Just Say ‘Sorry’

Nagsa-sashay peacefully ang aking kagandahan sa kalawakan ng SM Mall of Asia ng out of nowhere ay bundolin ako ng isang nagmamaganda at nagmamadaling babaeng Orca. Umiwas kasi sya sa makakasalubong nya at sa halip na mag-menor ng lakad, she chose to slam her ginormous body to mine.

Na shock at na hurt aketch. Tinamaan din nya ang DSLR ko. Nag-worry ako na baka nasira ito.

Huminto sya sabay irap pa.

Ang bruha. Sya pa ang may ganang mag-taray. How mal-educated and rude.

“Bitch!” sabi ko.

Nadinig pala nya. Lumingon uli sya.

“BAKLA!” sigaw nya.

Aba! Aba! Aba!

Ang shunga-shunga.

As if there’s anything wrong with being gay.

Pero sarcastic sya at na high-blood naman ako.

She wants war?

Well, I’ll give her one. Even though I am just wearing my Nike trainers and not my red stilettos.

Tiningnan ko s’ya mula ulo hanggang kuyukot ng paa nya.

I raised my right index finger motioning her that I have a point to articulate.

And with my right eyebrows arched creating a significant 90° angle a la Cherrie Gil, I said my piece….

“Oo, bakla nga ako pero tingnan mo naman ang sarili mo, sinayang mo lang ang pagka-babae mo. MAS FASYON PA ANG LOLA KO SA ‘YO. ‘Tse!”

Sabay quarterback turn and then I let my beautiful and shiny hair stride with the wind making her gasp with hysterical envy.

Ano, bibigyan ko pa s’ya ng opportunity na mag-react?

No way.

In the first place, all she needs to do is say “sorry”.

And I will accept naman her apology.

But she chose to act like a bitch that she is.

Kung si Lord nga ay nagpapatawad.

Ako pa!

Na isa lang…



posted under |

4 comments:

Luis Miguel said...

har! har! har!

Anonymous said...

i wish i can say 'bitch' to people like that. but me being me, ang una ko laging nasasabi e, 'tangina mo ah!' siguro i'm not as well-bred as i imagine myself to be. pero 'tangina' is much more effective. nanliliit at nasisindak ang sino mang sabihan ko nyan,kaya i'll stick to it na lang. hehehe...

Ms. Chuniverse said...

i used to say "tangina" din. hanggang sa nagpaka social cimber aketch ng madikit sa ilang mga pa-sosyals. hahaha! But you're right, mas may tapang at takot factor ang "tangina" compared to let's say "bitch" and "asshole".

;-)

Ewan said...

teh bakit ka tinawag na bakla?
mukhang malakas ata ang gaydar ng gurl na yun ha!

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse
There was an error in this gadget

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

There was an error in this gadget

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments