Byaheng Wow Macau!

Last year nag-organize aketch with some friends mag-liwaliw sa Macau. Apat kami. Hindi pa aketch nakakapunta sa Las Vegas pero according to some friends, Macau is the next best place or the closest I could get to Las Vegas. Hindi ko pa kasi afford ang LV. Hihihi!

Lumipad kami via Air Macau and the experience is oh so nice. Maluwag kasi sa plane at cute pa ang flight attendant. Kahawig ni Soltero. Hihihi.

Pag land ng airplane, we have to take the bus sa tarmac to go to the airport mismo. Hindi ganoon kalaki ang airport. Pero still, miles away ang layo to our very own Jurassic NAIA.

Nag-arrive kami sa Star World Hotel. Vongga ang hotel. Very elegant.

Katabi lang sya ng equally famous na Wynn Hotel & Casinos.

May mga trannies na Thailander na ubod ng gaganda na sasalubong sa ‘yo sa lobby. Akala ko nga mga babae. Kaya lang ang lalalim ng mga boses ng mag spluk na. Lady Boys ang tawag sa kanila.



Pero feeling ko talaga ay nasa ‘Pinas lang aketch. Kasi ang doorman – pinoy. Ang receptionist –pinoy. Ang manager – pinoy. Kaya naman ng inasistehan na kami ng roomboy, binati ko agad sya.

Me: “Kamusta Kabayan!”

Doorman: “Chong kwayla!”

Hindi pala sya pinoy.

Anyway, our rooms are oh so nice din. Five star hotel daw kasi at ang ganda ng view ‘coz were facing the sea.

Nakaramdam aketch ng uhaw kaya naman pagbukas ko ng ref, kuha agad aketch ng bottled water. Ang daming laman ng ref, may wine, fruits, sodas, etc. And then I realized, putcha, baka super mahal ng water na nilaklak ko! My friend agreed. Hala.

So immediately, nag-usap kami na we have to buy water for our daily needs at palitan yung mga naka store sa ref. Baba kami ng hotel at hanap ng convenience store. Wala kami makita. Lakad pa ng lakad. Lakad pa uli ng lakad.

Hanggang finally nakakita kami ng maliit na grocery store before mag Fishermans Wharf. Ang layo noh. Hahahaha!

Buy kami ng sandamakmak na water at bumalik na kami sa hotel. Sa lobby, nakita kami ng pinoy na manager na maraming bitbit.

Pinoy Manager: “Ano ‘yan?”

Me: “Tubig.”

Pinoy Manager: “Para saan?”

Me: “Eh kasi, ayaw naman naming maubos ang budget sa water.

Pinoy Manager: “Ah ganon ba? Eh complimentary naman ‘yung water sa fridge nyo eh.”

Me: “Huh!”

Naglakad kami ng pagkahaba-haba at umikot-ikot kahahanap ng convenience store tapos, complimentary ang water!!!

Nakatingin sa akin ang tatlong kasama ko na para bang gusto nila akong lunurin sa purified water.

Me: “Tao lang…”

……………………

Ang tawag sa pera ng Macau ay Pataca na halos katumbas ang value ng Hong Kong Dollar. Sa atin, about Php 5.50 ang katumbas.

Ang kaibahan lang ng Macau sa Hong Kong ay medyo mas high-end ito. Walang masyadong bargain shops hindi gaya ng Hong Kong na pati Rolex eh nasa ‘bilao’ lang mabibili. Parang Divi lang. Hihihi!

I remember sa HK pag nakipag-transact ka sa tindera, calculator ang medium of communication and tawaran nyo. Palitan kayo ng figure sa calculator hanggang sa magkasundo kayo sa price. Nung minsang hindi kami nagkasundo ng tindero sa HK, nagsalita sya ng kung ano-anong Chinese words with matching hand gestures. Alam ko minu-mura nya na ako non kasi hindi ako bumili. Kaya sumagot na rin ako ng

“TAENA MO RIN!”

Malay naman nya kung ano meaning. Basta inilabas ko lang emotions ko.

Dahil walang MRT at hindi ganoon kadali ang mode of transport sa Macau, nagpatulong kami sa pinoy manager ng hotel na i-kuha kami ng service para sa pagli-libot namin.

Immediately, dumating ang service namin na si Mr. Yang. Ang kwento ng mamang driver, sya daw ang designated driver at tour guide ni Rudy Fernandez at Lorna Tolentino pag nagpupunta ang mga ito sa Macau with their family. Sushyal! Feeling tuloy namin, celebrity status na din.

Sinabi namin kay Mr. Yang na patay na si Rudy Fernandez. Alam daw nya at nalulungkot daw sya kasi very mabait daw si Mr. Rudy.

Kaaliw na driver at tour guide si Mr. Yang. Alam nya kung saan dapat dalhin ang mga turistang gaya namin. Of course sinabi naming sa kanya kung saan-saan ang gusto naming puntahan.

……….

Nagkayayaan ang grupo na pumunta muna ng Macau Tower. Nung nasa taas na ng tower, I was dared to do the bungee jump. Eh numero unong afraid ako sa heights kaya umayaw ako. Pero hindi ako tinigilan. In exchange daw sa pag-i-igib namin ng water eh dapat daw gumawa ako ng isang bagay na kakaiba.

Kakaiba? O sige, hindi ako manlalalaki for one week.

Hindi sila natawa.

Bungee jump is soooo expensive kaya at MOP 1,888.00 o Php 10,384.00!?! Eh kung sumabit ang lubid sa leeg ko? Tigbak aketch.

But wait, hmmmm… susyal din. Imagine sa lamay ko ang pag-uusapan….

“Ano ang cause of death?”

“Nag-suicide sa Macau Tower via the expensive Bungee jump.”

Oh divah, vongga!!! Level-up sa pagka social climber ko ‘yan.

Pero whiz kong magtapon ng ganong halaga sa isang kahangalang hindi ko alam ang magiging resulta. Eh afraid nga ako sa heights, tatalon pa ako ng Tower. Baka naman malunok ko sarili kong itlog nyan.

Eeeeeewwwww!!!!

Ilang pangungulit at pambubuyo pa ay ang shunga-shunga kong pumayag sa isa pang thrilling adventure na tinatawag nilang Skywalk X.

Ang Skywalk X ay isa lamang sa mga activities sa tuktok ng Macau Tower. Dito, lalabas kayo ng viewing deck at maglalakad ng 360° sa outer ring ng tower.

May taas lang naman na 338 meters ang Macau Tower at ang Sky Walk X ay more or less 75 storey high. Opo, 75 palapag. Eh yung office nga namin sa Makati hanggang 36th floor lang eh lulang-lula na ko sa balcony, yun pa kayang 75 floors?!?

Hindi ko panaman bitbit ang aking makulay na Mariposa wings just in case.

Pero, I know I will never have a chance to do this again. Kaya pikit-mata kong tinanggap ang hamon.

Paysung aketch ng 588 pataca o tumataginting na Php3,200 plus.

Tatakutin ko na ang sarili ko, magbabayad pa aketch. How genius.

Pagka-bayad, binigyan aketch ng jumpsuit na kulay orange. Parang preso lang. Tapos pinapila na. Pumwesto aketch sa dulo. Baka kasi may magbiro at itulak ako eh maha heart attack talaga aketch. Kinabitan kami ng harness at in-orient. Hindi ko masyado inunawa ang instruction. Mas inintindi ko ang kaba. Worry ko lang, baka ma-jingle aketch sa takot.

Lima kaming pinagsabay. Pinakamahirap yung unang step. Sobrang lakas ng hangin na para bang pinu-push ka na liparin.

Pag-tingin ko sa ibaba, sobrang taas talaga. Parang langgam na lang yung mga bus at kotse.

Gusto kong mag-mura.

Grabe yung mga Japanese sa unahan ko. Ang tatapang. Everytime na pinagpo-pose kami for pictures, game agad sila. Ang extreme ng posings nila. Tapos pag ako na, hirap na hirap yung guide na i-manipulate yung posing ko. Pinalalagay ako sa ledge. Ano ako, sira? Eh kung ma out of balance kaya aketch? Who will inherit the crown???

Alam ko dyaheng-dyahe na ang kaduwagan ko nung time na ‘yon. Nakatanghod sa akin yung mga nasa unahan sa kaartehan kong mag pose. Eh, ano magagawa ko? Mas pipiliin ko pang magpa circumcise uli ng sampung beses kaysa ituloy pa ang tour. Pero wala akong choice kundi tapusin. Bawal kasi bumalik. Hihihi.

Buti nalang hindi pintasero at etchosero ang mga Japanese. Na-carry nila ang pagka-demure ko. Yung ibang photo op, pina-cancel ko na. Hindi na nakakatuwa yung mga pinagagawa sa kin ng tour guide ha.

After about 30 minutes or less, natapos din kami. I swear, nanginginig buong katawan ko after. Sinabihan aketch na i-claim ko daw yung t-shirt, certificate at pictures ko sa ibaba. Nag wait muna aketch ng konti coz ayokong sumabay sa mga Hapon. Hiya kasi me. Hihihi.

After 10 minutes, bumaba na aketch para mag-claim. Hinintay na lang ako ng mga friendships sa viewing deck. Pagdating ko sa counter, paksyet, nandun yung mga Hapon pati yung guide namin na obviously ay natatawa sa antics ko. Binati nila aketch ng “Hi!”.

Tapos sinabi nila: “Were from Japan, what about you?”

Ganon? May interview portion pa? Nataranta aketch. Kaya ko ‘bang pangatawanan ang kaduwagan ko? Oh noooo……

Me: “Me? I’m from MALAYSIA! Truly Asia.”

Kahit mukha akong intsik, pinangatawanan ko na. Hindi ko man nagawang magpaka-matapang para sa ating Inang bansa… at least hindi ko naman sya pinahiya.



9 comments:

Luis Miguel said...

hahaha... lagot ka sa mga taga Malaysia, pinapahiya mo sila. pero in pernis, ang ku-cute ng mga hapones huh!. wala ka bang malicious encounter with any of them?

Ms. Chu, next time wag mo naman burahin lahat ang fez mo sa pix. magtira ka naman kahit yong pouty lips mo man lang, hehe..

Ms. Chuniverse said...

Hayaan mo na Luis Miguel, hindi makararating sa Malaysia ang impormasyon, unless na itsu-tsu mo. Hihihi!

At wala akong malicious encounter sa mga Japonese, nangibabaw lang talaga ang takot ko. Pero pinagmasdan ko habang suot nila ang jumpsuit sa viewing deck pa lang at ang masasabi ko... felix bakat!

Sige, next time super imposed ang pouty lips ko. imaginin mo ang lips ni Angelina Jolie na namaga ng ten times.

Thanks!

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

dear ms chuniverse,

naligaw ako. di nagsisi. nagback-read. ang galing. more people should you.

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

nawala ang "read" after "should" at before "you"


again, ang galing-galin mo

Ms. Chuniverse said...

Coming from you, kinilig ang singit ko. ;-)

Thanks Mandaya!

I was actually following your blog and i must admit na isa ka sa inspiration why i decided to have my own blog.

Salamat Pow!

edwin said...

i hope u also get to include in your travel stories yung nagastos mo, how to secure visa, etc.. travel tips pati. hongkong pa lang ang nasisisilip ko eh, itong macau mo parang di ka nahirapan. pashare naman para sa mga followers mo - kung ayos lang sau. matsala.

Ms. Chuniverse said...

@ Edwin.. sige, try ko mag post ng isang entry about that. uyy, may balak mag travel. tama yan. i enjoy mo. sabi nga ng boss ko, hanggang bata ka pa at mataas pa ang energy level.

Anonymous said...

Ayus ang entries mo.
hahaha

Anonymous said...

Sang dochena na ang na read ko sa mga blogs mo kahit previosu na ito, siguro ako ang latest follower mo, salamat sa napakaganda at malinis na blogs....pag uwi ko sa pinasa gala tayo tapos gawa agad ng blogs ha...gusto ko discret naman.....i am willy from abu dhabi uae....3:329 na 2/15 hrs pa more bago makasleep...

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments