Humiyas sa Pahiyas!
Rampage ang lolah nyo kahapon sa Lucban, Quezon para sa taunang Pahiyas.
Pers taym kong makarating sa festival na itey kaya naman eksayted aketch. Hihihi!
Matagal ko ng ambisyong makapunta ditey kaya naman ng matapat ng Sunday ang Fiesta, gora na ang reyna.
We left Makati around 4:00am at dumating kami sa bayan ng Lucban ng 7:00am. Which is kasabay lang ng paglabas ng prusisyon. Since wala ng time, hindi na ako nakapag-gown.
Ang Pahiyas ay ginaganap kada May 15, regardless kung anong araw sya pumatak. Ito ang feast day ni San Isidro Labrador. Bumabaha ng turista, local at foreign, sa bayan ng Lucban tuwing sasapit ang Pahiyas Festival. At dahil nga nataon ng Linggo, sobrang dami ng tao. 70% yata ng may DSLR camera, nandun. Kaya naman nanliit si Baby Nikkon ko. Hihihi!
Tampok sa nasabing kapistahan ang mga tahanan na pinalamutian ng nag-gagandahang mga dekorasyon gawa sa prutas, gulay at kiping. Ang kiping ay gawa sa giniling na bigas na pinatuyo sa korteng dahon at ginagamit na adorno sa taunang kapistahan.
Popular din ang Lucban longganisa. Dati rati, amliliit lang ang longganisa nila, pero now, they have bigger version. Impeyrness, nakadalawang longganisa ako. Hihihi!
Grabe ang ingenuity at creativity ng mga taga Lucban. Sobrang colorful at taray ng mga dekorasyon. Talagang mamamangha ka sa likas nilang abilidad na gumawa ng mga bagay mula sa kanilang inaning pananim at gamitin itong palamuti sa kanilang mga tahanan.
Sobrang gaganda ng ayos at palamuti kaya naman, dinarayo talaga sila.
Kaya naman, dinayo ko talaga ito at pinaghandaan. Labas ng camera at shoot, shoot, shoot!!!

Smile, you're on Chuni's camera. choz. :)

Lingon ka sa kanan, nandito lang akey....

Salamat sa telephoto lens. :)

Ummm... foreign delicacy!

Kuya, saan masarap bumili ng longganisa?

Heto ang P20.00 pamasahe ni Ate.

Thirty minutes kitang in-stalk, hindi ka man lang humarap.

And then i met my pers lab...

Ay pagod pa akey... bukas na lang ang peyctures ng Kiping.

Recent Comments