Habang namamasyal ang diwata sa kaharian ng Mall of Asia, natunghayan nya ang isang mortal na pumukaw sa puso n’yang nagdadalamhati. At ito ang kanyang tula para sa binatang may maamong mukha.
Effort ‘to mga friendsss!!!!

Hindi sinasadya ng ikaw ay mapansin.
Sa dami ng taong nakapaligid sa atin.
Ang tahimik mong kilos at matang malalim
Hindi ko inakalang syang bibihag sa akin.
Isa kang estrangherong hindi ko hiniling
Subalit isang araw ay kusang dumating
Nahihiya man na sa yo‘y tumingin
Ang sabi ng puso ika’y iibigin.
Dagli kong kinuha ang iyong larawan
Isang ala-ala na aking hahawakan
Pagkat pag-ibig mo ay di makakamtan
Dahil ang mahalin ka ay isang kasalanan.
Ika’y isang mortal, ako nama’y isang Dyosa.
Sa mundo mo’t mundo ko, sadya tayong pinag-iba.
Kahit na kumakaba ay nagpasya ng lapitan ka
Subalit sa paglingon, ikaw pala ay wala na.
Hindi ko man nakuha ang iyong pangalan
At kahit pa sabihing ito’y kahibangan
Sa paraang ito, iyo sanang malaman
Puso ko’y lumuha ng ikaw ay lumisan.
Ako’y maghihintay sa ‘yong pagbabalik
Pangakong ibibigay isanlibong halik
Ngunit hindi pa man, puso’y nananabik
Bulong ko sa hangin na ika’y makatalik.
Handa kong isuko immortal kong buhay.
Bukas-palad itong sa iyo ibi-bigay.
Sapagkat walang bukas kung hindi ka karamay
Pait ng pagka-bigo, maaari kong ikamatay.
O bakit, o bakit tadhana’y kay pait?
Tamis ng pag-ibig iyong pinagkait.
Muntik ko na sanang maabot itong langit
Sa halip na ligaya ang dinulot ay sakit.
Paalam na irog ako ay hihimlay.
Sa kabilang buhay, ako’y maghihintay.
Ang pag-ibig sa ‘yo ang syang aking gabay.
Na hamakin ang takot ng hindi nalulumbay.

"Ang ganda koh... sobrah!"
Recent Comments