Boarding House Uli
"Halika, pasok ka." paanyaya nya.
Me: "Ilan ho ba sa isang kwarto?"
Him: "Apat."
Me: "Pwede hong makita?"
Him: "Halika, sumunod ka sa 'kin."
Pag-akyat ng hagdanan ay tumambad ang tatlong pintuan. Binuksan ng may-ari ang isa.
Him: "Dito na lang may bakante. Dyan sa baba..."
Subalit hindi ako sa bakanteng kama napatingin, sa halip sa kabilang kama na kung saan ay may isang lalaking nahihimbing. Nahuli ng may-ari ang aking tingin. Napangiti sya.

Him: "Ah, sya si Jojo, call center agent yan."
Tila ako natuyuan ng laway.
Me: "Ah... eh... magkano na nga po ang upa?"
Him: "Two thousand five hundred a month. One month advance plus one month deposit. Kasama na ang tubig at kuryente. Libre na rin ang wi-fi."
Me: "Pwede hong makita ang banyo?"
Him: "Nasa ibaba, halika, sumunod ka."
Maayos naman ang bahay, halatang pinag-sinop. May common areas na maluwag at mukhang safe naman ang area. Puro working professionals daw ang nangungupahan. Bukod tangi pala ako......... isang title holder. choz. hihihi!
Habang nilalakad namin ang papuntang banyo.
Him: "Pwedeng tumanggap ng bisita until 9pm, pero hanggang common areas lang. Bawal sa kwarto."
Teka, nasa hitsura ko ba na nagpapasok ng bisita sa kwarto???? Excuse me noh!
Him: "Oh, heto na ang banyo...."



Huminga ako ng malalim...
Me: "Heto na po ang one year advance at one year deposit. Nasa gate nyo na po ang gamit ko, lilipat ako ngayon din."
Him: "Huh?"
Me: "Pwede na ho bang mag-shower? Hihihi!"
...............................................................
At ang pinaka-masakit sa lahat... ako ay nagising.
:)



Recent Comments