Showing posts with label Jokes. Show all posts
Showing posts with label Jokes. Show all posts

Ang Tamang Pag-Share Ng Bad News

Hindi akez ang sumulat nitey. May nag-share lang sa akin kaya share ko lang din sa inyo.


:)


****************************



Kumiriring ang telepono nang madaling araw....



Helper: "Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."



Amo: "O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. ano at napatawag ka? may problema ba?"



Helper: "Umm, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot"



Amo: "Yung parrot kong si Pikoy, patay? Yung nanalo sa bird show?"



Helper: "Opo, Master Carlos, yun na nga po."



Amo: "Ano?! ... Sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong yon. Hay, buhay! teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"



Helper: "E, kumain po kasi ng bulok na karne..."



Amo: "Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"



Helper: "Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."



Amo: "Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr. Arnaldo?"



Helper: "Eh, yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."



Amo: "Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"



Helper: "Yun pong pinampatay namin ng sunog."



Amo: "Diyos ko po! Anong sunog naman yang pinagsasasabi mo?"



Helper: "Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... tumumba po yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy..."



Amo: "Ano? E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan yung kandila?"



Helper: "Para sa burol po."



Amo: "Ano? Kaninong burol?"



Helper: "Sa nanay nyo po, sir. Bigla kasi siya dumating dito nung isang gabi, Walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."




:)

posted under | 20 Comments

Kung Ibibigay Sa 'Yo....



.... ang mahiwagang bato ni Darna


at makakamit mo ang kapangyarihang makalipad


at magkaroon ng hindi pangkaraniwang lakas…


kapalit ang isang kundisyon…..


Na ganito ang magiging Darna transformation mo……
















Tatanggapin mo ba?


Ako siguro...


YES!


Ipapa-alter ko na lang ang costume.


Pero ka-aliw si Ate. Hindi man lang isinuksok ng todo ang dyaryo sa dede.


Nakulimbat ang pic na ‘to sa TNL.

posted under , | 16 Comments

Usapang Vaklush Lang

Isang gabi, sa parisukat na kwarto ng reyna na kinabitan ng bagong moss green na kurtina, na nabili nya sa Robinsons Department Store ng 70% off…


Koneksyon?


Wala lang, gusto ko lang sabihing bago ang curtains ko. Hihihi!

Anyway, nag-uusap ang dalawang badinggerzie.

Syempre sino pa ba ‘yon?

Eh di ako - ang Diwatang Virgin na sobrang bait or should I say…

The Goddess of Purity and Infinite Kindness.










at si Friendship - ang Dyosa ng mga batang construction workers, security guards, kargador, matador, kubrador et al or simply…

The Cougar Goddess of the Blue Collar Workers!













Or pwede ring

The Goddess of Multiple Lovers

Anyway, ‘eto na nga ang palitan ng dialogue…

………………………………….........................


Me: “Friendship, Ano ang tawag sa vaklush na taga Cebu?”

Friendship: “Ano?”

Me: “Eh di Cebuanash.”

Friendship: “Bakit naman Cebuanash? Bakit ‘di na lang Cebuano o Cebuana? Ang arte-arte.”

Me: “Precisely! Ang Cebuano – panlalaki. Ang Cebuana- pambabae. Eh ang vaklush? Maaarte naman talaga ah. Kaya Cebuanash.”

Friendship: “Eh paano pag tomboy?”

Me: “Care ko? Pati ba naman ‘yon iisipin ko pa? Haller!”

Friendship: “O sige na nga.”

Me: “Eh sa vaklang taga Baguio?”

Friendship: “Hindi ko alam. Ano?”

Me: “Eh di Ilokanash! Gets mo na?”

Friendship: “Kinda. Hihihi!”

Me: “Eh sa vaklang taga Batangas?”

Friendship: “Batanguenash?”

Me: “WRONG!”

Friendship: “Eh ano?”

Me: “Batangurlash!”

Friendship: “Hehehe!”

Me: “Oh last ‘na to. Ano naman ang tawag sa katulad mong vaklang taga-Makati?”

Friendship: “Hindi ko alam. Ano nga ba?”

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Me: “Eh di POKPOK!”

Hihihi! Wala lang. Wala kasing ibang mapag-usapan. ;-)

posted under | 10 Comments

Cakewrecks!


Situation:


You ordered a cake to give as a gift to a friend.


It’s not his birthday.


You were just being generous.


You chose that delectable premium chocolate cake with chocolate dipped strawberries, ganache swirl and chocolate shavings over butter cream.


Yummmm........


And in the order form you were asked about the inscription.


Since it was just a treat and there’s no occasion or whatsoever, you answered,


“Leave blank”.


That afternoon, you went to pick up the cake, and this is what you saw….
















Priceless!




posted under | 6 Comments

Bakla o Adik

Kinwento lang sa akin 'to. Natawa lang ako kaya mega share dito sa blog.


.......................................................

Nag-uusap ang dalawang mag-kumpare.

Kumpare 1: "Pare, kung magkaka-anak ka at papipiliin ka lang sa dalawa, ano ang mas gusto mo, bakla o adik?"

Kumpare 2: "Ano bang klaseng tanong 'yan pare. Siguro adik na lang."

Kumpare 1: "Bakit naman adik?"

Kumpare 2: "Kasi ang adik, nare-rehab."

.........................................................

eto pa isa.

Isang bakla at isang lasenggo daw ang nag-aaway.

Lasenggo: "Panget! panget ka!"

Bakla: "Eh di bale nang panget hindi naman lasenggo! Ikaw, lasenggo! Lasenggo ka!"

Lasenggo: "At leash bhukas pag-gishing ko, hindi na ako lasheng! Eh ikaw, panget ka pa rin!"

.............................................................


last na.

May bagong alagang parrot ang kapitbahay ni Siona. Nang minsang dumaan sya, nagsalita ang parrot.

Parrot: "Pssst! Pssst! Panget! Panget!"

Shona: "Ang cute, cute namang parrot na 'to... nagsasalita. Vongga!"

Kinabukasan, pag daan ni Siona, nagsalita muli ang parrot ng "Panget! Panget!". Na-aliw muli si Siona. Hanggang nakahalata si Siona na bukod tanging sya lang ang sinasabihan ng "Panget!" ng parrot. Kaya naman ng huling dumaan si Siona.

Parrot: "Pssst! Pssst! Panget! Panget!"

Siona: "Punyeta kang parrot ka! Napi-pika na ako sa 'yo. Subukan mo lang tawagin pa akong PANGET at hindi ako mangingiming balahibuhan kita ng buhay! Naiintindihan mo!"

Syempre, hindi naman nag-react ang parrot. Kinabukasan, dumaan uli si Siona.

Parrot: "Pssst! Pssst!...."

Siona: "ANOOO???!!!"

Parrot: "Alam mo na..."




posted under | 1 Comments
Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments