Showing posts with label Adoray. Show all posts
Showing posts with label Adoray. Show all posts

Weekend With Adoray


At dahil wala naman akong gagawin that weekend, at Mothers Day na rin, naisipan kong umuwi ng balur ni Queen Mother.



So tinawagan ko si Adoray.



10:30 am.



Me: "Adoray, paalis ako ng Makati, uuwi ako ngayon dyan. Hindi na ako magbi-breakfast at dyaan na ako magla-lunch.  Gusto ko, ipagluto mo ako ng peyborit ko ha."



Adoray: "Sabihin ko po ba sa nanay nyo?"



Me: "Baket, nanay ko ba magluluto?"



Adoray: "Pwede naman, u-utusan ko sya."



Me: "Gaga!  Gusto mo talagang mawalan ako ng mana 'noh?"



Char.



Adoray: "O sige, madam, pero i need a favor."



Me: "Ano 'yon?"



Adoray: "Pabili naman ako ng latest issue ng Time Magazine."



Amfotah! Tuma-Time Magazine pa.  Nahiya naman ako. Char.




Dumating ako ng balur ng 12:30 pm.



Gutom na gutom.



Me: "Adoray, nasaan si Queen Mother?"



Adoray: "Nagpa-foot spa."



Me: "O sige, heto ang Time Magazine mo. Maghain ka na, gutom na gutom na ako."



Adoray: "Madam, hindi pa luto."



Me: "Bakeeet? Eh kanina ko pa sinabi sa 'yo na dito ako magla-lunch ah. Hindi nga ako nag-breakfast devah?"



Adoray: "Eh kasalanan ko ba yun? Eh sabi mo ipagluto ka ng peyborit mo."



Me: "Baket, adobo ang peyborit ko.  Mahirap ba 'yun?  Matagal ba yun?"



Adoray: "Ayyyy... adobo ba? Akala ko kasi...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


















.... di bale Madam, 2 hours na lang luto na sha. Ang hirap kasi magpa-uling!"



Char!



:)

posted under , | 15 Comments

Ang Bangungot ng Lolah Mo

*******



Nagpatawag ng immediate family meeting si Baby Bro sa balur ni Madir.




So, gorabels naman akez kahit naka-curlers pa ang hairlalu ko.




Aba, ang Adoray, nauna pang naupo sa dining table.




Me: "Excuse me, since when tayo naging related?"




Adoray: "And why is dat?"




Me: "Coz this is a family meeting. And I don't recall na may kafatid akong chipmunk."




Chos!




Adoray: "Tseh! Madam, mas mukha pa nga akong family member compared sa 'yo. Mas mukha akong normal!"




Bruha talaga! Hahaha!




Me: "I mishu Adoray..."




Adoray: "I mishu too madam..."




At nag-beso ang dalawang adik.




Me: "Punta ka sa balur sa weekend."




Adoray: "Baket madam? Isasama mo na ko? Na realized mo ng kailangan mo ako?"





Me: "Uu, for the weekend lang. Linisin mo ang bagong balur ko."





Adoray: "Tapos ano? Ano ang mapapala ko? Ganyan ka naman eh, I was never a partner to you, I was only your tsimini-a-a!!!"





Me: "Gagah, bibigyan kita ng passes ng Metro Manila Filmfest! Lahat ng movie na kasali. Hodevah, sushyal!"





Adoray: "Talaga?!? Showing pa ba ang filmfest madam?" excited ang bruha.





Me: "Oo naman, delayed kaya ang filmfest sa Sorsogon."





Char.





At kasabay ng isang irap, tumalikod na ang lukaret.





So, nandun na si Madir, si Padir, si Sisterette at ang kanyang Hubby at si Younger Bro at si Baby Bro - ang aming youngest.




At tama ang kutob ko, hindi magandang balita ang magaganap sa family meeting na itetch.




Mag-a-asawa na si Baby Bro!




Sa sobrang bigla, naisubo ko lang ang hindi pa natsa chop na crispy pata. And i realized how stretchable my mouth can be. Char.




Nag-flashback lang sa isip ko ang mga previous Senate inquiries at Congressional hearings kung baket single pa ang inyong lolah!




Homaygash! Ayheyt weddings, kung hindi ako ang bride. Ayheyt binyag, kung hindi ako ang ina ng bibinyagan!!!!




Ayheyt it! Ayheyyyytttt it!!!!!




But impeyrness masarap ang crispy pata ha.





Char.




And being the eldest brother at 21, napo-forsee ko na ang mala-machine guns na tanong (at insulto) left and right na ibabato sa akin pag lumabas na ang press release ng naka-ambang wedding bells ni Bunso!




Tinalakay ko na ang issueng 'yan sa previous blog entry ko.




Na depress ako.




The pamanhikan was immediate as well as the wedding date.




Teka, may advance deposit na ba si Baby Bro sa dyowa nya kaya nagmamadali?




Ewan. Hindi ko na problema 'yon. Ang problema ko ay kung paano ko mami-maintain ang grace under preysure habang ginigisa ako sa mga katanungang...




"Ikaw Chuni, kailan ka mag-a-asawa?"




Homaygashhh! That is soooo.... blasphemous!




Sa March na ang wedding ni Baby Bro.




And worst, i haven't decided kung sino ang tatahi ng gown ko. I just couldn't think, you know.




Everyone is going gaga, specially my sisterette who happens to organize weddings and parties kaya sya na ang in-charge sa venue, caterers and other suppliers. My madir, at 55, ay mas bet pa yatang maging bridesmaid. Char.




It's gonna be a big wedding. About 600 guests. Yun ang gusto ng pay-rents, perstaym nila kasing magpapakasal ng lalaking junakis.




Since sila naman ang gagastos so kebs na lang.




Pero hinde! Assuming 10% ng 600 guests ang mag-tatanong na lang sa akin, kung baket wala pa akong asawa at kung kailan eh di nasa 60 tao rin 'yon.




At mas lalo lang akong na-depress, 'coz old rose ang motiff. And i look better in pastel colors. Chos!




Pero I have plans.




Pers, after the wedding ceremony sa Church, hindi na ako go-gorabels sa reception. Magkaka-migraine ako ng vonggang-vongga at mag-di-disappear na lang! Hindi ko lang alam kung papayag si Madir sa aking disappearing act.




Pumasok na rin sa isip ko na mag-out-of-town, or out-of-the-country or kahit out-of-the-world pero this early, sinabihan na akez ni Madir na 'wag na 'wag akong mawawala sa kasal ni Baby Bro.





So, naisip ko, kumuha o 'umarkila' ng isang dyowang bilat on the day of the wedding.





Oo, isa lang, kasi kung dalawa ang kukunin ko, baka mag-mukha na kaming grupo ng Destiny's Child 'noh. Ay, bet ko pa namang maging si Beyonce! Char.




Dapat maganda ang bilat na magpapanggap kong dyowa, syempre bata at sariwa din 'noh. Para pag nag-tanong ng "Oh, ikaw, kailan ka mag-aasawa?"




Pwes, sasagutin ko na lang sila ng vonggang-vonggang "Uy, pare, bata pa kasi itong GF ko, (sabay kiss, eeewwww!) kaka-18 lang, hindi pa sha ready. Hehehe!"



Chos!




Haayyy, kadiri!!!! Kinikilabutan ako! Pero magandang excuse 'yan devah? At ako pa ang kai-inggitan ng mga barako at babaero kong mga pinsan. Wish ko lang kayanin ng bangs at sikmura ko ang pagpa-panggap.




Pero dapat hindi madaldal ang bilat at baka madulas kami sa role playing.




Dahil dyan, "Ah-huh" lang ang kanyang script.




Oo, kahit ano ang itanong sa kanya, "ah-huh" lang ang sagot nya.




Di bale ng magmukha syang tanga. Refutasyon ko ang nakasalalay and that my dear is, priceless.




Char.




And ang last and final plan ko will not need any explanation. Bago pa man magsimula ang reception, ako ay magta-transform bilang isang ganap na Dyosa with matching production number.




Parang si Manila Luzon lang....





And my production number will be more dramatic, magdi-descend lang slowly ang lolah nyo from the ceiling of the reception venue kasabay ng mga rose petals at fake smoke.




Oo, parang Dyosa lang talagang bumaba kay mother earth!




And i'll probably have 12 back-up dancers para ma-occupy ang dance floor and yes, may mga lifting-lifting din, devah!




After my performance, i'm sure wala ng Q&A portion kung kailan mag-aasawa ang lolah nyo.





Because the answer is YES....





As in yes, i will die a virgin.




Char.




Ang tanong lang,...




Will I be held criminally liable kung atakihin sa fuso ang pay-rents ko after the performance?



Chos!




:)



*********

Ang Hiwalayan ng Taon

*****

And the nominees are...

.
.
.
.
.
.
.
.


Piolo & KC



















Mo & Rhian




















Annabelle & Nadia




















Chuni & Adoray

















Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Sa maiksing panahong pinagsamahan namin, naging maayos at masaya naman. Pero kailangan na naming maghiwalay. Because I have to move on.



Me: "Adoray, you're fired."



Adoray: "Excuse me?"



Me: "I said, you're fired!"



Adoray: "No, you can't fire me!"



Me: "And why is that?"



Adoray: "Because I QUIT!!!"



At nag-walk-out ang bruha bitbit ang mga nai-pundar nya sa loob ng isang white plastic bag.























At bago tuluyang lumayo, lumingon sha...




Adoray: "Goodbye na ba talaga?"



Me: "Adoray, you must understand, hindi ka na pwede 'don."



Adoray: "Anyway, okey lang. Gusto ko na ring mag-paalam sa 'yo. May lilipatan na kasi ako eh. Hihihi!"



Me: "Bruha ka, kanino ka lilipat?"



Adoray: "Basta ito lang ang masasabi ko, ang lilipatan ko ay mas generous at mas mabait sa 'yo!"



Me: "I'm sure... chaka."



Adoray: "Opkors not. Kung sa 'yo lang naman madam, di hamak na mas maganda sha ng 100 times."





Me: "Ay naku, you're just making me feel bad. Sige na... adios na."



**************




Two days later, hindi ko ini-expect ang muli naming pagkikita ni Adoray.




At sa bahay pa ng kanyang bagong amo. Nakita ko syang nagdidilig ng halaman sa garden. Pumasok ako sa gate.




Me: "So, dito ka na pala ngayon?"




Halatang nagulat sha. Pero mabilis ding nakabawi.





Adoray: "Hodevah, mas maganda ang balur at mas spacious? Hihihi!"




Me: "Haynaku, may spacious ka pang nalalaman. Nasaan ang amo mo?"





Adoray: "Nasa veranda, nagpapa-pedicure. Baket?"





At hindi na ako nagawang pigilan pa ni Adoray ng dumire-diretso ako sa veranda.





Aba, sushalera ang amo nya, may nagpi-pedicure na sa paa, may nagpi-pedicure pa sa kamay. Vongga!





Lumapit ako sa kanya at nag-mano.





"Merry Christmas 'Nay."



Oo, si Queen Mother ang bagong amo ni Adoray. And I am soooo happy for her. :)




******

posted under | 27 Comments

Chuni And The Upper East Siders: Christmas Edition

*******


At dahil magpa-Pasko, nakahanap ng opportunity ang mga bakla na mag-get-together.




Ito ay ang mga sumusunod.




Ako.... ay babae nga pala akez. Hihihi!




At ang tatlong bakla ay sina Zuki, Baronessa at Galandriel or also known as The Upper East Siders.




Me: "Saan naman ang lafang? Ang traffic-traffic ha. Baka sa Quezon City 'yan, hindi ako pupunta."




Zuki: "Gagah, ang KJ mo talaga!"





Me: "Ay naku, basta."





Zuki: "Ako ang in-charge sa venue. We will meet half-way para fair."





Me: "O sige, saan?"




Zuki: "Sa Omakase. Sa Alabang."





Me: "Alabang?"




Zuki: "Oo."





Me: "Futah ka, eh pano naging halfway 'yon eh taga-Makati ako, taga-Pasig ka tapos si Baronessa sa San Juan at si Galandriel ay Mandaluyong! Ambobo mo talaga sa geography bakla!"




Zuki: "O sige, sa Makati tayo, pero ikaw ang manlilibre."





Me: "Baket, sagot mo ba yung dinner?"




Zuki: "Oo, treat ko."




Me: "Pwes, sa Alabang tayo!"





Dahil I have to meet a friend also in Paranaque, dumiretso na akez sa Alabang at hinanap ang Omakase. Akala ko naman nasa loob ng Alabang Town Center, hindi pala. Eh since commutera lang ang lolah nyo, Haggardo Versoza na akez by the time na masilayan ng chinita kong mata ang venue. Sa Casa Susana pala, which is lalabas ng slight ng ATC.





Nandoon na at naghihintay ang third, second at first runner-up ng dumating and title holder - Akez.





Baronessa: "Bakit ang tagal mo?"





Me: "Huli talagang dumarating ang beauty queen, baket, sino ba ang na-unang dumating?"





Galandriel: "Si Zuki!"




Me: "Hodevah, ang chaka. Hahaha!"




Zuki: "Fuki mo, gusto mong tubig lang ang orderin ko sa 'yo?"





Me: "Ito naman hindi mabiro, pare-pareho naman tayong kagandahan, kumbaga sa Ms. Earth, si Baronessa si Ms. Earth-Fire, si Galandriel si Ms. Earth-Water at ako si Ms. Earth-Air."





Zuki: "So ako si Ms. Earth - the titleholder?"





Me: "'Wag naman mashadong ambisyosa. Ikaw si Ms. Earth - Pollution."





Tumawa ang mga bakla. Napalingon sa amin ang ibang customers.






Zuki: "Hayuf ka talaga Chuni. Toothpick lang ang order mo!"





At lumapit ang waiter.... beki rin.





Naunang um-order ang tatlo. Then it's my turn na.





Me: "Ano ang pinaka-mahal?"





Namutla ang Zuki!





Waiter: "Yung sushi platter namin sir..."





Me: "Magkano 'yon?"





Waiter: "Php 625.00 po."





Me: "Wala ba 'yung Kobe steak o Wagyu na per gram ang price. Bigyan mo ko non, mga limang kilo."




By that time butil-butil na yata ang pawis ng baklang Zuki.





Waiter: "Ay wala po 'non."





Me: "Ganon ba? O sige yung sushi platter nyo na lang, 5 orders, take-out. Dagdagan mo ng Kikkoman ha. Hihihi!"





Hagikgik ang Baronessa at Galandriel.






Zuki: "Seryoso ka ba?"






Me: "Look at my fez, mukha ba kong nagdyo-jowk?"

.
.
.
.
.
.

Me: "Hahaha! Joke lang! Baklah, eto order ko... Jurassic Maki.... teka, masarap ba 'yan?"






Waiter: "Opo. Bestseller 'yan."






Me: "Weh? O sige na nga, tapos ang main course ko ay Tuna Tepanyaki."






Waiter: "How about soup or salad sir?"





Me: "Okey na 'yan, diet ako..... ay teka, saka 1.5L na coke."





Zuki: "Gagah, walang 1.5L na coke dito. Ano akala mo dito, Mang Inasal?"






Me: "I know! Nag-dyojowk lang uli. Family-size na coke na lang. Hihihi!"





At nag-kwentuhan ang mga bakla ng ano pah... eh di kung ano-anong mga kabaklaan. Char.






Ang dami naming napag-kwentuhan habang hinihintay ang order. Pero dumating naman and food bago pa man magsimula ang midnight mass. Char.





So nilabas ko na ang 3210 ko para kunan ng picture ang food.





Zuki: "Bakla! Ano na naman 'yan?"





Me: "Pi-picturan ko lang."






Zuki: "Baket, wala sa bukid nyo nyan?"





Me: "Gagah, ipapa-gaya ko kay Adoray ang presentation!"




















Jurassic Maki P285.00




















Tuna Teppan with Yasai Itame P225.00




Baronessa: "Bakla, kamusta na si Adoray?"





Me: "Ayun, nagpa-practice ng ipe-perform nya sa Christmas party."





Galandriel: "Talaga? Saan ang Christmas party nya?"




Me: "Sa bahay, Christmas party naming dalawa. May performance sya, pwes, may performance din ako. Syempre kailangang ako ang manalo."





Zuki: "Adik!!! Kayong dalawa na lang, may kumpitisyon pa?"





Me: "Paki mo, eh di mag Christmas party rin kayo ng mommy mo. Pero alam nyo, feel ko mananalo si Adoray."





Baronessa: "Bakit naman?"





Me: "Eh kasi, ang bruha, may back-up dancer sya -yung mga tambay sa amin. Alma Moreno daw ang peg ng performance. Yan ang sabi nung isang tambay back-up nya. May lifting at throwing sa thin air!"





Galandriel: "Sushyal ha. Eh ikaw?"





Me: "Ang performance ko?"





Galandriel: "Oo."





Me: "Dalawang oras na extemporaneous speech."






Baronessa: "Hahaha! Duduguin sa 'yo si Adoray."





Me: "Yun nga ang purpose, death by nosebleed for the competition! Para ako pa rin ang winnur! Tingnan ko lang kung hindi sya mag-back-out!"






Char.






Haynaku, mahaba pa ang kwentuhan ng mga bakla. Pero enjoy sa get-together.





:)


*************************


By the way, ang sarap lang ng food sa Omasake! Five out of 5 orgasms ang rating ko sa kanya. And the prices are very reasonable. Sulit na suit and pakikipag meet-halfway sa mga bakla!




Until then mga ateh.




Hihihi! :)





*****

Adoray: The Arsonist

****




Me: "ADORRRAAAAAAAYYYYYYY!!!"





At nadinig ko ang nagmamadali at nagkukumahog na yabag ng etchoserang kasambahay.





Adoray: "Hanuvah! Kung makasigaw ka naman madam akala mo may nasunugan!"





Me: "Wala pa! Pero may masusunugan! Daliiii, kumuha ka ng gaas at posporo!!!"





Adoray: "Bakit madam? Susunugin mo ang sarili mo????"





Me: "Gagah! Ang sakit 'non ha! Di ko bet!"





Adoray: "Eh ano ang gagawin mo sa gaas at posporo?"





Me: "Hindi ako, IKAW!"





Adoray: "Susunugin mo ako madam????"





Me: "Ano pa ang susunugin sa 'yo? Tustada ka na."





Adoray: "Haller! Nag gu Glutathione kaya ako!"





Me: "Whatever, dali, kunin mo na ang gaas at posporo!"





Adoray: "Tapos?"





Me: "Tapos, susunugin mo ang balur ng kapitbahay!"





Adoray: "HA!?! Bakeeeet?!?"






Me: "Para magkaron ako ng reason para sunduin sha........"

























Adoray: "Namputsa naman, bakit kailangang sunugin pa ang bahay ng kapitbahay? Eh di sunduin mo na lang sha madam."






Me: "Ganon? Susunduin ko sha ng walang dahilan? Ayoko nga! Baka sabihin nya ang landi-landi ko 'noh!"





Adoray: "Teka, saang fire station ba sya madam?"





Me: "Sa Taiwan."






:)





***

posted under | 20 Comments

A Day In The Life Of Adoray

**********




One time, pauwi kami ni Adoray from SM North Edsa to my hometown....



Santorini.



















Etchos lang.





Anufah, eh di Bulacan.




Aba, parang punuan na ang mga bus.




So I'm sure we'll have to make tayo na lang 'coz its getting late na.




Me: "Adoracion, the bus is coming is it ok for you to make a standing ovation?"




Adoray: "Maygash Madam, sanay ako dyan."





Me: "Oh I see, kaya pala sinlaki ng daliri ko ang mga varicose veins mo. Nagawa mo pang mag-suot ng shorts."





Adoray: "Etchosera ka Madam. Remember, kabi-break lang namin ni Pando. In despair ako."





Me: "Ay, oo nga pala, I'm sorry."





Ang bruha may in despair pang nalalaman. Eh textmate lang naman nya si Pando. Nung nag-eyeball sila, after one month silang textmates, nag break na rin sila. Kasi ba naman, suka't bang ipakita ng bruha ang beynte nueve nyang balisong eh di syempre na-shokot ang boylet.





Hindi na sumagot ang bruha. Na offend yata.





Dumating ang bus. Sakay kami along with the other passengers.





True enough, tayuan na.





Haaayyy....





Buti na lang mga 2 days lang ang byahe.





Chos!






Pasok ako sa loob at tumayo.




Ang bruhang Adoray, hindi sumunod sa 'kin. Tumayo lang sa bungad, malapit sa driver.





Dumating ang konduktor mula sa likuran ko.




Sumigaw.





"OY, 'WAG KAYONG HUMARANG DYAN SA DAAN! MARAMI PANG SASAKAY SA MUNOZ! 'YUNG NAKA-PINK SHORTS, PASOK DITO!!!!"





Aba, hindi kumikilos ang Adoray. Eh sya lang naman ang naka MMDA-Pink shorts 'noh. Dedmahin ba si koya.





Inulit ni koya ang sigaw nya at hindi man lang nag-pasintabi na nagdi-drizzle na sa fez ko ang laway nya.





Nakikipagmatigasan pa rin ang Ferocious Adoray.





Ispluk uli ang tanders na konduktor. Buga uli ng laway sa fez ko. Teka, ano ba akala nya sa bunganga nya... Evian Skin Care Atomizer? Kalokah!




"MISS!!! PASOK KA SABEH DITO SABI SA LOOB!!! HINDI KA BA NAKAKARINIG?!?






At nag-turn around ang ulo ni Adoray. Parang si Linda Blair lang sa "The Exorcist". Nanlilisik din ang eyeballs.





















Adoray: "Ayoko dyan! Mai-ipit ang tiyan ko!!!"






Konduktor: "Bakit, buntis ka ba?!?"






Iniharap ni Adoray ang katawang loofah nya and with all her might ipinakita ang 10-year old nyang puson.





Adoray: "BAKIT? MUKHA BA 'TONG ABS?????"






Hindi na naka-dialogue si koya. Pati ako, hindi makakibo. Pigil na pigil ang aking tawa.






And right then and there....





Pinaupo si Adoray ng boylet sa tabi nya.






At talaga namang ang imfakta, kinabog ang wit ng lolah nya!





****

posted under | 29 Comments

A Day In The Life Of Adoray

*******



















Me: “Adoray, anong ulam?”


Adoray: “Ay, kumain na ko Madam.”


Me: “Bruha! Paki ko kung kumain ka na. Ako hindi pa!”


Adoray: “Eh bakit hindi kayo nag-take-out?”


Hamfaslufang chakaness ‘toh.


Me: “Eh bakit naman ako magti-take-out?”


Adoray: “Eh para may kainin kayo. Eh di ba gutom kayo? Haller... common sense.”


Me: “Adoray, hahanapin ka kaya ng mga magulang mo?”


Adoray: “Bakit naiba ang usapan? Bakit ako hahanapin?”


Me: “Kasi papatayin na kita eh. Itsa-chop chop ko ang katawan mo at itatapon sa ilog Pasig para kainin ng mga janitor fish doon! Para magkaroon ka ng purpose driven life!”


Adoray: “Madam you are soooo violent. Iyan ang napapala mo kakapanood ng CSI.”


Aba, amfootah. May alam. Napangiti aketch.



Me: “Kasi nga, malay mo I murder someone someday, at least I can get away with a perfect crime.”


Adoray: “Der is no sats thing as perfect Madam.”


Me: “Of course there is.”


Adoray: “Weeeeh!”


At tumayo ako. Naglakad at umikot sa kanya.



Me: “Can’t you see…. I’M PERFECT!”


Adoray: “Si Madam talaga dyuker.”


Me: “Anong dyuker?”


Adoray: “Yung palabiro… dyuker.”


Me: “Gagah, JOKER!”


Adoray: “Well, pardon my English Madam, as you know, I am not a call senner agent.”


Me: “Ok po senyorita Adoray. I will spare you from the beheading tonight. Ipagluto mo na ako.”


Adoray: “See Senyora........ na walang Fafa.”


At may hirit pang ganun ang bruha!


Me: “Gagah, magkaka-papa na ko.”


Adoray: “Sino? Yung masahista?”


Ayyy… si Ryan. I miss you na talaga Papa Ryan! Mwwwwwaaaaaah!!!


Me: “Hinde, magsasama na kami ni Dennis Trillo.”


Adoray: “Dennis Trillo? Yung artista Madam?”


Me: “Oo, at magha-honeymoon kami sa Paris ng isang buwan. Tapos pupunta kami ng Amsterdam. And then magku-cruise kami. Sya at ako lang.”


And I swear, muntik na akong mag-tumbling when Adoray responded.


Adoray: “Madam….”


Me: “Yes, Adoray….”
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


Adoray: “Want what you can only afford.”





*************

And I Googled Adorays statement. Baka kasi napulot lang nya sa internet. Amfootah… ORIGINAL ang dialogue ng bruha!!!!


Daliii! Ipa-patent na ‘yan!


:)

posted under | 30 Comments

Ang Pangarap...

***



...na boylet ni Adoray.

























May future kaya ang kanilang tambalan...?



*******

Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments