Special Announcement
Mga Kafatid,
Nababatid ko po ang mga problemang kinakaharap ng ilan sa atin.
Hindi po ako bingi o bulag sa inyong mga hinaing.
At sa panahong nagtataasan ang lahat ng presyo ng mga bilihin gaya ng bigas, langis at gamot, pati na rin ang mga serbisyong medikal, masahe with extra service at maging tickets sa mga third-run cinemas, hindi po tumitigil ang inyong abang Reyna sa pag-iisip ng solusyon.
Sampu ng aking mga alipores, patuloy kaming humahanap ng paraan upang lunasan ang kahirapang kasalukuyan nating pinagdaraanan.
Kaya naman buong kagalakan kong sabihin sa inyo na aking ilulunsad ang pinaka-mahalagang proyekto ng aking panunungkulan bilang inyong reyna.
Mga kafatid, narito na ang....
Okey, 'wag masyadong ma-excite.
Ang Pantawid Pahada Card ay ipagkakaloob sa mga beki na wala pang hada sa loob ng ONE year. Opo. Sila po ang beneficiary ng card na itey.
Narito po ang ilang mga qualifications upang maka-avail ng nabanggit na card.
1. Kailangang Filipino.
2. Kailangang Vakla. (Obvious bah?)
3. Must be 18-and above. As long as kaya pang humada, qualified ka 'Teh!
4. Walang regular na hada, walang dyowa o hindi nakahada for at least one year.
5. Kapos sa gandah at walang pambayad sa hada.
Kung ikaw ay kwalipikado sa mga nabanggit na pamantayan, narito naman ang benipisyong naghihintay sa 'yo sa ilalim ng Pantawid Pahada Program.
1. Libreng hada kada buwan sa loob ng isang taon. Oo, once a month lang. Bawal ang ganid.
2. Libreng extra service sa bawat masahe. Handjob lang po ang coverage ng inyong Pantawid Pahada Card. Maliban diyan, at your own expense na.
2. Magagamit din ang Pantawid Pahada Card bilang discount card sa pagpasok sa mga third-run cinemas gaya ng Alta, Dilson, Baclaran Cinema at marami pang iba. 69% OFF!
Narito po ang paraan kung paano gamitin ang Pantawid Pahada Card.
Kung gagamitin sa Pag-hada:
1. Ipakita ang Pantawid Pahada Card sa natipuhang boylet. I-swipe lamang ito sa kanilang likurang bahagi. Otomatikong mag-a-appear kung ilan pa ang inyong natitirang Hada Credits. Kung nagamit na ang nakalaang hada sa kasalukuyang buwan. Bumalik na lamang next month. Pa-alala, ISANG BESES, ISANG BUWANG LIBRENG HADA LAMANG.
Kung gagamitin sa Extra-service:
1. Ipakita lamang sa inyong masahista ang Pantawid Pahada Card. Malugod nila kayong pagsisilbihan ng sampung minutong Bayombong. Kailangang makaraos kayo sa loob ng 10 minuto or else, tapos na ang session.
Kung gagamitin sa Diskwento:
1. Ipakita ang Pantawid Pahada Card sa takilyera. Otomatiko ring i-ho-honor ng takilyera ang inyong diskwento. 69% discount! Nais lamang po naming ipabatid na sa pagkakataoong may raid, bahala ka na sa buhay mo. Hindi kikilalanin ang iyong Pantawid Pahada Card sa diskwento ng piyansa o lagay.
Naniniwala ako na ito na ang simula ng pagbabago. Ang panahon na wala ng baklang magsasabing... "Wala akong hada."
Iyan po mga kafatid ang aking magandang balita. Nawa ay makinabang kayo sa biyaya ng Pantawid Pahada Program! Kaya't tayo na po sa HADANG MATUWID!
Salamat!
Nagmamahal,
Miss Chuniverse
******************************
Pa-alala:
Ang Pantawid Pahada Card ay hindi transferrable at hindi convertible to cash.
Yun lang.

Recent Comments