Showing posts with label Random story. Show all posts
Showing posts with label Random story. Show all posts

Kumpirmasyon: A Short Story


Matagal na ng huling pumunta sya sa sinehang 'yon.


Pero parang wala pa ring ipinagbago.


Madilim. Mainit.  At puno ng nagpa-paroot-paritong mga parukyano.  Tila mo'y mga gamu-gamo silang naglisaw at umi-ikot sa munting liwanag ng lamparang kinahuhumalingan. Walang direksyon, walang kapaguran.


Pero bakit nga ba sya nagbalik dito?


Marahil ay nais nyang balikan ang dating kanlungang nagsilbing mundo nya noong panahong sya ay naghahanap ng pagtanggap.


Iyon nga ba ang dahilan?


O baka naman umaasang matatagpuan ang isang nilalang na dati ay dito rin nya namasdan.


O nais lang nyang patunayan sa sarili na sya ay tatanggapin pa rin sa kabila ng ilang taong lumipas na kabataan.


Pagbungad pa lang sa entresuelo ay may mga kalalakihan ng nakatayo... tila naghihintay.  Lahat ng mga mata ay nabaling sa kanya na para bang tina-tantya kung papasa sya sa kanilang panlasa.


Dire-diretso syang tumuloy sa loob. Sumandal sa haliging natatapatan ng maingay na electric fan.


Ilang sandali pa lang syang nakatayo ng may lumapit na lalaki sa kanya at tumayo sa tabi nya. Walang sabi-sabing hinawakan nito ang kanyang kaliwang dibdib at nagsabing...


"Serbis Sir?"


Tiningnan nya ang mukha ng lalaki.  Sa kabila ng dilim ay nakatulong ang munting liwanag mula sa maliit na pulang bumbilyang katabi ng electric fan upang aninagin ito.


Kung ihahambing sa ibang mga parukyano ay may taglay na kakisigan ito. May katangusan na ilong, bilugang mata at makapal na labi.


Nginitian nya ito at sinabing..."Sorry, pare 'di ako nagpapa-service." 



"Wan pipti lang Sir. Magaling ako. Di ka magsisisi." Pilit ng lalaki.




Muli nya itong nginitian at nagpa-alam.   Naglakad sya papunta sa kabilang bahagi ng sinehan.   Muli ay sumandal sya sa haligi at ipinako ang tingin sa pelikulang ni hindi nya napansin kung ano ang titulo.


Lumang pelikula. Magaspang ang kalidad. Sa halagang P80.00, hindi ito ang binayaran ng mga parukyano.


Aliw.


Nang tuluyang masanay ang kanyang mga mata sa dilim, nagpasya syang umakyat na sa itaas na bahagi ng sinehan.


Doon karaniwan nagaganap ang libreng ligaya.


Bawat paghakbang nya, may mga nakakasalubong syang ilang kalalakihang nagpakita ng interes.  May huma-haplos, may huma-hawak.


Sinuklian lamang nya ng ngiti ang mga ito at diretsong naglakad.


Napansin nya ang isang lalaking nakatayo sa pinaka-taas na bahagi.


Tinahak nya ang direksyon nito.


Lumapit sya at tumayo sa tabi nito.


Naka-sando ang lalaki. Nasa 28 ang edad. May taglay na kakisigan.


Tumingin sa kanya ang lalaki.


Nginitian nya ito.


Parang sinisipat ng lalaki ang mukha nya.


Umismid ang lalaki.  Umiling-iling na may halong pangku-kutya.


Nakadama sya ng kurot sa pagka-tao sa ginawa nito.


Ganon ang kalakalan ng sinehan.  May tuma-tanggi. May tina-tanggihan.


Ngayon sya ang talo.


Tanggap nya 'to.


Nilisan nya ang lalaki  at naisipan nyang maupo na lamang sa gilid ilang dipa ang layo mula sa lalaking ito.


Paminsan-minsan ay nililingon nya ang lalaki na ilang beses ring nilalapitan ng iba.


Nakita nya ang mga magaspang na pag-tanggi nito. Yung ilan ay itinu-tulak pa.


Maya-maya pa ay umalis na ang lalaki.


Muli ay tumayo sya at bumalik sa pwestong kanina'y ino-okupa ng lalaki.


May isang lumapit at walang sabi-sabing hinawakan ang kanyang gitnang bahagi.  Marahan nyang inalis ang kamay ng lalaki at nginitian ito kasabay ng pag-tanggi.


Ilang minuto ang lumipas, may umakyat na isang binatang naka-puting t-shirt at maong na pantalon. Kasunod nito ang naka-sandong lalaki na kanina'y magaspang na tinanggihan sya.


Nakatingin ang lalaking naka-t-shirt sa kanya. Tumayo ito sa tapat nya.


Tumitig sya sa lalaki.


Noon nya natanto ang kakisigan nito.  Di hamak na mas makisig ang lalaking ito sa lalaking naka-sando.


Humakbang ng isa ang lalaki.


Halos magka-dikit na ang katawan nila.


Tumayo ang lalaking naka-sando sa tabi nito at niyakap ito.


"Tara, doon tayo, iwan mo na yan..." ang sabi ng naka-sandong lalaki.


Pero tiningnan lamang sya nito at muli ay ibinalik sa kanya ang maamong tingin.


Nagtitigan sila.


At walang sabi-sabi'y hinalikan sya ng lalaking naka-t-shirt.


Matamis ang halik.


Na naputol ng muling hilahin ng lalaking naka-sando ang gwapong binata.


Hindi nya alam kung makikipag-hilahan ba sya at aagawin ang binata mula dito.


Pero nagsalita ang binata at tinanong sya.


"Gusto mo ba syang kasali?"




Nagulat sya pati na rin ang lalaking naka-sando.


Tatlo.


Magkasalo.


Hinalikan nya ang lalaking naka-t-shirt.


"Ayoko ng tatlo. Gusto ko dalawa lang tayo."




Tumingin ang lalaking naka-t-shirt sa naka-sando at nagsabi... "Sorry, ayaw nyang kasama ka."




Natigilan ang lalaking naka-sando.


Hindi sya handa sa ganoong kaganapan.


Pero bago tuluyang umalis bumulong sya sa lalaking naka-sando at sinabing...


"Oh, choosy ka pa kasi 'teh. Oh di ngayon knows mo na kung sino sa atin ang mas maganda."


Sabay walk-out with the boylet.


The end.




Ang Jollijeep



Minsan pag gutom na ako and I want an instant fix, bumababa na lang ako ng condo to buy from the neighborhood turo-turo na Jollijeep sa  Salcedo Street.



Tapos, mina-microwave ko na lang and ayun, lafang galore.



So masa pero how convenient devah?




Kahapon, i feel like eating Manang's adobo so punta naman ako.


 Gusto ko kasi yung timpla nya ng adobo, di matamis, di rin mashadong maasim.



And I believe na safest ang adobo bilhin sa mga ganitong venue.



Itong si Manang, kabiruan ko 'to.  Baklang matrona kasi ito.  Madaldal.  Kaya ka-aliw.  Minsan pang nagbi-beki sya, sinasagot ko rin ng beki.



Pero 'di daw sya naniniwalang bakla ako.



Mukha daw kasi akong gago.



Hahaha!  Chos.



At dahil prends kami ni Manang, minsan binibigyan pa ko nito ng libreng gulay.



Wearing nothing but my skimpy shorts, havey na havey tsinelas  and an old t-shirt, i traversed Salcedo St.



Pag ganung oras, lutang na lutang ang lolah nyo.



Kasi ako lang ang nakapambahay sa Makati Commercial Business District.  Eh sayang naman ang oras pag nag necktie pa, devah?  Char.




Usually, pag 5:30, wala ng mashadong customer si Manang.



Pero kahapon parang andami pang kumakain.  Puro dine-in sa kapirasong 'bar-table' ni Manang.   Mga messenger yata iyon at ilang nag-o-opis.



So, kebs na, nakisingit naman ako.  Napansin ko ang mga mapanuring tingin ng mga tao sa paligid.  Gusto kong sabihin sa kanilang...



"Haller, mukha lang poor ang outfit ko 'noh pero dyaan ako nakatira sa shusyaling building 'noh."



Pero dedma lang. Kumuha ako ng isang supot ng adobo.  Inilagay ni Manang yung adobo sa paper bag tapos inabot ko yung bayad.  



Nang biglang tumawag yung staff ko.



Sinagot ko yung phone. 



Kinuha ko yung adobo at naglakad na pauwi.



Hindi pa ako mashadong nakakalayo...



...biglang sumigaw si Manang.



"Bakla! Yung sukli mo!"



Napahinto ako.  Ambilis nag-calculate ng utak ko.



P50.00 yung binayad ko.



P40.00 yung adobo.



May sukli akong P10.00.



Niyakap ko ang adobo sa aking dibdib at napapikit.



Funyeta!



Hindi ako lumingon.



At dahil hindi sapat ang P10.00 para ibangon ang nadungisang refutasyon..... 




....hindi ko ko na binalikan ang sukli.




Char.



:)








posted under , | 43 Comments

Si Aryana at ang Pandesal: A Short Story


Once upon a time....



4am.



Kakatapos lang ng ulan.



Isang baklitang mermaid ang hindi makatulog.



Alas 2 pa lang ng umaga mulat na mulat na ang mga mata ng lolah.



Bakit kaya?



Sino kaya ang umiisip sa kanya?



Sa dami nila, wah na syang clue.



Confused ang Bicolanang gabi na tinubuan ng ulalo.



Uu, wala ng mas kakati pa don.



Except opkors sa isang taga Singapore at isang taga Isabela.  O ayan ayokong ng mag drop ng names.  Basta alam nyo na kung sino kayo.



Hahaha!



Chos!



Naisipan nyang manood na lang ng cable.



Pero walang kwenta ang mga palabas.



Kaya naman naisipan nyang bumangon na lang.



Mainam pang maglakad-lakad.



After mag-apply ng sunblock at isuot ang kanyang Spanx tank top at pekpek shorts, tinahak nya ang tila deserted na kalye.



O di ba ang shunga lang.



Mag sunblock ba ng alas 4 ng madaling araw.



Habang naglalakad,  napansin nya ang isang maliwanag na tindahan.



Nilapitan nya.



Bakery pala.



Bigla syang nag crave sa bagong lutong pandesal.



So gorla na ang lolah.



At nakita nya sya....










Dagli syang nag-inquire.



"Koya, may pandesal ka ba?"



Sumagot naman sya.. "Oo naman, ilan ba ang gusto mo?" sabay ngiti ni koya at kamot sa kanyang tiyan.



Napasinghap ang baklitang si Aryana na sa singit lang tinubuan ng kaliskis...



"Ilan ba ang meron ka?"



Muli ay sumagot si wafung kuyang baker...



"Bakit, ilan ba ang kaya mo?"



Para nasamid sa tubig-dagat ang starlet na sirena,  pero nakabawi agad...



"Kakayanin ko naman kung ilan ang ibibigay mo."






Kung ako si koyang baker, papalamunin ko 'to ng mga 2 sakong pandesal.



Pero may pahabol tanong si chinitong papa...



"Gusto mo ba tostado?"



Napaisip naman ang bida, masarap din kaya yung medyo maitim? Why not? At pa-demure na sumagot... "Kahit ano basta galing sa 'yo. Hihihi!"



Yun naman pala. Sana binigyan na lang ng isang upper-cut ang bakla.  Hihihi!  Chos!



At inabot ni papa kay Aryana ang isang supot ng mainit pang pandesal sabay wika...



"Alam mo ba, masarap ang pandesal pag sinawsaw sa gatas?"



Nag-blush ang bruha na kanina lang ay parang mabi-bilasa na.  Na realized nyang masarap palang maging tao.  Ayaw nya ng maging bumalik pa sa pagiging sirena.



At simula ng umagang 'yon, hindi na nagra-rice for breakfast ang baklita.



The end.




posted under | 51 Comments

Gusto Ko Lang Naman...

.
.
.
.
maging bride.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
























Corachon: Ang Unang Baklang Aswang




char.



********

posted under | 26 Comments

Supercalifragilistifutanginangsyeeettttt!!!

*****


Friday, 5:30 pm.



Kinakati na ang wetpaks kong lumabas ng opis.




Because this is the day!




This is the moment!




That one moment in time.... make it shaaaaaaayyyyyyyyyn.



Char.




Oo, itey na ang continuation ng last post ko.




So, pagtuntong ng 6pm, impunto eh umiskyerda na akez ng opisina.




Kulang na lang ay balyahin ko hilahin palabas ang mga kapwa ko pasahero sa LRT para lang makasingit.




7pm, dumating akez ng balur.




Diretso sa banyo. Naligo. Naghilod hanggang magasgas ang epidermis. Char.




Tapos nagsabon ng three times. I have to smell good. Matapos mag-shower ng 30 minutes, halos ubusin ko ang isang bote ng Borneo 1834 perfume para mas kabigha-bighani ang lolah.




And then nag-toothbrush ako ng 10 minutes pati gilagid binrush ko 'teh. Then nag-gargle ng concentrated na Listerine. Ang hapdi. Pero keribels.




Then nahiga na ako sa kama. Kinuha ko ang flier at tumawag sa Arimundingmunding spa.




Me: "Hello, pa home service naman ako."




Receptionist: "Sure sir, kunin ko po yung complete name and address."




Matapos kong ibigay lahat pati Zip code, area code at country code, saka ko sinabi ang aking special request.




Me: "Pwede sana si Niko ang papuntahin mo."




Receptionist: "Si Niko sir?"




Me: "Hinde, si Pedro. Ano ba sinabi ko?" Char.




Receptionist: "Sorry Sir, day-off po ni Niko."




Enter Miriam Defensor Santiago.... "WAAAAAAAHHHHHHHHH?????"




Bakeeeeetttt??????





Nasaaannnn ang hustissssyyyyyyyaaaaaaaaaa!!!!!




Me: "Ha? This cannot be! Fertile na fertile pa naman ako ngayon!!!"




Receptionist: "Day-off talaga sya Sir eh. Gusto nyo po padala na lang ako ng iba?"




Iba? Sinong iba? Kaytagal kong inasam at pinantasya ang gabing ito - mga 5 days. Tapos iba????




Me: "O sige, bahala ka na. Padala mo na lang kung sinong available."




Receptionist: "Si Anthony sir ang pupunta dyan. In 10 minutes po, nandyan na."




Ano pa bang magagawa ko? Sayang naman ang preparation ko noh at ang expensive Borneo? Char.




However, bagsak na yung excitement ko. So nanood na lang ako ng tv habang naghihintay.




10 minutes.



20 minutes.



30 minutes.



Dis is it. Ika-cancel ko na lang.




Hellow middle finger!




Char.




Tawag uli akez sa Arimundingmunding Spa.




Me: "Kung hindi pa nakaka-alis yung masseur ko, paki cancel na lang."



Receptionist: "Ay sir, naka-alis na po. Pasensya na. Pakihintay na lang po.



So wait uli akez.




Hanggang sa medyo naidlip na ang lolah nyo.




At tumunog na nga ang intercom.




Pinilit ko ang sariling tumayo at sagutin ang intercom.




Guardo Versoza: "Ms. Chuni, magpapalamas ka na naman? May masahista dito."




Me: "Pakyu ka Guardo! Lamasin kita dyan eh. Gow, pa-akyatin mo na."




Char.




Hindi ko pa naibababa ang intercom ay may nag-doorbell na.




Excited much?





At binuksan ako ang pinto.





Voila....





[enter blog title here, ayoko na kasing ulitin. Baka sabihin, redundant.] Char.




Hongwafuuuuuuuu!





Ang koya parang si James Dean ang effect.





Eh highschool pa lang ako laglag na ang pasador ko sa mga posters ni James Dean eh.





Yun tipo bang barumbado ang peg pero fasyon.




Ganun ang arrive nya.




Ay naku, nalimutan ko na si Niko at ang duguang fuso ko. Ang sayah-sayah ng lolah nyo. Back-to-back ang smile. Char.




Masahista: "Pasensya na sir, na -late ako. Naligo pa kasi ako eh." At sya ay ngumiti na nagpa-moist sa tigang kong bukid. Char.




Me: "Ay, okey lang noh. Anu na ngang name mo? Hihihi" kinikilig pa ang futah.




Masahista: "Anthony po."




Me: "Ano ka ba? Wag mo na kong po-puin. Bata pa akez. Siguro mga 2 months lang ang age gap natin. Ilang taon ka na ba?"




Anthony: "Twenty po."





Ay futah, ambata! Hahaha!




Anthony: "Pwede maki-gamit muna ng CR sir? Mag hugas lang ako."




Ay, ano ang huhugasan? Bakit maghuhugas? Kailangan ba ng assistance????? I volunteeeeer!!!!!




Char.




Anthony: "Kamay lang po."




Nahiya naman ako. Hahaha!





After maghugas.





Anthony: "Start na tayo sir?"




'Wag muna, bukas na lang. Kwentuhan muna tayo. Hahaha!




Me: "O sige, halika doon tayo sa bedroom no. 24."




Hodevah, ang laki ng bachelors pad ng lolah mo. Hahaha! Chos!





Ang perky-perky ko nung time na yon. Tinalo ko pa ang na-posess na mag-dyowang Nimmy at Leo - combined.




Char.




Buti na lang, na remember ko mula sa advice ni Zuki na 'wag na 'wag kong bubuksan ang aircon pag nagpapa-massage.




Noong una, hindi ko na getsing ang logic. Pero after 30 minutes, doon ko na-realized.




Nainitan si Anthony.




Anthony: "Sir, pwede bang maghubad?"





Ay futttaahhhh! By all means!




Char.




Ang kinis ni Anthony. Ang flawlesssss! Oo, maraming ssss.





Char uli.




Anthony: "Sir, one hour ba tayo?"




Me: "Ayoko ng one hour, gusto ko FOREVER!"




Anthony: "Hahaha! Ikaw sir ha. Baka magselos ang boyfriend mo."




Me: "Wala kaya akong boyfriend. Single ako 'noh. Willing, available and able."




Anthony: "Pareho pala tayo sir. Single din ako."





Ahahahaha! Thank you fairy godmother!




Char.





At paano natapos ang gabi?





Syempre happeeeee!





Chos!




:)





Oo hanggang dyan na lang.





Hanggang dyan lang ang approve ng MTRCB.





Chos!




:)




At sa mga naghahanap ng pic, futah, mag-imagine na lang kayo. Hahaha! Chos!




***************

Random Lang Uli

*******



Na-miss nyo ba akez?



Hahaha! Chos!




Pasensya na po kung madalang mag-blog ang lolah nyo nowadays.




Alam nyo naman, beaucon season ngayon and as usual I have to defend my crown for the twentieth time. Chos.




Nagreklamo nga akez sa mga organizers.




Kasi gusto nilang gawing thru text votes ang scoring.




Haller?




Lahat kaya ng mga boylets ko at mga boylets ng friends ko ay laging walang load. kung hindi pa namin sila pasahan ng load, hindi pa sila magti-text.




So paano naman yan?




Luz Valdez ang lolah nyo.




Sabi ko nga, ipasa ko na lang kaya ang crown kay Ternie, kay Carrie o kaya ay kay Bien.




Disqualified daw.




Wala daw 'busilak' factor ang mga bakla. Puro press release lang daw yung mga 'dalisay kyeme' ng tatlo but not an ounce of truth.




Hahaha! Chos!




O sige, kay YJ na lang or most popularly known as the Manila Bitch.




Murahin ba naman ako ng mga judges.




Bastusan daw ba itey?




So ayun, I have no choice but to defend my crown.




Minsan nakakapagod din.




Yung mga oras na dapat ay ichino-chorva ko na lang, nauubos pa sa rehearsals.




Haissst... to be a beauty queen nga naman. Chos.




Kaya nung minsang na-stress akez, bumaba ako ng pedestal at nag catwalk sa kapitbahay kong Waltermart Makati. Daanin ko na lang sa window shopping.




Nasa tapat akez ng Don Bosco ng may humarang sa aking tall, dark and papalicious na mensung.




Me: "Re-reypin mo ba akez? Tara lets start!!!"




Mensung: "Ah hindi po, bibigyan ko lang po kayo ng flier. Eto po."




Ganon? Ka-disappoint naman. Tiningnan ko ang flier na yellow.





"Arimundingmunding Spa... now open!"




Maygash! Bukas na uli sila!




Hinila ko si mensung sa sulok.




Me: "Kailan pa kayo nagbukas uli?"




Mensung: "Kahapon lang po."




Me: "Bumalik na ba sa inyo si Ryan?"




Mensung: "Wala na po si Ryan sa amin."




At akoy natigalan. Hanggang napahagulgol ako't napaluhod sa gilid ng kalye.




Char.




Mensung: "Kilala nyo po si Ryan?"





Me: "Oo... sya ang.... ang...."




Hindi ko nagawang tapusin ang aking dialogue. Ambigat sa dibdib 'teh.




Mensung: "Sana sir, ako na lang...."




Napatingin ako kay mensung at sa kanyang middle finger. Wow!





Me: "Ano na nga ang namesung mo?"




Mensung: "Ako po si Niko..."





Right then and there, naka-move on ako bigla. Oo parang kape lang - instant!






At matapos ang palitan ng isang matamis na ngiti, kumandirit akong tumawid ng high-way.





At sinabi ko sa sarili kong... sa Friday, ako ay liligaya.





Hihihi!




:)



**********

Enter You

*******


10 years ago, binigyan ako ng ex ko ng isang gift na VCD.



After a week, tinanong nya ako kung napanood ko na.



Sabi ko hindi pa, kasi busy ako.



Nagalit sya.



At dinakdak nya ang isang taong litanya at reklamo nya sa aming relasyon.



All started because of a VCD movie.



Nag break din kami after another week.




Almost two years din kaming mag-un.




After non, siguro mga 2 months after the break-up, sinimulan ko ng i-dispose yung mga memorabilia nya. Pictures, gifts, cards, etc.



Tapos nakita ko yung VCD na binigay nya.



Hindi ko pa rin pala napapanood.




So, ayun sinalang ko sya sa VCD player.








Ganda pala nung movie.




Ang tanga-tanga ko lang.




Pero hindi naman ako nagsisisi. Wala na talagang patutunguhan yung relasyon namin. Nag trigger lang yung break-up dahil nga dun sa movie.




Tapos nalimutan ko na uli lahat.




********



Past forward. 10 years or so after.




Nung Saturday afternoon, nasa Starbucks ako. Nagka-kape sa isang sulok ng bar table, mag-isa habang nagba-blog hop.




Tapos biglang nabulabog ang tahimik kong mundo dahil sa isang estrangherong katabi ko.




Nakikinig sya sa iPod nya pero bigla syang kumanta ng malakas...




Him: "Enter you... voila it's showtime..."




Napatingin ako sa kanya... pamilyar kasi sa akin yung kanta.




Hanggang sa napangiti ako.




Una, cute kasi sya.




Tapos parang wala syang pakialam sa mundo.




Hanggang napansin nyang nakatingin pala ako sa kanya.




Napahinto sya bigla at tinanggal yung headphone nya.





Him: "Sorry! Malakas ba?"




Ngumiti ako sa kanya.




Me: "Hindi naman. Okey lang."




Him: "Senya na ha. Na carried away ako sa kanta."




Me: "Okey lang. Pamilyar sa akin yung song."




Him: "Enter you?"




Me: "Yun ba 'yung title?"




Him: "Oo."




Me: "Di ko ma-recall pero yung lyrics at melody, sobrang pamilyar sa akin."




Him: "Theme song sya ng isang movie."





Me: "What movie?"




Him: "Trick."




And then all the memories went back. Para akong nag-time travel.




Him: "Napanood mo na yung movie?"




Muli akong napangiti.





Me: "Oo, but that was a looong time ago."




Him: "Are you...."




Me: "Gay? Hahaha! Nasa hitsura ba?"




Him: "Hindi nga eh..."




Me: "Ikaw?"




Tumango sya.




Me: "By the way I'm Pepe."




Him: "I'm Kenneth."




At nagkamay kami. Simula ng kwentuhan. Mabait si Kenneth. Maamo ang mukha. Hindi yung usual na kinakikiligan ko. Pero theres something in him na attracted ako. Siguro dahil matalino sya at may sense kausap. Mula sa movie napunta hanggang gadgets at architecture ang usapan namin. And i realized, we have so many things in common.




Hanggang naglakas loob ako na kunin ang kanyang number.




Me: "Okey lang?"




Him: "Oo naman."




At kinuha din nya ang aking numero.




Me: "Bakit ka nga pala nandito?"




Him: "Hinihintay ko lang yung boyfriend ko dyan sa Cityland, may pasok kasi sya pag Sabado."




ENTER YOU
from "Trick"

I've heard that all the world's a stage
And we are only players acting out some predetermined page
But it is lonely as can be
With nobody opposite me... Then...

Enter you - Voila it's showtime
You brought the house down with a dance and a dumb ditty

Enter you - In less than no time
This ugly drama has become pretty

Up went the curtain, My lines felt wrong
Intermission seemed so far away
The plot uncertain, The scenes too long
Life was like an uninspiring play

But now you're here - We meet stage center
I thought my storyline was through
Then enter you

Now you're here - We meet stage center
I thought my storyline was through
Then from the blue
Enter you










***************

Tale Of The Two Boylets: Si John

*******

At sa pagpapatuloy ng ating kwento...



Halos kasabay ng pagkakakilala ko kay Jeff, nakilala ko rin si John.




"play me a song
your newest one
please leave your taste on my tongue"




Hindi ko na i-e-elaborate kung paano kami nagkakilala ni John.



Masalimuot. Parang pubic hair lang ni Rapunzel.




Chos!




Basta isa lang ang sigurado - ako ang nakapansin sa kanya.




Ako ang lumapit.




Ako ang nagpakilala.




I swear, i am not like that talaga.




Pero kebs na ang pagiging dalagang Bulakenya.




Dahil nung makita ko sya, nag palpitate na ang gums ko.




Ang rough-rough ng pagka mensung nya, bagay sa mahinhin kong personality.




Kahit mukhang nandyo-dyombag, mabait naman si John.




Hindi nya ipinagkait ang pakikipag-kaibigan.




Pero ako, ayoko ng friendship. Marami na akong friends. Quota na.




I want more.




Kaya ng umuwi ako sa balur, text agad ako sa kanya.




At ang ordinaryong palitan ng text ay nauwi sa landian.




Nilandi nya ako. Sha ang nag-initiate. Pramis.




Hanggang inaya ko sha sa balur.




Pinagluto ko sha ng dinner.




As usual...


















Steak pa rin.



Na-impress si John sa cooking prowess ko.



Pwede na raw akong mag-asawa.



Gusto kong sabihin sa kanya... "Sige, mamanhikan ka na. Tapos pakasal na tayo sa weekend. Kebs na kung sukob kami ni Baby Bro."



Pero syempre hindi naman ako atat.




Pwede namang next, next weekend kami magpakasal.




Aktwali, hindi naman gwapong-gwapo si John.





Pero may angas.




Makapal na kilay.




Matapang na mga mata.




Medyo makapal na labi.




Maiksing buhok.




Si John.



Parang si Paolo Hubalde lang...

























Sha na nga.




Minus the abs.




Chos!




Me: "Gusto mo dito ka na matulog?"




John: "Uy, baka may magalit ha."




Me: "Wala!" Ang bilis lang ng sagot ko...




John: "Ibig kong sabihin, baka magalit yung..."




Sabay nguso sa pundilyo nya.





Me: "Ayyy! Tara, galitin natin!"




Chos!




Oo, ako na ang piggy na nagpagalit sa Angry Bird.




Futah!





Doon ko na-realized na kakaiba si John. Para lang akong nag-overnight sa gym sa trip nya. Kafagod!



Sha na ang master, ako naman ang slave.




"Gusto ko dilaan mo ko dito, saka dito, saka dito..."




Ha? Dilaan galore itey? Pero who am I to complain.




So dila naman ang lolah. Ansaveh ng sandpaper?




John: "Wait, nakikiliti ako ng bigote mo. Ahit ka muna."





Futah! Takbo akez sa CR. Inahit ang 3-day old bigote.





Back to dila.




John: "Sandali, meron pa. Yung goatee mo."





Hanuveh! Balik sa CR ang balbonic beauty queen. Shave uli.




John: "Ayan, dyaan... ibaba mo pa... baba pa.... oh 'yan.... concentrate ka dyan muna...ohhhhh...."





Dila uli dito, dila uli doon.




Thirty minutes ko yata syang dinidilaan.




Then napansin ko na parang numb na yung dila ko.




Napudpod na yata ang taste buds ko sa kadi-dila.




Kebs. Mabango si papa, makinis, masarap!!!




Dila uli.




Then nung magsawa na sya sa pagpapadila, panga ko naman ang na-abuso.




Ang tagal ng major eruption!




Pero hindi uli ako nag file ng complaint.




In-endure ko lahat.





Basta happy si John. Happy na rin ako.




Kahit mag-isa nyang narating ang Narnia.




Star City lang ang na-abot ko.




Kaya naman at this point, I would like to extend my apologies to my tongue and my throat. Sensya na.




Nang matapos ang lahat, pumailalim sya sa comforter. Niyakap ko sya.




Me: "Ilang taon ka na nga uli?"




John: "Twenty three. Ikaw?"




Me: "Ako? Ano ka ba? Kadi-debut ko lang. Kung nakilala kita ng mas maaga, sinama sana kita sa 18 roses."




Humarap si John sa akin. Nakangiti.




Me: "Gusto mo tayo na?" Hindi ko napigilang sabihin sa kanya.




John: "Anong tayo?"




Me: "Mag-dyowa."




John: "Hindi ako sanay sa ganyan eh."





Me: "Masasanay ka rin. Sasanayin kita. Sige na, lahat ng kaya ko, ibibigay ko sa 'yo."




Kung maka-offer naman, akala mo may budget!




Bumangon si John, nakatingin sa MacBook Pro. Tapos ngumiti sa akin.




Me: "MacBook Pro agad? Di ba pwedeng CDR King Netbook muna?"




Chos!




John: "Alam mo, okey na ako sa ganito. Nag-e-enjoy, pero walang commitment."




Me: "Pero...."




John: "Wag na muna nating pag-usapan. Enjoy na lang muna natin please..."




Haayy.... at umidlip sya sa tabi ko.




Ako, pinagmamasdan ko lang sha...



Been up all night
Staring at you
Wondering what's on your mind
I've been this way
With so many before
But this feels like the first time
You want the sunrise
To go back to bed
I want to make you laugh
Mess up my bed with me
Kick off the covers
I'm waiting
Every word you say I think
I should write down
I don't want to forget
Come daylight
Happy to lay here
Just happy to be here
I'm happy to know you
Play me a song
Your newest one
Please leave your taste on my tongue
Paperweight on my back
Cover me like a blanket
Mess up my bed with me
Kick off the covers
I'm waiting
Every word you say I think
I should write down
I don't to forget
Come daylight
And no need to worry
That's wastin time
And no need to wonder
What's been on my mind
It's you
It's you
Every word you say I think
I should write down
Don't want to forget
Come daylight
And I give up
I let you win
You win 'cause I'm not counting
You made it back
To sleep again
Wonder what you're dreaming





Hodevah, may themesong agad.






*************



Gusto ako ni Jeff...




Pero mas gusto ko si John....




Ang arteh lang ni John...




It's complicated.





Ayokong may masaktan.




Ayoko ring masaktan.



************



Kamakalawa, fate na ang gumawa ng paraan.




Hindi ko inaasahan ang ending.




Funyeta, nadukutan ng cellphone ang lolah nyo sa LRT.




Hayuf na mandurukot, hindi man lang ako binigyan ng options kung cellphone o puri!




Kaysaklaf!




I have no other way of contacting either Jeff or John...




Hindi pa kase kami Fezbuk buddies.




Oh, and my contacts with the rest of the boylets in my phonebook!




Okey lang sana yung phone, but the contacts na inipon ko for the last 5 years.




I guess, balik to zero ang lolah.




Muling magsisimula sa wala.




Magmu-mukmok pa ba akez?




Haynaku, buysung na lang akez ng bagong phone.





***********

posted under | 48 Comments

Tale Of The Two Boylets: Si Jeff

Recently ay may 2 boylets na dumating sa buhay ng lolah nyo.



Ang una ay si Jeff.






[image removed]























Heto ang kwento...




Nagwi-window shopping ang pinakamagandang hayuf sa skin ng earth sa Pamilihang Bayan ng Makati - wet section, ng ma-sight nya ang isang hombreng kanina pa sa kanya nakatingin.




Dedma lang pero hinawi ko ng slayt ang bangs ko ng slow motion towards his direction.



Kumuha ako ng kamatis at nilagay sa supot na plastic.




Paglingon ko, nakatingin pa rin sya.




Anuvehhh! Nakaka-conscious kaya.




Hihihi!




Next time hindi na talaga ako lalabas ng bahay na bra lang ang suot. I realize I attract so much attention specially pag bakat-utong ang outfit.




Char.




Minasdan ko si boylet.




Hmmm, may fez value naman. May resemblance kay Rep. Sonny Angara. Hihihi! Mataas lang sa sha sa akin ng kaunti. Siguro mga 5'8" sya. Buti na lang walang heels ang Havey na Haveyanas flip-flops ko. May malalim na mata, dark skin at ma-among mukha. Yung nga lang, mukha syang mabait, parang hindi sha nangri-rape. Ay, how disappointing.




Hihihi!




Chos!




And then ngumiti sya.




Eh since Ms. Congeniality title-holder din ang bakla, nag wave at flying kiss naman ako in return.




I think he interpreted it na interesado akez sa kanya.




Haller! Wave at flying kiss lang - interasado na?




Char.




Lumapit sya at nagpakilala. Sha daw si Jeff.




Jeff: "Hello, is it me..."




Me: "...your looking..."




Jeff: "...for?"




Ohdevah may chemistry agad. Chos!




Jeff: "May hinihintay ka?"




Me: "Oo, monthly period ko. Delayed eh. Two years."




Chos!





Jeff: "Palabiro ka pala."




Me: "Hihihi! Hindi naman, minsan pala-chupa din."




Jeff: "Hahaha!"




Me: "Uy joke lang 'yon ha."





Jeff: "Yung pala-chupa?"




Me: "Hinde, yung pala-biro. Hihihi!"




Aktwali, bored ang lolah nyo. Busy ang mga friends ko kaya wala akong mabalahura. Chos! Hindi ko rin naman bet pumunta ng Skul kase may phobia pa akez dahil sa pekeng raid. Mga 2 days kong iindahin yang phobia na 'yan. Tapos non, move-on na. Punta ulit. Hihihi! Chos!




Jeff: "Okey lang makipag-kwentuhan sa 'yo?"




Me: "As in dito sa palengke?"




Jeff: "Gusto mo sama ka sa bahay."




Me: "Ang bilis naman, ano ba, hindi ako ganun."




Jeff: "Ay, sorry..."




Me: "Okey lang. Gusto mo, kain muna tayo sa McDo, tapos punta na tayo ng bahay mo. Hihihi!"




Jeff: "Katuwa ka naman..."




Oo, ako na ang clown. Char. Isinama nga ako ni Jeff sa balur nila. Hindi na kami pumunta ng McDo. Naalala ko kasi -Time is Gold.




Dear Charo, muli ay nalasap ko sa piling ni Jeff ang isang bagay na matagal ipinagkait sa akin. Mga one week na dry spell. Ganyan. Char.




Para akong ube na hinaluan ng asukal at mantikilya at hinalukay ni Jeff hanggang maging nilupak...este halaya.




Pramis, na-reach ko ang Narnia.




Achieve!




Char.




Matapos ang pagkikitang yon, araw-araw este maya't-maya na kung i-text akez ni Jeff. Medyo may pagka-demanding.




Hindi ko naman sha masisisi... dahil yan ang sumpa ng alindog ko. Hindi ko rin sya ma-text agad-agad coz nauubusan ako ng load.




Char.




Ilang araw lang ang lumipas, muli kaming nagkita. Sa Dry section naman ng palengke habang namimili ako ng danggit.




Kahit napapaligiran kami ng tuyo, dried pusit at dilis, nangibabaw pa rin ang sweetness nya. Inalok nya ako ng buko juice na may formaldehyde. Sabay naman kaming uminom. Hihihi! Muli, inaya nya ako sa kanila pero hindi ako pumayag.




Hindi kasi comfortable yung bed nila, mas bet kong mag acrobat sa orthopedic bed ko sa balur.




Char.




Oo, isinama ko sya sa balur at muli ay ipinagkaloob ko ang aking bagong repair na puri. Thanks to Belo.




Chos!




At nang mag subside ang lahat, naging seryoso si Jeff.




Jeff: "Happy ka ba?"




Me: "Kinda. Hihihi!"




Jeff: "May boyfriend ka na ba?"




Me: "Ah, wala pa naman."




Jeff: "Gusto mo tayo na?"




Me: "Ambilis naman..."




Jeff: "Eh ano, pagkatapos nito... friends lang?"




Me: "Hindi naman..."




Jeff: "Eh ano nga? Ano tayo?"




Me: "Fezbook buddies?"




Jeff: "Para ka namang nakikipaglokohan eh."




Me: "Hindi ah. Pramis i-a-add talaga kita."




Jeff: "Ayoko ng friends..."




Me: "Textmates you like?"




Tiningnan nya ako ng super lagkit at inilapit nya ang labi nya sa mga labi ko. Habang magkalapat ang mga labi namin, nagsalita sha...




"Sige na, ako na lang ang boyfriend mo..."




Na-stress ako.




Not because arte lang but because Jeff is not the only one.... oo, may boylet number 2.



********


To be continued....




.....next year.




Etchos!



:)



*******

posted under | 44 Comments

And The Winnur Is...

*******



Kaydami lang ng sumagot ng letter D.




At kay dami ring etchoserang haka-haka! Futah kayo.





Hahaha!





Pero ang tunay na nagwagi ay walang iba kundi sha....



















Hindi si koya.






Pero on second thought, parang winnur na rin sha kung mapapasa akin sha.





Imagine, sha na ang magiging custodian ng checkbook ko, atm, credit cards, insurance and retirement benefits among others.






Pero hindi nga sha ang major winnur.







Ang major winnur ay sha....


















Hodevah!







Tingnan nyo naman ang tindig!





May angst.





Ansabeh ng America's Next Top Model na si Lisa?

























Waley devah?






Waley!






Char.





Oh pano mga sisters?





Better luck next time!





Chos!





:)




***********

What's In My Bag?

****




I know most of you are wondering kung ano ang laman ng bag ng isang beauty queen...




Well, wait no more.




Tapos na ang paghihintay.




Dahil I decided to reveal na ang contents ng bagelya ko.




Pers, here is my bag...























I know hindi sya Birkin - eh hindi ko pa kasi afford ang Birkin na 'yan.




Nasa P387,000.00 daw ang pinaka-murang Birkin eh P7,000.00 lang ang budget ko.




So, for the meantime, 'yan lang ang bag na pasok sa jar.






Char.




Eh I'd rather not carry naman a fake Birkin or LV 'noh para magmukhang shusyal.




Well ayun na nga, my bag is a Crumpler at ang model na 'yan ay tinatawag na "The Salary Sacrifice". Perhaps kase nag-sakripisyo talaga ako ng vongga to afford.




Chos!




Imagine, dalawang buwang walang boylet ang lolah nyo para ma-achieve. Nag-tighten na nga ang sipit-sipitan ko sa tagal ng pagkaka-tigang.




Chos!





So ano ang laman ng bagelya?




I only have 16 items in my bag, hero ang pers 8....



















1. MacBook Laptop



2. Moleskine Notebook



3. iPod Touch



4. SE C905 Cellphone



5. Viator Wallet



6. Alcogel (minus the pansabit, coz hindi ko feel gawing bag accessories ang hand sanitizer, char)



7. AstringOsol



8. Sun Broadband USB stick




Opkors, pers part pa lang 'yan. Hindi kasi kasya sa frame yung ibang gamit.




So mga ditse, heto na ang the rest.....


















9. Paddle (for protection at pampa-gandah ng peg).



10. Book (pang intelectual peg).



11. Projector (Pag bet kong manood ng movie sa Starbucks, hodevah, talbog ang mga naka-laptop lang, char.)



12. Tsinelas (pag pagod na sa high-heels).



13. Linen Fragrance (Pang-spray sa sofa ng Starbucks)



14. Baby Powder



15. Pillow. Wala kaseng throw pillow sa Starbucks.




16. Sungka (wala, feel ko lang may sungka sa bagelya ko.)




O ayan, knows nyo na ang laman ng bagelya ng inyong lolah!




So, 'yan ang pagpapatunay na walang 12-inch dildo sa bagelya ko noh.




Ikaw, ano ang laman ng bagelya mo?




:)

posted under | 28 Comments

Public Service

*******


Kung sino man ang nakakakilala kay Justine, maaring ipagbigay alam lamang sa kanya na napulot ko ang ID nya yesterday somewhere in QC...


























To be clear, ID lang ang napulot ko.



Last time kasi na nakapulot at nagsauli ako ng ID, pati wallet hinahanap sa akin.



Haller?!?



Ayan, maaari nyang i-claim ang kanyang ID sa aking balur sa Friday night, mga 9:00pm ng gabi onwards. Tapos na kasi akez mag-shower that time.




And preferably, wala syang kasama dapat.




Hihihi!




Chos!



O sige, magdo-donate pa akez ng dugo. Mga 4 liters.



Char.




Oo, ako nah!




Ang inyong abang lingkod,




Rosa Rosal




Char.




:)




******

Random Lang Itey

*****


When life gives you lemons, make lemonade!



Pero the other day, hindi naman lemons ang natanggap ko.




Hindi rin kalamansi...




O suha.... o dalanghita......





Instead, i got these...


















33 books!




So anung gagawin ko?




Obvious ba?





Eh di magtatayo ako ng library, ganyan?





Etchos!




These books are from my boss, sa akin nya ipinamana.





Nabanggit ko kasi sa kanya before na parang nakakadagdag sa alindog factor 'yung mga mahihilig magbasa.





Na-sense nya yata na kapos ako ng 1 point sa alindog.




Char.





So, ng inabot sa akin ng driver nya ang isang box na puno ng libro, na excite naman akez.





So, inayos ko muna sha ng ganitey.....

















At sa gabi, imbes na mam-boylet, ako ay nagbabasa na lang.




Bagumbuhay effect.




At nakatapos na akez ng tatlong libro.




And then na-realized kong....




...ang calling ko talaga ay gumawa ng lemonade at mam-boylet!




Char.




On the other note, erected na ang Christmas tree sa balur. At oo, ako ang nag-erect ng statuesque 7-footer na punong itey....

























Ako rin ang nag decorate at naglagay ng balls!



Hodevah, maganda sha!



Chos!



:)

posted under , | 29 Comments

Muli

Thursday ng dumating ang mga tickets.



















I really wanted to see this.


Naisip ko si Ryan.


Tinawagan ko sya agad.


Pero hindi sya sumasagot.


Off yung cellphone nya.


So i texted him na lang.


Until Friday morning tina-try kong kontakin si Ryan.


Pero wala pa rin.


Friday afternoon.


Mukhang mag-isa na lang akong manonood ng concert.


Nang mag text si Jay.


Jay: "Kuya, kamusta na?"


Me: "Uy, okey naman. Musta ka na rin?"


Jay: "Eto, excited na kinakabahan... hehehe!"


Sa September 24 na ang kasal ni Jay.


Me: "Oo nga, lapit na. Congratulations ha."


Jay: "Thanks Kuya. Anong plan mo after office?"


Me: "Ah, watch ako ng concert ni Martin Nievera."


Jay: "Ows, sayang! Invite sana kitang mag-dinner."


Naisip ko, wala pa ring sagot si Ryan and I have 2 tickets.


Me: "Teka, gusto mong sumama?"


Jay: "Okey lang. Sino ba kasama mo?"


Me: "Wala, ako lang. I have an extra ticket."


Jay: "Wait. In-indian ka ng date mo no? Hehehe!"


Me: "Hahaha! Wala akong date."


Jay: "Ows? O sige, what time ang concert?"


Me: "8:00 PM sa Resorts World."


Jay: "Sige, where do you want to meet?"



Me: "Greenbelt."


Jay: "Sige, I'll pick you up at 6:30pm. Let's have dinner first."


Me: "Okey."


Jay: "See you!"


The last time I saw Jay was two months ago. He gave me his wedding invitation.


6:30 PM.


Me: "Wag ka ng mag-park. I'll meet you sa driveway ng Greenbelt 4."


Him: "On my way. 2 min."


Pagpasok pa lang sa kotse ni Jay, napansin ko na agad na pumayat sya.


Me: "Nagda-diet ka?"


Him: "Hinde. Hindi lang talaga ako maka-kain. Hehehe! So, Resorts World na tayo?"


Me: "Yes." and i gave him a smile.


Pag-alis namin ng Makati, biglang buhos ang malakas na ulan. In 15 minutes, nasa Resorts World na kami.


Him: "Dinner muna tayo."


Me: "Sige saan mo gustong kumain?"


Him: "Sa Tao Yuan. Ikaw?"


Me: "Magkahiwalay tayo?"


Him: "Hahaha! Sira! Baka kasi may gusto kang ibang resto."


Me: "Nope. Okey na ko don."


Ang kaso, ang haba ng pila sa Tao Yuan. We ended up eating in Mr. Kurosawa. He ordered Tempura, I had Beef Tepanyaki and we shared an order of California Maki.


Me: "Sure na sure ka na ba?"


Him: "Na ano?"


Me: "Na mag-a-asawa?"


Him: "Hahaha! Oo naman."


Me: "Pag kinasal ka na dapat straight line lang ha."


Him: "Hahaha! Ikaw talaga Kuya. Alam mo namang hindi ako ganon. Sa 'yo lang ako naliko ng landas. Hehehe!"


Me: "Hahaha! Sira! 'Pag kinasal ka na, dapat sa asawa mo na lang."


Him: "Oo naman Itay. Hehehe! Ikaw?"


Me: "Anong ako?"


Him: "Hindi ka na nagka lovelife."


Me: "Sinong maysabi sa 'yo?"


Him: "Talaga?!? Meron?"


Me: "Hahaha! Bakit, kailangan ba ng lovelife para lumigaya?"


Him: "Kunsabagay... pero siguro naman may sex life ka?"


Me: "Hahaha! Sira ka talaga."


Him: "Sino ba dapat ang ka-date mo na ng indian sa 'yo?"


Me: "Hahaha! Wala nga."


Him: "Kunwari ka pa. Kilala kita eh. Sino?"


Me: "Hehehe! Hindi mo sya kilala."


Him: "Eh di ipakilala mo sa 'kin."


Me: "Wala naman kaming relasyon noh. Bakit ko naman ipapakilala pa sa yo?"


Him: "Mahal mo sya?"


Me: "I can honestly say na hindi. Pero gusto ko sya."


Him: "Eh bakit hindi pa 'kayo'?"


Me: "Kasi nga hindi ko naman sya mahal. And besides, kuntento na ako sa friendship namin."


Him: "Friendship lang talaga?"


Me: "Ano 'toh? Interrogation? Hahaha!"


Him: "Kuya, i want you to be happy."


Me: "Bakit, mukha ba kong malungkot?"


Him: "Actually.... you look fine. You look happy naman."


Me: "Told you. Im enjoying being single and I only have myself to think when i have to make decisions, plans... you know. Walang iniisip na baka magalit si ano, baka magselos si ano, baka ma offend ko si ano."


Him: "Pero eventually.... you still neeed a partner."


Me: "I know. Hanap mo nga ako. Hahaha!"


Him: "Seriously?"


Me: "Of course not! Kaya kong gawin yan on my own. 'Tong gandah kong 'to."


Him: "Hahaha!"


Me: "Oh bakit anong nakakatawa?"


Him: "It's nice to see you kasi when you're happy."


Me: "Believe me, i am."


Him: "I know."



Napasarap pa ang kwentuhan namin ni Jay. Until we realized na 8:30 na pala.


Akyat kami agad sa Newport Performing Arts Theater.


Marami ng tao. Pero hindi pa nagsisimula.


Madali naman naming nakita ang reserved seats namin.


Bago magsimula, ngumiti sa akin si Jay.


Him: "Enjoy Kuya!"


At nagsimula na nga. Tribute ang title ng concert. Dahil tribute daw ito ni Martin Nievera sa mga music legends at mga taong dapat bigyan ng pagkilala.



At ng magbigay tribute si Martin para kay Gary V. biniro nya ang audience about their bromance.


Napatingin sa akin si Jay. Ngumiti sya.


Inawit ni Martin ang kanta ni Gary V.


I remember so well
The day that you came into my life
You asked for my name
You had the most beautiful smile
...


Naramdaman ko na lang ang kamay ni Jay na humawak sa kamay ko. Tiningnan ko sya, pero diretso lang ang mga mata nya sa stage.


Napatingin ako sa ibang tao sa paligid, pero lahat ay nakapako rin ang atensyon sa entablado.


Pinisil ko ang kamay ni Jay.


Tumingin sya sa akin at ngumiti.


Ng matapos ang awit ay dagli rin naming binawi ang kamay ng isa't-isa.


Hindi ko alam, pero parang puro patama ang mga sumunod na kanta ni Martin.


"narito, ang puso ko
inaalay lamang sa’yo
aking pangarap kahit saglit
ang ikaw at ako’y magkapiling
minsan pang makita ka
damdamin ay sumasaya
lungkot napapawi
buhay ko’y ngingiti
sa sandaling pag-ibig mo’y makapiling.."




Kumakabog 'yung dibdib ko. Sapul ako ng bawat lyrics lalo na ng awitin nya ito...

Sana maulit muli
Ang mga oras nating nakaraan
Bakit nagkaganito
Naglaho na ba ang pag-ibig mo
Sana maulit muli
Sana bigyan ng pansin ang himig ko
Kahapon, bukas, ngayon
Tanging wala nang ibang mahal





Parang napuno ng guilt ang puso ko. At napansin nya...


Him: "Okey ka lang Kuya?"


Me: "Oo, okey lang ako."


Pero bakit ganon? Bakit pag katabi ko si Jay parang ayoko ng lumayo? Parang dapat.... akin na lang sya.


Ang tanga ko talaga.


Alam ko namang hindi pwede.


But I know for sure
There really isn't any cure
To ease the pain of a broken heart
If there's any doubt
Maybe we can work things out
Remember it was you who said forever...




Ouch!


After a standing ovation and several encore performance, natapos ang concert.


Me: "Babalik ka ng Quezon City?"


Him: "Hindi na. Past 11:00 na. Baka dumiretso na 'ko sa Nasugbu."


Me: "Kaya mo pa?"


Him: "Oo naman. Ikaw? Saan kita ihahatid?"


Me: "Two days na kong hindi umuuwi muna sa bahay. Sa hotel ako nag-stay."


I showed him the key to my hotel...


















Oh mga ditse, hindi Sogo 'yan. Na trauma na akez.


Ang bilis talaga mag-drive ni Jay. Parang laging nagmamadali.


Nang marating namin yung hotel.


Me: "Oh paano? Salamat ha."


Him: "Thank you din Kuya."


Me: "Ingat ka sa pagda-drive ha. 'Wag kang masyadong kaskasero. Text mo 'ko pag nasa bahay ka na."


Him: "Ahhmmm....."


Me: "Ano?"


Him: "Hindi mo ba ako paa-akyatin sa room mo?"


Huh? Bakit? Bumalik yung kaba sa dibdib ko.


Me: "Di ba sabi ko sa 'yo, dapat...."


Him: "Hindi pa naman ako kasal ah...... please..."



Oo, ako na ang pinakikiusapan. Wait, my hair. I have to make tirintas again. Choz.



Me: "Gusto mo ba talagang umakyat?"


Ngumiti sya na parang nakakaloko. Alam ko ang ganyang ngiti. Kabisado ko na si Jay. Kahit nagtatalo ang isip ko, pinairal ko muna yung puso ko o puson o whatever. Alam ko na hindi na dapat. Alam ko na dapat ako ang pumigil. Pero hindi ko kayang tumanggi. Hindi ko pala sya kayang iwasan... So be my guest... and judge me.


Choz.


Me: "Oh halika, mag-park muna tayo...."



"Kung kaya kong iwanan ka
Di na sana aasa pa...
Kung kaya kong umiwas na
Di na sana lalapit pa...
Kung kaya ko sana..."

posted under | 64 Comments

Kompronteyshen

********


Nagkaroon ng slayt confrontation between me and Chubaka - my feelinggerang opismeyt.



Opismeyt: "Anung pinagsasabi mong nagma-maganda ako hah?!?"




Me: "Are you taking that against me?!? Ako na nga itong naka-appreciate ng effort mo!!!"



Natigilan sya.


Parang nag-iisip pa sya ng isasagot.


Eh, time is gold.


So tumalikod na akey.



***********

posted under | 13 Comments

At Ako'y Nahiya...

Kalokah 'tong palitan ng sagot sa group na 'toh.


Kinabog to the highest level ang limited supply ng kalandian ko.



















Wow, at dakila pa sya sa pag-chupa ha. Hahahaha!


Eto pa isa....















Wow, sought-after ang modta ni kuya!


Nag-mukhang dalisay tuloy ang blog ko compared to these.


Syempre i have to erase those details na magbubulgar ng pagkaka-kilanlan nila.


Payong kafatid lang mga ditseh if you intend to join those ka-elyahan groups, make sure na you are not using your real name and your personal e-mail. Opkors, not unless na out and proud ka.


'Coz may mga taong walang magawa na tulad ko, hihihi, that would check if those e-mail belongs to a 'real human being'. Yung iba, cutipie, yung iba naman chakaness.


This guy, responded to one of those ads and he used his own e-mail address at na-trace ko na may Facebook account pa.





















Ateh, hindi ka ba natatakot sa consequences nyan? You should create another account para hindi ka ma-discovery channel ng bunggang-bungga. Malay mo nyan, Tatay pala kita. Eh di bulgar nah. Choz! :)



Pero sa lahat ng palitan ng e-mail sa group na itetch, dito bumagsak ang aking panga....

















Sagad talaga? As INNNNNNNNNNNNNN???????!!!!!!?????


At nag-shrink ang esophagus ko sa hiya.


Choz.

Finally, Nagawa Ko Na!


Na-i-blog ko na ito dati.


Pero hindi ko pa nagagawa.


Though, ilang beses na 'rin akong nag-attempt gawin.


Kaya lang nahihiya talaga ako.


Pag nandun na ako, napapa-atras ako.


Wala akong lakas ng loob.


Pero kahapon, bored na bored ako sa balur.


And i feel like doing something.....


...stupid or crazy or whatevah.


Kaya naman, lakas loob ko ng ginawa ang matagal ko ng balak....


Bitbit lang ang gandah, punta na aketch sa coffee shop. Yes, i decided to leave my crown, sash and scepter.


...........................................


Sayang, bilat ang kahera.


Cashier: "Can i take your order sir?"


Me: "I'll have one honey-glazed donut and a Hot Green Tea Latte."



Cashier: "What size sir?"


Me: "Venti."


Cashier: "For here Sir?"


Apat na customers ang nasa likod ko. Kinakabahan ako....


Me: "Yes, please..."


Cashier: "Ok, that's PhP 200.00 sir. Can i have your name please?"


Nararamdaman ko yung kabog ng dibdib ko. Alam mo 'yung feeling ng first realization na nawala yung cellphone mo or yung wallet mo? Or 'yung nakita mo ang dyowa mong pumasok sa Club Bath? Ganun! Ganun exactly yung nararamdaman ko...


Punyetang ex ko.


Anyway, going back to the kwento...


Cashier: "Sir, your name please..."


Me: "Ahmmmm....... (a moment of silence).... Comtesse Nicole de Lancret."


Tumaas ang kilay ng bilat na cashier. May halong pagtataka ang expression ng bruha. Siguro kasi, ngayon lang sya nagkaroon ng customer na may dugong bughaw.


Cashier: "I'm sorry sir..."


Me: "Sorry ka dyan!!! Are you deaf? Bow before your queen you insolent peasant!!!"


Well, sa imagination ko lang sinabi 'yan.


Napalingon ako sa mga taong nakapila sa likod ko. Hindi ko sila kilala. Sabi ko sa sarili ko..."kaya ko 'toh!"


Like a true royalty and with conviction, i repeated...



"COMTESSE NICOLE DE LANCRET."



Halata kong nawi-windang ang kahera sa narinig. Half-open ang bunganga nya.


Keri ko 'to. Keri ko 'to! Sabi ko sa sarili ko.


Cashier: "What about your nickname sir?"


Hanung nickname?!???? Cannot be!!!!


Me: "No, I want you to write my full name. And please, write it in front of the cup, under the logo. Let me spell it out, COMTESSE - C, o, m, t, e, s, s, e. NICOLE - N, i, c, o, l, e . DE - d, e. LANCRET - L, a, n, c, r, e, t.


At nakita kong sinusulat na nga ng bilat ang namesung. Pero napansin ko rin na nakatingin sa akin ang lahat. Yung kasama nyang cashier at isang barista. Pati yung nakapila sa likod ko ay parang nakikinig.


Hinihintay kong may tumawa. Buti na lang wala naman.


Pero feel kong gustong-gusto na nilang humalakhak.


Feeling ko nagpa-palpitate na 'ko. Gustong lumabas ng puso ko sa dibdib ko. Pero taas noo pa 'rin aketch.


This is even worst nung coronation night at tatawagin na ang first runner up at title-holder sa beauty contest at dalawa na lang kaming natitirang contestant.


I paid the cashier. Got my receipt and went to the waiting area.


And the worst part is not over yet....


Tinawag ng barista ang namesung.


Barista: "One green tea latte and a honey glazed donut for Kom-tes-seee Nicole de Lan-krettttt!"


Footahhh!!!


Gusto ko pa sanang i-correct ang pronounciation nya pero kiber na lang.
Nakalingon lang naman ang karamihan ng customers at parang hinihintay nila kung sino ang lukaret na may-ari ng namesung.


Para akong foie gras na nagmi-melt sa butter ng kahihiyan.


Para tuloy ayoko ng kunin. Kaya lang sayang. Ngayon pa ba ako a-atras???


Gusto kong sabihin sa kanilang lahat na...


"Yes, i was born to nobility.... you commoners!"



Lapit na lang ako sa baristang slightly cute and i gave him my receipt.


Tinatakan nya yung resibo at ibinalik sa akin.


Pansin ko na pinipigilan ng barista ang pag-tawa.


Barista: "Enjoy your latte sir!"


Titi mong supot!


Mabilis kong kinuha yung order ko and settled sa sulok ng coffee shop - far from their prying eyes.



Pero feeling ko, may mga matang nakatingin sa 'kin. Para akong nahuhubaran.


Footahkells talaga, dapat take-out ko na lang!


Hindi ako mapakali.


Kaya hindi ko na inubos ang donut at lumayas na ang beauty ko bitbit ang green tea at diretso uwi sa bahay.


Haayyyyy.......





















Success na s'ya kung tu-tuusin.



Kaya lang i failed pa rin.



'Coz i forgot to wear my.....




















...butterfly wings!




..................................................................


to read my previous entry, click here.


posted under , | 64 Comments
Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments