Blind Item
Si P ay isang cute na chubby banker.
Si X ay isang creative head ng isang clothing company na annually ay may fashion show event ng mga denim at underwear.
Nagka-kilala si P at X at naging mag dyowa sila.
Minahal ni P si X ng truly, madly, deeply.
Masaya sila hanggang….. dumating si Y sa buhay ni X.
Si Y ay isang contestant sa isang famous fashion designing competition na itago na lang natin sa pangalang – Project Runway Philippines. Bwahaha! Hindi sya wagi sa fashion competition dahil hindi naman fashion forward ang mga fashion pieces nya.
Bwahaha! (again)
Alam ni Y na may ka-relasyon si X. Although hindi nya kilala na si P ito.
In short, naging magka-relasyon din sina X at Y.
Nalaman ni P ang lahat.
Pinili ni X si Y. Siguro dahil mas yummy si Y.
Sobrang na-hurt si P.
Mahal na mahal nya kasi si X.
Ibinuhos ni P ang panahon nya sa sarili.
Pilit kinalimutan ni P ang pagtataksil sa kanya ni X.
Dalawang taon ang lumipas.
Halos hindi mo na makikilala si P.
Dahil ang dating chubby ay certified hottie na. Tumaas lang ng 500% ang market value nya.
[image removed]
And what a twist of fate… kasi si Y na ang lumobo ng todo. Kahit hindi sya huminga, nakausli pa rin ang belly nya.
Last night, rumampa si P.
Hindi sinasadyang nandoon din pala sa venue si Y.
At hindi maalis ni Y ang tingin nya sa mukhang delish na si P.
Chinito delicioso ang dating ni P.
At nagpakita na nga ng motibo si Y.
At nasabi ni P sa sarili…
Revenge is gonna be sweet.
Sing tamis lang ng Krispy Kreme.
Ang karma nga naman...

Recent Comments