ms. Chuni. akala ko nagkagulo kayo noong Cristmas party nyong dalawa dahil sa inyong respective presentations.
Manigong Bagong Taon sa inyo!
aminin natin isa lang ang mas maganda pa sa isang queen (or beauty queen) at ito ang queen mother. hahaha. thanks for the greeting sa blog ko. merry christmas and a happy new year, miss chuni.
labs kita.
Sabi na eh, walang makakatalo sa kagandahan ni Miss Chuni, unless kadugo niya.
HNY!!!
pampasaya ka talaga madam!! :)
happy new year!!
so sa nanay mo siya naninilbihan ngayon? pano ka na ms chuni, sarili ka na lang.. kaya mo bang alagaan ang sarili mo? o hahanap ka ng bagong chimay, or better yet, isang boy.. yung yumminess na boy.. :)
bakit naman nagpi-pedicure sa kamay miss chuni? dapat manicure kasi para sa paa ung mani... peace!! :D happy new year miss chuni!
your balur is not the same without adoray :(
Awwww, what a beautiful twist. A happy ending. Must be hard for you.
Aabangan ko na lang ang bagong character sa blog mo-ang kapalit ni Adorasyon.
Happy New Year Teh
Maganda pala si Adoray... hahaha
Happy New Year Chuni!
hahaha kala ko pa naman sino na ung new amo ni adorai mudra mo lang pala... pano na nyan ms. chuni sino na makakatulong mo...
pwede naba akong magpasa na CV ko for screening ng boy mo... do we nead to wear business attire or boxer brief and bow tie lang? hehehe "wink"
hahaha
ms chuni correction lang sa " Aba, sushalera ang amo nya, may nagpi-pedicure na sa paa, may nagpi-pedicure pa sa kamay. Vongga!
pedicure = paa
manicure = kamay
Happy New year!
Napangiti ako sa entry mo. Thank you Miss Chuni. :)
happy new year..
the best ka talaga ms. chuni
avid reader here
marc :)
dahil last day na ng taon, HAPPY NEW YEAR sa yo, Ms C.
you have a fan in HK. and in Geneva. and in the US. and in the British Virgin Islands!!!
Happy new year, Ms. Chuni.
awwww mamimiss namin ang mga adventures ni adoray hehe.
kaloka lang my Queen :-)
ay wala na si adoray? :(
di na ko makakabasa ng kwento tungkol sa kanya im a fan pa naman
miss thang... pedicure for toe nails at manicure for fingers. yon lang. peace!
Post a Comment