Showing posts with label Food. Show all posts
Showing posts with label Food. Show all posts

Ang Jollijeep



Minsan pag gutom na ako and I want an instant fix, bumababa na lang ako ng condo to buy from the neighborhood turo-turo na Jollijeep sa  Salcedo Street.



Tapos, mina-microwave ko na lang and ayun, lafang galore.



So masa pero how convenient devah?




Kahapon, i feel like eating Manang's adobo so punta naman ako.


 Gusto ko kasi yung timpla nya ng adobo, di matamis, di rin mashadong maasim.



And I believe na safest ang adobo bilhin sa mga ganitong venue.



Itong si Manang, kabiruan ko 'to.  Baklang matrona kasi ito.  Madaldal.  Kaya ka-aliw.  Minsan pang nagbi-beki sya, sinasagot ko rin ng beki.



Pero 'di daw sya naniniwalang bakla ako.



Mukha daw kasi akong gago.



Hahaha!  Chos.



At dahil prends kami ni Manang, minsan binibigyan pa ko nito ng libreng gulay.



Wearing nothing but my skimpy shorts, havey na havey tsinelas  and an old t-shirt, i traversed Salcedo St.



Pag ganung oras, lutang na lutang ang lolah nyo.



Kasi ako lang ang nakapambahay sa Makati Commercial Business District.  Eh sayang naman ang oras pag nag necktie pa, devah?  Char.




Usually, pag 5:30, wala ng mashadong customer si Manang.



Pero kahapon parang andami pang kumakain.  Puro dine-in sa kapirasong 'bar-table' ni Manang.   Mga messenger yata iyon at ilang nag-o-opis.



So, kebs na, nakisingit naman ako.  Napansin ko ang mga mapanuring tingin ng mga tao sa paligid.  Gusto kong sabihin sa kanilang...



"Haller, mukha lang poor ang outfit ko 'noh pero dyaan ako nakatira sa shusyaling building 'noh."



Pero dedma lang. Kumuha ako ng isang supot ng adobo.  Inilagay ni Manang yung adobo sa paper bag tapos inabot ko yung bayad.  



Nang biglang tumawag yung staff ko.



Sinagot ko yung phone. 



Kinuha ko yung adobo at naglakad na pauwi.



Hindi pa ako mashadong nakakalayo...



...biglang sumigaw si Manang.



"Bakla! Yung sukli mo!"



Napahinto ako.  Ambilis nag-calculate ng utak ko.



P50.00 yung binayad ko.



P40.00 yung adobo.



May sukli akong P10.00.



Niyakap ko ang adobo sa aking dibdib at napapikit.



Funyeta!



Hindi ako lumingon.



At dahil hindi sapat ang P10.00 para ibangon ang nadungisang refutasyon..... 




....hindi ko ko na binalikan ang sukli.




Char.



:)








posted under , | 43 Comments

Weekend With Adoray


At dahil wala naman akong gagawin that weekend, at Mothers Day na rin, naisipan kong umuwi ng balur ni Queen Mother.



So tinawagan ko si Adoray.



10:30 am.



Me: "Adoray, paalis ako ng Makati, uuwi ako ngayon dyan. Hindi na ako magbi-breakfast at dyaan na ako magla-lunch.  Gusto ko, ipagluto mo ako ng peyborit ko ha."



Adoray: "Sabihin ko po ba sa nanay nyo?"



Me: "Baket, nanay ko ba magluluto?"



Adoray: "Pwede naman, u-utusan ko sya."



Me: "Gaga!  Gusto mo talagang mawalan ako ng mana 'noh?"



Char.



Adoray: "O sige, madam, pero i need a favor."



Me: "Ano 'yon?"



Adoray: "Pabili naman ako ng latest issue ng Time Magazine."



Amfotah! Tuma-Time Magazine pa.  Nahiya naman ako. Char.




Dumating ako ng balur ng 12:30 pm.



Gutom na gutom.



Me: "Adoray, nasaan si Queen Mother?"



Adoray: "Nagpa-foot spa."



Me: "O sige, heto ang Time Magazine mo. Maghain ka na, gutom na gutom na ako."



Adoray: "Madam, hindi pa luto."



Me: "Bakeeet? Eh kanina ko pa sinabi sa 'yo na dito ako magla-lunch ah. Hindi nga ako nag-breakfast devah?"



Adoray: "Eh kasalanan ko ba yun? Eh sabi mo ipagluto ka ng peyborit mo."



Me: "Baket, adobo ang peyborit ko.  Mahirap ba 'yun?  Matagal ba yun?"



Adoray: "Ayyyy... adobo ba? Akala ko kasi...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


















.... di bale Madam, 2 hours na lang luto na sha. Ang hirap kasi magpa-uling!"



Char!



:)

posted under , | 15 Comments

Meat Lover

*****


After Christmas, nakatanggap ang lolah nyo ng isang kakaibang regalo mula sa isang valued client.




Nakalagay sya sa isang carton box.




Nang aking salatin, malamig ang carton box.




Sobrang lamig! Parang kaluluwa lang ng mga lalaking bumiyak....





... sa fragile kong fuso.






Hihihi!







Pero ang laman pala ng karton ay itey...






















Dalawang humongous slabs ng frozen U.S. Beef belly.





Uu, humongous 'Day!






Putsa! Hongdaming karne!





Valued Client knows i just love meat! :)





Pero sa dami ng meat na 'to, parang cannibal lang ang peg ng lolah mo.





Ti-nry ko syang i-uwi from the office.





Pero mabigat sha.





Masakit sa biceps.





15 kilos daw ang timbang ng bawat slab.






Sana cash na lang ang ni-regalo sa lolah mo. Hahaha!






Hmmm.... ibenta ko kaya sha sa palengke?





Wait baka mapagkamalan akong botcha queen! 'Tong gandah ko na 'toh. Tse!





Pero dahil hindi ko sya kering lafangin mag-isa at hindi rin sha kasya sa freezer sa balur, nag organize na lang akez ng relief operation among my staff members.





Tuwang-tuwa yung isang staff ko.





Gagawin daw nyang bopis.





Hala, pwede ba 'yon?






Yung natira ay pilit kong pinagkasya sa aking freezer. At yun na nga, steak galore ang lolah nyo lately.






I sliced it about half an inch thick and cooked it medium well....

















Natutunan ko kay Friendship dati nung adik-adik pa sya sa lamb chops (hongshusyal devah?) na masarap i-marinate ang steak sa oyster sauce. So ginaya ko sha!






I usually eat it with plain rice and Knorr seasoning and Mama Sita's hot sauce on the side... yum!



















The meat is so tender and it really taste imported kaya aylaveeettt! Hahaha!




Naging breakfast meal ko na rin sha with instant noodles and coffee....



















Dahil mabilis shang lutuin (approx 4 minutes per side for medium well) sha na rin ang aking dinner....



















At dinner ulit....



















Hanggang sa nag-experiment ang lolah nyo at ginawa shang sahog sa fried rice.....

















Pwede!!!





After three weeks, na-u-umay na akez kaya nag mix and match.....



Voila!!!!


















(Steak with tuyo, bread and soft-boiled egg)





Ay futah, hindi pala sha masarap na combination!





Hahaha!





Nasubukan ko na rin ang beef steak, nilagang beef belly, sisig steak at steak tapa.






Haaay, mukha na akong baka.





Pero happy naman akez.






Kase, malapit ko na shang maubos...



















Pasensya na ha, parang construction worker lang lumafang ang lolah nyo.




I realized masarap ang karne.




Pero kung a-araw-arawin... hindi rin.




Nakaka-umay.




Dapat may variety.




Kay next time ibang karne naman.




'Yung karneng hindi ko pinagsasawaan.




Hihihi!



Chos!




*********

posted under , | 40 Comments

Chuni And The Upper East Siders: Christmas Edition

*******


At dahil magpa-Pasko, nakahanap ng opportunity ang mga bakla na mag-get-together.




Ito ay ang mga sumusunod.




Ako.... ay babae nga pala akez. Hihihi!




At ang tatlong bakla ay sina Zuki, Baronessa at Galandriel or also known as The Upper East Siders.




Me: "Saan naman ang lafang? Ang traffic-traffic ha. Baka sa Quezon City 'yan, hindi ako pupunta."




Zuki: "Gagah, ang KJ mo talaga!"





Me: "Ay naku, basta."





Zuki: "Ako ang in-charge sa venue. We will meet half-way para fair."





Me: "O sige, saan?"




Zuki: "Sa Omakase. Sa Alabang."





Me: "Alabang?"




Zuki: "Oo."





Me: "Futah ka, eh pano naging halfway 'yon eh taga-Makati ako, taga-Pasig ka tapos si Baronessa sa San Juan at si Galandriel ay Mandaluyong! Ambobo mo talaga sa geography bakla!"




Zuki: "O sige, sa Makati tayo, pero ikaw ang manlilibre."





Me: "Baket, sagot mo ba yung dinner?"




Zuki: "Oo, treat ko."




Me: "Pwes, sa Alabang tayo!"





Dahil I have to meet a friend also in Paranaque, dumiretso na akez sa Alabang at hinanap ang Omakase. Akala ko naman nasa loob ng Alabang Town Center, hindi pala. Eh since commutera lang ang lolah nyo, Haggardo Versoza na akez by the time na masilayan ng chinita kong mata ang venue. Sa Casa Susana pala, which is lalabas ng slight ng ATC.





Nandoon na at naghihintay ang third, second at first runner-up ng dumating and title holder - Akez.





Baronessa: "Bakit ang tagal mo?"





Me: "Huli talagang dumarating ang beauty queen, baket, sino ba ang na-unang dumating?"





Galandriel: "Si Zuki!"




Me: "Hodevah, ang chaka. Hahaha!"




Zuki: "Fuki mo, gusto mong tubig lang ang orderin ko sa 'yo?"





Me: "Ito naman hindi mabiro, pare-pareho naman tayong kagandahan, kumbaga sa Ms. Earth, si Baronessa si Ms. Earth-Fire, si Galandriel si Ms. Earth-Water at ako si Ms. Earth-Air."





Zuki: "So ako si Ms. Earth - the titleholder?"





Me: "'Wag naman mashadong ambisyosa. Ikaw si Ms. Earth - Pollution."





Tumawa ang mga bakla. Napalingon sa amin ang ibang customers.






Zuki: "Hayuf ka talaga Chuni. Toothpick lang ang order mo!"





At lumapit ang waiter.... beki rin.





Naunang um-order ang tatlo. Then it's my turn na.





Me: "Ano ang pinaka-mahal?"





Namutla ang Zuki!





Waiter: "Yung sushi platter namin sir..."





Me: "Magkano 'yon?"





Waiter: "Php 625.00 po."





Me: "Wala ba 'yung Kobe steak o Wagyu na per gram ang price. Bigyan mo ko non, mga limang kilo."




By that time butil-butil na yata ang pawis ng baklang Zuki.





Waiter: "Ay wala po 'non."





Me: "Ganon ba? O sige yung sushi platter nyo na lang, 5 orders, take-out. Dagdagan mo ng Kikkoman ha. Hihihi!"





Hagikgik ang Baronessa at Galandriel.






Zuki: "Seryoso ka ba?"






Me: "Look at my fez, mukha ba kong nagdyo-jowk?"

.
.
.
.
.
.

Me: "Hahaha! Joke lang! Baklah, eto order ko... Jurassic Maki.... teka, masarap ba 'yan?"






Waiter: "Opo. Bestseller 'yan."






Me: "Weh? O sige na nga, tapos ang main course ko ay Tuna Tepanyaki."






Waiter: "How about soup or salad sir?"





Me: "Okey na 'yan, diet ako..... ay teka, saka 1.5L na coke."





Zuki: "Gagah, walang 1.5L na coke dito. Ano akala mo dito, Mang Inasal?"






Me: "I know! Nag-dyojowk lang uli. Family-size na coke na lang. Hihihi!"





At nag-kwentuhan ang mga bakla ng ano pah... eh di kung ano-anong mga kabaklaan. Char.






Ang dami naming napag-kwentuhan habang hinihintay ang order. Pero dumating naman and food bago pa man magsimula ang midnight mass. Char.





So nilabas ko na ang 3210 ko para kunan ng picture ang food.





Zuki: "Bakla! Ano na naman 'yan?"





Me: "Pi-picturan ko lang."






Zuki: "Baket, wala sa bukid nyo nyan?"





Me: "Gagah, ipapa-gaya ko kay Adoray ang presentation!"




















Jurassic Maki P285.00




















Tuna Teppan with Yasai Itame P225.00




Baronessa: "Bakla, kamusta na si Adoray?"





Me: "Ayun, nagpa-practice ng ipe-perform nya sa Christmas party."





Galandriel: "Talaga? Saan ang Christmas party nya?"




Me: "Sa bahay, Christmas party naming dalawa. May performance sya, pwes, may performance din ako. Syempre kailangang ako ang manalo."





Zuki: "Adik!!! Kayong dalawa na lang, may kumpitisyon pa?"





Me: "Paki mo, eh di mag Christmas party rin kayo ng mommy mo. Pero alam nyo, feel ko mananalo si Adoray."





Baronessa: "Bakit naman?"





Me: "Eh kasi, ang bruha, may back-up dancer sya -yung mga tambay sa amin. Alma Moreno daw ang peg ng performance. Yan ang sabi nung isang tambay back-up nya. May lifting at throwing sa thin air!"





Galandriel: "Sushyal ha. Eh ikaw?"





Me: "Ang performance ko?"





Galandriel: "Oo."





Me: "Dalawang oras na extemporaneous speech."






Baronessa: "Hahaha! Duduguin sa 'yo si Adoray."





Me: "Yun nga ang purpose, death by nosebleed for the competition! Para ako pa rin ang winnur! Tingnan ko lang kung hindi sya mag-back-out!"






Char.






Haynaku, mahaba pa ang kwentuhan ng mga bakla. Pero enjoy sa get-together.





:)


*************************


By the way, ang sarap lang ng food sa Omasake! Five out of 5 orgasms ang rating ko sa kanya. And the prices are very reasonable. Sulit na suit and pakikipag meet-halfway sa mga bakla!




Until then mga ateh.




Hihihi! :)





*****

Cooking With Chuni

*****


Aside from being pretty, marunong din akong magluto.



Char.



So, for today, I will make yabang about my cooking talent.



Since nasa balur akez ng payrents, ako ang designated cook.



Kaya our recipe for today is...


Ginataang Gulay

















Okey, to prepare this dish you will be needing the following...



Pers, one (1) DSLR Camera. Pwedeng Nikon, pwede ring Canon.



Kung walang DSLR camera, 'wag nang ipag-patuloy. 'Wag ka ng magluto.



Stop na.



Bumili na lang ng lutong ulam sa nearest karinderya.



Char.



Okey, heto na ang mga ingredients:

















1 stalk Sitaw, cut into 2 inches

2 Pcs. Eggplant, sliced diagonally

6 Pcs. Okra, sliced diagonally

3 Pcs. Gabi, cut into bite-size

2 Cups Kalabasa, cut into bite-size

3 Pcs. Chili Fingers, sliced

1 Pc. Siling Labuyo, sliced

1 Pc. Onion, sliced

1 Pc. Tomato, quartered

2 Cloves of Garlic, chopped

300 grams Liempo, cubed

1 Cup Coconut Milk

3 Tbsp. Bagoong Alamang

Salt & Pepper



Procedure:


1. Utusan ang housemaid na i-prepare ang ingredients. Kung walang housemaid, ikaw na ang gumawa.


2. Fry the liempo until golden brown. Remove excess oil. Pero 'wag gagamiting lubricant for future requirement ha.


3. Saute the garlic and onion. Isunod ang bagoong Alamang.


4. Gisahin kasama ang gabi at kalabasa. Lagyan ng konting tubig, takpan and let it simmer.


5. Kapag medyo malambot na ang gabi at kalabasa, ihalo ang iba pang gulay.


6. Ibuhos ang coconut milk. Huwag tatakpan dahil magpi-fade ang color ng green vegetables. Haluin occasionally.


7. Timplahan ng salt & pepper. Kung feel mong mag-add ng other flavor enhancers, bahala ka. Lutuin ng ilang minuto o hanggang sa half-cooked na ang mga green veggies.


8. Ipa-serve sa housemaid ora mismo with steamed rice. Again, kung walang maid, alam mo na ang gagawin mo. Chos!




Pero dahil lalabas na sa hospital si Mudak, syempre it calls for a celebration. Ang supposed to be 3 days nya sa hospital ay na-downgrade ng 2 days. So medyo nakatipid ang lolah nyo. Kaya naman nag-prepare na rin akez ng...


Baked Tortang Talong



















Pork & Egg Adobo



















At syempre, dahil nga sa celebration sa matagumpay at magastos nyang hospital vacation, mawawala ba ang....


















Teary-eyed si Madir.



Akala ko naman na-touch.



Madir: "Ano ba 'yan? Puro cholesterol! Papatayin mo ba ako?"



Me: "Ay, itong si Nanay talaga, makakalimutan ba kita? Etong sa 'yo...."























Chos!



*****

posted under , | 30 Comments

Chuni And The Upper East Siders (Last Part)



To read the first part, click HERE.



***************************************


Dagli kong tinanong kay Baronessa kung anung meron at may biglaang piging.


Baronessa: "Heartbroken si Galandriel."


Me: "Haaaa? Eh hindi ko nga alam na may jowa sya!"


Baronessa: "Hindi ko rin alam. Si Zuki ang nagsabi sa 'kin."


Me: "So, 'yan ang purpose ng get-together?"


Baronessa: "Hindi alam ni Galandriel na alam mo at alam ko na heartbroken sya. Papatayin tayo ni Zuki pag nalaman ni Galandriel na sinabi sa akin ni Zuki."


Me: "Eh di mainam, para tapos na ang misery ni Zuki. Sagot ko na ang unang gabi ng lamay."


Baronessa: "Gagah! 'Wag mong mabanggit."


Hahaha! Ako na ang magaling magtago ng secret. O sha sige, iba-blog ko na lang. Hahaha!


Baronessa: "Galandriel need us.... her sisters."


Tiningnan ko ang vakla, at nagwika..


Me: "Hoy vakla, pinanood mo na naman ang The Sisterhood of The Travelling Pants noh?"


Baronessa: "Hahaha! Futah ka."


Me: "Basta ako si Lena Karigalis. Type ko kasi lahat ng boylets nya. And feeling ko may dugo akong Greek. Parang Greek goddess bah."




















Baronessa: "Eh ako, si Bridget Vreeland?"



















Me: "Hinde... ikaw si Carmen."














Baronessa: "Futah ka talaga! Dapat si Zuki si Carmen!"


Me: "Hinde! Si Zuki si Christina."


Baronessa: "Sino si Christina?"


Me: "Ang nanay ni Carmen!"


Tawanan kaming dalawa.


Pagdating sa Greenbelt, naka-abang na ang mga beki. Dress to kill ang Galandriel, mukha namang dibidi trader ang Zuki. Para silang mag.... amo. Choz! Sakay naman agad ang dalawa sa likod ng carlalu ni Baronessa.


Galandriel: "Kamustasa Chuni..."


Zuki: "Chuni, vakla, buhay ka pa pala..."


Mga palengkera. Hodevah, pag ako ang kasama nila, sila ang nakiki-level sa akin at hindi ako ang tumataas sa level nila.


Me: "Heto, mas lalong gumagandah at bumabata compared sa inyo. Hihihi! Kayo, kamusta? Galandriel, kamusta ang lovelife?"


At tiningnan ako ng dagger look ni Zuki at Baronessa. Futah, ang tabil lang ng dila ko.


Galandriel: "Zero..."


Me: "I see... " lumingon ako kay Zuki... "..vakla, hindi na kita kakamustahin tungkol sa lovelife coz i'm sure wala naman! Kamusta na lang ang mga hada?"


Zuki: "Futah ka Chuni! Eh ikaw may lovelife? Matapos kang iwan ni Doc?"


Me: "I beg your pardon! Ako ang nang-iwan..."


Zuki: "Well, iyan ang press release..."


Me: "Opkors not. Dats the truth!"


Zuki: "O, sha, sha, so kamusta ang lovelife?"


Me: "Dormant..."


Zuki: "Hahaha! O tingnan mo nga! Ikaw din pala!"


Me: "Choice ko 'yon 'teh... ikaw FATE mo 'yan."


Tawanan sina Baronessa at Galandriel.


Zuki: "Antipatikang vakla..."


Me: "Nasaktan ka sa katotohanan?"


Zuki: "Gagah!"


Me: "Teka, saan ba exactly ang lafang?"


Baronessa: "Ah basta.... i have a new discovery, my treat. "


Makalipas ang ilang sandali pa na puno ng mga panlalait, nag-arrive kami ditey....

















Zuki: "Shutanginamess Baronessa! Akala ko ba kakain tayo? Eh simbahan yan! Ipapa-pray over mo ba si Chuni?"


Me: "Gagah! Mas marami ka kayang demons sa katawan."


Si Galandriel, tawa lang ng tawa. Feeling ko tuloy nag-level down akez sa uri ni Zuki. Choz!


Baronessa: "Shunga! Hindi nyo ba alam 'toh?"


























Me: "Opkors i know! Hindi naman akez social climber gaya ng others dyan."


Zuki: "Are you referring to me?"


Me: "No naman, you choose between you and yourself. Etchos lang yan bruha. Teka, eskwelahan to ah. I-e-enroll mo ba si Zuki? Sobrang mahal dyan. Dapat sa TESDA."


Zuki: "Futah ka Chuni... fokfok!"


Me: "At least ako ang binabayaran, hindi ako ang nagbabayad..."


Zuki: "Fuki mo."


Although I heard about Enderun na before, pers taym kong makarating ditey. After mag-park, diretso na kami papunta ng entrance ng building na mukhang church. Hindi maka-hakbang papasok si Zuki, umuusok sya. Kaya kinaladkad na lang namin ang bruha.


Tinanong kami ng unipormadong guard.


Guard: "Where to?"


Ang fierce ng accent ni Manong Guard. Kinabog ang fake British accent ni Zuki! Namutla ang vakla.


Baronessa: "101"


Dagling binuksan ni Manong guard ang doors. Oo, doors. Dalawa kasi sya. Choz. Parang password lang na binanggit ang "101" at binuksan na ang mga pintuan. Bubuksan din kaya ito kung "102" ang sinabi? Try mo 'teh.


Pagpasok, bumungad sa amin ang reception area at mga shusyaling estudyante. Naka coat and tie ang mga poging students. Pati mga bilat... fasyon. Ang shusyalin ng place. I really think i belong. Choz!


Dire-diretso ang lakad ni Baronessa. Sunod lang kami. We were greeted by a group of students.


Group of students: "Bonjour!"


Chuni: "Muy Bien!"


Zuki: "Gagah... Dora the Explorer, isdatchu?"


Chuni: "Eh gusto ko Muy Bien eh, paki mo?"


Binuksan uli ang doors and we were led to this...

















Homaygassh! How opulent!


Parang dining room lang ng bahay namin sa Bulacan. Choz!


We were then again led to our table. Ang ganda ng setting. Churchill!


Baronessa: "This, my friends, is my newest discovery, the 101 Restaurant."


Zuki: "Amen..."


Me: "Anong 'amen', hindi nga 'toh church 'noh."


Irap ang beki. Lapit naman ang isang babae at lalaking naka-coat and tie, obviously ay mga students. Nasa likod nila ang isang Frenchman.


"Bonjour" uli.


"Muy Bien" na naman uli akez.


Nagpakilala yung dalawa at in-explain kung ano ang lafang for the day. Ang galing mag spluk! I remembered that Galandriel is vegetarian.


Me: "Vakla, okey lang ba sa 'yo ang food?"


Galandriel: "Friend, i realized, kung shumod nga nilulunok ko, hindi naman 'yun gulay devah?"


Ayyy, winnur! Hahaha!


Nag-excuse ang Zuki at kailangan daw nyang pumunta ng mens room. Gusto ko sanang ipa-podlock ang CR pagkapasok nya. But since I support and promote animal welfare, that is unbecoming of my cause naman devah? So, hayaan na syang makalabas ng maluwalhati.


Tinanong kami ng coniotic na papable waiter/student kung ano ang gusto naming inumin. Gusto ko sanang sabihin... "Pwede bang ikaw?" Pero kapos ako sa oras para i-translate sya sa English at lagyan ng British accent kaya I ordered Watermelon Shake na lang.


Baronessa and Galandriel both ordered pale pilsen.


Waiter: "And what about your friend?" referring to Zuki na pumunta nga ng restroom.


And in my best fake British accent i said,


Me: "He'll have tap water. Unfiltered opkors."


Napangiti si papable waiter. Tawa ng tawa naman sina Baronessa at Galandriel.


And then Galandriel became suddenly serious.


Galandriel: "Guys, why are we doing this?"


Baronessa: "Ahhhhmmm... why not? Matagal na rin tayong hindi nagkakasama. I just thought na magkita-kita uli tayo that's why I invited you guys here. Saka, the food here is great and you'll be surprise about the price."


Me: "Expensive, i supposed."


Baronessa: "Basta... this is my treat remember?"


Galandriel: "This has nothing to do with my recent break-up right? Sinabi ni Zuki?"


And with my best Kris Aquino acquired acting talent i said...


Me: "Homaygassh!!! Noooooo!!!! Really? Zuki never mentioned anything. And who is dat stupid guy who broke your heart?"


Kung nandoon lang ang mga miyembro ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino, ako na ang winnur sa Best Actress award. Hands down. Choz!


Baronessa: "Wala ka namang sinasabi sa amin ah."


Galandriel: "Ah, wala 'yon. Let's not talk about him. Just another a-hole."


Me: "Opkors we should talk about it. Sino sza? Eto ngang si Baronessa, luhaan din last year devah?"


Baronessa: "Gagah! Ako lang bah?"


Me: "For the record, hindi ako umiyak. Hindi ko sya iniyakan."


Baronessa: "Oh, really?"


Me: "Oh... yeah. Why should I? It's his loss not mine and dear sisters, the same goes to you and you. We three are beautiful creatures not to mention, desirable. No man is worth our tears. Kung gugustuhin lang natin, ang daming boylets dyan. Remember, ang mga uri natin ang iniiyakan, hindi tayo ang umiiyak."


Choz!



Nag-smile naman ang dalawa.


At bumalik na pala ang Zuki.


Zuki: "Did i miss anything?"


Me: "Wala naman. Nothing that concerns you. Oh, vakla, I ordered water for you. But you can order anything you want to drink. Should I call the waiter?"


Zuki: "Ah, champagne na lang."


Me: "Spell champagne."


Zuki: "Tama ka vakla, water na lang for me."


At tawanan ang group. Seriously, i miss my friends specially ang mga tawa nila. How ironic na nagkasama kami uli because of an unfortunate circumstance.


The waiter served us bread and 3 different type of spreads. Sorry i forgot to take pictures. Pero sarap ng tinapay! Walang sinabi yung Malunggay pan de sal sa panaderyang malapit sa amin. Choz!


And then salad was served...



















Okey, let me try to explain each dish. Sabi ng waiter, Green salad daw itey in vinaigrette with roast breast of duck and toasted bacon.


Yum! Yum!!!


The roast duck is... roasted to perfection! Char.



Galandriel: "Ano sa tagalog ang 'duck'?"


Zuki: "Bibe?"


Baronessa: "Gagah, iba ang bibe."


Zuki: "Oh, eh ano sa ingles ang bibe?"


Baronessa: "Goose?'


Zuki: "Gagah ka rin, gansa ang goose. Teka, si Chuni ang taga-bundok. Mas alam nya yan. Chuni, ano na nga sa tagalog ang duck?"


Me: "Pato."


Zuki: "O, kitams nagkaroon ng purpose ang vakla."


Tawanan sila.


Dahil masarap ang food, ayoko ng mag-side comment.


Remember, there is victory in silence.


Choz!


After ng salad, main course naman....


















Pagpasensyahan na ang quality ng picture. Camera feature lang ng phone ang ginamit ko ditey. For the main course, we had Poached Chicken on a bed of mashed potato and gravy.


The chicken looks so small in the pic but its not. Malaki kasi yung plate.


And this is the best poached chicken na natikman ko everrr!!!


Kunsabagay, hindi naman available sa karinderia ni Aling Metring ang poached chicken. Choz!


Pero masarap talaga itey! Sobrang tender at juicy ng chicken. At yung mashed potato is a bit sweet and creamy. Saraaap!



Finally, we had our dessert....



















Waiter: "For your dessert, this is Chever chevelu in shemper kudas with shimmering eklavu."


Hala, nagdugo ang ilong ni Zuki.


Waiter: "Are you okey sir?"


Me: "Oh he's payn. Don't mind him. It's his nose's monthly period. That's all. Hihihi!"


Choz!



Okey, baka nobody will take me seriously nah. Eh in real life i'm a serious person kaya. I will try again my best to explain our dessert.


It's like a souffle of some sort. Beneath the lightly crusted cream are slices of fruits in season. It wasn't spectacular but it's good. And i liked it. :)


Matapos ang dessert ay nagkaroon na kami ng time to ogle sa mga cuties sa paligid.


Honggugwafu lang ng mga estudyante. Parang gusto ko silang orderin.


Choz!



Sadly, wala silang pic. Nahiya kasi akong mag picture taking eh. Baka magalit at kausapin ako in French. Hihihi!


Nag-alok ng kape si Baronessa but we told him sa ibang place na lang kami mag-kape. Nagpa-pantal na kasi si Zuki. Hindi talaga sanay ang balat nya sa mga shusyaling lugar.


Or baka naman dahil sa tap water?


Homaygasshhh!!!


Nice.


Hihihi!


I told you, there is victory in silence.


Choz!


Galandriel: "Guys, thank you so much for doing this. Baronessa, thank you for treating us. You are the rope that binds this friendship. Chuni, i am humbled by your presence (Choz!) you are trully beautiful and intelligent, not to mention kind (Choz! hahaha) and Zuki, despite your inadequacies (Choz!) you have been a good friend. Guys i love you!"


Oo, muntik na kaming mag-group hug at kumanta ng "If We Hold On Together..." right then and there.


Kaso hindi namin memorized ang lyrics.


So kebs na lang.


Choz!


The bill arrived.


I took a peek.


Futah!


PhP 300.00 each lang ang lafang namin?


How Zuki!


este...


How CHEAP!


Most likely, the expensive tuition fees of these students subsidized our meal.


Loooovveeeeee!!!!!


Now, i have a new favorite place to eat in style.


:)


The group went off to a nearby coffee shop and continued the consensual verbal abuse against each other. Yes, we argue and we fight and oftentimes insult each other, but at the end of the day, were still good friends who love, trust and value each other.


The beauty of gay friendship! :)




















**********************

What would you think if I sang out of tune,
Would you stand up and walk out on me.
Lend me your ears and I'll sing you a song,
And I'll try not to sing out of key.
Oh I get by with a little help from my friends,
Mmm,I get high with a little help from my friends,
Mmm, I'm gonna try with a little help from my friends.


-The Beatles, With A Little Help From My Friends (1967)



*******************************

The 3-course meal is priced at P300.00/pax. Drinks are not included.


To visit 101 Restaurant, Click HERE.




Food Review: Persia Grill (Sky Garden, SM North Edsa)

Opo, kumakain din ako ng real food.



Baka akala nyo puro T!$3 lang ang kinakain ko.



Choz.



Anyway, rumampa ang lolah nyo sa Quezon City recently at dahil matagal ko ng gustong kainin ang may-ari ng restaurant na itetch, naisipan kong dito na lang kumain.... sa Persia Grill.


I was expecting to be served by no less than the owner himself with this 'uniform'....





















Hahaha! Wishful thinking lang naman ang bruha. Kasabayan ko dati sa gym 'yan at may lingering emotions pa ang reyna. In short - 'pagnanasa.' choz.


Heniway,


Walang katao-tao ng dumating akey. Sunday ng 12:30pm yon kaya i was expecting na may lunch crowd na. May dumating namang 2 pa kaya naging 3 kami. Hindi naman kami pwedeng mag-orgy don ng 3 lang. And besides hindi ko type yung mhin na kasama nung bilat. Choz.


Humahaba ang kwento.



I called the waitress and I ordered Mozarella Cheese Puffs (P95.00) for appetizer.























Disappointed agad ang lolah nyo. Dapat ang tinawag dito ay Mozarella Cheese Pufffft!


First, it was greasy at sobrang kunat. Maygash. The 'dough' they used is soo kapal (and kunat nga) and the mozarella cheese filling is very little. The cooking oil, (where the mozarella puffs were deep fried, i supposed) will spill alongside the mozarella cheese when you cut it.


Hanung lasa? Well, mas value for money pa ang P55.00 two-slices pizza ng Pizza Hut.


For the main course, i had the Grilled Lamb Chops with Dolmeh (P335.00). The waitress asked me how i want my meat cooked and i told her "medium rare".


This is what i got.






















Pakshet! If this is medium rare, eh hanung hitsura ng well-done?


Uling?


Gusto ko sanang isoli yung food pero kiber na lang, nilafang ko na.


And i thought the 'surprise' is over.


I realized that 70% of the steak is actually chunks of bone.



















Hey, the last time i checked, tao pa ako at hindi Siberian Husky. Shushal! Hihihi.


Kung tatanggalin ko pa 'yung sunog na part, eh kapiranggot na lang talaga ang matitira sa inakay ng tupa na itetch.


The size and the quality of the meat and how its cooked is far-cry from the image in their menu. They must have just seasoned the meat with salt because I couldn't actually determine if it was marinated, herbed or spiced prior to grilling because the burnt taste overpowers the distinct gamey flavor of the lamb. Wait, nag-nosebleed akey. Hihihi!


















The Dolmeh is actually good. Not as good as Cyma's but i kinda liked it.


And another thing i noticed is that considering there's just 3 of us eating in their restaurant, the entire floor was filled with smoke eh wala namang nag-tsi-chicha o shisha. whatevah.


They must really fix their exhaust system.


But the food is a greater concern.


I actually felt i was cheated! Despite the fact that i was using my Groupon voucher (P400.00 worth), i think yung price ng meal ko eh hindi commensurate sa quality ng food.


I told the waitress my comments at tumango-tango lang ang bilat.


She then asked me if i will order dessert pero i decided to not prolong this unsavory experience.


Enough na ateh.


And yes, i am the BBB.


Big Bad Blogger?


Nope.


Balowptuwus Beki Blogger.


Char.


.....................

I used my Sony Ericsson C905 camera phone to take these pictures. :)

Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments