A Best Friend Remembered (Conclusion)


Nandoon yung lalaki, pasalampak na naka-upo. Kinakain nya yung buhay na pusa. Nagkalat ang dugo.

Napalingon sya sa akin kasabay ng malakas na tawa.

“IKAW ANG ISU-SUNOD KO! HAHAHAHA!”

Bigla akong napa-atras at nagmamadaling isinara ang pinto.

Doon na ako napahagulgol. Nag-halo ang takot at galit sa puso ko. Wala naman akong ibang paraan para makahingi ng tulong. Nanghihina na ako.

Naalala ko na may baril ang Tatay ko.

Nagmamadali akong bumalik ng kwarto nila. Ginalugad ko ang mga cabinets at drawers. Wala. Halos nai-kalat ko na lahat pero hindi ko pa rin makita ang baril. Naisip ko na silipin ang taas ng cabinet.

Nandon yung baril. Isang .38 caliber na Smith & Wesson. Inabot ko ‘to.

Nagpatuloy ang lalaki sa pag-kabog ng pinto sa likod ng bahay namin. Napasandal ako sa pader. Hanggang sa mapa-upo na ako sa sobrang pagod. Halos maghalo ang sipon at luha ko sa tindi ng nararamdaman. Patuloy sya sa pagpalo sa pinto. Itinutok ko lamang ang baril sa pinto. Nakiusap ako.

“Putang ina mo, umalis ka na.”

Pauli-ulit ko ‘tong sinambit. Perro tila lalo nyang nilakasan ang gingawang pag-kabog.

Hanggang bumigay ang main lock.

Yung double lock na lang ang natitira.

“HAYAN… MALAPIT NA!!! MAPAPATAY NA KITA! HAHAHA!”

Tama sya.

Alam kong mamamatay ako ng gabing ‘yon.

Tinaggap ko na kung ano man ang mangyayari.

Pero putang ina, hindi ako basta papayag. Lalaban ako.

Hanggang nadinig ko ang malakas na kahol ng aso.

Si Shakespeare.

“PUTANG INA KANG ASO KA! PUTANG INA KA!”

At muli ay isang palahaw ng aso.

Marahil sa sobrang pagod at takot ay hindi ko na naalala kung ako ay nakatulog o nawalan ng malay.

Nagising na lamang akong may tumatapik sa balikat ko.

Ang Tito ko.

“Gising na. Ok ka lang ba?” tanong nya.

Nagulat ako. Saka nagbalik ang ala-ala ko.

“Ano na po nangyari?”

“Tapos na. Wala ng gulo.”

Noon ko napansin na umaga na. May mga tao sa bahay namin. Mga Tita ko ko, mga pinsan, mga kamag-anak at kapitbahay.

Tumayo ako hawak pa rin ang baril ni Tatay.

Sobrang gulo ng paligid. Sira ang mga halaman ni Nanay. Sira ang mga bintana. Ang daming dugo sa labas ng kusina. Nandon ‘yung patay na pusa. Warak yung tiyan. Halos kalahati na lang ang natira. Sa sulok nandon yung aso ko, si Shakespeare. May sugat sya, umuungol.

Niligtas nya ‘ko. Kung hindi nya sinakmal yung lalaki, patay na siguro ako.

Napag-alaman namin na taga-kabilang baryo yung lalaking sumugod sa bahay namin. Lango pala sa alak at drugs. Nasa custody na daw ng pulis. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng bahay ay yung sa amin pa ang napiling sugurin nya.

Si Shakespeare pinagamot namin. Buti na lang at hindi sya napuruhan. May tama sya sa likod at paa. Gumaling naman sya. Matagal pa kaming nagsama ng aso ko. Sya na yata ang pinaka-matagal na bestfriend ko.

Today is Shakespeare’s death anniversary.

And I will never ever forget him.

posted under , |

11 comments:

~Carrie~ said...

Thank God for Shakespeare. Life saver, indeed.

caloy said...

may aww sa kwento kahit hini ako mahilig sa aso. ewan ko kung bakit. :|

Ms. Chuniverse said...

@Carrie... thanks indeed.

john chen hui long said...

sweet!

RainDarwin said...

masarap maging kaibigan ang aso. sana this year magka-american bulldog na ko...

Anonymous said...

i so love this post! hindi pa naman ganun ang level ng help I got from my dogs pero malaking bagay na yung nawawala stress ko pag-uwi ko sa bahay. hihih...
gay16

bien said...

taena. scary movie to.
glad you survived.

Diwata said...

naloka ako sa pagkitkit ng adik ng buhay na pusa.. traumatic!

Ms. Chuniverse said...

@Pilyo.. never thought a pet could be that loyal. now i have 5 dogs. isa don descendant na ni shakespeare.

@Gay16... tama ka. ganun din ako. tanggal stress ko pag naglambing na sila.

@Orally... Thanks. Face to face with terror. Tagal kong binangungot dyan. The guy was rehabilitated and nakikita ko occasionally. Humingi na ng tawad sya at yung family nya.

@Diwata... Sobra.

ced said...

buti naman at walang ngyari sayo pero nakaktrauma kaya yung ganyan. :(

kaya mahal na mahal ko ung mga aso namin. cheers to Shakespeare! ang loyal at matapang na pet mo. :)

victormanalo said...

...may kurot sa puso to kasi nakakarelate ako..i lost my dog and twas the most painful part of my life...

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments