Malate Boys sa Breakwater

Ang aga 'kong nagising kahapon, araw ng Linggo. Alas-4 pa lang ng umaga. Tinalo ko pa ang panabong na manok ng kapit-bahay namin.

Nag-try aketch matulog ulit pero hindi na talaga aketch makatulog. Kaya bumangon na lang aketch at nag-decide mag-internet. After 30 minutes, nanood na lang aketch ng tv. Walang magandang palabas. Bored to death na ang lola nyo after 1 hour.

Esep-esep.

Hmmmm… maglakad-lakad kaya aketch sa labas? Hindi ko feel ang experience ni JR. Hmmmm…. or sa Roxas Boulevard kaya… why not? Pero teka, ang layo non kung lalakarin ko from Makati. Kaya sumakay aketch ng bus papuntang Leveriza at bumaba aketch sa World Trade Center.

From there, walkathon na aketch towards Film Center/Sofitel area. May on-going marathon pala ang Red Cross don kaya ang daming tao. Anyway, diretso na aketch at gusto kong magbalik-tanaw sa Roxas Blvd. Last time kasi akong nagawi dine eh mayor pa yata si Atienza.

Na shock aketch sa dami ng tao. Para bang may rally. Kabi-kabila ang mga nag-e-aerobics.Hindi ko keri. Kung gusto nyong lumigaya ng libre, puntahan nyo at manood kayo. TH na TH yung ibang pamhinta habang join sa mga aerobics. Syempre hindi ko magawang bumunghalit ng tawa at baka kuyugin aketch ng mga imbyernang health-conscious na half-breed.

May mga nakasalubong aketch na mga oh so yummy at sweaty na soldiers na nagdya-jog. Andami ring boylets left and right. Puro eye candies.

Nang magawi na aketch sa Roxas Boulevard, nagkalat pa rin ang mga tao. May mga nagpi pic-nic pa. Yung iba, namimingwit ng isda. Kalokah.

Since nandu na rin lang aketch, nag shoot na rin ako.

Ang layo ng mga nagda-dragon boat kaya zoom ko na lang yung shots. Nang mapagod na aketch, buy ako ng bottled water at nag-catwalk sa baywalk.

Nagulat aketch ng may mga nakita akong mga batang nagsu-swimming sa dagat ng basura. Trulili pala. Kaawa yung mga bata kahit mukhang nag-e-enjoy sila. Isip-isip ko, parang mina-marinate nila ang bubot na katawan nila sa basura ng Maynila. Calling DSWD.

Pero ang hindi kinaya ng powers ko ay nang maka sight aketch ng mga lalaking naliligo rin sa Manila Bay. Siguro mga 18-20 yo. At mga naka brief at boxers lang ang mga mukhang tambay na hombres. Naaliw naman aketch ng slight ng panoorin ko sila.

Yung isa sumenyas sa akin…

Hindi ko na-gets.

“Picture! Picture!”

Ah, picturan ko daw sila.

Me: “Eh saan ba gusto nyo?”

Guy 1: “Marunong kang mag-tagalog kuya?”

Me: “Oo, bakit?”

Guy 2: “Akala kasi namin Koreano o Chinese ka. Pinoy ka pala.”

Hahaha! Ilang beses nang nangyayari sa ‘kin ‘yan.

Me: “Taga dito ba kayo?”

Guy 1: “Oo kuya, Malate lang kami.”

Me: “Eh bakit naisipan nyong mag-swimming dyan?”

Madalas daw silang mag-swimming don pag Saturday at Sunday ng umaga. Libre daw kasi at refreshing. Manila Bay? Refreshing? Hindi na ‘ko nakipag-argue. Walang basagan ng trip.

Eh ‘di picture picture naman ang lola nyo . Todo posing naman ang mga bagets. Game na game. Parang noon lang sila nakuhanan ng pictures sa pagka-aliw.

Guy 3: “Kuya, pwede i-upload mo sa facebook ‘yan? Tapos tag mo 'kami?”

Ang tarush! May mga Facebooks din ang mga mokong. O sige na nga. At naisip ko, i-a-add ko pa ang mensung sa FB ko. Ano na lang ang reaksyon ng mga kamag-anak, ka opismeyt at mga kaibigan ko sa FB pag nakita sila. Hahaha! Saka na isipin ang explanation.

After ibigay ang e-mail add ng bagets ay lumarga na ‘ko. Nagtitinginan na kasi ang mga tao sa pictorial namin. Mahirap na at baka mapagkamalan pa ‘kong isang….. cougar. Hahaha!

Anyway, syempre, mega share ulit ng pictures. ‘Eto na ang mga Malate Boys sa breakwater.


posted under |

4 comments:

Anonymous said...

bet si kuya in black undies! from afar mukhang daks haha

Ewan said...

type ko sila teh
sama mo ako minsan dun ha!!
message mo nalng me sa fb! choz!

Ewan said...

ai tweet mo nlng pala sa akin! wala pala me fb! jejeje

victormanalo said...

natawa ako dito to the max:

“Kuya, pwede i-upload mo sa facebook ‘yan? Tapos tag mo 'kami?”

whooa.........lol

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments