Gossip Gay








Hey Upper East Siders, Gossip Gay here, you’re one and only source into the scandalous lives of Pio del Pilar’s feeling elite.

What’s making the headlines of my homepage?

Our Tisay kapitbahay.

Anyway, some tagalog na ditse coz baka hindi ko ma- keri.

Ditetch sa aming neighbor ay may isang tisay na according to her press releases ay isa syang former model.

Tisay aged and now past her prime. She ended up following a career being a call center agent. They say beauty is nothing if you’re evil within. And Tisay personifies that axiom.

Feeling yata ni ate ay runway model pa rin sya kaya she never mingles with the people living in her neighborhood.

She would often seen buying pan de sal in the nearby bakery, chin up and has never acknowledge the kapitbahays hi’s and hello’s.

Not even a smile.

Nada. Zilch.

Now, the neighbors are talking.

Tisay moved in with his uber hunky and yummy papa and their cute children and of course, yaya/housemaid in tow.

Surprisingly, they fit in a two storey, one bedroom duplex apartment.

Happy ever after ang initial scene ng family.

But less than a year, the drama begins.

Uber hunky and yummy papa loses his job. At sya ay naging house husband.

Goodbye yaya/housemaid. The bitch of Pio can afford you no more.

At nag-crumble ang used to be happy family. Until Tisay threw uber hunky and yummy papa out of the house.

Big drama.

A desperate housewife moment indeed.

Friendship and I were dying to adopt uber hunky and yummy papa but to no avail. Takot sa dyombag ang dalawang vaklang hitad.

A few days later, a shorter but delicious brown-skinned faux-Mohawk sporting boylet stepped in the house of Tisay.

Who could it be?

Friendship and I are dying of curiosity and so are the uzi neighbors.

Although the guy is no match to uber hunky and yummy papa, he is definitely an eye candy.

Yummy on the second degree.

The prying eyes of the flood-prone neighborhood are focused as to what will the story unfold. This new boylet is definitely not a brother. There is no resemblance at all.

Parang…

Araw at gabi.

Gatas at tsokolati.

Hmmmm…..

And the press release came out.

New boylet is a yayo. A male nanny who moonlights as a houseboy slash lavandero slash cook slash karpintero slash….

Friendship raised his virgin eyebrow.

“Bakit boylet instead na gurl?”

And the answer…

I don’t know… malay ko…

And Tisay and new boylet/yayo seems to be living in harmony.

Ebony and Ivory.

I am dying to get this boylet/yayo’s pic to share. But they block the view from our place by covering it with their junks.

However, friendship is head over heels with boylet/yayo. He is practically drooling over him like a dirty girl deprived of her lollipop.

The boylet/yayo is always topless, proudly displaying his toned, chocolate skin.

I am allergic to chocolates but friendship is not.

Boylet would flex his arms like a tease and scratch his balls unmindful of who may be watching.

Friendship is determined to taste that luscious chocolate treat, scratched balls and all.

He would find ways to make alembong to boylet/yayo but Tisay seems to know the hidden agenda of alembong Friendship kaya she makes sure that she is always around when boylet/yayo is doing his chores.

Bantay sarado.

Sarado de kandado.

Kaya boylet/yayo is not making pansin to Friendship’s KSP acts.

Or maybe there’s a gag order from the Tisay amo?

Friendship is not giving up.

For how long…. I don’t know.

I’ll just update you pag I know na. Hihihi.

Could it be more than amo/yayo relationship? We all know malamig ang gabi. But who am I to make pakialam? Wala, chizmosa lang. What happens next? Only time will tell. XOXO. Gossip Gay.

posted under | 9 Comments

Ang Tula ng Diwata

Habang namamasyal ang diwata sa kaharian ng Mall of Asia, natunghayan nya ang isang mortal na pumukaw sa puso n’yang nagdadalamhati. At ito ang kanyang tula para sa binatang may maamong mukha.

Effort ‘to mga friendsss!!!!















Hindi sinasadya ng ikaw ay mapansin.

Sa dami ng taong nakapaligid sa atin.

Ang tahimik mong kilos at matang malalim

Hindi ko inakalang syang bibihag sa akin.


Isa kang estrangherong hindi ko hiniling

Subalit isang araw ay kusang dumating

Nahihiya man na sa yo‘y tumingin

Ang sabi ng puso ika’y iibigin.


Dagli kong kinuha ang iyong larawan

Isang ala-ala na aking hahawakan

Pagkat pag-ibig mo ay di makakamtan

Dahil ang mahalin ka ay isang kasalanan.


Ika’y isang mortal, ako nama’y isang Dyosa.

Sa mundo mo’t mundo ko, sadya tayong pinag-iba.

Kahit na kumakaba ay nagpasya ng lapitan ka

Subalit sa paglingon, ikaw pala ay wala na.


Hindi ko man nakuha ang iyong pangalan

At kahit pa sabihing ito’y kahibangan

Sa paraang ito, iyo sanang malaman

Puso ko’y lumuha ng ikaw ay lumisan.


Ako’y maghihintay sa ‘yong pagbabalik

Pangakong ibibigay isanlibong halik

Ngunit hindi pa man, puso’y nananabik

Bulong ko sa hangin na ika’y makatalik.


Handa kong isuko immortal kong buhay.

Bukas-palad itong sa iyo ibi-bigay.

Sapagkat walang bukas kung hindi ka karamay

Pait ng pagka-bigo, maaari kong ikamatay.


O bakit, o bakit tadhana’y kay pait?

Tamis ng pag-ibig iyong pinagkait.

Muntik ko na sanang maabot itong langit

Sa halip na ligaya ang dinulot ay sakit.


Paalam na irog ako ay hihimlay.

Sa kabilang buhay, ako’y maghihintay.

Ang pag-ibig sa ‘yo ang syang aking gabay.

Na hamakin ang takot ng hindi nalulumbay.















"Ang ganda koh... sobrah!"


posted under | 17 Comments

Gusto Mo Bang Pumayat?

Not too long ago.

Nagising aketch isang araw sa isang masaklap na katotohanan.

Saksi ang salamin at ang weighing scale, akin nang na confirm.

Tumataba na aketch.

Ohmygash!

Ang sumpa ng mga ex-boyfriends! Nagaganap na!

Ang dating 30-inch waistline ay nag-somersault ng vonggang-vongga to 36.

HAWCANITBEEEHHH!

Ganun pa rin naman aketch kumain. Hindi naman nabago.

Two cups of rice each meal.

Takaw noh?

Laking province kasi ang beauty queen at nasanay na ang breakfast, lunch at dinner ay rice meal. And take note sa probinsya, ang merienda – kanin pa rin. Hihihi!

Parang construction worker lang kung kumain.

Sabi ng isang bruhildang acquaintance na nagbigay ng kanyang unsolicited advice.

“Baka kasi bumagal na ang metabolism mo.”

Na for me, ang translation ay “Tumatanda ka na!”

Ang bruha. How dare you imply na Thundercats na aketch. Of course not.

Baby fats lang ‘to!

Or stored fats?

Alam ko nah!

Stored baby fats na ngayon lang na-isipang mag-surface sa aking body beautiful?

Oo nga.

Pero I have to do something. Ang dami ng nakakapansin. Dito pa naman sa bansang itetch, normal lang ang magsabing…

“Tumataba ka!”

Mga insensitive chakas. Sana sinaksak nyo na lang aketch.

No way! Hindi nila ako pwedeng laitin.

Over my dead and sex… ahmmm… volup…. ahmmmm… slightly bigger body!

Makikita nyo!

…………

At nag-enroll sa gym ang inyong lolah. Binigyan sya ng kanyang trainer ng cardio exercise program para ma-reach nya ang kanyang goal.

30 inch waistline. 140 lbs.

Ang kaso, born cheater ang gagah.

Instead na 30 minutes sa stair climber, nag 15 lang. Masakit daw sa legs.

At ang supposed to be 2 sessions sa treadmill ay ginawang isa. Enough na daw ‘yon.

At habang nagti-threadmill, nakatingin sa menu ng Mr. Choi!

At even before matapos ang session, umo-order na ng food for pick-up.

Mas matagal pa ang oras na ginugol sa pagbo-boy watching kaysa actual exercise.

Ang result after 6 months.

MAJOR FAILURE!

……………

Kaya in-endure ko muna ang kahihiyan.

Nag-stop mag-gym.

At inabot ‘yon ng taon.

Dinedma ang mga puna.

…………….

Until one day.

Isang friend ang nagsabi sa akin about this.















Very effective daw. One can lose as much as 25lbs in one month.

OHMYGASH uli! This time in all caps.

Eh di in one month, maku-kuha ko na ang target ko.

I like!

I super like!

BWAHAHAHAHAHA!!!!

I can’t wait to say… “Ex-boyfriends, look at me now. Hahahaha!”

Teka, some clarifications muna.

Me: “Eh teka, mahirap ba gawin ‘yan?”

Him: “Sa umpisa, may struggle ‘coz you will be changing your eating habits and your body will flush out all the toxins.”

Me: “Sounds good to me”

Him: “And this is a personalized balance eating plan. You’re plan is exclusive to you. Hindi pwede kopyahin ng iba. You will not starve. Kasi the food will be your medicine. You will not only drastically lose weight pero your body will get toned as a result nung program.”

Me: “Pero they have to get my blood sample first, right?”

Him: “Yes, you’re sample will be sent to Singapore lab for analysis. And then your blood profile will be the basis kung anong program ang kailangan mo i-take.”

Me: “Galing! Excited na aketch.”

Him: “Go! Set an appointment na with them. Look at me, I’m payat na di ba?”

Me: “Oo nga. And I spoke din kay Alou, effective din sa kanya. Magkano nga binayaran mo?”

Him: “P55,000.00”

HANUDAW?????

Me: “Teka… teka… P55,000.00?”

Him: “Yup.”

Me: “Eh putsa pala, mangangayayat nga ako nyan kakaisip sa pambayad.”

Him: “But it’s effective.”

Me: “Dapat lang! Ilang boylets na kaya ang mapapasa-kamay ko sa ganyang halaga.”

Or sa halagang ‘yan, pang down payment ko na rin yan sa pangarap kong…










………………

Anyway, hindi rin tinuloy ng inyong lolah ang uber expensive na Cohen. And besides, I don’t think a-appeal sa ‘kin yon.

Biruin mo, bawal ang rice.

They will provide you recipes to cook and eat like Sinigang na Sugpo, Adobo, etc.

Sinigang na sugpo and Adobo without rice?

Haller???















Ang rice substitute daw ay crackers – na sa Santis (Delicatessen) mo lang mabibili.

Expensive crackers I bet.

‘Di ko keri. My social climbing activity ends here.

Tanggalin mo na ang lahat pati puri ko ‘wag lang rice.

Rice is my only ‘vice’.

I don’t even smoke and I rarely drink.

Hindi rin ako namba-babae.

Pramis.

Tapos aalisin pa ang rice?

NOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!

…………………………………..

Fast forward.

Three months ago I tried something different.

Shi-nare sa akin ng isang friend uli.

This time it’s cheap.

So cheap that I can afford it.

Water therapy my dear.

Best part is I need not sacrifice my ‘vice’.

Though nabawasan ang cravings ko sa rice.

And I can say na epektib sya mga ateh at ditse.

I’m down to 32-inch waistline.

Without being P55,000.00 poorer.

Hihihi!

And i feel better than ever gotesco commonwealth!


Note: Ditse, consult your doctor first before you even try this. Mwah!






posted under | 10 Comments

Coming Out?


Gusto kong mag-out pero ‘di ko magawa.

I know that I owe it to myself and kung meron mang dapat akong unang pagsabihan, sa parents ko siguro. Pero hindi ko kaya. Kung mag-out man ako in public…

Siguro ‘pag isa na akong ulila.

Baka kasi ako pa ang maging cause of departure ni mother at father sa mundong itetch pag vonggang vonggang nag-spread ng wings ang kanilang panganay.

Seriously.

Mahirap. Sobrang hirap. I’d rather make the ultimate sacrifice kaysa makabigat pa sa damdamin ng mga magulang ‘ko. Kung ako lang, kaya ‘kong tiisin ang mga malisyosong tingin, ang mga bulong-bulungan at ang mga pag-uusisa. Pero my parents, I don’t think they can take all of those. I’ll just spare them the trouble.

Buhay ko man ito, kadugtong pa rin ang pamilya ko. And until such time na totally tanggap na ng publiko ang buhay na itinadhana sa ‘kin, hindi ko pa masasabi ang katagang…

Mom, Dad, whiz ko na ever kayang mag hide cheverlu. Isa po akong sirena.

Well, in the closet or not, that won’t stop me for living the life of a happy gay man.

posted under | 15 Comments

A Best Friend Remembered (Conclusion)


Nandoon yung lalaki, pasalampak na naka-upo. Kinakain nya yung buhay na pusa. Nagkalat ang dugo.

Napalingon sya sa akin kasabay ng malakas na tawa.

“IKAW ANG ISU-SUNOD KO! HAHAHAHA!”

Bigla akong napa-atras at nagmamadaling isinara ang pinto.

Doon na ako napahagulgol. Nag-halo ang takot at galit sa puso ko. Wala naman akong ibang paraan para makahingi ng tulong. Nanghihina na ako.

Naalala ko na may baril ang Tatay ko.

Nagmamadali akong bumalik ng kwarto nila. Ginalugad ko ang mga cabinets at drawers. Wala. Halos nai-kalat ko na lahat pero hindi ko pa rin makita ang baril. Naisip ko na silipin ang taas ng cabinet.

Nandon yung baril. Isang .38 caliber na Smith & Wesson. Inabot ko ‘to.

Nagpatuloy ang lalaki sa pag-kabog ng pinto sa likod ng bahay namin. Napasandal ako sa pader. Hanggang sa mapa-upo na ako sa sobrang pagod. Halos maghalo ang sipon at luha ko sa tindi ng nararamdaman. Patuloy sya sa pagpalo sa pinto. Itinutok ko lamang ang baril sa pinto. Nakiusap ako.

“Putang ina mo, umalis ka na.”

Pauli-ulit ko ‘tong sinambit. Perro tila lalo nyang nilakasan ang gingawang pag-kabog.

Hanggang bumigay ang main lock.

Yung double lock na lang ang natitira.

“HAYAN… MALAPIT NA!!! MAPAPATAY NA KITA! HAHAHA!”

Tama sya.

Alam kong mamamatay ako ng gabing ‘yon.

Tinaggap ko na kung ano man ang mangyayari.

Pero putang ina, hindi ako basta papayag. Lalaban ako.

Hanggang nadinig ko ang malakas na kahol ng aso.

Si Shakespeare.

“PUTANG INA KANG ASO KA! PUTANG INA KA!”

At muli ay isang palahaw ng aso.

Marahil sa sobrang pagod at takot ay hindi ko na naalala kung ako ay nakatulog o nawalan ng malay.

Nagising na lamang akong may tumatapik sa balikat ko.

Ang Tito ko.

“Gising na. Ok ka lang ba?” tanong nya.

Nagulat ako. Saka nagbalik ang ala-ala ko.

“Ano na po nangyari?”

“Tapos na. Wala ng gulo.”

Noon ko napansin na umaga na. May mga tao sa bahay namin. Mga Tita ko ko, mga pinsan, mga kamag-anak at kapitbahay.

Tumayo ako hawak pa rin ang baril ni Tatay.

Sobrang gulo ng paligid. Sira ang mga halaman ni Nanay. Sira ang mga bintana. Ang daming dugo sa labas ng kusina. Nandon ‘yung patay na pusa. Warak yung tiyan. Halos kalahati na lang ang natira. Sa sulok nandon yung aso ko, si Shakespeare. May sugat sya, umuungol.

Niligtas nya ‘ko. Kung hindi nya sinakmal yung lalaki, patay na siguro ako.

Napag-alaman namin na taga-kabilang baryo yung lalaking sumugod sa bahay namin. Lango pala sa alak at drugs. Nasa custody na daw ng pulis. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng bahay ay yung sa amin pa ang napiling sugurin nya.

Si Shakespeare pinagamot namin. Buti na lang at hindi sya napuruhan. May tama sya sa likod at paa. Gumaling naman sya. Matagal pa kaming nagsama ng aso ko. Sya na yata ang pinaka-matagal na bestfriend ko.

Today is Shakespeare’s death anniversary.

And I will never ever forget him.

posted under , | 11 Comments

A Best Friend Remembered

Based on a true story.

………………………………………..

Habang nililinis ko ang aking BMX bike, lumapit ang Nanay ko sa akin. Nagpa-plano daw sila ng Tatay ko na magbakasyon sa Baguio ng 1 week. Pwede daw ba nila akong iwanan muna sa bahay at ako muna ang bahala.

Trese anyos ako nung time na ‘yon. First year highschool. May tatlo akong kapatid. Nine years old ang sister ko at six and five naman ang dalawang brothers ko.

‘Wag daw akong mag-worry kasi yung sister ko at little brothers ko ay i-e-endorse muna sa DSWD – in short, sa bahay ng Lola ko. At bibigyan daw ako ng extra allowance for one month.

Syempre happy ako. Solo ko ang haus.

Imagine all the things I can do.

Kaya ang sagot ko kay Nanay: “Sige po.”

Noong weekend na ‘yon, umalis na nga ang parents ko papuntang summer capital. At nung gabi ring ‘yon, inilabas ko na ang mga nahiram kong bold na VHS tapes sa barkada kong si Gorio na may pa-arkilahan ng mga movie tapes.

At halos lumuwa ang aking mga mata sa mga napanood. Habang naka-squat ako sa sala at nanonood ng bold ay todo mariang palad naman ako. Kaka-discover ko lang ng masturbation non kaya sobrang saraap.

Imagine one week ko ‘tong gagawin.

Pero hindi pala ako handa sa nakatakdang maganap.

Bandang alas dose na ng gabi ng may marinig akong kumakatok ng malakas sa pinto namin kasabay ng malalakas na tahol ng mga aso.

Dali-dali akong nagsuot ng shorts.

Binuhay ko ang ilaw sa terrace at sumilip sa bintana.

Nagulat ako sa nakita.

Isang lalaking nakahubad at puro dugo ang katawan at mukha ang nakatayo sa terrace namin. Hindi ko sya makilala. At sa kamay nya, hawak nya ang isang mahabang jungle bolo.

Hindi ako nakakilos agad hanggang sumigaw sya.

“PUTANG INA! BUKSAN MO ANG PINTO!!!”

Nagulat ako.

Bungalow type ang bahay namin sa probinsya. May anim na kwarto ito. Maluwang ang bakuran dahil sa garden ng Nanay ko. Although mataas ang gate, napapaligiran lamang ito ng mababang bakod. Kaya madali ring mapapasok ng kahit na sino. Pero ganyan naman ang tipikal na bakuran sa probinsya dahil hindi uso ang gulo at nakawan.

Muling sumigaw ang lalaki.

“MAGUGUNAW NA ANG SAMBAYANANG PILIPINAS!!! BUKSAN MO ‘TO!” kasabay ng malalaks pang kalabog.

Nung time na ‘yon, alam kong baliw ang lalaking ito.

Kaya sa halip na buksan ang pinto, sinigurado kong naka-double lock ito. Pagkatapos ay umatras ako. Hindi pa uso ang cellphone non at wala rin kaming phone sa probinsya kaya wala akong opportunity makahingi ng tulong from the outside.

Kinabog muli nya ang pinto ng sunod-sunod. Binasag nya ang bintana gamit ang mga flower pots ng Nanay ko. Dinig na dinig ang tunog ng mga nabasag na salamin. Pero kahit nabasag na nya ‘to, may metal grills pa at hindi sya basta-basta makakapasok.

Ang lakas ng tibok ng dibdib ko.

Sunod-sundo pang kalabog ang ginawa nya sa pinto kasabay ng malalakas nyang sigaw at pag-mu-mura.

Naisip kong itulak yung cabinet at i-harang pa sa pinto.

Pagkatapos, nagtatakbo ako papunta sa kwarto ng parents ko. Sumilip ako sa bintana. Nakita kong bukas ang ilaw ng mga kapitbahay. Alam nila ang nangyayari pero walang maglakas loob na tumulong. Marahil ay natatakot din.

Malapit lang ang bahay ng Tito ko. Sumigaw na ako. Pero wala rin.

Nadinig yata ng lalaki ang sigaw ko. Nakita kong papalapit sya sa bintana.

“ANONG SINISIGAW-SIGAW MO DYAN HA? WALANG TUTULONG SA ‘YO! PAPATAYIN NA KITA! NADINIG MO? PAPATAYIN KITA!!!”

Ilang segundo lang ang pagitan ng maiwasan ko ang malaking batong inihagis nya. Pero nasugatan ako ng bubog sa braso.

Nagtago ako sa ilalim ng kama. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.

Patuloy pa rin ang pagtahol ng mga aso. Hanggang sa nadinig ko ang iyak ng isa na tila mo ay nasaktan. Naalala ko si Shakespeare, ang alaga ko.

Gumapang ako palabas ng kama. Naisip kong patayin ang main switch ng ilaw na nasa kusina.

Dahil sa ginawa ko, sunod-sunod na pagbato ang ginawa ng lalaki sa bahay. Halos basag lahat ng bintana namin.

Hanggang napa-upo na lang ako sa sulok, umiiyak habang pinipigilang lumikha ng kahit anong ingay.

Isang oras yata akong ganon.

Hanggang sa tumahimik ang lahat. Mga bandang alas-dos na ng madaling araw.

Naghintay pa ako ng kalahating oras. Wala ng tahol ang mga aso. Unti-unti akong tumayo at tiningnan ang paligid. Maliban sa mga basag na salamin at mga bato, tinamaan din ang aming tv. Basag yung mga vases ni Nanay. Pati stereo ni Tatay ay tinamaan.

Naglakad ako papunta sa dirty kitchen namin kung saan nandon yung laundry area. May short-cut kasi don papaunta sa likod bahay ng Tito ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at halos himatayin ako sa aking nakita…


(to be continued)

posted under , | 8 Comments

Masarap na Biro ng Tadhana

Isang weekend, wala akong magawa kaya naisipan ko na namang puntahan ang dati kong paboritong ‘parausan’. Sa halagang P60.00 iyo nang matatakasan panandalian kung ano mang problema meron ka.

Libre na ang aliw. Libre na ang saya. Sa lugar na ito, abot-kaya ang ligaya.

Tila ako isang balikbayan. Kailan nga ba ang huling punta ko dito?

Two years ago?

Ewan.

Pagkabili ng ticket sa takilyera ay inakyat ko na ang hindi gumaganang escalator.

May kalumaan na ang establisimyento. Hindi pa siguro ako tao, sinehan na itetch.

Diretso akyat aketch sa balcony. Inabot ang ticket sa babaeng naka-upo sa harap ng isang tila pulpitong may butas sa gitna. Hinulog nya ang ticket sa tambyolo.

Hindi na aketch kumendeng kendeng pa. Hindi kasi mabenta dito ang vaklang alembong. Dapat pamhinta para magka value ka. Mas tigasin, mas papansinin. Pero alam naman ng lahat na vaklush ka pa rin. Ewan ko ba sa kultura ng mga babaylan. Mga mapagpanggap! Hihihi.

Since, astigin nga ang theme doon, sinadya kong hindi mag-ahit ng bigote at balbas ng umagang ‘yon. Pamintang buo. Barumbado kuno. Pagdaan ko sa lobby ay lingunan agad ang mga ditseng nakaupo sa labas. Sampu yata sila. Para silang mga vultures na naghihintay na ma-i-scavenge. Exposed na exposed ang feeling ko kaya napayuko aketch sapo ang aking dibdib at kinubli ang fez.

Pormang tambay lang din aketch. Suot ang aking lumang cap, cargo shorts at t-shirt ay binaybay ko ang madilim na bahagi ng sinehan.

Pagpasok ko pa lang ay may kamay ng humawak sa aking baywang. Hindi ko maaninag ang kanyang fez. Hindi pa kasi nakakapag-adjust sa dilim ang mga mata ni Angelita. Baka chuffanga ang may-ari ng mga kamay na itetch kaya inalis ko. Muli syang humawak at gaya nung una, inalis ko muli.

“Suplado!” sabi ng anino sa dilim.

“Puki mo.” Sagot ko.

Hindi ko kailangang magpaka-propesyonal. Bastusan ang labanan ditetch. Ang reyna, nagiging kontrabida.

Naghintay aketch ng ilang saglit na masanay ang aking mga mata sa dilim.

Doon ko sya nakita.

Malikot ang kanyang mga mata. Sa kabila ng dilim, aninag ko sa mapusyaw na ilaw ng bumbilya ang kanyang mukha.

Maamong mga mata.

Matangos na ilong.

Manipis na labi.

Tantya ko’y hindi sya lalagpas ng edad bente-uno. Nagtama ang aming mga mata. Subait walang naglakas loob sa aming lumapit at magpa-kilala. Tagisan kung sino ang unang susubo este susuko.

Kahit unang tingin ay alam kong gusto ko na sya, naisip kong lumayo muna. Maaga pa. Hindi ko pa nalilibot ang paligid. Baka may mas higit pa sa kanya. Sa aking paglayo, naiwan pa rin syang nakatayo. Tila may hinihintay.

Lumapit ang isang hombre sa akin. Tumapat sya sa harap ko. Semi-kalbo, naka-sando, may katawan. Gwapo rin. Nag-alarm ang pechay ko. Type ko.

“Kanina ka pa?” tanong nya.

“Ngayon lang.” sagot ko.

“Upo tayo.” Alok nya.

“Saan?” tanong ko.

“Sumunod ka.” Aya nya.

“Ok.” Ako uli.

Haaayyyy….

Naupo kami sa gitnang bahagi ng sinehan. Pagka-upong-pagkaupo, kinuha nya ang aking kamay at ipinasok sa suot nyang basketball shorts. May matigas na bagay. Matigas na sya pero tumitigas pa.

“Suck mo ko.” Sabi nya.

“Baka mahuli tayo?” Kyeme ko.

“Wala ‘yan.” Sagot nya.

Atat na sya.

“Naka-ilan ka na?” tanong ko.

“Pangalawa pa lang.” sagot nya.

WRONG ANSWER.

Ayoko ng tira-tira. I want my steak medium well and untouched. Nag excuse aketch at nakayukong lumayo.

Dahil hindi ko tinitingnan ang aking nilalakaran ay naka-bunggo aketch.

“Sorry.” Sabi ko.

“Ok lang.” sagot ng lalaki.

Humakbang na ako palayo.

“Sandali lang.” habol nya.

“Bakit?”

“Gusto kita.” Sagot nya.

Nagulat naman aketch. Inaninag ko ang kanyang mukha. Sya ang lalaki sa ilalim ng mapusyaw na ilaw.

Gusto kong sabihing “gusto rin kita.” Pero no need na. Baka lumaki pa ulo nya. Hihihi!

“Doon tayo sa electric fan.”

Hawak nya ang kamay kong inaya papunta sa maingay na industrial fan. Sa ingay nito, mas malakas pa sya sa sound system ng sinehan. Kaya kung mag-usap kami, inilalapit nya ang bibig nya sa aking tenga at ganun din ako sa kanya.

Ang bango nya pati na ang kanyang hininga. Alam kong mas bata sya sa akin. Siguro 4-5 years.

Ilang sandali pa at inilapit nya ang mga labi nya sa akin. Hindi ako umiwas. Nagsalubong ang aming mga labi. Naging mapangahas ang aming mga dila. Nagkiskisan ang aming mga katawan.

Matagal.

Masarap.

Ngumiti sya. “Akala ko, ayaw mo sa ‘kin. Bakit mo iniwanan yung guy kanina?”

“Ah… wala, hindi ko pala sya type.” Sabi ko.

“Gusto mo ‘ko?” tanong nya.

“Hindi pa ba obvious?” sagot ko.

“Halika, upo na tayo.”

Curiously, doon din kami naupo sa pwesto nung guy na iniwan ko kanina. Pero wala na yung guy.

“Ahhh…..” sabi nya.

“Ano?” tanong ko.

“Kasi….”

“Kasi ano?” tanong ko uli.

Hmmmmm… Kasi? Callboy ka? At magpapabayad ka? Hindi ko type. Iiwanan ko rin ‘to.”

“Callboy ka?” usisa ko.

“Naku hindi. Hindi ako callboy.”

“Eh ano yung ‘kasi’ mo?”

“Kasi… hindi ako sumusubo. Sensya na.”

Napangiti naman ako don.

“Ok lang ‘yon.” Sabi ko.

“Eh, ikaw….”

“Ako?”

“Ahmmm… sumusubo ka ba?” alanganing tanong nya.

Para syang baguhan sa larangan. Atubiling-atubili. Pinakikiramdaman ko kung drama lang nya pero hindi. Natural na natural ang pagka-mahiyain nya. Gumana ang malikot kong isipan. Niyakap ko sya. Hinawakan ko ang bukol nya at pinisil-pisil ito. Nilapit ko ang aking labi sa kanyang tenga sabay bulong…

“Hindi lang ako sumusubo, dinidilaan ko pa, sinisilyindro at sinususo. At pag type ko… nilulunok ko….”

Sinabayan ko ng pag-ihip ang bawat salita. May libog. May laswa.

Nanginig ang mokong. Hndi mapakali.

“Gusto mo?” tanong ko.

Hindi na sya nakasagot. Nagmamadaling binuksan ang butones at zipper ng maong nya sabay hugot sa alagang kanina pa nagwawala.

“Ang laki…” sabi ko.

Sumenyas ang ulo nya na para bang sinasabing isubo ko na.

“Ano ang gusto mong gawin ko?” tanong ko.

“I-i-subo mo…” sagot nya..

“Ano pa?” paglalandi ko.

“Di-dilaan mo….”

“Tapos?”

“Putang ina, Tsupain mo na ‘ko.”

Yun lang naman ang hinihintay ko at nag dive na nga ang diva. Lahat ng sinabi ko ay ginawa ko. Subo. Dila. Silyindro. Suso.

Ang bango ng alaga nya. Fresh meat talaga.

Hindi sya masyadong natagalan at malapit na raw syang labasan.

“Lu-lu-nukin mo haaaa….” Pakiusap nya.

Sasagot pa ba aketch eh punong-puno ang bunganga ko. I believe in the saying na action speaks louder than words pero mas malakas yung sound ng…

“Splok! Splok! Splok!”

Ilang unday pa at humalinghing ng vongga ang bagets at inulos na nga ang makipot kong virginal na bunganga. Hihihi.

Hindi ko namalayan na may audience na pala around us. Mga punyetang vaklush at ako ang pinapanood. Mega ‘shoo-shoo’ naman aketch sa kanila after.

“Ano bah, tapos na ang show. Larga na mga ateh.”

Naglayuan naman.

Nag-excuse aketch sa kanya. Sabi ko ay punta muna akong CR para mag-gargle.

“Babalik ka pa ba? Hihintayin kita dito” sabi nya.

Kinilig aketch ng vonggang vongga.

Usually kasi, pag tapos na ang eksena ay kanya-kanya ng drama at iwanan na ang mag-partner. Pero sya, ayaw pa nya kaming maghiwalay. Iba na ang may talent. Hihihi.

Bumalik naman aketch after mag mouthwash. Hindi PH care ang gamit ko ‘noh!

Akbay agad sya pagka-upo ko. Loving-loving moment. May mga panakaw na kissing scene pa mga ditse… so sarap…

Him: “Alam mo…” sabi nya…

Me: “Hmmmm…. na nasarapan ka. Na magaling ako. Hihihi!”

Him: “Oo masarap… oo magaling ka… pero hindi iyon ang sasabihin ko.”

Me: “Eh ano?”

Him: “Kilala kita.”

HWWWWWAAAAAATTTTTTTT!!!!!!!!!!!!!

OMG! Bigla akong napabitiw sa pagkaka-yakap nya at napabangon sa upuan. Sinipat kong mabuti ang mukha nya.

Hindi ko sya officemate, hindi ko sya friend, hindi ko sya neighbor, o baka naman kamag-anak ko?

Pinsan? Nooooooooo!

On second thought…. Yeaahhhhh!!!!

Hihihi!

Pero hinde! Hindi ko sya kilala.

Sino ka lalaking masarap ang titi? Ang tanong ng isipan ko.

Me: “Nagbibiro ka ba?”

Him: “Hindi. Kilala talaga kita.”

Me: “Aber, sino ako?”

Hinihintay kong sabihin nyang “Ate Ludz?” at hahagalpak talaga aketch ng tawa.

Pero sinabi nya ang buo kong pangalan complete with my middle name.

Nag-crash ang aking universe.

Me: “Paano mo ko nakilala? Hindi kita kilala?”

Him: “Kilala mo ‘ko.”

Tingin uli aketch sa mukha. Sinapo ko ng aking palad. Pinindot-pindot. Hindi ko talaga kilala ang damuho Punyemas, baka anak ito sa labas ni Tatay. Eeeeeewwww! Hanggang pinsan lang ang incest fantasy ko noh. Yucccckkkk!

Me: “Hindi talaga kita kilala. Final answer!”

Him: “Naaalala mo nung high school ka.”

Oo naman. Parang kailan lang ‘yon. Ako ang pinaka maganda sa klase. Pero hindi pa nila nadi-discover yung fact na ‘yon. Nene pa kasi aketch.

Me: “Obviously hindi kita classmate. Mas bata ka sa ‘kin.”

Him: “Oo, hindi mo nga ako classmate. Pero may classmate ka na Ronald Sanchez ang pangalan.”

Ronald Sanchez? Hmmm… Naaalala ko sya. Varsity player namin nung highschool. Matangkad. Moreno. Gwapo. Actually barkada ko sya. Binarkada ko talaga sya kasi crush ko sya. Pero syempre walang nangyari sa ‘min non. Punyetang platonic.

Me: “Oo, kilala ko sya. Anong koneksyon?”

Him: “Madalas kang pumunta noon sa bahay nila kasama yung ibang barkada nyo pa.”

Me: “Oo, pero hindi ko pa rin ma-gets.”

Him: “Naalala mo yung kapatid nya? Si Robbie?”

Napa-isip ako. Ah.. yung payat na bata. Bunsong kapatid ni Ronald.

Me: “Oo, naaalala ko na.”

Him: “Ako si Robbie. Kapatid ni Ronald.”

Oh my pechay! Bigla ako uling napatingin sa mukha nya. Oo nga. Sya nga. Ang bunsong kapatid ng barkada ko. Shoccckks! Napatahimik ako.

Him: “Sensya na hindi ko sinabi agad. Hindi rin kasi ako sure na ikaw nga. Pero after, na confirm ko na ikaw nga yan.”

Me: “Nahihiya ako. Siguro uwi na ko.”

Him: “Bakit naman? Syempre hindi ko naman iku-kwento kay Kuya yung ginawa natin ‘noh.”

Me: “Kahit na…”

Nag-balik tanaw ako. Yung patpating utol ng barkada ko ay eto ngayon at gwapong-gwapo na. Muy delicioso pa. Hindi ko man nakuha ang kuya, pwes, natikman ko naman ang kapatid nya. Gusto kong tumawa ng Bwahhahahaha!

Him: “’Wag ka munang umuwi. Ok lang ‘yon. Nag-enjoy naman ako eh. Ikaw, nag-enjoy ka ba.”

Me: “Slight lang…” inarte ko.

Him: “Ganon? Bakit naman slight lang?”

Me: “Kailangan siguro, ulitin. Hihihi!”

Him: “Oo ba. Ngayon na?”

Me: “Hindi na dito, halika, labas tayo.”

At nagsara ang pulang telon.

posted under | 22 Comments
Newer Posts Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments