Showing posts with label Heroism. Show all posts
Showing posts with label Heroism. Show all posts

Ang Wet Papa at Ang Etchoserang Puppy

































































































































































































































































At bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan, binigyan sya ng award at isang gabi sa aking kandungan....














Ang tanong sa isip ko... kung ako kaya ang nasa katayuan ng tuta, will he do the same thing?


I'm sure he would.


'Tong gandah kong 'toh. Hahaha!


But i would be needing CPR, mouth to mouth and all devah.


Haaayyyy...... tatalon na ako sa dagat bukas na bukas din.


Char.

A Best Friend Remembered (Conclusion)


Nandoon yung lalaki, pasalampak na naka-upo. Kinakain nya yung buhay na pusa. Nagkalat ang dugo.

Napalingon sya sa akin kasabay ng malakas na tawa.

“IKAW ANG ISU-SUNOD KO! HAHAHAHA!”

Bigla akong napa-atras at nagmamadaling isinara ang pinto.

Doon na ako napahagulgol. Nag-halo ang takot at galit sa puso ko. Wala naman akong ibang paraan para makahingi ng tulong. Nanghihina na ako.

Naalala ko na may baril ang Tatay ko.

Nagmamadali akong bumalik ng kwarto nila. Ginalugad ko ang mga cabinets at drawers. Wala. Halos nai-kalat ko na lahat pero hindi ko pa rin makita ang baril. Naisip ko na silipin ang taas ng cabinet.

Nandon yung baril. Isang .38 caliber na Smith & Wesson. Inabot ko ‘to.

Nagpatuloy ang lalaki sa pag-kabog ng pinto sa likod ng bahay namin. Napasandal ako sa pader. Hanggang sa mapa-upo na ako sa sobrang pagod. Halos maghalo ang sipon at luha ko sa tindi ng nararamdaman. Patuloy sya sa pagpalo sa pinto. Itinutok ko lamang ang baril sa pinto. Nakiusap ako.

“Putang ina mo, umalis ka na.”

Pauli-ulit ko ‘tong sinambit. Perro tila lalo nyang nilakasan ang gingawang pag-kabog.

Hanggang bumigay ang main lock.

Yung double lock na lang ang natitira.

“HAYAN… MALAPIT NA!!! MAPAPATAY NA KITA! HAHAHA!”

Tama sya.

Alam kong mamamatay ako ng gabing ‘yon.

Tinaggap ko na kung ano man ang mangyayari.

Pero putang ina, hindi ako basta papayag. Lalaban ako.

Hanggang nadinig ko ang malakas na kahol ng aso.

Si Shakespeare.

“PUTANG INA KANG ASO KA! PUTANG INA KA!”

At muli ay isang palahaw ng aso.

Marahil sa sobrang pagod at takot ay hindi ko na naalala kung ako ay nakatulog o nawalan ng malay.

Nagising na lamang akong may tumatapik sa balikat ko.

Ang Tito ko.

“Gising na. Ok ka lang ba?” tanong nya.

Nagulat ako. Saka nagbalik ang ala-ala ko.

“Ano na po nangyari?”

“Tapos na. Wala ng gulo.”

Noon ko napansin na umaga na. May mga tao sa bahay namin. Mga Tita ko ko, mga pinsan, mga kamag-anak at kapitbahay.

Tumayo ako hawak pa rin ang baril ni Tatay.

Sobrang gulo ng paligid. Sira ang mga halaman ni Nanay. Sira ang mga bintana. Ang daming dugo sa labas ng kusina. Nandon ‘yung patay na pusa. Warak yung tiyan. Halos kalahati na lang ang natira. Sa sulok nandon yung aso ko, si Shakespeare. May sugat sya, umuungol.

Niligtas nya ‘ko. Kung hindi nya sinakmal yung lalaki, patay na siguro ako.

Napag-alaman namin na taga-kabilang baryo yung lalaking sumugod sa bahay namin. Lango pala sa alak at drugs. Nasa custody na daw ng pulis. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng bahay ay yung sa amin pa ang napiling sugurin nya.

Si Shakespeare pinagamot namin. Buti na lang at hindi sya napuruhan. May tama sya sa likod at paa. Gumaling naman sya. Matagal pa kaming nagsama ng aso ko. Sya na yata ang pinaka-matagal na bestfriend ko.

Today is Shakespeare’s death anniversary.

And I will never ever forget him.

posted under , | 11 Comments

A Best Friend Remembered

Based on a true story.

………………………………………..

Habang nililinis ko ang aking BMX bike, lumapit ang Nanay ko sa akin. Nagpa-plano daw sila ng Tatay ko na magbakasyon sa Baguio ng 1 week. Pwede daw ba nila akong iwanan muna sa bahay at ako muna ang bahala.

Trese anyos ako nung time na ‘yon. First year highschool. May tatlo akong kapatid. Nine years old ang sister ko at six and five naman ang dalawang brothers ko.

‘Wag daw akong mag-worry kasi yung sister ko at little brothers ko ay i-e-endorse muna sa DSWD – in short, sa bahay ng Lola ko. At bibigyan daw ako ng extra allowance for one month.

Syempre happy ako. Solo ko ang haus.

Imagine all the things I can do.

Kaya ang sagot ko kay Nanay: “Sige po.”

Noong weekend na ‘yon, umalis na nga ang parents ko papuntang summer capital. At nung gabi ring ‘yon, inilabas ko na ang mga nahiram kong bold na VHS tapes sa barkada kong si Gorio na may pa-arkilahan ng mga movie tapes.

At halos lumuwa ang aking mga mata sa mga napanood. Habang naka-squat ako sa sala at nanonood ng bold ay todo mariang palad naman ako. Kaka-discover ko lang ng masturbation non kaya sobrang saraap.

Imagine one week ko ‘tong gagawin.

Pero hindi pala ako handa sa nakatakdang maganap.

Bandang alas dose na ng gabi ng may marinig akong kumakatok ng malakas sa pinto namin kasabay ng malalakas na tahol ng mga aso.

Dali-dali akong nagsuot ng shorts.

Binuhay ko ang ilaw sa terrace at sumilip sa bintana.

Nagulat ako sa nakita.

Isang lalaking nakahubad at puro dugo ang katawan at mukha ang nakatayo sa terrace namin. Hindi ko sya makilala. At sa kamay nya, hawak nya ang isang mahabang jungle bolo.

Hindi ako nakakilos agad hanggang sumigaw sya.

“PUTANG INA! BUKSAN MO ANG PINTO!!!”

Nagulat ako.

Bungalow type ang bahay namin sa probinsya. May anim na kwarto ito. Maluwang ang bakuran dahil sa garden ng Nanay ko. Although mataas ang gate, napapaligiran lamang ito ng mababang bakod. Kaya madali ring mapapasok ng kahit na sino. Pero ganyan naman ang tipikal na bakuran sa probinsya dahil hindi uso ang gulo at nakawan.

Muling sumigaw ang lalaki.

“MAGUGUNAW NA ANG SAMBAYANANG PILIPINAS!!! BUKSAN MO ‘TO!” kasabay ng malalaks pang kalabog.

Nung time na ‘yon, alam kong baliw ang lalaking ito.

Kaya sa halip na buksan ang pinto, sinigurado kong naka-double lock ito. Pagkatapos ay umatras ako. Hindi pa uso ang cellphone non at wala rin kaming phone sa probinsya kaya wala akong opportunity makahingi ng tulong from the outside.

Kinabog muli nya ang pinto ng sunod-sunod. Binasag nya ang bintana gamit ang mga flower pots ng Nanay ko. Dinig na dinig ang tunog ng mga nabasag na salamin. Pero kahit nabasag na nya ‘to, may metal grills pa at hindi sya basta-basta makakapasok.

Ang lakas ng tibok ng dibdib ko.

Sunod-sundo pang kalabog ang ginawa nya sa pinto kasabay ng malalakas nyang sigaw at pag-mu-mura.

Naisip kong itulak yung cabinet at i-harang pa sa pinto.

Pagkatapos, nagtatakbo ako papunta sa kwarto ng parents ko. Sumilip ako sa bintana. Nakita kong bukas ang ilaw ng mga kapitbahay. Alam nila ang nangyayari pero walang maglakas loob na tumulong. Marahil ay natatakot din.

Malapit lang ang bahay ng Tito ko. Sumigaw na ako. Pero wala rin.

Nadinig yata ng lalaki ang sigaw ko. Nakita kong papalapit sya sa bintana.

“ANONG SINISIGAW-SIGAW MO DYAN HA? WALANG TUTULONG SA ‘YO! PAPATAYIN NA KITA! NADINIG MO? PAPATAYIN KITA!!!”

Ilang segundo lang ang pagitan ng maiwasan ko ang malaking batong inihagis nya. Pero nasugatan ako ng bubog sa braso.

Nagtago ako sa ilalim ng kama. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.

Patuloy pa rin ang pagtahol ng mga aso. Hanggang sa nadinig ko ang iyak ng isa na tila mo ay nasaktan. Naalala ko si Shakespeare, ang alaga ko.

Gumapang ako palabas ng kama. Naisip kong patayin ang main switch ng ilaw na nasa kusina.

Dahil sa ginawa ko, sunod-sunod na pagbato ang ginawa ng lalaki sa bahay. Halos basag lahat ng bintana namin.

Hanggang napa-upo na lang ako sa sulok, umiiyak habang pinipigilang lumikha ng kahit anong ingay.

Isang oras yata akong ganon.

Hanggang sa tumahimik ang lahat. Mga bandang alas-dos na ng madaling araw.

Naghintay pa ako ng kalahating oras. Wala ng tahol ang mga aso. Unti-unti akong tumayo at tiningnan ang paligid. Maliban sa mga basag na salamin at mga bato, tinamaan din ang aming tv. Basag yung mga vases ni Nanay. Pati stereo ni Tatay ay tinamaan.

Naglakad ako papunta sa dirty kitchen namin kung saan nandon yung laundry area. May short-cut kasi don papaunta sa likod bahay ng Tito ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at halos himatayin ako sa aking nakita…


(to be continued)

posted under , | 8 Comments
Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments