Si Diomedes at ang Kanyang Etchoserang Ninang
Once upon a time, siguro mga 6 days ago, may isang beki na itago na lang natin sa pangalang Diomedes.
I know, the namesung is so chaka but Diomedes is far from being chaka.
Diomedes is actually cute, he is like your typical boylet-next-door. Aljur ang peg. Tall, dark and juicy just like that hotdog. Ganyan.
Hitsurang walang bahid.
In fact si Diomedes, kung hindi ka nya lalandiin, wits mo mano-knows na isa syang Celastrina Ladon Argiolus- isang paru-parong periwinkle ang peg.
Kaya naman nagagamit nya ang kanyang faux otoko character para ma-achieve ang kanyang wish list.
Ayun nga, umuwi ang beki sa kanyang humble abode somewhere in Evangelista, Makati na may close-up smile.
Dali-dali syang naupo sa tokador at kinuha ang kanyang 'little black book'.
At sa isang pahina ng itim na libro, binasa nya ang mga nakasulat.
Baranggay Tanod........ check!
MMDA Traffic Enforcer...... check!
Security Guard............ check!
Pulis........ check!
Muli syang napangiti. Kinuha nya ang Angry Bird nyang ballpen na binili nya sa Divisoria the other day at sinulat....
Sundalo..... check!




Isasarado na sana ng beki ang kanyang little black book ng walang anu-ano'y kumislap ng fink smoke at assorted sparkling glitters sa corner ng kanyang lavander room.
At nag-appear ang isang apparition....
Isang pamilyar na fez na naka sequined Bebe tank top at Forever 21 ankle ruffle leggings ang lumutang ng mag-fade away ang smoke.
Diomedes: "Ninang isdatchu?"
Ninang: "Yes, Diomedes, It's me, your fairy godmother whose 100 times prettier than you."
Diomedes: "Ganun? Anong sadya?"
Ninang: "Na-sixth sense ko kase na may bago kang entry sa iyong little black book."
Diomedes: "Ang talas naman ng pang-amoy. So what?"
Ninang: "So what ka dyan! Kailangang i-share mo sa akin ang contact details ng bago mong achievement."
Diomedes: "Haller! Anuvah! Hada ko 'to eh."
Ninang: "Gagah! So ganyan, madamot ka na? Teka relasyon ba 'yan? And by the way, do I have to remind you na noong curious-level ka pa at nasa experimentation stage, pinaubaya ko sa 'yo ang sought-after na puri ko- OVERNIGHT!!!"
Diomedes: "Eeeeewwww! Kailangan pa bang ipa-alala yan?"
Ninang: "Well, no naman. Kaya, daliii. I-share na ang contact details ng hada mong boylet."
At nakuha naman ng fairiest of them all na godmother ang booking ni Diomedes. Mag-e-evaporate na sana ang lolah ng bigla itong may na-alala. Nag quarter-back turn at nakipag fez to fez kay Diomedes.
Ninang: "And another thing Diomedes, hindi pa completed ang wishlist mo."
Tiningnan ni Diomedes ang listahan. May check na lahat ng entries, Baranggay Tanod, MMDA Traffic Enforcer, Pulis at yung pinaka-latest nga... Sundalo.
Diomedes: "And why is that Ninang?"
Ninang: "Ang Sandatahang Lakas ay binubuo ng Army, Navy at Air Force. Air Force pa lang ang na-achieve mo 'teh. So, kulang ka pah."
Napa-isip si Diomedes.
Tama ang kanyang Ninang.
At sya'y napangiti.
********
Subalit hindi 'rin na-achieve ng Ninang ang hada ni Diomedes.
Tinamaan kasi sya ng FLU.
Char.



Recent Comments