StarMoleskine!

Mahilig aketch sa mga creative na bagay. Feeling ko nga may pagka Martha Stewart aketch. Recently nagamit ko ang not-so-common talent na ito.

‘Eto, ang kwento.

Nung January pa, nate-tempt na aketch bumili ng Moleskine. Nag-expire na kasi ang regalong Moleskine sa akin kasabay ng pagputok ng 2010 New Year.

Pero ayoko na ng Moleskine planner. Mas gusto ko ‘yung blank pages para hindi ko man magamit lahat, pwede ko pa ring gamitin next year.

Pero syet, ang mahal namang notebook nito. Parang hindi kaya ng conscience ko na gumastos ng more than 1 kiyaw for a notebook. Ayaw namang mag-settle ng puso ko sa Advance o Sterling Notebooks. Kaya luhaang umuwi ang aking damdamin na walang Moleskine.

In fairness, masarap magsulat sa Moleskine. Makinis at maganda ang hagod ng pen. Eh mahilig din akong mag-doodle doodle kaya pabor sa akin ang quality nito. Perfect writing companion sya ng Pilot G-Tech pens.

Ayon sa kanilang kwento, ang Moleskine daw ay ginamit ng mga European artist and thinkers gaya nina Van Gogh, Picasso, Ernest Hemingway at Bruce Chatwin.

August na. Matatapos na naman ang 2010 na wala akong Moleskine. Haaay…..

……………………..

Nung isang lingo, wala akong magawa. Naisipan kong halungkatin ang aking cabinet ng mga kung anik-anik upang mag-dispose ng mga hindi na ginagamit. Sa aking pagsi-search, aking natagpuan ang isang lumang Starbucks planner. Circa 2008.

Na-ala-ala ko na ang planner na itetch ay bigay sa akin ng isang kaibigang nagwo-work before sa Starbucks. Love na love ko ‘to dati kasi very stylish ang soft faux leather cover at dahil libre nga. Hihihi! Imagine, hindi ko na kinailangang lumaklak ng santambak na kape para magkaroon lang nito.

And then biglang nag-flash sa harap ko ang aking artistic godmother na si Martha Stewart na para bang sinasabing…

Martha Stewart: “Are you thinking what I’m thinking dear?”

OMG!



Now I have a project to keep me busy!

…………………………

I immediately changed outfit from a beauty queen to a common tao and off I went to National Bookstore - Greenbelt!

Diretso ako sa Moleskine flagship store at kumuha ng isa. And then I proceeded sa stationary section at buysung ako ng stationeries na pinakamalapit sa quality ng Moleskine notebook na hanap ko.

Dyarannnn!!!!!











Of course hindi ko binili yung Moleskine. Ginamit ko lang for comparison ng papel. Ang Best Buy na Multi-puropose board na ire ay thicker than Moleskine pages but not too thick. At ang surface ng papel ay halos sing kinis din.

Nagmamadali akong umuwi at excited na simulan ang aking project na tinawag kong: StarMoleskine

………………………

Heto ang mga kailangan:

1 piece Starbucks 2008 planner.










4 packs Best Buy Multi-purpose Colored Board (120gsm/Beige)

Note: Pwede ring mas manipis. Depende sa trip mo.

1 Cutter

1 Ruler

1 Puncher

1 Pencil

Here’s how:

1. Tanggalin ang mga pahina ng lumang Starbucks 2008 planner sa binder nito.

2. Kumuha ng isang pirasong pahina at isukat ito sa Board Paper gamit ang pencil.

3. I-cut ang board gamit of course ang cutter at ruler. Makakagawa ka ng 96 pages

kung hindi ka tatanga-tangang mag cut.

4. Gamit uli ang pahina ng Starbucks planner ay ilapat ito sa na-cut na mga boards markahan ang mga butas gamit ang………... pencil. (very good.)

5. Butasan ang mga boards using your puncher. I-practice mo muna at baka hindi tumapat ha. Subukan itong ipasok sa Starbucks binder. Pag shoot na at walang mali, ulitin lang ang proseso hanggang sa matapos lahat ng mga pahina.










6. Isa-isang ipasok sa binder ang mga nagawang pahina.










VOILA!!!

May StarMoleskine ka na!










Eh divah Vongga na rin?

Ang ginastos natin:

Best Buy Multi-purpose Board - P110.00 (P27.50 x 4 packs)

Pamasahe sa Jeep papuntang Greenbelt - P 14.00 (P7 x 2 way)

Total - P124.00

posted under , |

7 comments:

Aris said...

wow, how creative and resourceful! dapat sa'yo mag-guest sa sweet life ni lucy torres. :)

Ms. Chuniverse said...

hahaha!

ay, wagi. i will greet you on air.

hahaha!

ayie said...

pwede mo ibisness yan sistah...hehehe ;-p

Ms. Chuniverse said...

@ Arielle... plano ko 'yan ateh. someday magbi business ako ng mga tungkol sa ka-artehan ko. i mean crafts and artsy stuff.

Ewan said...

ang tyaga mo teh!!!

kaya naman pala hindi pantay pantay yung papel nung natapos na yung project mo eh! jejejej

i punch ba isa isa yung butas ???

Ms. Chuniverse said...

Hahaha! ano kah, quality control officer? ditse, hindi ko sya pi-nunch one by one. matalim ang puncher, kayang mag punch ng 15 pages at a time.

gets mo na?;p

darkie.santos said...

this is very clever i must say. i'm back reading your posts again. if you want a good notebook, there are several good finds from muji. check their newly opened branch in rockwell. :))

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments