Bakla o Adik

Kinwento lang sa akin 'to. Natawa lang ako kaya mega share dito sa blog.


.......................................................

Nag-uusap ang dalawang mag-kumpare.

Kumpare 1: "Pare, kung magkaka-anak ka at papipiliin ka lang sa dalawa, ano ang mas gusto mo, bakla o adik?"

Kumpare 2: "Ano bang klaseng tanong 'yan pare. Siguro adik na lang."

Kumpare 1: "Bakit naman adik?"

Kumpare 2: "Kasi ang adik, nare-rehab."

.........................................................

eto pa isa.

Isang bakla at isang lasenggo daw ang nag-aaway.

Lasenggo: "Panget! panget ka!"

Bakla: "Eh di bale nang panget hindi naman lasenggo! Ikaw, lasenggo! Lasenggo ka!"

Lasenggo: "At leash bhukas pag-gishing ko, hindi na ako lasheng! Eh ikaw, panget ka pa rin!"

.............................................................


last na.

May bagong alagang parrot ang kapitbahay ni Siona. Nang minsang dumaan sya, nagsalita ang parrot.

Parrot: "Pssst! Pssst! Panget! Panget!"

Shona: "Ang cute, cute namang parrot na 'to... nagsasalita. Vongga!"

Kinabukasan, pag daan ni Siona, nagsalita muli ang parrot ng "Panget! Panget!". Na-aliw muli si Siona. Hanggang nakahalata si Siona na bukod tanging sya lang ang sinasabihan ng "Panget!" ng parrot. Kaya naman ng huling dumaan si Siona.

Parrot: "Pssst! Pssst! Panget! Panget!"

Siona: "Punyeta kang parrot ka! Napi-pika na ako sa 'yo. Subukan mo lang tawagin pa akong PANGET at hindi ako mangingiming balahibuhan kita ng buhay! Naiintindihan mo!"

Syempre, hindi naman nag-react ang parrot. Kinabukasan, dumaan uli si Siona.

Parrot: "Pssst! Pssst!...."

Siona: "ANOOO???!!!"

Parrot: "Alam mo na..."




posted under |

1 comments:

Anonymous said...

Mej offensive yung first joke XD

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse
There was an error in this gadget

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

There was an error in this gadget

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments