Cum! Cum! Cum! Camiguin!!!
*****
Past midnight na kami nakatulog after chorvahin ni JR si Joseph.
Ayun, nagtu-tutong pa ang ngiti ng bakla sa tamis at sarap na dinanas sa boylet.
'Di na ako nakakaramdam ng inggit non. Basta antok na antok na ako so dire-diretso lang ang tulog ko.
7:00 AM.
Nauna akong gumising.
Ay, putsa! 8:30am ang alis ng ferry boat na sasakyan namin papuntang Camiguin!
Eh wala pa kaming ticket!
So ginising ko na ang dalawa para may kasabay akong mag-panic! Ang chaka naman kung ako lang mag-isa ang matataranta devah?
Nagmamadali na kaming mag-empake, maligo at mag powder ng nose.
In less than 30 minutes, nakapag-check-out na kami at ready to go.
Pero gutom kaming tatlo. Remember, bukod-tanging si JR lang ang nakakuha ng sustansya ng gabing iyon.
So, napag-kasunduang mag take-out na lang ng food bago dumiretso ng pier.
At saan kami nag-take-out? Where else?
Eh di sa McDo.
Mula sa Cagayan de Oro City, sumakay kami ng jeep.
Dahil marami kaming bitbit, occupied na naming 3 ang kalahati ng jeep. Kebs lang sa P12.00 na pamasahe.
And after about 30 minutes dumating na kami sa Macabalan Pier.
Hinanap namin ang tindera ng ticket at buysung na kami.
Macabalan Pier (CDO) to Benoni Port (Camiguin) is P550.00 each plus P15.00 terminal fee.
Pagdating namin sa entrance, may pila na.
Binubuklat ng guard yung mga bags ng pumapasok.
Since ang dami kong bitbit, chin up naman akez. I have to use my charm.
Epektib naman, hindi na pinabuksan ang bagelya ko.
Paglingon ko, ina-amoy na ng mga bomb-sniffing dogs ang JR at Raki.
Ay naku, terorista kasi ang peg. Char.
Pagdating sa loob, may X-ray machine pa. Huwattt! Parang NAIA lang.
Keribels.
So, isinalang ko ang aking mga gamit sa soon-to-be obsolete na x-ray machines.
Guard: "May laptop sa loob ng bag mo Sir?"
Ahahahaha! Ay, oo nga pala, dala ko ang laptop ko! Shunga.
In-assist naman akez ni not-so-cute-pero-pwede-na-during-tagtuyot-moment na guard na bitbitin ang bag ko from the X-ray.
Nag-ngitian kami.
Me: "Add kita sa Fezbook pagbalik ko sa Manila ha."
Choz!
Pumasok pa kami sa isa pang security check. This time, para tingnan yung tickets namin at may kapaan pang magaganap.
Kapaan?
Medyo nag-worry ako.
Kasi wala akong panty.
At ng kapain ako ng guard obviously may nakapa sha na nagpangiti sa aming dalawa - ang Bivalvia Mollusca.
Tahong ko 'Day.
Hihihi! Chos!
Me: "Add din kita sa Fezbook ha? Hihihi!"
Anyway, mashado pa pala kaming ma-aga. Sa sobrang aga, inabutan pa naming naliligo ang crew.
So, mega-ready akez ng camera at nagpalit akez ng 300mm lens upang i-zoom ang mga showerboys.
Nakahalata yata si koya at napatingin sha sa aking direksyon.....
So, habang hinihintay ang boarding announcement, nilafang na naming tatlo si koya.
Este, yung McDo.
Tapos si koya na.
Hahaha!
Chos.
Travel time from Macabalan to Benoni is approximately 3 hours.
Pagdating sa Benoni Port, pinagkaguluhan na naman kami ng mga nag-o-offer ng mga sasakyan at habal-habal.
Gusto ko sanang i-try ang habal-habal para madungisan naman ang aking dangal pero puro thunders ang mga drivers.
So, napagkasunduan naming tatlo na umupo muna sa nearest carinderia at mag-usap.
And since lunch-time na rin yon, we decided to eat there na lang.
JR ordered sinigang na bangus (P50 with rice)...
Ewwww! Ang bangus, may palikpik pa!
I ordered Pork Nilaga (P50.00 with rice)....
And I swear, this is the best tasting pork nilaga, bar none! Hahaha! Chos!
It's a cross between our Pork Nilaga and Singapore's Bak Kut Teh!
Ang sharap-sharap, la!
Hihihi! Whats interesting here is yung rice nila na brownish.
Akala ko nga NFA rice. Pero ng tikman namin, ang sarap!
I forgot to take a shot at Raki's food. Anyway, he had McDo uli.
Char.
Habang kumakain kami, naka-abang lang sa tabi namin yung mga nag-aalok ng sasakyan.
Haller! Nakaka-conscious naman noh.
Panoorin nyo na lang akez habang tsumu-tsupa pero 'wag na 'wag habang ngumunguya!
Char.
So dala na rin ng inis namin, we agreed na mag-hanap na lang kami ng public transport to bring us to Bgy. Yumbing where most of the inns and rental cottages are located.
Pagdating sa Yumbing, we were able to haggle a P1,000 room for 2 to P900.00 at kaming tatlo na 'yon ha.
Pahinga muna uli kami kasi umuulan-ulan na 'rin non.
Nang huminto na ang ulan, punta na kami sa beach.
Unfortunately, hindi mashadong maganda ang beach.
Dark kasi ang buhangin, parang singit lang ni JR.
Char.
At mabato pa.
To get to the White Island Beach, we have to ride a boat pa and pay.
So ano pang choice namin, paysung kami ng P400.00 (for 3) at Environmental fee na P20/each.
Actually, ang White Island na sinasabi nila ay parang sand bar lang. Di ko sha mashadong feel.
Walang puno, walang damo, walang plants at walang any other living things except moi.
Char.
So nag-stay na lang kami at nag-picture-picture.
[image removed]
;)
'Yan ang pang Modess shot.
Char.
:)



















Recent Comments