It's My Turn

Muntik ko nang makalimutan na due na pala ng Meralco bill ko. Kaya naman during lunch break, mega rush ako sa Robinsons Payment Center. I decided to skip lunch muna kahit na gutom na aketch.

When I got there, may 2 nang nakapila. Yung isa ini-entertain na ng nag-iisang kahera. Natapos naman agad ang transaction nila kaya lapit naman yung sinusundan ko.

Hindi ko alam kung anong transaction nila pero super tagal. To the point na may hinahalungkat pang folder o manual yung cashier under her table sabay tingin sa computer nya. Parang she’s not familiar with what she’s doing.

Poised pa rin ang reyna sa pagtayo nya despite kumukulo na ang sikmura. Hindi kaya ako nag-breakfast. Buti na lang I’m not wearing my stilettos.

After 10 minutes, wala ‘ring nangyari sa transaction nila kaya the cashier returned the money at yung form nung mama.

Lapit na agad ako. Biglang nagsalita si cashier.

Cashier: “Excuse me lang sir, pero unahin ko po muna si sir”.

Sabay turo sa isa pang customer na nakapila naman sa kabilang side. Ang siste, sya rin pala ang cashier ng Cebu Pacific at bibili ng ticket yung mamang foreigner. I said “ok”, since nakita ko naman na kanina pa rin yung mama na nakatayo doon.

It took them 15 minutes to transact. Tingin ako sa cellphone. I only have 20 minutes left sa lunch break ko. Pagtingin ko sa likod ko, grabe, ang haba na ng pila. Siguro mga 15 na ang nakapila. Yung babae sa likod ko, dadak ng dadak na kesyo ang bagal chuva.

Para syang domino effect na yung isang vaklush na nakapila din eh nagre-reklamo na. While processing my payment, salitan na sila magsalita. At join pa sa talakathon ang isang pamintang hombre.

Mahaderang Lady sa likod: “Bakit mag-isa ka lang? Dapat may kasama ka dyan.”

Intrimitidang Vaklush: “Nasaan ba supervisor mo? Kanina pa kami dito. Ang haba-haba na ng pila.”

Pamintang Hombre: “Ganito ba talaga kabagal dito? Dapat sa bangko na lang pala ako nagbayad.”

At kung ano-ano pang mga reklamo cheverlu ang umulan kay cashier. Tensyonada na ang outnumbered na kahera. She would stop what she’s doing everytime na may nag-rereklamo para mag ‘sorry’. Ang siste, lalo syang bumagal. Distracted na distracted na ang lola.

Hindi ko na napigilan sarili ko.

Me: “Pwede ba, tigilan nyo muna yang kasa-satsat nyo at hayaan nyong matapos muna nya ang ginagawa nya?!”

At nagpanting yata ang tenga ng mga froglets. Ako ang binalingan ni Vaklush at Mahaderang Lady behind me.

Mahaderang Lady: “Eh bakit ba? Eh sa nagrereklamo kami eh.”

Intrimitidang Vaklush: “Bakit, manager ka ba dito?”

I removed my crown and my scepter and took off my sash.

Me: “Eh ano pong gusto nyo, huminto muna sya sa pag-aasikaso ng payment at mag-reklamuhan muna tayo? Ang complaint, doon sa customer service, tingnan nyo sya, hindi na maka-kilos ng maayos dahil nate-tense na nga sa inyo. Lalong hindi tayo matatapos nyan dahil sa kadadakdak nyo.”

Mahaderang Lady: “Eh dapat nga nilang malaman na nagre-reklamo kami sa kabagalan. Kung mag-isa lang sya, kailan pa matatapos yan?”

Me: “Obviously, wala syang magagawa sa mga reklamo ‘nyo. Ako kasi, kanina pa rin nakapila and obviously, mas matagal sa inyo. Kung gusto nyo pa ring dumada dyan, ganito gawin natin. It’s my turn na asikasuhin nya ang transaction ko ng walang nang-a-abala. Pag turn nyo na, ibuhos nyo na lahat ng gusto nyong sabihin. Wala na akong pakialam mag chat man kayo maghapon. But since it’s my turn, quiet na lang muna kayo, pwede?”

Silence.

Natapos kami. Kinuha ko ang resibo. Suot ang korona at sash, winagayway ko ang scepter. Lumakad ako palayo.

Mga 10 feet na yata ang layo ko, nang may nagsalita.

“Madapa ka sana!”

Kaya I carefully watched my step.

Mahirap na.

Reputasyon ko ang nakataya.

posted under |

7 comments:

Luis Miguel said...

ang ganda mo, teh!

Ms. Chuniverse said...

yeah, i know.

that's why i can't believe i was treated that way.

oh my crown...

my lovely crown.

chos!

Anonymous said...

hehheh ,, happy to read all your post.. kaka aliw ka.. keep it up..

Ms. Chuniverse said...

Salamat pow uli. ;-)

Ewan said...

teh Chuni yung hair mo naiwan sa paycenter! jejeje

Anonymous said...

Nakakatuwa ka naman Ms Chuni. I wanna know you. Be your buddy. c",)

http://www.facebook.com/soulkeep3r

Anonymous said...

astig!

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments