Showing posts with label Random Thoughts. Show all posts
Showing posts with label Random Thoughts. Show all posts

Ang Bangungot ng Lolah Mo

*******



Nagpatawag ng immediate family meeting si Baby Bro sa balur ni Madir.




So, gorabels naman akez kahit naka-curlers pa ang hairlalu ko.




Aba, ang Adoray, nauna pang naupo sa dining table.




Me: "Excuse me, since when tayo naging related?"




Adoray: "And why is dat?"




Me: "Coz this is a family meeting. And I don't recall na may kafatid akong chipmunk."




Chos!




Adoray: "Tseh! Madam, mas mukha pa nga akong family member compared sa 'yo. Mas mukha akong normal!"




Bruha talaga! Hahaha!




Me: "I mishu Adoray..."




Adoray: "I mishu too madam..."




At nag-beso ang dalawang adik.




Me: "Punta ka sa balur sa weekend."




Adoray: "Baket madam? Isasama mo na ko? Na realized mo ng kailangan mo ako?"





Me: "Uu, for the weekend lang. Linisin mo ang bagong balur ko."





Adoray: "Tapos ano? Ano ang mapapala ko? Ganyan ka naman eh, I was never a partner to you, I was only your tsimini-a-a!!!"





Me: "Gagah, bibigyan kita ng passes ng Metro Manila Filmfest! Lahat ng movie na kasali. Hodevah, sushyal!"





Adoray: "Talaga?!? Showing pa ba ang filmfest madam?" excited ang bruha.





Me: "Oo naman, delayed kaya ang filmfest sa Sorsogon."





Char.





At kasabay ng isang irap, tumalikod na ang lukaret.





So, nandun na si Madir, si Padir, si Sisterette at ang kanyang Hubby at si Younger Bro at si Baby Bro - ang aming youngest.




At tama ang kutob ko, hindi magandang balita ang magaganap sa family meeting na itetch.




Mag-a-asawa na si Baby Bro!




Sa sobrang bigla, naisubo ko lang ang hindi pa natsa chop na crispy pata. And i realized how stretchable my mouth can be. Char.




Nag-flashback lang sa isip ko ang mga previous Senate inquiries at Congressional hearings kung baket single pa ang inyong lolah!




Homaygash! Ayheyt weddings, kung hindi ako ang bride. Ayheyt binyag, kung hindi ako ang ina ng bibinyagan!!!!




Ayheyt it! Ayheyyyytttt it!!!!!




But impeyrness masarap ang crispy pata ha.





Char.




And being the eldest brother at 21, napo-forsee ko na ang mala-machine guns na tanong (at insulto) left and right na ibabato sa akin pag lumabas na ang press release ng naka-ambang wedding bells ni Bunso!




Tinalakay ko na ang issueng 'yan sa previous blog entry ko.




Na depress ako.




The pamanhikan was immediate as well as the wedding date.




Teka, may advance deposit na ba si Baby Bro sa dyowa nya kaya nagmamadali?




Ewan. Hindi ko na problema 'yon. Ang problema ko ay kung paano ko mami-maintain ang grace under preysure habang ginigisa ako sa mga katanungang...




"Ikaw Chuni, kailan ka mag-a-asawa?"




Homaygashhh! That is soooo.... blasphemous!




Sa March na ang wedding ni Baby Bro.




And worst, i haven't decided kung sino ang tatahi ng gown ko. I just couldn't think, you know.




Everyone is going gaga, specially my sisterette who happens to organize weddings and parties kaya sya na ang in-charge sa venue, caterers and other suppliers. My madir, at 55, ay mas bet pa yatang maging bridesmaid. Char.




It's gonna be a big wedding. About 600 guests. Yun ang gusto ng pay-rents, perstaym nila kasing magpapakasal ng lalaking junakis.




Since sila naman ang gagastos so kebs na lang.




Pero hinde! Assuming 10% ng 600 guests ang mag-tatanong na lang sa akin, kung baket wala pa akong asawa at kung kailan eh di nasa 60 tao rin 'yon.




At mas lalo lang akong na-depress, 'coz old rose ang motiff. And i look better in pastel colors. Chos!




Pero I have plans.




Pers, after the wedding ceremony sa Church, hindi na ako go-gorabels sa reception. Magkaka-migraine ako ng vonggang-vongga at mag-di-disappear na lang! Hindi ko lang alam kung papayag si Madir sa aking disappearing act.




Pumasok na rin sa isip ko na mag-out-of-town, or out-of-the-country or kahit out-of-the-world pero this early, sinabihan na akez ni Madir na 'wag na 'wag akong mawawala sa kasal ni Baby Bro.





So, naisip ko, kumuha o 'umarkila' ng isang dyowang bilat on the day of the wedding.





Oo, isa lang, kasi kung dalawa ang kukunin ko, baka mag-mukha na kaming grupo ng Destiny's Child 'noh. Ay, bet ko pa namang maging si Beyonce! Char.




Dapat maganda ang bilat na magpapanggap kong dyowa, syempre bata at sariwa din 'noh. Para pag nag-tanong ng "Oh, ikaw, kailan ka mag-aasawa?"




Pwes, sasagutin ko na lang sila ng vonggang-vonggang "Uy, pare, bata pa kasi itong GF ko, (sabay kiss, eeewwww!) kaka-18 lang, hindi pa sha ready. Hehehe!"



Chos!




Haayyy, kadiri!!!! Kinikilabutan ako! Pero magandang excuse 'yan devah? At ako pa ang kai-inggitan ng mga barako at babaero kong mga pinsan. Wish ko lang kayanin ng bangs at sikmura ko ang pagpa-panggap.




Pero dapat hindi madaldal ang bilat at baka madulas kami sa role playing.




Dahil dyan, "Ah-huh" lang ang kanyang script.




Oo, kahit ano ang itanong sa kanya, "ah-huh" lang ang sagot nya.




Di bale ng magmukha syang tanga. Refutasyon ko ang nakasalalay and that my dear is, priceless.




Char.




And ang last and final plan ko will not need any explanation. Bago pa man magsimula ang reception, ako ay magta-transform bilang isang ganap na Dyosa with matching production number.




Parang si Manila Luzon lang....





And my production number will be more dramatic, magdi-descend lang slowly ang lolah nyo from the ceiling of the reception venue kasabay ng mga rose petals at fake smoke.




Oo, parang Dyosa lang talagang bumaba kay mother earth!




And i'll probably have 12 back-up dancers para ma-occupy ang dance floor and yes, may mga lifting-lifting din, devah!




After my performance, i'm sure wala ng Q&A portion kung kailan mag-aasawa ang lolah nyo.





Because the answer is YES....





As in yes, i will die a virgin.




Char.




Ang tanong lang,...




Will I be held criminally liable kung atakihin sa fuso ang pay-rents ko after the performance?



Chos!




:)



*********

2011 The Year That Was

*****


Gusto ko sanang mag-blog ng mga na-achieve ng lolah nyo for 2011 kaya lang I don't want to brag naman.



Hihihi!



Pero gagawa na rin akez.



Yung mare-recall ko lang ha.




Well, aside from being the only virgin na beauty queen, I can say na na-maintain ko talaga ang crown (salamat sa staple wire) - and with all due-respect sa mga ambisyosang runner-ups. Chos!




2011 was also a year na nag-travel ng vongga ang lolah nyo. I went to Cubao, Divisoria (latter part of 2011) at Marikina and the likes.




Saan pa nga ba? Oh yes, nag-rampage ang lolah nyo sa El Nido, Palawan at Cagayan de Oro to fulfill her queenly duties and responsibilities. Char.



I've been to Camiguin din pala and.... I've been to paradise but never been to me. hihihi!



Char.




Aba, prior to 2011, Baguio City lang ang pinakamalayong narating ng lolah nyo sa 'Pinas ha. Kaya achieve na ang travel experience ng 2011.




2011 was also full of drama. Pina-evacuate ang lolah nyo sa balur nya ng more than 10 years. At dahil dyan, nagkahiwa-hiwalay ang mga magaganda - ako (syempre), si Friendship at Dexter.




Ang huling balita ko kay Dexter, nanakawan sya ng phone at humahalimuyak ang Korena beauty nya sa bandang Novaliches area.




Si Friendship naman ay may bagong reputasyon sa bago nyang balur - eh ano pa eh di Pokpok uli to the highest level. Ang bruha, tila nakatagpo ng fountain of youth! Kaya ayun, may dyowabels na ang mudra ay sing edad lang nya. Hahaha!




Tanggap naman si Friendship ng mudra ng boylet. Isa lang ang problema - makati ang Friendship ko. Sya ang Itchy sa Itchy Worm at hindi sapat ang sustansya ni boylet para gamutin ang congenital itch problem ni Friendship! Sumuko nga ang manufacturer ng Caladryl! Chos!




Kaya ayun, Friendship is enjoying the boylets that the city of Mandaluyong can offer. Buffet ang drama ng vaklush! Sa wakas, napahinga ang Makati City boylets. Hahaha!




Well, hindi pa akez nakaka-recover sa hang-over ng 2011. Busy pa rin ang lolah nyo dahil dito. Basta, lapit na ang details.




Sya nga pala, i thought hindi maga-ganap, pero naganap!




This blog has reached 1,000,000 page views after 18 months!



Hahaha! Yabang!



Ah basta! Happy ako.



Pero gusto ko happy rin kayo!




Kaya mga friends, sana ay mas vongga ang 2012 for all of us.




Love you all!





Mwah!




:)



PS. Hindi ako nagpa-putok nung bagon taon, pero my gosh, NAPUTUKAN ako!!! Sa fez, sa arms sa neck, konti sa mouth, haynaku, na-violate ko ang DOH memorandum.



Hahahah!



Chos! :)




******

Thank You!

********


Today, i declared, our last day of work.




Hodevah, parang President chuva lang. Chos!




Tuwang-tuwa ang mga staff ko. Kung maka-tili akala mo ay nag multiple orgasm.




Pero just as i expected, may mga hirit pa.




Staff 1: "Sir, wala ba tayong ham?"




Me: "Ham? Gow, punta ka sa fridge!"




Excited ang bilat. Kumakandirit pang sinugod ang pantry. Ilang segundo pa ay bumalik na. Nakasimangot.




Staff: "Sir, wala namang ham! Puro tubig lang."




Me: "Well, that's the answer to your question. Drink all you can ka na lang ng H2O."




Aba, at hihirit pa ng ham eh generous na nga ang kumpanya sa bonus nila which is equivalent to sampung gabi with the boylet of their choice...


















I told them to be grateful, dahil may mga kababayan tayong hindi mararamdaman ang Pasko.




Its high time that we learn how to count our blessings and be thankful.




2011 may not be the best year for me in terms of career and lovelife - which is practically zero, nada, zilch. But I know I am blessed because of the people around me and that includes you my dear readers and followers.




Today is my "THANK YOU" Day.




So allow me to thank everyone for being so nice to me and believing in my true beauty.




Thank you!




And a big "thank you!" to my benefactor for the best Christmas gift ever.




















Oh, hindi sha carlalu at wala syang gulong.




Details will be posted soon.




Merry Christmas everyone!




Love you all!




Mmmwwwaaaaahhh!




:)



***********

This Too Shall Pass

****



May pinagdadaanan ang lolah nyo.





At alam kong majority sa inyo ay hindi makaka-relate.






However, I know most of you naman will understand what I am going through...


.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


May regla ang lolah nyo.





Two days na.






Heavy days.







Char.





And on a different note,





Pakisabi sa mga boylets na itey, na cordially at open arms silang invited mag spend ng Christmas sa aking balur.





















And yes, pwede rin kaming mag-kurutan ng utong.





Ay, ang perky kaya ng nipples ko nowadays!





Hihihi!





Chos!





Happy weekend mga bakla!





Christmas shopping galore na tayo.





Love you all!!





Mwahhhh!!!




:)

Nimmy Said....

Nimmy , a fellow blogger lost his iPod at meron syang message sa taong nakakuha/kumuha nito...


Alagaan mo yan. Kung ibebenta mo man sana huwag sa sugal or sa something nega mo gastusin ang pera. Gamitin sa mabuting paraan. Try mo i-invest sa short term fund or kung risk taker ka equity fund. Ganyan. Char!


Un lang po.


Thank you.







***************



This message struck me.



Maliban sa nagamit nya ang pagiging banker nya sa pagbibigay ng advise, ambait lang nya to say those words.



Ako kasi hindi.



I wish I can say the same thing to the person who took half of my virginity.
























Uu, buti na lang hindi sya nagtagumpay ng 100%.





Or else, dethrone ang lolah mo.





Chos.

Terminal

Ganito na lang ba tayo uli…


Hindi mo ako kikibuin.


Hindi mo ako papansinin.


Sana kung galit ka….


Sabihin mo sa ‘kin.


Nahihirapan na ‘rin kasi akong magmukhang tanga.


Kahapon, hinintay kita.


Tapos nung dumating ka…


Tumingin ka lang sa ‘kin.


Isang blangkong tingin.


45 minutes kaya kitang hinintay.


Hindi mo napansin bago ang polo ko?


Hindi mo nahalatang maputla na ako sa gutom kahihintay sa 'yo?


At umaalingasaw kaya sa tapang ang bagong perfume ko...


Pero hindi mo na-appreciate ang effort ko.


Parang wala lang sa ‘yo.


Unawain mo naman ako.


Napapagod din ako.


Marunong mainip.


Noong isang araw, hinintay kita.


Hindi ka dumating.


Na-late ako ng isang oras sa opisina kahihintay sa ‘yo.


Hindi ko naman isinusumbat…


Alam kong wala tayong usapan na maghihintay ako.


Pero ginusto ko.


Gusto ko kasing maramdaman mo na nandito lang ako.


Naghihintay…


Nag-aabang…


Pansinin mo naman ako.


Kagaya ngayon…


Katabi kita…


Pero ang layo ng tingin mo…


Gusto kong sabihing…


“Ano ba? Heto ako…”


Pero kailangan ko pa bang i-verbalize yon?


Dapat na-sensed mo na.


Dapat na-realized mo na.


May pride din ako.


Hindi lang ikaw.


Sana ikaw naman ang mag-effort.


Sana ikaw naman ang maghintay sa ‘kin.


Sana ikaw naman ang papakin ng lamok habang kandahaba ang leeg sa pag-aabang sa aking pagdating.


Kaso… alam kong hindi mo gagawin.


Sino lang ba ako?


Wala.


Kapwa mo lang pasahero.


Ilang beses kong ibinulong sa aking sarili...


"Kapag lumingon ka... akin ka..."


Futah ka, lumingon ka naman.


Kahit once lang.


Please...


Bukas… hihintayin uli kita.


















Sa istasyon ng bus.


Gigising uli ako ng ma-aga.


Kahit ubusin ako ng lamok.


Kahit hindi ako siguradong darating ka.


Kasi hindi kumpleto ang umaga…


Kapag hindi kita nakita.


Sya nga pala....


Ano na nga name mo?

Magti-tika.




In the observance of the Holy Week...






















Witchelles muna aketch magba-blog.


Magninilay-nilay at magti-tika ang inyong abang reyna.


Regular programming will resume next week.


:)







Usapang Food: May Tanong Aketch



Gurls, i need your help on this one. Paki-sagot ng na-a-ayon.


1. Ano ang peyborit mong restaurant food?


2. Sinetch ang peyborit mong restaurant?


3. How much ang iyong budget sa lunch?



Salamat.


Mwah!



Gaya-Gaya





Dahil ginawa ito ni Fox at Hard2getXXX

Pwes, gagawin ko rin s’ya.

Kasi naman walang nagtatanong sa inyo eh.

Pakiramdam ko tuloy, katawan ko lang ang habol nyo. char.


So, Q&A na tayo.

What's your greatest luxury?

Ayokong sabihing rest kasi pang masipag na tao lang ‘yon kaya ang isasagot ko dyan ay sex.

Can you cook?

Yes! If you are familiar with the movie Como Agua Para Chocolate, then akong-ako ang character na si Tita! Hahaha!


What's your greatest regret?

Not taking that opportunity to work sa isang TV network when the job was offered to me many years ago. Eh di sanay ang dami ko na rin na-blowjob na artista at hindi dalawa lang. Choz!

Are you ticklish?

Yes, ganyan talaga pag hindi masyadong malandi, hindi nauubos ang kiliti.

If you were given the chance to be a woman for the day, What's the first thing you'd do?

Take a picture of my vagina and clitoris and mms it to all my vaklush friends with the message… MGA VAKLA ETO NA ANG ESSENCE OF BEING A WOMAN!!!

If you could go anywhere at this moment, where could it be and why?

Inside Derek Ramseys underwear. Do I have to elaborate?


What is your ideal night out when you're at home?

Night out tapos when I’m at home? I’m confused!

Simple lang naman ako. Ang gusto ko lang naman, may u-uwiang asawa, mga anak at pagsilbihan ko sila. Tapos yung asawa ko, payag sumapi sa swingers club. Char.

What do you hate the most in the world?

Leeches.

What is your favorite journey?

My first solo trip abroad. Mukha akong tanga. Tangang maraming pera nung time na ‘yon.

What do you most value in your friends?

The fact that they don’t borrow money from me.

Who is your favorite hero in fiction?

Darna. Pero ayoko ng lunok ng lunok ng bato para lang magka-powers.

Hindi kasi ako lumulunok. Though I have nothing against to those who does. Hahaha!

Actually, ayoko ng hero. Gusto ko ang powers ng villain na si Mystique ng X-Men.

Una akong magta-transform as Angelika Panganiban, tapos palit anyo ni Jennilyn Mercado – all in one day. At kung kaya pa, gagayahin ko rin si Vicky Bello at ng masubukan nga yang galing ni Hayden Kho.

What turns you off?

Bad breath, body odor, nose hairs, freeloaders, mayabang, sinungaling, mapanlait, mga walang utang na loob,… mga hayuuuuuppppp!!!

Do you miss someone right now?

I do.

Name three things that you can't live without?

Oxygen. Water. Food. I think I can survive with the basic.

Pero pag mas profound: Internet, Cable TV, Coke zero. Ayan, profound yan ha.

Are you a bully?

Never.

Is your room messy?

Oo, pag may kasamang lalaki.

Saka, kasalanan ko bang maganda lang ako at hindi masipag?

Have you ever lied about your age?

Yes. When I tried to watch Schindler’s List alone.













Sabi ko 18 na aketch when in fact I’m just 16. Nakapasok ba akey? No. Ayaw maniwala ng takilyera. Baby face kasi akey. Hahaha!

Now, go figure my age!



Wala...


Oo, walang entry ang lolah nyo today.


Haggardo Versoza nung Valentines Day...


At dahil dyan, maglaro na lang tayo kasama sina Ate Sienna at Kuya Bodjie!


Tingnan mabuti ang larawan at sabay-sabay nating awitin...





















Alin-alin, alin ang naiba?


Sabihin kung alin ang na-iba.


Isiping mabuti, isipin kung alin...


Isipin kung alin ang naiba!


char.



Pasasalamat


From the ashes of a failed relationship, ipinanganak ang blog na itey. Kailangan ko kasi ng dibersyon para makalimot. Eh hindi naman ako sanay mag-mahjong at ang cheap lang ng bingo. Ayoko 'rin maglasing. Loser na loser lang ang dating.


Kaya naman instead na umattend sa orientation ng mga new members ng Tropang Tambay sa aming barangay, I chose to start a blog. Anyway, the tambays made me their honorary muse. Hihihi!


Kasi naisip ko, wala pang tambay na sumikat.


Eh ever since bata pa akey, gusto ko ng magka-pangalan. Sabi ko nga sa nanay ko, isali nya ako sa Little Miss Philippines sa Eat Bulaga. Hanggang ngayon, hindi ko maisip kung bakit hindi nya ako in-audition. Sayang. May anak na nga si Jessa Zaragoza at binata na si Aiza.


Pero heto nga, blogger kuno na aketch. Mas ok na itetch kesa i-pursue ko ang impending showbiz career. I value my private life kasi.


Enjoy naman palang mag-blog. Kasi, nagkakaroon ka ng pagkakataong ilabas ang emosyon mo pati na mga skeletons in my walk-in closet without being judged.


‘Yung mga bagay na hindi ko kayang i-share sa lola ko, o sa nanay ko, dito ko nai-shi-share.


So, dear readers, parang nanay at lola ko na kayo. I love you mga ateh.


Heto na nga, 7 months na akong nagba blog. Kaybilis ng panahon. Kung nabuntis ako, in 2 months time ipapanganak na ang baby ko... na walang ama.


When I started this blog, I am so happy to have 200-300 page views a day. And to have followers na kasing ganda at bait ko lang. Kahit yung iba slightly depreciated na. Char!


Oo, tinitingnan ko po kung may nagbabasa ba ng blog ko thru Stat Counter coz I don’t intend to keep this blog to myself just like what happened dun sa letseng diary ng Mara Clara (the original) na it took them almost 5 years to find at na discover na nasa ibabaw lang pala ng tokador.


Kaya alam ko na nag-grow ang followers since the time I started this blog. Recently medyo na surprise akey. I just realized na that this blog has an average of 1,500 page views na a day. Ang daming vakla!!! Char.


Pero nung Saturday, umabot sa 2,591 ang page views. Shock akey. Kaya I therefore conclude na walang datung ang mga vaklush nung Satuday na pang gimik kaya they decided to stay home or mag-internet na lang at mag blog hopping. At isa ang blog ko sa mga nakinabang. Hihihi!













Salamat pow!


Anyway, I am so thankful nga na sinusubaybayan nyo (at sanay binabasa nyo rin) ang blog ko. Hihihi! Salamat mga friendships! Mwah! Mwah! Mwah!


I would like to make beso to Desperate Houseboy and Nox! Hindi man tayo magkakasing bata, sa puso at diwa pareho lang tayong sariwa. Choz!


At pramis hindi ako binayaran ni Nox at Houseboy para i-greet sila. At hindi rin kami nag-siping or threesome. Choz!


Sya nga pala…

Kung may twitter na akey: misschuniverse

Ay may e-mail at facebook na rin din akey: misschuniverse@yahoo.com (add nyo naman aketch dahil si Bookie pa lang ang friend ko ‘don. Hihihi!)


And with that i would like to leave you with this heartfelt quotation for the day....












Isang Major Vonggang Announcement

Five months na akong single.


Two hundred sixteen thousand four hundred twenty five minutes.


Hula ko lang. Hirap kayang mag-compute.


Inspired by RENT ang dyoklang Dyosa.


During my not-so-stylish vacaycay sa kabukiran ng Bulacan, I realized one thing…


Maganda pala talaga aketch....


... kahit bagong gising.















Partida wala 'pang mumog 'yan. Nagtampisaw lang sa batis.


Choz!


Ikaw ba naman ang makipag socialize sa mga itik, pato at kalabaw.


Lulutang talaga ang ‘yong angking kagandahan.


Gandang Maynila...


Gandang Likas….


Gandang Ricky Reyes….


Pero.


Hindi natupad ang wish ko.


Hindi dumating si number 10.


Papa-less pa rin ang aking circle of life.


Not that I’m complaining. Footah!


I have two hands as you all know. Each with five fingers. And each finger can do wonderful things way beyond your wildest imagination.


Enough said.


Baka may nagbi-breakfast.


Ma-umay.


Hindi rin naman dahil sa inabutan ng “best before” ang aking timeless beauty.


May mga gustong kumarir.


Wiz ko type nga lang.


Meron naman akong type.


Si Marky, nasa Davao pa rin. In two years, pwede na siguro sya. Beynte na eh.


‘Yung isa, gusto akong gawing querida.


Gusto nyang ako ang gumawa ng mga bagay na hindi kayang gawin ng kanyang asawa.


Eh ano ba ang hindi ginagawa ng kayang asawa?


Lahat ng kalaswaan.


Ganun?


Ano ako sex toy?


Na kapag sinabing nganga – eh nganganga nga?


Na kapag sinabing buka – eh bubukaka nga?


At kapag sinabing lunok – ay……


Ohmygassss!


Mahirap maging querida de amor.


Wiz ko type na ma-dyombag sa mall at ma-youtube ang fez habang binubogbog ng legal wife with her entourage in tow.


Eskandalo ‘yan.


Hindi pa naman ako nagpa-panty.


Eh di fiesta ang mga kalalakihan sa aking perlas ng silangan.


Anyway, sabi ng isang friend…


“Kung gusto mo’ng kumain ng beef, buy ka ng one kilo. At ‘wag buong cow ang bibilhin mo. Kasi baka mag-sawa ka.”


Hmmmm….


May punto ang bilat.


So ganun na lang ‘yon.


Hahayaan ko na lang matikman ng mga kalalakihan ang aking kagandahan?


Iba’t-ibang lalaki bawat gabi?


Na para akong karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain?


TYYYYPPPPEEEEEE!!!!!!!!


Eat all you can!

……………………………………


Pero syempre, gaya ng ilang mga bekis, pangarap ko ring maglakad sa riles ng may ka-holding hands... tapos magwi-whisper ng sweet nothings. haaiiisssst.... kilig much.












……………………………………..

Anyway, hindi nga pala ako dapat magpaka-sarili.


Bilang isang Dyosa, tungkulin ko una ang aking mga nasasakupan bago ang aking pansariling kaligayahan.


And sabi nga ni Queen Elizabeth I…


“I am nobody’s WHORE!”


Kaya here I am before you, my beloved readers and followers.


Let it be known.


That I am married only to my people.


And before thee, I proclaim myself……


Your VIRGIN QUEEN!












Baboooh!


Shopping muna aketch ng isang kilong T-Bone Steak.


Char!





Pamamaalam



Pansamantala munang mag-sasara ang telon.



Bisi-bisihan ang lolah nyo.



At hindi sa lalaki.



Pramis.



Basta 'wag mag-panic, dahil sya ay babalik looking exactly like this:
























Nina Ricci Spring 2011 Collection


Pag magaling na ang bago nyang dyoga after the transplant.


Because next year, pekpek naman.


One at a time.


Choz!




















Now, you can all throw up.






Random Lang Ditse


Marky: "Tsoks, may surprize ako sa 'yo."

"Z" talaga ang surprise??? Ignore ko na lang 'day. Pagbigyan na ang cutie pie.

Me: "Ano yon Amoureux?"

Marky: "Basta surprize nga eh."

O sige na surprize, surprize!!!

Me: "Paano ko naman malalaman?"

Marky: "Hindi pa sure, pero sigurado ako, magugulat ka."

Magugulat aketch? Wala na yatang makakagulat sa akin except magising ako isang umagang may pekpek na.

Me: "Talaga lang ha."

Marky: "Oo naman."


Ampootah!!!

Magaling akong maghula.

I think lilitaw na lang bigla sa gate namin ang lalaking itetch straight from the bukid of Davao.

Handa na ba aketch???

Hindi pa yata.

Nag-e-enjoy pa aketch being a single lady.

Freedom is sweet and i'm loving it.

.............................................


Anyway, walang koneksyon, pero i really like this poem from the movie Harold & Kumar.
Share ko sa mga dukesa.



I’m sure that I will always be
A lonely number like root three

The three is all that’s good and right,
Why must my three keep out of sight
Beneath the vicious square root sign,
I wish instead I were a nine

For nine could thwart this evil trick,
with just some quick arithmetic

I know I’ll never see the sun, as 1.7321
Such is my reality, a sad irrationality

When hark! What is this I see,
Another square root of a three

As quietly co-waltzing by,
Together now we multiply
To form a number we prefer,
Rejoicing as an integer

We break free from our mortal bonds
With the wave of magic wands

Our square root signs become unglued
Your love for me has been renewed

=)

This Is Really It!


Walang kokontra.

















I Remember The Boy...


Wala akong service that day, so take ng LRT ang prinsesita papuntang planta.


U.N. Avenue. My stop.


Pagbaba ko ng train, diretso agad ako sa exit nang may tumapik sa balikat ko.


Napalingon ako.


Si Ex-Hubby Doc.


Naka-uniform sya ng pang Pedia. Mukhang pagod at puyat.


Not as good looking nung kami pa. Choz!


Him: “Musta na? Saan ka pupunta?”


Me: “Sa planta. Ikaw?”


Him: “Papasok na. Nakita kita kanina ng sumakay ka ng train. Hindi ako nakalapit agad kasi ang daming pasahero.”


Me: “Saan ka na pumapasok ngayon.”


Him: “Dyan…” sabay turo ng hospital.


Me: “O sige, ma-una na ako.”


Him: “Sige….”


Nakangiti akong naglakad.


Wala ng pain.


Tapos na ang babang luksa. =)





Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments