Huli Ka!!!
******
Yesterday, nagmamadali akez.
Male-late yata akez sa appointment.
Kase naman, ang daming cute na naglalakad sa Libertad. Nag beautiful eyes pa ang lola nyo at nagpa-mudmod ng calling card to each and every one. Char!
So, gaya ng isang kabayo, nag-concentrate na lang akez sa diretsong dinadaanan ko ng ma-realized kong late na nga akez.
Lakad-takbo at konting wave na lang sa mga fans. Baka kasi sabihin naman nila - suplada.
Akyat ako ng LRT Station at sakto namang may paparating na train.
Kaso, mega-check pa nga pala ang security force ng bagelya! Eh may dalawang nauna sa akin at hongdami nilang dala so ayun, naiwanan ang beauty ko ng tren.
Pero, maharot talaga ang tadhana.
May dahilan pala kung bakit hindi ako nakasakay ng tren.
Sha...
Napa-sing-along ako bigla....
"Going back to the corner where I first saw you, gonna camp in my sleeping bag, i'm not gonna move..."
Parang tanga lang, hindi talaga ako gumalaw! Hahaha!
And I decided right then and there, 'yan na ang themesong namin. Hihihi!
Pero ng liparin ng hangin ang long and shiny hair ko, muli akong nabalik sa ulirat.
Hmmm.... maganda ang tindig ni koya.
At matangkad sha. Mas matangkad sha siguro sa akin ng 4 inches. So pasok sa jar ang height requirement.
So labas naman akez ng cellphone kong dukha at ano pa nga ba, kinunan ko sha ng picture.
Ay, ang kinis ng skin, ang yummy lang ng built nya at ang aura parang kakatapos lang nyang maligo ng baby cologne!
Freshness!!!
So konting kalikot pa sa fone at lapit pa ng konti para mas masilayan ang peg ng lalaking muling nagpatibok sa choosy kong puso... char.
Ayyy... ang tangos ng ilong... at ang labi, parang... puckered lips lang!
Tila huminto ang mundo ng lolah nyo at feeling ko ay kaming dalawa na lang ang natitirang nilalang sa mundo... sya si Adan... ako ang ahas.... este si Eba.
Char.
Isang hakbang pa... abot kamay ko na sha.
Nang biglang....
Lumingon ang lolo mo!
Ay futah!
Huli na naman ang vakla!!!
***********
Ano ang nangyari ng mahuli ni boylet na may pictorial session pala sha sa dyosang nalaglag sa lufa?
A. Lumapit si boylet at nagpakilala.
Boylet: "Ano ba, hindi mo na kailangang gawin yan, payag naman akong magpa-picture sa 'yo. By the way ako si Boylet."
B. Nagalit si boylet!
Boylet: "Hoy! Ano 'yan ha? Bakit kinukunan mo ako ng picture? Pinagnanasaan mo ba ako???"
C. Dahil sa sobrang hiya, nagpasagasa na lang sa dumarating na LRT train ang lolah nyo pero sa hindi inaasahang himala, naka-survive sha!
D. Binigyan ni boylet ng close-up smile ang magandang dilag (ako 'yon) at dahil nasa cloud 9 ang bakla, muli shang naiwan ng tren... at ni boylet!
:)
Ang may tamang sagot ay mananalo ng free pictorial kahit saang LRT at MRT station. char!
***********


Recent Comments