Sobrang Nakakahiya

Isang kahiya-hiyang pangyayari ang naganap. Isa ito sa mga moments na kung pwede lang bumuka ang lupa at i-swallow aketch ng buong-buo ay tatanggapin ko wholeheartedly.

Gusto kong sampalin ang sarili ko at sabihing… “Ang shungga-shunga mo!” ng hindi ako ma-o-offend.

It’s soooo dyahe talaga. Ganito kasi ang nangyari.

Galing aketch ng favorite na salon (read: barberya) para i-trim ang humahaba kong hair. It’s so long na kasi and I’m having a hard time making tirintas. It’s like 1centimeter na kaya from the anit.

Pag-uwi, sakay aketch ng pambansang mode of transportation - jeep. Tapos huminto yung jeep sa isang kanto at may sumakay. Napa “ohmaygas!” ako ng slight.

Yung sumakay kasi ay mag-dyowa. Girl and Boy. Yung gurl, so-so lang ang beauty na tipong common tao lang. Nothing fabulous about her. Yung guy, ang swabe. Hindi sya uber gwapo but he’s my type. Yung tipong magpapa-angkin ako in an instant.

Isip ko, ang swerte ng hitad at napasa-kamay nya ang lalaking aangkin ng aking virginity. Yes, virgin pa po………….… ang skin pores ko. Hihihi!

Hindi ako mapakali sa ka-gwapuhang nasa aking harapan.

Kung kindatan ko kaya?

Kung ilabas ko kaya ang aking dila?

Kung i-squeeze ko kaya ang aking dede at ipakita sa kanya ang aking cleavage?

As if meron.

How convoluted!

Wah na ko care kung astang nakatanghod aketch sa kanya. Kailangan nyang mahismasmasan at maunawaang nasa harap na nya ang kanyang soulmate.

At ako yon.

Haaayyy…..

Naisip ko na baka bumaba ang hombre kasama ang mukhang julalay nyang jowa.

Ano na ang gagawin ko?

*TING!*

Alam ko na!

Kailangan ko ng souvenir pic.

Dinukot ko mula sa aking pekpek shorts ang bukod tangi kong cellphone. Set ko ang camera mode. Slide ng camera cover at pa-simpleng kumuha ng anggulo.

Hindi dapat obvious noh!

Ang uga-uga ng jeep. Gusto kong sabihin kay Manong Driver na dahan-dahan lang pero pinigilan ko ang aking sarili. Hindi dapat maka-kuha ng atensyon.

Pinagtyagaan ko na lang na hindi igalaw ang aking kamay. At ng may pumara at huminto ang jeep.

Pagkakataon….

Sabay pindot…..

Isang malakas na “CLICK!” ang nangibabaw.

Lingunan lahat sa akin.

Kasabay kasi ng “CLICK!”

Ay vonggang vonggang nag FLASH din ang ilaw ng camera.

Ang shunga-shunga!

At ako’y natulala.

Pati si Pogi ay napalingon sa ‘kin at obviously ay nakatutok sa kanya ang camera ng phone ko.

Hindi ko naisip na i-silent mode ang phone at i-off ang flash ng camera.

Inuna kasi ang landi. Hayan ang napala.

Haaaayyyy….

Sabi ko na lang…. “Ay, napindot ko. Ano ba ‘to.” Sabay tago ng phone.

Patay malisya. Gusto ko sanang pumara at bumaba na. Kaya lang malayo pa ang house namin. Mahaba ang aking lalakarin.

Tumingin na lang ako sa malayo habang nagba-blush.

Istupida talaga.

Pagdating ng bahay, tiningnan ko agad ang kuha.

Haaayyy…. Ang labo.

Hindi sulit ang kahihiyan sa aking natunghayan.

posted under |

30 comments:

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

sana itinodo mo na ang drama at hinagis palabas ng jeep ang mobile phone.

Ms. Chuniverse said...

Hahaha, 'wag naman ate, sayang ang mobile phone.

'di bale, naka move on din naman agad ako sa kahihiyan.

ok na ko.

naisip ko, mas marami pang mas nakakahiya sa ginawa ko.

at least next time, maiisip ko ng i-off ang flash at i-silent mode ang phone.

Fickle Cattle said...

hahaha. that is so mortifying. winner.

http://ficklecattle.blogspot.com/

Ms. Chuniverse said...

Tama ka dyan Fickle Cattle. Mortifying talaga.

Will check your blog.

Thanks for dropping by. ;-)

Diwata said...

hahaha... istupida is such a funny word. i like it.. :))

http://diwatangluwalhati.blogspot.com

Ms. Chuniverse said...

Thanks Diwata!

How fabulous naman your profile pic. Feel ko yan.

Diwata said...

ofcorz ateh. pangcompensate yan sa katotohan. ahihihi

Lester Babulon said...

Nyahaha.. Ang galing ng kwento... Nakakahiya nga... pero nakakatuwa...

Ms. Chuniverse said...

@ Lester... thanks sistah!

Anonymous said...

kakatuwa ka heheh d ko mapigilan tumawa hahah anyway ur great.

edwin said...

another nice entry. katawa ka talagang magkwento.

Ms. Chuniverse said...

@ Anonymous... hindi lang ako nakakatuwa. masarap pa. hihihi. jowk pow.

@Edwin... dito ko lang kasi naibubuhos anglandi ko. hihihi

Anonymous said...

hahahahahaha, kung sa akin nangyari yun sasabihin ko akala ko kasi artista ka kaya gusto ko may sobenir poto ako. Di lusot. Pero sa totoo lang embarassing talaga nangyari sa iyo hahahahahahahaha.

Anonymous said...

ms chuniverse nakaka-tuwa talaga tong blog m, naiiyak ako sa kakatawa lalo na dito sa last experience m. love it!!!

chichirya said...

hahahha. borta si kuya.

Pinoy AdvenTurista said...

wahahaha!!! nakaka-aliw naman... hehehe!!! =D

Désolé Boy said...

ahahahahahaha!!!!
.
.
potah! nahihiya ako sa sarili ko kasi nangyari na rin xa saken..huhuhu

Anonymous said...

ay nagawa ko n yan bwahaha,, un phone ko dual cam , tpos un front camera ginamit ko,, tpos ndi pwede isilent ang tunog nga camera hahaha,, pero buti mautak din ako i covered the speaker with my fingers,, hahaha lusot

glentot said...

HAHAHA!!! Fuuuuuck nangyari na rin sa akin yan. Nakatingin ako sa malayo sabay may narinig akong "Clickshttt" sabay may flash na bumulag sa paningin ko... hahaha joke nagfifeeling lang.

Kryptonite User said...

Tumbling ako dito! hahaha! I should visit your blog more often and I've realized I am missing a lot by not reading your wacky posts. Panalo ka Ms. Chu! PS sorry sobrang late ko na nabasa ito eh.

DSM said...

i am really enjoying you. ang haba pa ng ibaback-read ko.

marco said...

panalo to!
hahaha
nakakahiya nga talaga to pero nakakatawa
pag nangyari sakin to baka manigas ako sa kahihiyan

Echos Erita said...

Ate, in fairview qc, si bilat hindi nagpakuha. Hindi nakatingin sa cam. Knows niya kasi cgurong hindi sya kagandahan. Nahiya ata sa angkin mong kagandahan.

Ang lesson dito: wag ka ng magjeep. Mag bike ka na lang! Nakakahiya! haha. At least maexpose pa ung legs mo kasi nakapuke shorts ka pa naman. Sa ganun sau lahat atensiyon ng mga taong mdaraanan mo sa highway, te! Ayaw mo ba nun?

Ay cge na nga, balik jeep. Kasi sa totoo, marami na din akong exp na ganyan, ung kaharap mo eh ang sarap luhuran. pakshet!

red said...

napaluha ako sa embarrassing moment mo. sobrang natawa ako.kasi nagbasa ako backward. nabasa ko una yung nakatulog na nota sa sofa tas sabi mo sinigurado mo muna nakasilent mode at off ang flash ng phone mo. ito pala ang reason. at least you learned. hehehe. thanks sa pagshare ng mya stories mo. nakakatanggal stress. keep it up. hindi ko napigilan magcomment. subaybayan kita.

ruumj said...

ako din natawa. hahahaha aliw ka talaga...

Anonymous said...

LOL! ANg wafu nga nung lalaki. Hihihi. xDDD

[daemonite] said...

hahahahahha natawa ako dito Ms. Chu.

sana kung ako makasabay mo sa jip.. di na kita papahirapan at di ka magiging kahihiyan hahahah...

bulong mo lang sakin ha...

leonard said...

hahahaha!! nakakatuwa ka naman !!

i love your blog! bading na bading!!hihihi!

gahasain kita jan e!

Anonymous said...

ito na ata ang post mo na marami-rami ang nagcomment. hahaha! pati ako di ko maiwasang ma-awkward para sayo. hehehe! naiimagine ko pa lang yung nangyari sayo, hindi ko mapigilang mapatawa. good job! --Armon

#anonymousperomayfirstname LOL c",)

erwin said...

late, late comment. sobrang natuwa ako sa blog mo kaya inumpisahan ko sa 2010 ang pagbabasa. anyway, same thing happened to me last saturday. nasa dinner cum recognition night ng association namin. kuntodo pormal pa naman suot namin. cute si table mate! kinuha ko iphone ni becky friend ko, shoot kay cute! shocks! nagflash. haha. inulit ko na lang ulit kuha kunwari i'm taking a picture of the table setting. hahaha. buti na lang tinawag na ko to come up the stage.
keep on blogging!

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse
There was an error in this gadget

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

There was an error in this gadget

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments