Miss Chuniverse's Travel Tips

May nag-request na i-expound ko yung aking mga entries about my travel experience. Hindi po ako seasoned traveler but I have some tips sa mga gustong mag-liwaliw.

1. PLAN AHEAD. Better na isipin nyo kung kailan nyo gusto mag-travel. I-check nyo rin kung ano ang weather sa pupuntahan nyo. Baka mamaya, bumabagyo sa destination, how can you enjoy naman ditse? If you are into shopping, check mo yung sale period. Usually sale sa HK ng August at around July naman sa Singapore. At karamihan ng mga shops at government offices, sarado pag Chinese New Year o Hari Raya Puasa naman sa Malaysia.

Don’t forget to ask yourself, bakit mo ba gustong pumunta don? Ano ba ang mapapala mo at agenda sa pagpunta don?

2. SET A BUDGET AND STICK TO IT. Dapat realistic. If you are working on a tight budget, you should consider EVERYTHING! Airfare, airport taxes and terminal fees, hotel accommodation, food, transportation and shopping money. It’s good din if you have a contingency fund.

Package Tours- ‘Wag basta magpadala sa mga nababasang cheap package abroad sa mga newspapers o internet. I check mabuti ang inclusions at kung may mga hidden charges. Get a detailed quotation. Kasama na ba don ang airport transfers? Breakfast? Anong klaseng hotel? (Mag-internet ka at I check ang location ng hotel. Baka kasi nasa far flung area itetch or chuffangga talaga). Pumili ng hotel na malapit sa mga MRT or public transport stations. ‘Wag ng magpaka-sosy sa hotel, tutulugan mo lang naman ‘yan at your mostly out naman during your vacaycay.

Tip: Kung buffet brakfast ang inclusion sa package, magpaka-busog. Kumain ng brunch o one –hour before mag close ang buffet para hindi ka na gumastos mag- lunch. Hihihi!

Yang mga package tours na yan usually ay may mga kasamang land tours sa destination mo. Baka mamaya, dadalhin ka lang sa mga areas na hindi naman interesante sa ‘yo like jewelry stores, etc. At pagdating mo sa areas na yon, gagastos ka sa mga compulsory souvenirs (i.e. picture mo na naka-print sa plato). Pag hindi ka naman join, paysung ka ng penalty. Be cautious about this.

If you have a detailed quotation na, and then ask at least 3 other travel agencies to quote for the same package. You’ll be surprise minsan sa mga diperensya or sa mase- save mo. Or, on your own, book the same package. Direct ka sa airline (choose different airlines). Ganon din sa hotel. Sometimes, may discount ang mga advance bookings.

Tip: Very early and late flights are usually cheap. Hotel check-in is usually 2pm. Kaya i- weigh in mo na lang ang importance at masi save mo. Pero pwede mo naman iwan muna sa c concierge ng hotel ang bagahe para maka-larga agad.

Kung may relatives ka sa pupuntahan mo st super duper close kayo, well, good for you. But I prefer not to make abala kasi with friends and relatives not unless they offer.

3. MAKE YOUR OWN ITINERARY. Instead of relying sa mga agency itineraries, mas type ko na gumawa ng sarili kong itinerary. At least, mama maximize ko ang oras ko at budget. At kung magkaligaw-ligaw ka man gaya ko, I enjoy mo lang. Explore the area. Isa kang turista ateh!

I-research mo sa internet ang mga tourist destinations. Read the reviews. If you like it, i- sama sa list. And then, hanapin ang iba pang tourist destination na malapit sa area na ‘yon at i-sama na sa schedule para hindi ka pabalik-balik sa iisang lugar.

If you have an itinerary, you will know more or less how many days you need para sa vacaycay mo.

VISA. You don’t need a VISA prior when you travel sa mga neighboring countries. Some states issue visa on arrival. Gaya ng pumunta kami sa Schenzhen, China. Sa immigration ka na lang tatatakan kung how many days ka allowed mag-stay. If you are a Pinoy and a Phillipine Passport holder, at you will travel sa mga bansang itetch, NO VISA required ateh. Taas noo lang a la Amor Powers.

Fiji, Palau, Micronesia, Tonga, Vanuatu, Samoa, Laos, Cambodia Vietnam, Thailand, Singapore, Indonesia, Malaysia, Brunei, Macau, Hong Kong, Sri Lanka, Maldives, Israel, Mongolia, Bermuda, Cuba, Jamaica, Morocco, Kenya, Seychelles, Brazil, Bolivia, Colombia, Ecuador, Peru, Uruguay, Costa Rica, Nicaragua, Slovenia, Macedonia.

Source: http://www.projectvisa.com

Tip: When you travel, dress naman appropriately mga ditse. Hindi tayo pupunta sa Divisoria kaya forget the tsinelas kahit Havaiannas pa ‘yan. It is your opportunity to impress pero wag naman din over. Specially sa airport, casual chic ba 'teh.

I had an experience sa HK immigration when a Pinoy was questioned at ang tagal nya sa immigration because ang outfit ng lolo ay butas butas na white t-shirt, maong shorts at super old na rubber shoes. Baka isipin ng immigration manlilimos ka lang. Hihihi.

4. FOREX: I research mo sa internet kung saan mataas ang palitan ng dolyar bago ka pa man umalis ng Pinas. That way, mama maximize mo ang value ng pera mo. Better if you have few local currencies na rin with you aside from US Dollar. At magtabi ka rin ng Peso noh. Uuwi ka pa rin kaya ng Pinas at ang pambayad mo sa terminal fee sa NAIA ay in pesos din.

Tip: Based on my experience, mababa ang exchange rate sa mga airports at bangko.

5. TRAVEL LIGHT. Depende sa purpose ng byahe mo ay ang mga gamit na dadalhin mo. Kung mainit sa destination, bring shorts. Flaunt those legs. Pero be sensitive about their culture din. Wag ng magbitbit ng jacket or makakapal na damit kung hindi naman kalamigan sa pupuntahan. Kung 3 days ka lang. Magdala ng gamit na pang 3 days lang, ok? Bring a pair of comfortable rubber shoes and a digital camera (don’t forget the charger).

Tip: Don’t forget to bring basic medicine na hiyang ka like pang diarrhea, headache and your vitamins. Just in case na kailanganinmo. Mahirap maghanap ng Mercury Drug. Hihihi!

Also, DO NOT check-in your valuables. Keep it with your hand-carried luggage. Kung may ka-artehan at gustong magdala ng laptop, bitbit mo rin ito. Ibukod din ang mga travel documents (passport, tickets, etc.)

Kung manghihiram ka ng luggage, linisin mo muna. Make sure lang na hindi drug trafficker ang nahiraman mo kasi, kahit paraphernalia lang yan, baka ma chorva ka sa customs.

Provide space sa mga pasalubong. Or bring another bag. Make sure na hindi ka ma-excess baggage or else paysung ka.

6. SHOPPING. Don’t buy anything na meron din sa Pinas. I have this friend who bought nothing but Giordano items from HK. Haller?!? Kahit pa sale ang Giordano sa HK, very minimal ang price difference nyan dito sa Pinas. Kumakain lang ng space sa luggage mo ‘yan. At, matuto kang tumawad ng vonggang vongga sa mga bargain shops.

Sa Vietnam ay karaniwan ng mabibili ang mga local wine na may nakababad na ahas sa loob. Daming tourists ang na-e-engganyong bumili nito. Kung type mo syang bilhin, baka maging problema yan sa customs. Kasi baka protected wildlife/specie yan. Multa ka ateh!









Tip: I suggest that you buy a memento that will remind you of the city or country.

7. FOOD TRIP. When you travel, you immense yourself with their culture. And the best way to do that is to experience yung food nila kaya haller, forget Mc Donalds and 7-11. Enjoy the hawker food stalls at lumafang ng kakaibang putahe.

Tip: I research sa internet ang popular food ng destination. At i-sama sa listahan ng “Must do” ang pagtikim sa mga pagkaing ‘yon.


















Ang sweet naman ng smile ni ditse.

8. TAKE PICTURES/VIDEOS.
Kumuha ng mga larawan. Souvenir pictures. Make sure lang na kasama ka sa eksena. Common mistake na kuha ng kung pictures tapos wala ka naman sa frame. Ano yan, post card?

Tip. Maghanap ng cute na local, magpakilalang turista at magpa-picture. Hihihi!

9. OBEY RULES. Aside from respecting the culture, you must also know kung ano ang mga basic rules ng syudad. Hindi excuse ang pagiging turista para hindi ka ma chorva ng pulisya. Hindi komo pwedeng gawin sa Pinas ay pwede na rin nating gawin sa ibang bansa. We must be considerate and pay attention to these rules.

Ang Singapore ay tinawag na Fine City, kasi ang daming bawal at sa bawat violations ay may katapat na multa. Bawal mag-spit sa kung saan saan, manigarilyo, at mag chew ng bubblegum daw. Bawal din mag litter at mag sun bath ng topless or nude just in case na may dede ka at may balak ka ditse.

Tip: Be nice and friendly. Imagine that you are the ambassadress of goodwill. Hindi natin territory itetch kaya habaan ang pisi sa mga shungang locals.

10. GET A PRE-PAID SIM AT MAG-APPLY NG INTERNATIONAL ROAMING. Since I only have one phone for personal and business use, everytime I travel, bumibili ako ng pre-paid sim at pinapa-activate ko na lang ang international roaming. And then I will give the number to my family, closest friends at office with one condition: TEXT/CALL me if it’s only an emergency.

Ayoko naman kasi na i-announce sa buong community ang pag-travel at sabihing don’t call me or text me kasi I’m out of the country. And I cannot naman enjoy my vacation kung pati mga boylets, suppliers, clients ay magsi-sitawag or mag text. I cannot imagine my bill just in case.

11. MAKE A LIST AND CHECK IT TWICE. Gumawa ng checklist at make-sure na nabitbit lahat. Ayusin ang listahan base sa pangangailangan. I prioritize ang mga travel documents. Daming cases na naiiwan ang passport sa bahay ha. Ok lang ‘yan kung kapitbahay mo ang NAIA. Gawin din ito bago lumarga pauwi ng Pinas.

Sa question about my budget, I spent around P25K sa recent Singapore trip ko. I booked in advance at ang laki ng namura ko sa Singapore Air. That amount covers yung hotel at airfare. And then I allocated P50K for the other expenses (food, shopping, etc.). I ended up spending everything because of my newfound photography hobby.

Mas makakamura at mas enjoy kung grupo kayo. Kaya mga ditse, pag-ipunan at travel na hanggang sariwa at bata pa.

8 comments:

Ashaman Lester said...

Bravo Your Imperial Highness..(hehehe.. LOL)

Great tips!!!

Ms. Chuniverse said...

Ang tarush ng intro. Hihihi. Salamat ditse.

Anonymous said...

Super useful ng tip mo ti..

I'll check this entry again the next time I travel, hihihih... once lang me naka-travel eh

-closetjay

Ms. Chuniverse said...

Thanks closetjay. Enjoy your vacaycay. hihihi

Mac Callister said...

panalo sa tips ang dami at effort talaga!

thanks its very useful!

Ms. Chuniverse said...

@Mac Callister... hiningal ako sa pag compose nyan. type ko ang emote picture mo ditse. parang gusto kong mag pose ng ganyan pero bulaklak na alembong ang hawak. ;-)

~Carrie~ said...

Your tips are very helpful for future reference.

Ewan said...

ikaw na ang jet setter

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments