Nakaraan



Nauunawaan ko kung bakit ka nagka-ganyan. Alam ko na ginawa mo ang lahat para hindi matulad sa iba. Ano nga ba ang laban mo kung itinakdang maging ganyan ang iyong katauhan.

Naalala ko nung una kang naka-tanggap ng panunukso. Tinawag kang “Bakla!” ng mga kalaro mo sa edad na 4. Napagkatuwaan kasi ng mga tiyahin mo na bihisan ka ng damit na pambabae. Hindi mo man naiintindihan ang ibig sabihin non ay alam kong nanalatay sa ‘yo ang sakit ng pangungutya.

Subalit higit pa pala sa tukso ang iyong pag-dadaanan. Alam kong wala kang lakas na labanan ang pananakot at pang-aabuso na naganap ng araw na ‘yon. Anong kakayahan ng isang paslit na gaya mo na labanan ang isang taong tulad nya. Sino ka nga ba para lumaban? Hindi ba’t anim na taong gulang ka pa lamang?

Hanggang ngayon ay dala ko ang pagsisi. Sana ay nandoon ako upang ipagtanggol ka. Sana ay nandoon ako upang hindi naganap ang kahayupang ‘yon. Kung sakali man ay marahil nabago ang buhay mo.

Ramdam ko ang bigat na idinulot sa ‘yo ng pangyayaring ‘yon. Dinig ko ang mga iyak at hikbi mo sa gabi. Saksi ako sa mga bangungot na gumising sa ‘yong pagka-himbing. Dinudurog ang puso ko na tanggapin kung ano man ang aking naging pagkukulang upang ipagtanggol ka.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon. Kakampi mo ako sa pangarap na paghihiganti. Kasama mo akong binuo ang plano kung paano bawiin ang dangal na inagaw sa ‘yong kamusmusan.

Lintik lang ang walang ganti.

Hanggang sa dumating ang pagkakataong iyon.

Hindi mo inaasahan.

Nasa kamay mo na ang sitwasyon.

At nasa kanya ang maling panahon. Heto na ang hinihintay natin.

Pero bakit tila uma-atras ka? Bakit tila nakalimutan mo na ang panatang magbabayad ang taong bumaboy sa ‘yo?

Humihina na ba ang ‘yong paninindigan?

Nawalan ka na ba ng tapang?

Kailangan nyang magbayad. Kailangan nyang panagutan ang kanyang ginawa. Higit ngayon na may lakas ka ng lumaban. Atin na ang paghihiganti…

…………………………………..

Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Kung iipunin ko ang mga luha dulot ng galit at pagkamuhi ay hindi na ito kayang sapuhin ng aking mga palad. Tila buhangin itong luluhos sa pagitan ng aking mga daliri.

S’ya ang dahilan ng malungkot kong kabataan.

S’ya ang dahilan ng marumi kong nakaraan.

Ngayon, nasa akin na ang pagkakataon na sirain ang kanyang buhay. Gaya ng pag-sirang ginawa nya sa buhay ko.

Mararanasan na rin nya ang sakit ng kababuyang pinalasap nya sa akin.

Kung nagawa ko mang sarilinin ang lahat ng iyon sa mahabang panahon… ngayon, pamilya nya ang magiging saksi sa paglantad ng kung ano mang hayop ang nagtatago sa kanyang katauhan.

Subalit hindi ko inaasahan…

…ang paghingi nya ng tawad…

‘Tila hanging nilipad ang ala-ala ng aking kamusmusan.

Hindi ba’t humingi ‘rin ako ng tawad.

Hindi ba’t nagmaka-awa rin ako sa kanya na kung maaari ay pauwiin na n’ya ako.

Anim na taong gulang lamang ako noon.

Pero naging bingi s’ya sa bawat luha at pakiki-usap ko…

Sinira nya ang aking buhay.

Ngayon muling bumabalong ang aking mga luha. Sa maliit na kwarto’ng ‘yon ay nakapaligid ang larawan ng kanyang pamilya. Ang mga anak n’ya. Na sa aking tantya ay ganoong edad ko rin ng ako ay kanyang babuyin.

Nagpupuyos ang aking damdamin. Subalit ang diwa ko ay nagtatalo din.

HINDI AKO MASAMANG TAO.

Hindi ako kagaya nya.

Hindi ko kayang i-damay ang mga inosenteng ngayo’y magiging biktima ng kanyang kasalaulaan.

Putang ina nya.

Tanging luha ko ang piping saksi sa aking pag-suko.

Nilisan ko ang lugar na ‘yon na tanggap ang aking pagka-bigo.

Hindi ko pala kayang mag-higanti. Hindi ko pala kayang pantayan ang kanyang kasamaan…

Kasabay sa pagbuhos ng ulan...

.... noon ko lamang naramdaman ang aking paglaya sa isang madilim na nakaraan.


.............................................................................................

I dedicate this piece to all the victims of child abuse.



posted under |

10 comments:

Aris said...

this is good writing. ang galing! :)

Ms. Chuniverse said...

Thanks ditseng Aris.

May pinaghuhugutan yang istoryang yan.


And you know naman you're my muse.

Anonymous said...

a person's raw core exposed. nakapiga ng puso at may dulot na pagtatagumpay ng kabutihang loob. a really good piece.

Ms. Chuniverse said...

Thanks Anonymous. It's liberating to let that piece of my past out.

Ewan said...

di ko type magbasa ng napakaserious na compo mo teh... di ako sanay...

kaya yung mga comments lng ang binasa ko jejejej

Anonymous said...

love this one chuni... galing galing mo talaga! - jeni

Anonymous said...

This is heartbreaking and inspiring at the same time. -James

Anonymous said...

BTW, I'm an instant fan. I literally spent my entire Sunday morning reading through your articles. I've been laughing out loud. You're good. :) -James

Anonymous said...

Ngayon na lang ako ulit nagbasa ng blog. What can I say? Your blog is funny and heartfelt. One of the best. Standing O! c",)

http://www.facebook.com/soulkeep3r -- Armon

Anonymous said...

Very powerful piece.

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments