Showing posts with label Humor. Show all posts
Showing posts with label Humor. Show all posts

My Sacrifice






**********

Dear Koya,


Alam ko na pagod ka na.


At alam ko rin naman na hindi mo na kaya.


Gaya nyan... inaantok ka na.



















Kaya naman gusto kong sabihin sa 'yo na nandito lang ako.


Handang umalalay sa mga paghihirap mo.


Pangako magiging isang mabuti akong ina....


..At flexible na asawa. Keber ang acrobatic act ng Cirque du Soleil.



Tatanggapin ko ang anak mo at ituturing ko sya na parang tunay kong anak.



Anak na nagmula sa aking sinapupunan.



Anak na aking kakandiliin sa aking mga bisig.



At pangako, aalagaan din kita...




















Ipagkakaloob ko sa 'yo ang aking alindog na sought-after.



At puring aking pinaka-ingatan.



Saksi ang aking mga followers at readers.... malinis ang aking pagka-babae. Unlike the others. Choz.



Na buong puso kong ihahandog sa iyo....




















Ng walang pag-i-imbot at pag-tanggi.



Iyong-iyo nah!



Pero kung sakaling hindi mo ako tanggap bilang kabiyak.



Handa pa rin naman akong ipagkaloob ang pagkalinga sa kanya bilang isang yaya.



Oo, kahit bilang isang yaya na lamang...




















Yaya with benefits.



Etchos.



:)


Nang Maghiganti Ang Starbucks


Well, all of you probably knows na yung kagagahang ginawa ko sa Starbucks.


Kung hindi mo pa nababasa, mag-back read ka na lang. Choz.


Last Saturday, bumalik uli ako ng Starbucks.


Nagulantang ang beauty ko.


Ang haba ng pila! The last time na nakakita ako ng ganito kahabang pila ay nung mag-igib ako sa poso sa probinsya namin na transparent kamison lang ang outfit ko. Uu, pinilahan ang beauty ko ng mga tambay. Pero ayun, hanggang tingin lang sila. Walang umangkin sa natatanging alindog.


Since pakialamera ang inyong lolah, nagtanung-tanong akey.


Me: "Anong meron?"


Bilat in Purple Shirt: "Ahh... Happy Hour po ng Starbucks your royal highness... 50% off sa lahat ng Frappuccino blended drinks."


Me: "Ah, ganun ba. Mabilis ba ang pila?"


Bilat in Purple Shirt: "Mabilis naman po, gusto nyo, kayo na ang ma-una?"


Me: "Ah hinde. Pipila akey gaya nyong lahat."


Bilat in Purple Shirt: "Bahala kayo."


Me: "Ano kamo?"


Bilat in Purple Shirt: "Sabi ko, ang ganda ng legs nyo. Bagay pala sa inyo ang fink shorts."


Me: "Ahhhh... thank you."


So pumila na ang lolah nyo. From 12:00 - 2:00 pm daw ang Happy Hour ng Starbucks at last day na daw nung Sunday. After 30 minutes or so, dumating din ako sa cashier.


Hamfutah, nanginginig na ang legs ko sa tagal ng pila.


Cashier: "Yes, sir? What's your order?"


Me: "The usual."


Cashier: "Starbucks Free Coffee Grounds Fertilizer Sir?"


Me: "Gagah... anong akala mo sa 'kin, lamanlupa?"


Cashier: "No, sir. Just kidding. That's Green Tea Frappucino sir?"


Me: "Mismo, and make that a venti."


Cashier: "Ok, sir. Can i have your name again sir?"


Hindi mo pah ako kilala??? Pwes, bumenta na ang Comtesse Nicole de Lancret. Chaka na pag inulit ko pa.


Me: "Chuni."


Cashier: "Chuni?"


Me: "Gusto mo complete name?"


Cashier: "Ok na sir, that's P87.50 po."


Wow, 50% off nga. Not bad.


Kung mahaba ang pila papunta ng kahera, mas mahaba pala ang waiting period. More than 30 minutes!!! OMG, sana wala na lang happy hour. Mas mahal pa ang per hour ko kesa sa na-save ko. Extra choz.



Ang daming tao talaga. Parang may prayer meeting sa waiting area. Dahil dyan, hindi na ako tumambay don. Naupo na lang ako sa bar area at naghintay tawagin ang pinakamagandang pangalan sa face of the earth.


30 minutes have passed and they haven't called my name.


Patience is a virtue but I am destitute of virtue.


So i stood up near the waiting area. Nakita ko yung lalaking sinusundan ko sa pila kanina na nakuha na yung order nya. But where is my effin Green Tea Frappuccino???


10 minutes more.


Lapit na akey.


Me: "Excuse me poging barista, how come you haven't called my beautiful name?"


The other people waiting there were looking at my ageless beauty as if inagawan ko sila ng eksena.


Poging Barista: "Your royal highness, can i see your receipt?"


Me: "Oh... here. Look oh, those people were served already pero i am way ahead of them."


Poging Barista: "Sandali sir..."


Then i heard him laughing with his fellow baristas.


Poging Barista: "Sir, i'm sorry but this must be yours."


Tapos, inabot nya sa akin ang isang Green Tea Frappuccino na bagsak na ang whipped cream.


Que horror!


Me: "I didn't hear you call my name." Tapos, pagtingin ko sa pangalang nakasulat sa cup... "Edge" ang nakalagay.


























Me: "Who da hell is Edge?"



















Poging Barista: "Yung isang barista po namin, nataranta yata, pangalan nya ang isinulat. I'll make you a fresh one sir if you like."


Me: "No need. Just give me your mobile number..."


Etchos.


So, ayun. Tingin ko, hindi aksidenteng nagkamali sa pangalan ko. Sinadya 'yan. May bahid ng paghihiganti ang ginawa nila.


















Pwes, i will not let this insolence act pass.


Gaganti ako.


Watch out Starbucks baristas.


Hindi dito nagtatapos ang laban.



Sa akin pa rin ang huling halakhak.


Bwahahaha!

(Enter thunderbolt and lightning)















posted under , | 37 Comments

Hayden: Unwrapped!



Dumating sya sa bahay alas 7 ng gabi...


























Malinis, walang bahid...

























Berdeng-berde ang kalooban....

























At mainit syang sinalubong....



















Subalit akala ko'y tapos na ang mala-bangungot nyang nakaraan...


Hindi pa sya nadala!


Nagising ako kaninang umaga sa isa na namang eskandalo....


OMG!!!


The Hayden-Belo scandal!



















Choz!


Tagtuyot ang creative juice ng lolah nyo.


Creative juice lang ha.



posted under | 32 Comments

Gusto Mong Maging Beauty Queen?


Gagawa sana ako ng step-by-step guide on how to be a beauty queen pero naunahan na aketch..





Futahkels, sumakit ang panga ko kakatawa! Hahaha!


And usually naman, sa ibang bagay lang sumasakit ang panga ko gaya ng....... pag-nguya.


I therefore conclude, s'ya na nga ang tagapagmana ng aking KORONA!


Si Petra Sagumuymoy Mahalimuyak!


Winnur ka 'teh! Winnur na winnur!!!


Pero hindi dyan nagtatapos ang tutorial ng bilat....


May one-minute ABS tutorial pah!


My sisters, prepare to die...





Pramis, bukas may sic pak na rin ako!


I will pingger my stomak now na.



And to her haters, mamatay kayo sa inggetttt!






..Kung ano man ang tinira nya..... I WANTTTT!!!!!!!


She is sooo talented!


Love na this gurl!

posted under , , | 34 Comments

Kayanin Mo Kaya? - A Movie Premiere


Ngayong darating na katapusan ng mundo...




Buong pagmamalaking inihahandog ng Star Cinema at GMA Films...




Ang isang pelikulang babangon sa Philippine movie industry...




Ang pagsasama ng mga pinakamagagaling na artista ng kanilang henerasyon...




And i don't mean Angel Locsin and Bea Alonzo.




These stars are bigger!!! Yes, bigger than my betlog. char.




Hinding-hindi nyo ito palalagpasin...




Ang pelikulang hahamon sa sensitibong pag-iisip ng mga manunuri ng pelikulang Filipino...




Ang pelikulang gigimbal sa box-office record ng Titanic....




Ang pelikulang sana'y hindi na lang ginawa....




Ang pelikula ng taon...




Patayin Sa Cheverlu Ang Inamess
(Ang Hiwaga Ng Utong ni Marika)






















Kung dati'y hindi sya pinapansin, ngayon ay kinasusuklaman na sya ng kanyang sariling ina dahil sa pag-ibig na inukol sa kanya ng kanyang stepfather na 25 years younger than his own mother.


Bakit nga ba mula sa kawalan ay si Marika na ang pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan?


Bakit nahumaling sa kanya ang kanyang step papa?


Bakit pati mga tambay ay infatuated sa kanya?


Gagawan ko ba 'toh ng fictional kwento?


Malay ko... busy ako...


Tuklasin ang nakatagong lihim sa utong ni Marika?


Huwag palalagpasin...


Patayin Sa Cheverlu Ang Inamess
(Ang Hiwaga Ng Utong ni Marika)



Philippine's official entry to 2020 The Academy Award for Best Extra-Terestial Language Film.



SOON! On all public cemeteries nationwide!



Free Dizzytab for the first 50 cemetry goers.




Watch na! este Watch out!!!



Rated PG: Psychiatric Guidance is advised



Choz! Choz! Choz!!!!




Paunawa


Hindi ko talaga ma-decode ang sinasabi ng "PAUNAWA" sa taas ng gripo...


















Pero i have my own theory here it goes...



PAUNAWA

1. Bawal magpa-picture ng may t-shirt o ano mang uri ng damit pang-itaas sa tapat ng lababo.

2. Bawal mag-suot ng dark-colored jeans/pants at hindi tight-fitting.

3. Bawal ang bilbil. Kaya kuya in white pants, may warning ka na! Kapag may bilbil ka pa in one week, palalayasin ka na sa balur.

4. Bawal magpa-picture ang mga hindi ka-akit-akit.

last...

5. Bawal ang relasyon. Choz.


Isang Pamama-alam at ang MRT


Nag-paalam na si Dexter.


Aalis na daw sya ng compound.


Sa bahay ng kuya nya sya lilipat.


Sa Novaliches.


Ang layo ng exile.


Nag-trial uwian muna ang brouha from his Ayala office at sa bahay ng kuya nya sa Novaliches.


After one week… decided na syang mag-uwian ng Novaliches.


At bakit?


Aliw ang gagah sa pag-sakay ng MRT.


Kahit masikip.


Kahit siksikan.


Kahit halos fez to fez na sila ng mga fellow commuters nya.


Nalalapastangan daw sya sa MRT.


Kung sino-sino daw ang humihipo at sumasalat sa kanya.


Hipuan sa umaga, pag-pasok.


Hipuan sa hapon, pag-uwi.


Ang saya-saya daw.


Ang sarap-sarap.


Pootah.


Na curious aketch.


Eh di kahit wala naman akong gagawin sa Quezon City, sumakay ako ng MRT.












Sa Magallanes station aketch sumakay - northbound.


Gorabels na sa Trinoma.


Gaya ng kwento ni Dexter, sa pinaka-dulo ng train ang pwesto ko.


Doon pa lang siksikan na.


So isiniksik ko ang mura kong katawan sa grupo ng mga kalalakihan.


Andaming tao.


Para kaming sardinas.


Hindi lang fez to fez ang drama. Katawan sa katawan din mga ateh.


Anuhbayan!


Ilang sandal pa…


May naramdaman akong kamay.


Itetch na ba ang sinasabi ni Dexter?


Dumantay ang kamay sa harapan ko.


Wiz ko know kung kaninong kamay itetch.


Pero na-discover ko na ‘yung lalaking naka-office uniform ang nagma-may-ari ng kamay.


Pasok na sa general standard ang qualities ng hombre.


Siguro nahalata nyang walang violent reaction from my part kaya mas nagging marahas sya.


Gumapang ang kanyan kamay.


Dinunggol-dunggol.


Pinindot-pindot.


Oh Em Gee!


Totoo nga!


Nalalapastangan na din aketch.


Gusto kong sumigaw ng “Wag po!!! 'Wag pOuhhhhhhh!!!!!!!”


Pero tanging “Ohhhhhh…..” lang ang lumabas sa aking bibig.


Wala akong lakas ng loob lumaban Charo.


Pansin ko ang isang lalaking napangiti dahil natunugan nya ang nagaganap. At tila gusto pa nyang maki-join.


Naging marahas ang kamay.


Hindi sya makuntento at pilit ipinapasok sa loob ng shorts ko.


Pootah ka kuya!


‘Wag po talaga…..


Pero anong laban ko?


Isa lang akong inosenteng nilalang na napapaligiran ng mga manyak.


Choz.


Bakit ganun sila?


Bakit nila nagawa ‘yon?


Parang ang hirap paniwalaan.


Pero nangyari sa akin.


Na-abuso ako.


Nayurakan ang dangal ko….


Ang puri ko…


At naramdaman ko sa sarili ko,


Na ang dumi-dumi ko na.


And yes, na-molestya ako back and forth.


…………………………………..


Dagli akong naligo pagdating sa bahay.


Kinuskos ang bawat bahagi ng balat na nadikitan ng mga makasalanang palad.


Kulang na lang ay magdugo ito sa tindi ng kiskis ng loofah. (sushyal noh?)


Dahil sa pamamagitan non ay tila nanumbalik ang aking nadungisang dangal.


Kahit sandali ay tila nanumbalik ang respetong inilaan ko sa aking sarili.


Naupo ako at nag-isip.


At matapos ang ilang sandali ay kinuha ko ang dyaryo.


Pumunta sa classified ads section.


At naghanap ako ng room for rent sa Novaliches.... o kahit saan sa Q.C.


Lilipat na rin aketch.


MRT daily na ‘toh!!!


Choz.



posted under | 44 Comments

Ikaw ba'y Nalolongkot?

Subukan mo na lang kayang gumawa ng video gaya nire...





posted under , | 23 Comments

Another Jeepney Encounter

At dahil umabot na naman sa 1 centimer ang aking shining shimmering hair at kahit sobrang iksi pa, naisipan ko na namang pumunta sa aking favorite barbershop. Tutal umiinit na naman ang weather.









Hiyang na ako sa skinhead. Unang-una, madalang naman yata ang baklang kalbo kaya in a way, panakip hinala rin yan.


Isa pa, wash and wear. Walang susuklayin at walang styling.


Sa cheappanggang barbershop lang naman aketch nagpapa-gupit.









Kasi naman wala namang ibang gagawin kundi ahitin ng makina ang ulo ko eh magpapa-sosyal na salon pa ba ketch? Hindi na noh. Sayang lang ang moolah.


Sa favorite barbershop ko ay ok naman. Libre na ang masahe, libre pa ang hipo. Hihihi! Basta ipatong mo lang ang kamay mo sa arm chair eh, iki-kiskis na ni kuyang barbero ang kahindigan nya sa likod ng kamay mo. Bahala ka na lang namnamin ang tigas ng tarugs nya. Choz.


So gora na akey sa barbershop. Pero disappointed aketch. Wala si kuyang suki. So pumatol na ako sa available na barbero. Hindi ko sya type kaya ipinatong ko na lang ang kamay ko sa hita ko. Choz.


Barbero: “Anong sa atin kuya?”


Me: “Pwede bang i-rebond tapos lagyan mo ng highlights na blonde?”


Barbero: “Niloloko mo naman ako eh ang iksi-iksi ng buhok mo.”


Me: “Eh yun na nga kuya, ang iksi ng buhok ko, sa tingin mo ano pa ba pwedeng gawin dyan…. Kulutin?”


Barbero: “Gusto mo i-shave natin? Zero."


Me: “Ah eh, sobra naman ‘yon. Numero uno lang.”


Barbero: “Ok.”


Natapos din naman ang gupitan ng walang nagaganap na hipuan ang session namin. Nung masahihin nya ang likod ko, ramdam ko ang galit sa loob nya. Ang sakit ng masahe ng gago. Hahaha!


At dahil dyan, P5.00 ang tip nya. P45.00 kasi ang gupit. Kaya hindi ko na kinuha ang sukli ng binayad kong P50.00. Oo, ako na ang generous.


So, sakay na aketch ng jeep pauwi. Ewan ko ba, tuwing sasakay na lang ako ng jeep ay tila may nagaganap na kamalasan. Pero kiber. Today is my day and I will not let anything chaka goes along the way.














Pag-upo ko ng jeep, may kasunod pala akong pasaherong sumakay at naupo sa tabi ko.


Amfootah, kung maka-bukaka ng hita akala mo sinlaki ng pakwan ang betlog nya.


Kainis.


Akala ko naman aayos sya ng upo pero talagang nakabukaka lang sya.


Gusto ko syang kausapin at sabihing…


“Ateh, tomboy ka. Wala kang itlog na mai-ipit kaya pwede ba, konting kipot naman ‘yang hita mo.”


Ako nga na sinlaki ng makopa ang bayag ay hindi bumubukaka ng ganon no?


Ah este, wala nga pala akong bayag, clitoris lang. Hihihi!


Haaay, hindi na lang ako kumibo. Napilitan tuloy akong kiputan ang pagkaka-upo at ipitin ang aking itlog na maalat. choz.


Peron ng mas ibukaka pa nya ang hita nya, aba, lumaban na rin ako at ibinukaka ko na rin ang hita ko. Tagisan na lang ng pagbukaka.


Anyway, ayoko ng basagin ang trip nya. Kung feeling nya ay may itlog nga sya… then let it be.


Dedma ko na lang ang timberlu. Nilabas ko ang iPod touch ko at nagsimulang makinig ng music. I was minding my own habang binabasa ang lyrics sa screen ng aking iPod.


“Tsamina mina eh eh

Waka waka eh eh

Tsamina mina Zangalewa

Anawa aa..”


Syempre yung ulo ko nagsi-sway habang inaawit yan. Hahaha!


Buti na lang, malapit lang ang bababaan ni bukakang tomboy kaya lumuwag na sa jeep. Hihihi!


At pagbaba nya, doon ko nasilayan ang lalaking qualified tumikim sa aking sought-after na puri.


Isang lalaking naka motorsiklo ang sumunod sa jeep na aking sinasakyan. Amfootah, ang sarap paliguan ng halik na basa.


Umusod ako ng upo malapit sa dulo ng jeep para mas masilayan ko sya.


Naka- sando at shorts lang ang papa. Mga 21 years old. Fresh meat!


Haayyyy….. gusto kong sabihing…


“Pwede ba akong umangkas?”


Syempre hindi ko sinabi. Siguro kung ako si Orally (Bien), baka ginawa ko nga.


Napatingin sya sa akin at nakita nyang nakatitig ako sa kanya.


Na-conscious ang papa at napangiti.


Eh syempre, ngiti rin ako.


Oo, nag-ngitian kami. Hihihi!


Binasa ko ang labi ko at kumindat.


Napatawa sya.


Alam ko na parang ang landi-landi ko nong oras na ‘yon. Pero katwiran ko, hindi naman nya ako kilala at hindi ko rin naman sya kilala.


At higit sa lahat, whiz ako know ng mga passengers ng jeepning itetch.


And then nag-overtake na si papa.


Haaay…naiwan ang puso kong duguan. Char.


Hihihi!


Kinikilig pa rin ako actually. At napapangiti ako sa sarili.


Hayyy… ang gwapo nya, sayang.


Tapos napalingon ako sa katabi ko sa kanan.


POOTAHHHHH!!!!


Si Ramil! Isa sa mga neighbor ko sa compound!


Nakangiti sa ‘kin. Ngiting parang may alam.


Alam ko na alam nya ang kalandiang kagaganap lamang.


Nakita nya ako.


Pootah!


Me: “Kanina ka pa?”


Ramil: “Oo.”


Ang tanga ko lang mag-tanong. Obvious na natataranta ang malanding gagah.


That was so uncomfortable.


Pumara ako bigla.


Ramil: “Bababa ka na?”


Me: “Ah oo, may dadaanan pa kasi ako.” Kahit wala.


At humarurot na ang jeep.


Hinintay kong makalayop at naglakad-lakad ako.


Doon ko na-realize….


Malas talaga ako sa jeep.


Haiissst.


Well, maliit lang ang Libertad. Sana magkita kami uli ni papa.


Pramis, kahit hindi nya hilingin…. Ibibigay ko na.

posted under , | 32 Comments

Hapdi sa Tag-Araw


Hindi 'to ST.


Isang pagbabalik tanaw sa nakaraan.


Summer noon. Bakasyon sa klase.


Ina-abangan ko ang pangunguha at paglalaro ng gagamba sa aming probinsya...



















Onse pa lang ako.


Ito ang panahon at edad na akin ding kinatatakutan.


Sapagkat magaganap ang isang ritwal...


Ang ritwal na pag-aalay sa altar ng mga batang kalalakihan.


Na kung tawagin din ay ang ritwal ng pukpukan...

.................................


Itinakda ang petsa.


Isang linggo bago ang Mahal na Araw.


Sa burol na malapit sa ilog ang pagda-dausan.


Alas-sais ng umaga.


Walo kami.


Nakapila sa isang tila prusisyon ng pag-aalay.


Ako, si Dindo, ang pinsan kong si Leo si Pancho at ilan pang kabataang lalaki.


Lahat kami ay inutusang ngumuya ng usbong ng bayabas....


Kinakabahan, pinagpapawisan.... namumutla.


Mayabang si Dindo. Wala daw 'yon. Kayang-kaya daw nya.


Pero ng tawagin na sya ni Mang Berto, gusto ni Dindo ay mauna na daw kami.


Amfootah. Itinulak ko nga. Ambaan ba naman ako ng sapak.


Hindi ko makita ang nagaganap. Napapaligiran kasi ng tumpok ng mga nakakatandang kalalakihan ang altar.


Naiinis ako. Bakit kasi maraming tao.


Tila mo isang palabas na inaabangan ang seremonyas.


Pero napalitan muli ng takot at kaba ang inis ng madinig ko ang malakas na sigaw ni Dindo.


"Arrraaaaaayyyyyyy!!!!!!!!!"


Puta! Parang ayoko na.


Gusto kong umatras.


Pero kahihiyan ko ang nakataya. Ayokong maging paksa ng kwentuhan sa tindahan ni Aling Maria.


Kaya ng tawagin na ako... napalunok ako. Kasama sa paglunok ang dahon ng bayabas na aking nginunguya.


Puta talaga.


Kaya muli akong pumangos ng dahon habang naglalakad papunta sa altar.



Kulang na lang ay hilahin ko ang aking mga paa.


Nakangisi ang mga lalaking nakapaligid. Tila pinagtatawanan nila ang mapait kong sitwasyon.


Ang sarap lang nilang sapakin.


Sinenyasan ako ni Mang Berto na pumwesto...


Lumuhod ako...


"Idura mo dito ang bayabas 'pag sinabi ko."


Tumango lang ako.


Hinasa ang labaha...


Tila kuminang pa ang talim nito ng tamaan ng araw.


Napa-pikit ako.



















At hinintay ang karima-rimarim na pag-tapyas...


Naramdaman ko ang malamig na pagdampi ng metal sa aking balat.


Kasabay ng isang pukpok....


Gumuhit ang isang hindi maipaliwanag na sakit....


...ang hapdi.....


...ang kirot!


napamulat ang aking mga mata...


at nakita ko ang pagdanak ng dugo.


ang dami.... pulang-pula...


Nagsalita si Mang Berto, "DURA! I-dura mo na!"


Subalit umikot ang aking mundo. Nahilo ako at dumilim ang paligid...


Nawalan ako ng malay...


At sa muling pagmulat ng aking mga mata. Muling nanumbalik ang ala-ala.


Dagli kong tiningnan ang suot kong palda ni ate....


May dugo!!!


Noon ko napagtanto......


...nire-regla na ako.














posted under | 40 Comments

WANTED: Houseboy-let



Qualifications:


1. 18-25 years old.


2. Dapat ang height ay 5'7"-5'10" ayoko ng mas pandak sa 'kin (5'7" akey). Lahat na yata ng ex ko mga junano. Kaya gusto ko medyo ako naman ang titingala. =)


3. Single. Ayoko ng may sabit. Bilat man o beki. Ayoko ng eskandalo sa pamamahay ko because you all know that I am a peace-loving divah. Saka baka isipin pang may extra something akey sa houseboy-let. Ako pahhh? Haller!


4. Average to above average built & looks. Parang sina Papa Pilyo o Iurico lang. Hahaha! O kaya parang si Soltero lang- pero younger version. Ahhh... much, much younger version pala. Choz! Syempre, mas gusto ko naman na may fez ang houseboy-let. Kukuha pa ba naman ako ng chaka. Ayoko rin naman ng sobrang gwapo, mahiyain kasi akong mag-utos pag cute. Hihihi! Baka ako pa ang maging katulong pag sobrang papable ang houseboy-let.

Pwede na kung ganire ang market value...

























5. Certified na lalaki. Ayoko ng mas malandi pa sa 'kin o mahilig kumiri sa mga kasambahay ng neighbors.


6. Hindi vain. Ayoko ng may cutix, may mertayolet ang kuko, may kulay ang buhok at higit sa lahat, ayoko ng gumagamit ng Chin Chan Su - baka kasi ubusin ang stocks ko. Hahaha! Choz.


7. Willing to learn. Kasi marami akong ituturo. Mas konti ang alam, mas ok. Hihihi! Mag-i-issue naman ako ng Certificate of Participation after training. Hihihi!


8. Dapat willing din mag-work ng naka uniform. I will provide naman the uniform. Sagot ko nah.


Parang ganitetch lang ang uniform. Please note na pwede namang mag-sando pag maginaw.


9. Healthy. Walang an-an, buni, hadhad, alipunga at kung ano-ano pang nakakahawang chuva. Oo, I require health certificate from an accredited health center. Kung wala, ako ang magtsi-check. Ipi-physical exam ko mag-isa.


10. Hindi reklamador. Pag sinabi kong hubad... HUBAD agad. Choz. Joke lang! Kayo naman, what do you think of me? Hahaha! Bakit naman huhubarin pa kung pwede namang hindi na. Ilalawit na lang oh. Hahaha! Choz uli. Remember, sa blog lang akey mahalay... (at kumidlat ng non-stop).


11. Qualified na kahit high-school graduate basta hindi masyadong tanga at fresh ang hininga. Choz.




Renumeration Package: (Oh devah ang sushyal, parang Call Senner agent lang.)


1. Sign-up bonus of equivalent to 2 months salary. Approximately - PhP 2,000.00. Hahaha! Choz. Syempre yung salary eh depende sa qualifications devah? negotiable 'yan. We can always negotiate sa aking negotiating bed. =)


2. Free board & lodging. Air-conditioned room, with 36-inch HD TV of course may cable, dvd player, personal ref at wifi! ... in short..... sa kwarto ko sya matutulog. Choz. Hihihi!


3. Two days a week day-off (Saturday & Sunday). Yun yung days kasi na lalabas kaming dalawa. Oo, kaming dalawa lang. Hihihi! Puntang MOA, nood ng sine, kain sa food court, stroll sa breakwater habang pumapapak ng corn in the cob. O ang sweet ko lang na amo. at wiz ko type na twagin akong ma'am.... BHE na lang. Hahaha!


4. Free iPad 2. Pag lumabas na sa market ang iPad 10.


5. Year-end bonus, performance bonus - kaya dapat performance to the highest level ka kuya!


6. Pangkabuhayan showcase sa family na nasa province - sa 3rd anniversary ng service.


Oh ano? how tempting devah?


Kaya mga boylets kung pasado ko sa standards, apply na!


It is your rare chance to serve a beauty queen!

















Ahhhh... disclaimer pala.


Hindi ako si Ms. Phuket!


Mas fresh ako sa kanya 'noh.





At Sa Muling Pag-Rampa


Naalala nyo ba si JR?


Birthday nya last week.


Uuwi ang inhinyerang vakla from Singapore at magsasabog ng lagim sa kamaynilaan.


Kaya itago nyo na ang mga dyowa nyo.


Uhaw ang vakla.


Parang si Lestat lang sa “Interview With The Vampire.”


Sabik s’ya sa Philippine delicacy – or as Friendship would say it… mga lalaking hitsurang nambu-bugbog (i.e. tricycle boy, tambay, construction boys and the likes).


Pero teka, may plano ang bruha.


Ayaw daw sa Manila kumain ng bite-size longganiza.


Kaya kinakarag kami ni Friendship magsabog ng gandah at financial assistance sa mga kalalakihan dito....













Welcome to Paradise!


Kung saan ma-alat-alat ang mga mensung na medyo toasted ang skin tone.


Haist! First time kong kakain ng well-done. Choz!


I can imagine Friendship wearing this... wearing only this...
















Para lang maka-seduce ng natives.


Patatalo ba akey?


Well, tanzan ng Coke at band-aid lang ang outfit ko mga ateh!


Kaso mo, bago pa man kami inimbitahan ng haliparot na JR, nag book na pala sya kasama ang isa pang endangered specie na si Raki – ang vaklang may paper-thin eyebrow at ang consistent press release ay discreet daw sya.


Nanangkupo. Mother of Pearl!!!


So itong si Friendship, tarantang makapagpa-book kami ng same flight nina JR at Raki para happy.


Kulang na lang ay isubsob ang angelic fez ko sa harap ng computer.


So mega check ng itinerary ni JR at Raki. In short, naka-buysung naman kami ng tickets on-line gamit ang aking credit card.


Success!!!


Tig- P1,800.00 lang kami ng airfare ni friendship. Back and forth.


How cheap.


Hindi kaya itatali lang kami sa pakpak ng airplane??? - Well, as long as hindi sa tapat ng engine.


Review ng ticket...


Hmmmm... walang insurance!!!


So magda-dala ako ng sariling saranggola just in case?


Oo daw. Just in case lang naman.


At ang in-flight meal?


Mentos.


Libre naman ang toothpick.


Buti na lang one toothpick per passenger ang allocation.


Keri na 'yan.


Kaso ang bruhang Friendship hindi pa pala sure kung makakasama. Baka kasi hindi sya payagan ng Peace Keeping Force mag-vacaycay dahil regular working days ang week-long sked namin.


As if may magagawa sya sa Peace and Order ng mundo.


So, nakuha namin ni Friendship ang same flights nina JR at Raki.


Sabay-sabay kaming magpa-fly.


Miss Chuniverse, Friendship, JR at ang impostorang Raki.


Apat na vakla sa isang eroplano?


Tapos makasalanan pa yung tatlo.


Oo mga ateh… sinners sila kaya ipag-pray natin. PLEASE!


Sa aming apat, ako lang ang may itinatagong….


HIYA.


Char! Hahaha!


Hindi kaya mag turbulence ng vongga sa himpapawid?


I shudder the thought.


Titili ako... pramis!


Eh kung mag crash landing ‘yon?


Eh di four less mouth to feed?


Magpa-party lang ang mga vaklang makikinabang sa mga hombreng aming mai-iwan.


Anyway, ako, aminado akong excited na makarating ng mas malayo pa sa napuntahan kong lugar dito sa Pilipinas which is... BAGUIO.


I am so dayuhan in our native land.


Arteh!


Kaya abangan ang pag-rampa nina Carrie, Charlotte, Miranda at Samantha…














or better known as.... the Blogger and the Cougars!


Sa Palawan.


Sa June 26.


Akala mo naman bukas na.


But it’s gonna be fun.


Palawan boylets…. Get ready for moi and the 3 froglettes.


..............................................................


PS. Sisiguraduhin kong pagbalik ko ng Maynila....










gilagid ko lang ang walang sunburn.


Exercise ng panga starts tomorrow.


Choz!



Ang Iyong Kapalaran


Welcome to SYZYGY!


Horoscope na totoo, astrologing totoo.


Narito po ang sinasabi ng Sun, Moon and Stars at ang kinalaman sa inyong buhay, kapalaran at swerte.
















Ang Astro weather vibes ngayong araw na ito... may kalungkutan ang sangkavaklaan dahil sa pag -iskemberlu ng Jupiter sa planetang Neptune. Pero keri lang yan mga beauties dahil may chorvahang magaganap sa pagpasok ng Mars sa Uranus.



Pisces

Ikaw ay mahiyain pero romantic. Gusto mong sinasabihan ng "i love you" habang nagdo-do. But you must understand na hindi nya ito magagawa kung puno ang kanyang bunganga.

Alalahanin mo 'rin, na hindi lahat ng isinusubo ay iniluluwa. Matututo kang ngumuya. Dahil hindi sa lahat ng oras ay puro biyaya. Magtipid sa gastusin at simulan ang pag-impok. Para pag ika’y nagipit may perang madudukot. Dahil hindi lang ut*n ang pwedeng dukutin.

Iwasan ang pagkain ng mga ma-a-anghang specially kung bottom ka.

Your Lucky numbers are 23 at 4 and your Lucky Color is Ecru.



Aries

Ayon sa mga planeta at asteroids ikaw ay su-swertihin. May sorpresang darating sa ‘yo ngayong weekend.

May pagka adventurous at energetic ka. Pero iwasan mo na ang pag-sakay-sakay sa hulihang bahagi ng MRT lalo na kung rush hour. Alam mo at alam ko kung ano ‘yang adventure mo na ‘yan. Ibinulong sa akin ng mga bituin.

Makuntento kung ano ang meron ka. Kung kapos man sa ganda, isipin mo na lang ang ibang biyayang ipinagkaloob sa ‘yo gaya ng - at least normal ka, at walang masyadong birth defects.

Bukas may isang taong pag-u-ukulan mo ng ngiti. Again, hindi ito magaganap sa MRT.

Your Lucky Numbers are 6 at 9 and your Lucky Color is Mother of Pearl.



Taurus

Kadalasan, nagdadalawang isip kang mag-take ng risk. Remember, wala kang matres. At dahil dyan tinatanggap mo na lang kung ano ang meron ka even if you deserve so much more.Likas kang tahimik na tao. Simple. Kahit sa sex, tinitipid mo ang ahhhhh at ohhhhh kahit pa walang bayad ito.

Sometimes may pagka-tenacious ka. Ano ang tenacious? I-Google mo.Astrologer ako at hindi Merriam Webster. ‘Pag may goal ka, na-a-achieve mo naman sa sarili mong paraan.

Para sa ‘yong kalusugan, hayaan mo munang gumaling ang tonsillitis bago i-subject for further irritations. If symptoms persists, consult na your doctor.

Your Lucky numbers are 7 at 21 and your Lucky Color is Periwinkle.



Gemini

May pagka-split personality ka. Hindi ko naman sinasabing baliw ka.Ikaw ay laging curious, madaldal at versatile – pwedeng top, pwedeng bottom. Kung sasabihin mong strictly top ka lang, well, you’re in denial.

Dahil sa iyong personalidad, hindi lahat ay nakakaunawa sa iyo. Basta isipin mo na lang kiber lang kung di ka nila nauunawaan. At least you and yourself understand each other.

Iwasang kausapin masyado ang sarili, para hindi magkaroon ng misunderstanding.

Your Lucky numbers are 13 at 234,432 and your Lucky Color is two-toned Red & Violet.



Cancer

Iyan ang aking zodiac sign. Pero as a professional astrologer, i won't be bias sa horoscope ko.

Ikaw ay may pagka-sensitive pero minor na minor lang at nasa lugar. Sobrang minor that a prospective lover can surely let it pass dahil mas marami kang good traits.

Mabait ka. Super! Very creative ka, nag-e-excel sa larangang gusto mo at very loyal na friend.

Masarap kang mag-mahal. Romantic at you will go beyond what is necessary para sa taong mahal mo. Kaya ang sarap-sarap mo lang mahalin.

At ang taong minamahal mo ay mamahalin mo ng buong puso. Kaya dapat ka nilang mahalin.

Again, dapat ka nilang mahalin.

Your Lucky numbers are: 8 at 24 and your Lucky Color is Parisian Blue.



Leo

Ikaw ay confident, loyal at ambisyosa. Not in a bad way naman. Pero may pagka dominante at vain ka rin. Kailangan mo lagi ng taong mako-control at modo-dominante or else hindi kumpleto ang araw mo.Kailangan mo rin lagi ng isang taong mag-a-appreciate sa ‘yo maliban sa nanay mo. Kumbaga sa teleserye, ikaw ang character ni Rita Avila saSabel.

Bawas-bawasan ang pagka istariray. Wala kang fans club.

Your Lucky numbers are: 43 at 5 and your Lucky Color is Silver.


Virgo

Ikaw ay makatotohanan hindi nabubuhay sa mundo ng pantasya. Ikaw ay maaasahan sa maramig bagay.

Hindi ka masyadong showy na iyong emosyon. At wala kang paki kung single ka man.

Isa sa mga katangi-tanging katangian mo ay ang pagkakaroon ng iang analytical mind. Pinag-aaralan mong mabuti ang mga bagay-bagay bago pasukin ito. May mataas ka ring ala-ala at hindi basta-basta marunong makalimot kaya mahirap kang utangan.

Sa iyong kalusugan, ingatan ang masyadong pag-i-isip dahil hindi ka rin nya masyadong iniisip.

Ang iyong lucky numbers are 6 at 29 at ang iyong lucky color ay Pink.





Libra

Pasensya na kung ikaw ay nalimutan. Dahil sa lahat ng zodiac sign, ikaw lang ang inanimate o walang buhay. I’m not saying na wala kang kalatoy-latoy. cHoz lang.

Ikaw ay patas sa pagtimbang ng opinion ng mga taong may hindi pagkaka-unawaan. Sensitive ka to the needs of the others. Hindi baleng hindi ka makaraos basta happy sila.

Pero may pagka self-righteous ka rin. Mas matimbang ng hindi hamak sa iyo ang sarili mong opinion at pananaw.

May pagsubok kang kakaharapin at syang hahamon sa iyong kakayahan. Alalahanin mong hindi kinakailangang lunukin – ang pride para tanggapin ang katotohanan.

Sa iyong kalusugan, iwasan ang pagpupuyat. Nangangalumata ka na.

Your lucky numbers are 16 and 9 and your lucky color is Green.



Scorpio

Ikaw ay very passionate, resourceful at dynamic. At lahat ito ay nai-a-apply mo ng sabay-sabay sa kama. Ang swerte lang ng partner mo, pero nakakapagod din ang iyong energy.

Iwasan ang madalas na pag-kambyo at pag-kamot ng maselang bahagi lalo na kung nakapila ka sa ATM machine– walang baong sanitizer ang nasa likod mo. Konting finesse.

Matutupad this weekend ang isang inaasam na pangyayari. Ang lalaking iyong pinakamimithi at pantasya ay magtatapat sa iyo.

At gaya mo- isa rin syang bottom.

Hindi bale, top ang kuya nya - hindi nga lang ka-gwapuhan at may koleksyon ng warts.

Your Lucky numbers are 21 at 1 and your Lucky color is Old Rose.



Sagittarius

You are an honest and a very optimistic person. Naniniwala kang ang ginamit na condom ay half-full instead na half-empty.

Maniwala ka, gagaling ang isang pusong sawi at u-usbong ang isang bagong pag-ibig basta ‘wag ka lang choosy. Ang mahalaga, may mga mata, ilong at bibig. Ok lang kahit isa ang tenga.

Bawasan ang pagka-straightforward o taklesa. Kung nakita mo ng pangit, ‘wag ng i-verbalize. Mukha nya 'yon kaya alam nya na 'yon. No need for you to rub it in.

And sometimes uli may pagka-irresponsible ka.

But you must focus on your good traits like… ahh… ahmmmmm…. your lucky numbers are 7 and 26 and your lucky color is Royal Blue.



Capricorn

You are practical and prudent. Pero may pagka pessimistic ka naman. Kabaligtaran ni Sagittarius. May pagka OC. Gusto mo ng responsibilidad pero ayaw mo ng napi-pressure. Kaya naman pag tinatanong ka ng mga kamag-anak mo kung kailan ka mag-a-asawa, eh haos ma-utal ka.

‘Wag padadala sa mga pressure-pressure. Alalahanin mong ang puwet mo ang mapupunit at hindi kanya.

Your lucky numbers are 9 and 18 and your Lucy Color is Peacock Blue.



Aquarius

You are independent and intellectual. Kahit maraming temptations, you try to live within your means. Ayaw mo ng mga away-away at ano mang uri ng violence. Sometimes naman ay nagiging unemotional ka na sa mga nangyayari sa paligid mo. Napagkakamalan ka tuloy manhid. Well, may sense of truth naman don.

Subukan mo namang lumabas sa hawla mo minsan at gawin ang mga bagay na hindi normal sa ‘yo – gaya ng ikaw naman ang gumastos sa isang date.

Your Lucky Numbers are 2 and 12 and your Lucky Color is este are pala ay lahat ng kulay sa rainbow. Oh devah how colorful.



Ito po ang inyong lingkod, Zenaida Zeva Zaturnah ang nagsasabing...


Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Mayroon tayong free will, gamitin natin ito. Magbabalik pooooow ang Umagang Kay Gandah.


posted under , | 31 Comments
Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments