Showing posts with label Condo. Show all posts
Showing posts with label Condo. Show all posts

Ang Nawawalang Towel


Before di ko talaga bet tumira sa isang condo.


Not because arte lang but I find it creepy.


Lalo na yung naglalakad ka sa hallway na mag-isa lang.


Saka my first exposure kasi sa condo ay nung minsang dumalaw ako sa isang platonic friend.... oo platonic, let me clarify that, singlaki kasi ng pinggan ang fez nya kaya platonic chos.....


Haynaku, nag segway na. Platonic friend kasi lives in a condo na itago na lang natin sa pangalang Citylandia. Hahaha!


Kalerqui yang condo na yan.  May refutation daw kasi na ang mga inhabitants dyan na either kabit, fokfok o beki.  Sorry na lang sa mga readers na nakatira sa pambansang condo na yan. Hihihi.


Eh ayoko namang ma-hashtag na fokfok ako 'noh.


Saka, hoongsikip ng hallway.  Amoy ulam pa.  Found out na wala kasing exhaust ang mga kusina.  Kaya yung mga tenants na nagpi prito ng kung ano-ano, nagli-linger sa hallway ang scent ng menu for the day nila.


But things changed when I was offered to live in my current bachelorette pad.


Hoooongshusyal naman kasi.


Pero kalokah rin 'tong condo na itey.


Super strict!  When I moved in, they gave me a list of appliances na pwede lang bitbitin and their corresponding dimensions and wattages.


So buysung na akez ng mga basics like refrigerator, electric stove, microwave, etc.  The only thing na di ko binili ay yung washing machine.  Sobrang mahal kasi.  When I went to Abenson kasi with my list, isang brand lang ang tumutugma sa dimension at wattage at kalokah sa mahal.


So I did the most intelligent thing.


Nagpa-laundry na lang akez.


Hihihi!


Yung una kong laundry shop sa Amorsolo Street na malapit lang naman sa building charges P25.00 per kilo.  Mura na devah?


Pero nalokah ako nung 3rd time kong magpa-laba.


Nagulat ako na may panty sa laundry bag ko at bacon na ang garter!


Eeeeewwwwww!!!!!


Alam kong hindi akin yon coz in my 19 years of existence, never pa akong nag-suot ng underwear.


Lels.


So lipat agad akez ng suking labandera.


May nakita naman akez na malapit lang din, sa Salcedo Street naman.


But this laundry shop is more expensive.   P50.00 per kilo ang charge nila at nangako sila na never silang nag mix ng clothes with other customers.


So gorla na.


In a week nasa 7-10 kilos lang naman ang mga labahin ko.  So pasok pa rin sa budget.


Malinis at mabango naman ang laba nila.


And so far, walang naligaw na panty or whatever sa mga damit ko.


Wala rin namang nawawala sa mga pinalalabhan ko.


Until last week.


Inaayos ko na sa closet yung mga gamit ko ng mapansin kong may nawawala.


Yung towel kong blue.


So baba ako ng laundry shop.


Me: "Manang, nawawala yung towel kong blue."


Manang: "Anong klaseng towel sir? Hand towel ba?"


Me: "Hindi. Yung malaki."  At parang tanga lang akong ini-stretch ang arms ko to demonstrate kung gano kalaki.


Manang: "Naku, itatanong ko sa mga kasama ko sir. Parang wala akong napansin eh."


Me: "Basta kulay blue 'yon.  Teka, may picture yata ako. Sandali."


Sabay kuha ko ng phone ko.


Me: "Parang ganito yon Manang...."  at ipinakita kay Manang ang hitsura ng towel.


Noon ko napansin ang ubod tamis na ngiti ni Manang.


Napa-kunot-noo ako.


At na realized ko kung bakit.





























Haynaku....



Malanding labandera!



Chos!



:)





posted under | 34 Comments

Haberday Mahal! :)



Birthday ni Mahal the other day.



Nag-text ako sa kanya.



Alas 4 ng madaling araw.



"Mahal, Happy Birthday sa 'yo. Alam ko busy ka na sa work.  I love you."



Usually, mga tanghali pa yan sasagot, pag hindi na mashadong busy sa palengke.



Pero gulat ako, nag text back agad.



"Salamat Pangga. Gusto ko sana kasama ka mamaya pero alam ko may pasok ka."



Araw kasi ng Martes 'yon.



Me: "Kung magha-half day ba ako, pwede ka? Magkakasama tayo?"



Him: "Talaga Pangga? Oo, pinayagan ako ng Tita ko na mag-day off after lunch."




At dahil hindi naman din ako busy that day, nag-paalam nga ako sa opis.



Dapat magmo-MOA uli kami ni Mahal, kaso naisip ko na invite na lang sya sa balur.  Para naman alam nya na rin kung saan ako nakatira.




Him: "Saan ka ba nakatira Pangga?"



Me: "Dito lang sa Makati."



Him: "Hindi ko masyadong kabisado 'yan. Baka maligaw ako."



Me: "Okey, ano ang alam mo dito sa Makati?"



Him: "Yung Glorietta."




Me: "Ganito, punta ka ng Glorietta, tapos pag nandun ka na, text mo ko. Susunduin kita."



Bandang alas tres ng hapon, nag text na sya.



Him: "Pangga, dito ako sa tapat ng Burger King. Wait lang kita dito ha."



Less than 10 minutes lang naman mula sa balur hanggang Glorietta.  Kaya nakarating agad ako sa kanya.



Si Mahal, naka white polo at white slacks.



Hihihi!




Me: "Pangga, ang outfit mo - all white. Parang first communion. Hihihi!"




Him: "Pangga naman oh.  Nahihiya na nga ako sa suot ko. Ayoko naman pumunta dito na naka-sando at shorts lang."



Napatingin tuloy ako sa outfit ko.



T-shirt, shorts at tsinelas.



I felt so naked.  Char.



Alangan namang mag-gown pa ko 'noh?  Nasa dry cleaning pa kasi.



Char.



Me: "Bakit ka naman mahihiya, kahit ano pa isuot mo, mas mukhang tao ka naman sa karamihan. Hihihi!"



Him: "Ikaw talaga Pangga.... I love you..."  bulong nya.




Me: "Oh, wag mo kong hahalikan ha, baka may makakita. Hahaha!"



Him: "Pag ikaw Pangga, wala na kong pakialam sa kanila."




Matapos kong itirintas ang 10 ft. kong bangs, oo bangs pa lang yon, inaya ko na sya.




Me: "Gusto mo munang kumain dito Mahal?"




Him: "Hindi naman ako gutom Pangga.... punta na lang tayo sa inyo."




Dahil kuripot ang lolah nyo, pumara kami ng jeep.  Isang sakay lang naman 'noh. Hihihi.  Ilang sandali pa.




Me: "Oh, nandito na tayo Pangga."



Him: "Saan? Wala namang bahay dito." Palinga-linga sya.



Me: "Dyan tayo sa tapat na building."



Napatingala si Pangga.



Him: "Dito ka nakatira?"



Tumango ako.



Dumaan kami sa lobby, parang natigilan si Mahal.  Umakyat kami sa 98th floor. Char.




Halata kong parang nabigla si Mahal.



Pinapasok ko sya sa loob.



Him: "Mayaman ka Pangga?"



Me: "Hindi po.  May benefactor po ako."



Him: "Ano yon? May kinakasama kang iba?"



Natawa ako kay Mahal.



Me: "Hindi po.  Wala po akong kinakasamang iba. Mag-isa lang ako dito."



Him: "Ano yong benefactor?  Bakit dito ka nakatira?"



Me: "Syempre pag title-holder ka, may official residence ka.  Di ba nga title-holder ako.  Hihihi!"



Umikot sa loob si Mahal.



Him: "Magkano ang renta dito?"



Me: "Ahhmm... kung rerentahan, nasa 30K a month."



Him: "Ang mahal pala. Ilang buwan ko ng pagta-trabahuhan yon."



Me: "Ano ka ba Mahal?  Nakita mo naman, simpleng tao lang ako.  Hindi ako mayaman."



Him: "Parang na-a-alangan ako sa 'yo Pangga..."



Nakaramdam ako ng kurot.



Me: "Mahal...."



Him: "Parang hindi ako nababagay sa 'yo..."



Me: "Wag mong sabihin 'yan...."



At hindi ko napigilan, dahan-dahang pumatak ang luha ko sa kaliwang mata, tapos nag pause sya ng nasa pisngi ko na ng mga 5 seconds bago tuluyang bumagsak sa Mariwasa-tiled floor.  Then lumingon ako kay Mahal....



Me: "Kasalanan ko ba kung nakatira ako sa isang marangyang 100 sq. m. na condo na complete with facilities and amenities like gym, spa, wade pool at............. day care center?!?"



Char.



Him: "Nahihiya kasi ako Pangga."



Me: "Bakit? Hinahanapan ba kita? Kinukumpara ko ba ang sarili ko sa 'yo? Naging matapobre ba ako?"



Him: "Pangga...."




Me: "Sabi mo.... mamahalin mo rin ko...... warts and all.... condo pa lang ang nakita mo... nagba- back-out ka na...."




Him: "Hindi naman sa ganon. Pero baka kasi isipin ng mga kaibigan mo, ginusto kita kasi dahil sa mga ito."



Me: "Oo, malandi ang mga friends ko......... parang pokpok na nga sila........ pero kahit kailan.......... hindi sila judgmental."



Natahimik kaming dalawa.



Hanggang sa nagsalita syang muli.



Him: "Sorry na Pangga.... bati na tayo oh."



Niyakap ako ni Mahal.



Hinawakan nya ang aking mga pisngi.



At nilapatan ng pinakamatamis na halik.



Nginitian ko sya at sinabing...



 "Happy Birthday Mahal."



Bago pa man makasugod muli ang mga langgam, nasa ibabaw na kami ng California king bed.



Char.



:)


posted under , , | 65 Comments

Ang Muling Pagdalaw ni Friendship



Nag-text si Friendship.



Friendship: "Friend, nasa condo ka? Daan ako dyan."



Me: "Shure!"



So after i-park ni Friendship sa Walter mart ang recently fully-paid na motorsiklo nya, nag tumbling na lang sya ng 10 times to reach my balur.



Maya-maya pa nga, nag doorbell na ang bruha.



 Pinagbuksan ko naman ng pinto after 20 doorbells.



Aba, sumisingasing ang nostrils ng lolah.



Parang Khaleesi lang na ninakawan ng baby dragon ang peg.



Galeeeet!



Me: "Oh, sinong boylet na naman ang hindi tumupad sa usapan nyo na P400 lang ang fuck at P200 lang ang BJ ang naka-away mo this time?"



Chos!



Friendship: "Funyetang mga guards nyo, ansarap dagukan!"



Me: "Wrong choice of words ka 'teh.  Baka ansarap luhuran."



Friendship: "Hinde noh!  Mga antipatiko!"



Me: "Bakit ba? Anyareh?"



Friendship: "Napagkamalan ba naman akong delivery boy!"



Tiningnan ko si Friendship mula ulo hanggang ingrown.



Jacket?   Check!



Motorcycle gloves?  Check!



Plastic bag?  CHECK!!!!



Homaygash!!!



Me: "Bakla, tingnan mo nga ang sarili mo sa aking life-size mirror.  Nasa sa 'yo ang lahat ng katangian ng isang delivery boy. Pasok na pasok ka sa outfit at audience impact!"



Friendship: "Haynaku, basta inis ako sa kanila.   Humingi sila ng ID, so ibinigay ko ang ID ko, pagkatapos kong ibigay, tanungin pa ba naman ako kung saan ako nagwo-work, etcetera, etcetera????"



Me: "Anong sagot mo?"



Friendship: "Sabi ko, eh ayan yung ID ko, so dyan ako nagwo-work."



Impeyrness, shusyalin naman talaga ang workplace ni Friendship.



Pang international ang peg.



Yung mga humanitarian ek-ek.



Parang si Angelina Jolina Magdangal.



Ganyan.



Kaya lang dahil nag-mo-motor nga ang bruha, so naka outfit sya na parang messenger lang.



Hahaha!



Chos!



Pero dami na ring mga guests ko ang nagko complaint about our security personnel.



Yung mga masseurs ko, kinakapkapan pa daw sila.



Well, pabor naman sa akin yon.



'Coz di ko bet na ma-SOCO 'noh.



Char.



Saka masisisi ko ba ang mga Guardo Versoza ng building.



Pino-protektahan lang nila ako.



Kasi nga until now....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

hindi pa rin nila ako natitikman.



Char.



;)



Heller????




Faithful kaya ako!




Specially pag weekend.




Chos!



:)






Some Tubular Treat And The Anatomy Of A Gay Fridge

*******



Mabuhey!!!




Nung Saturday, bumisita si Zuki sa condo.




Zuki: "Vakla, nandito ako sa tapat ng building nyo, saan ako pwede mag-park?"




Me: "Ah...eh...sa parking?"




Zuki: "Pwede?"




Me: "Hindi daw ba pwede?"




Zuki: "May parking slot ka?"




Me: "May carlalu ba ako?"




Zuki: "Wala."




Me: "So paano ako magkakaroon ng parking slot kung wala akong carlalu bakla? Anong gagawin ko don, boarding house?"




Zuki: "Hayuf ka, kaya nga nagtatanong lang kung saan pwedeng mag-park?"




Me: "Adelantado."




Zuki: "Fuki mo!"




Me: "Gaga, sa Adelantado Street ka mag-park! Pwede dyan. Pero kung choosy ka, dun sa Mall of Asia ka mag-park, tapos mag taxi ka nalang papunta ditey!"




Nakapag-park naman ang Zuki. At matapos nyang mag suggest ng voluntary strip-search sa mga Guardo Versoza ng condo, nagpakilala na sha.




Nag-intercom sa akin ang Guardo Versoza ng building.




Guardo Versoza: "Your most beautiful and gracious lady, may visitor po kayo."




Me: "Tao ba ito?"




Guardo Versoza: "Pwede!"




Me: "Apat ang paa?"




Guardo Versoza: "Pwede, pwede!!!"




Me: "May tan line sa noo?"




Guardo Versoza: "Oo!"




Me: "Mukhang nanlalapa?"





Guardo Versoza: "Oo! Oo!!!!"





Me: "Ay, si Zuki lang 'yan, friendship ko. Paakyatin mo na...... pero wait..."




Guardo Versoza: "Ano po 'yon?"





Me: "Pag hiningi nya ang cell number mo, 'wag mong ibibigay!"





Guardo Versoza: "Ay, nakuha na po nya. Meet daw po kami mamayang gabi."





Hamfutah, ambilis kumirengkeng! Tinalo pa ako! Char.




At ilang sandali pa, may nag-doorbell.





"Ting-a-ling-a-ling... Ting-a-ling-a-ling.... Ting-a-ling-a-ling.... DING! DONG!"





I wonder who it may be? Ay uu nga pala si Zuki. Hahaha!





Chos!




And in a historic act, nag-beso ang royalty sa isang commoner.




Chos!





Zuki: "Oh, housewarming gift ko sa 'yo."





Sabay abot nitey....

















Futah ka, ano itetch?





Zuki: "Hindi ka ba marunong mag-basa? Suman!"





Me: "I know! Pero bakit suman?"





Zuki: "Ano ba dapat?"





Me: "Devah sabi ko sa 'yo, kumpleto na ang balur ko except for that Ayala-Property-Management-specified na 2-in-1 washing machine and drier unit, yung tig 47 Kiyaw?!?"





Zuki: "Haler! Futah ka! Titira-tira ka sa ganitong klaseng condo, tapos washing machine lang hindi mo ma-afford?"





Me: "Gagah! Sige, okey na 'tong suman. Pero sana ibang tubular treat na lang."





Zuki: "Tubular treat? Tite?!?"





Me: "Hahaha! You and your polluted mouth!"





Zuki: "Friend, impeyrness, maganda ang unit mo."





Me: "Syempre naman, binabagayan lang ang aura ko. Kamusta naman ang squatters area where you live?"




Char!




At umikot ikot-ikot ang Zuki sa aking 400-sq. meter divided by 10 na condominium unit.




Chos!




Zuki: "Vakla, ano ba 'tong fridge mo, baklang-bakla ang peg!"
























Me: "Huh! At bakeeeet?!?"




Nagulantang naman akez! 'Coz I made shure walang bahid ng dugong fuchsia ang overall impact ng unit ko - just in case bumisita ang pay-rents at relatives.




Zuki: "Tingnan mo ang harap..."


















Para mermaid lang may pagka-vakla na!?!



Okey naman ah... nasi-seksihan lang ako sa kanya ah, with her long curly hair na may shimmering star pa on top at shell-inspired belt.



Anung vakla doon?!?



Chos!




At binuksan ng bruha ang loob...
























Zuki: "Yakult... check! San Mig Light.... Check!!! Coke Zero.... check!! Pocari Sweat.... Check!!! Nestle Yoghurt.... Check!!!!.................. Homaygashhhhh!!!!"



Me: "Ang arteh mo... WHAT!?!"



Zuki: "CALI SHANDY!?!.... CHECK! CHECK!!! CHECKKKKKKKK!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Bakla ka nga!!!!!"




Haynaku, hindi ako affected!




Pero seriously, beking-beki nga ba?!?



Nagtatanong lang.





Chos!




:)



********

Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments