Si Ditseng Gino at Ang "Super Market" ng Bayan

Si ditseng Gino ay bagong lipat sa kanyang condo sa Makati. Since malapit sa terminal ng jeep na sinasakyan nya ang “Super Market” ng bayan, dito na sya nag-go-grocery bago umuwi.

Tuwing namimili sya sa nasabing “Super Market” ng bayan, napansin nya na napapadalas ang kakulangan nito sa panukling barya. Noong una ay pinagbibigyan nya lang ang mga kulang na 25 at 50 cents pero ng lumaon ay nakakahalata na sya sa tila modus ng “Super Market” ng bayan.

Kamakailan ay muli syang nag-grocery. Ang total bill nya ay Php 653.50. Nagbayad si ditseng Gino ng Php 655.00.

Cashier: “Sir, may 50 cents kayo?”

Gino: “Sorry miss, wala eh.”

Parang otomatiko na ang sagot ni Cashier.

Cashier: “Ok lang Sir, kulang ako ng 50 cents?” sabay abot ng piso kay ditseng Gino.

Sinasabi na nga ba. Ganito ulit ang magiging eksena. Fed-up na ang bruha kaya nag-marakulyo.

Gino: “Bakit kulang ng 50 cents?”

Cashier: “Wala po kasi akong barya eh.” sabay pakita ng kaha nya.

Gino: “Ano ba ‘yan Miss, lagi na lang kayong kulang. Kung hindi 25 cents, 50 cents. Everytime na mag-go-grocery ako dito sa inyo, laging ganyan.”

Cashier: “Sorry po sir, nag-request na rin po kasi ako ng coins pero wala pa po.”

Gino: “Eh anong gagawin natin ngayon?”

Napansin yata ng kahera na imbyerna ang ditseng Gino. Parang SOP na pag-nakmatol ang customer at hindi gumana ang Plan A, ipapasok nila ang Plan B.

Cashier: “Eto Sir, 2 pesos na po.”

Gino: “That’s not the point Miss. I don’t need your extra 50 cents. I just want my P1.50 change. And besides, ikaw ang magpapaluwal nyan di ba? Pag na-short ka ikaw nagbabayad?”

Tumango ang kahera.

Gino: “Eh pag nag-over ka, hindi ba’t kinukuha din nila ang sobra?”

Tango uli si cashier.

Cashier: “Tawag na lang po ako ng supervisor.” At itinaas na daw ng cashier ang kanyang ping-pong like racquet para humingi ng saklolo.

5 minutes… 7 minutes….

At dumating din ang isang nagkukumahog na aleng naka-uniform in blue na may dalang bag na tila mo ay isang kubrador ng jueteng. Ang siste, wala rin syang coins. She suggested na bigyan na lang ng 2 piso si ditseng Gino.

Gino: “Uulitin ko Miss, I don’t need your 50 cents. Ang hinahabol ko, out of principle, ay suklian nyo ako ng tama.”

Supervisor: “Pero Sir, wala po kaming barya eh.”

Gino: “Miss, sa sampung beses na nag-grocery ako dito, lagi kayong walang barya. ‘Di ba, sister company nyo yang bangko sa tapat? Bakit hindi kayo magpa-barya? And besides, kung wala kayong ipangsu-sukli, dapat walang butal ang presyo ng mga tinda nyo. I round-off nyo na lang.”

Supervisor: “Sir, wala po talaga eh. Eto na po yung 2 pesos.”

Gino: “Ay naku, ayokong tanggapin ‘yan. Gumawa ka ng paraan. Ang point ko dito Miss, parang nasi-sindikato ‘tong sistema nyo. Ang initial nyong sasabihin lagi, ‘Ok, lang Sir, kulang ng 50 cents?’. Imaginin mo kung ilang customers ang hindi nyo bibigyan ng baryang sukli, multiply mo by the number of transactions each day, each month, in one year. Hindi ba, richest Pinoy na nga ang amo nyo, eh kami pang small-time customers nya ang magdadagdag sa yaman nya, at accessory pa kayo? Nakukuha mo ba ang punto ko?”

Supervisor: “Yes sir.”

Gino: “Oh pwes, maghanap ka ng 50 cents. Maghihintay ako.”

Nakahanap din naman after tubuan ng kulaba sa paa si ditseng Gino sa pagkakatayo. At naibigay din ang precious Php 1.50 na sukli ng bruha. Pero may punto naman ang imbyernang bakla. Sabi nga nya,

Kung laging kulang ng 50 cents ang sukli ng mga cashier ng “Super Market” ng bayan and let’s say may 1,000 transactions each day per branch…

P.50 x 1,000 transactions

= Php 500.00/branch/day

= Php 15,000.00/30 days

=Php P182,500/year (365 days)

Eh, may 36 branches daw ang “Super Market” ng bayan. Kompyut uli.

P182,500.00 year X 36 branches = Php 6,570,000.00/year

Eh sa “Super Market” pa lang daw ‘yan. Hindi pa counted ang Department Store nila. Kahit pa i-divide into 2 ang figure, milyones pa rin ang mga naipong sukli.


Sabi ni ditseng Gino, he’d rather donate na lang daw yung 50 cents sa mga alkansyang lata ng mga charity houses then give it to the “Super Market” na uber rich na. Kaya ask for your change daw.


Ganito rin kaya sa ibang Supermarket?

May katwiran ang lola. Kaya next time, mag-gu grocery ako sa kanila at ipambabayad ko lahat ng naipon kong coins sa fish bowl ko para may panukli na sila. Sandamakmak na 5, 10, at 25 cents ‘yon. Ku-kulaniin kami sa pagbibilang.

……………………

Nang mag browse ako tungkol sa “Super Market” ng bayan, may isa pang reklamo coming from another irate customer, si Market Manila.

Heto.

posted under |

3 comments:

Aris said...

uy, that's true ha! biktima rin ako lagi ng ganito sa SM.

Ms. Chuniverse said...

"Sindikatong Market?" hehehe

Sedge_Sanctuary said...

Ive been following your blog mschuni. And its really fun. ^^

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments