20 Most Memorable Pinoy Movie Lines
According sa show na ANG PINAKA, these are the top 20 Most Memorable Pinoy Movie Lines…
Nag-iisip pa aketch kung paano gagamitin ang mga ito sa tunay na buhay. Gusto ko sanang gamitin kaninang madaling araw kay ex-hubby doc ang linyang
“Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain.”
Pero natakot aketch. Baka kasi ma carried-away din sya at syompalin ako. Masakit sa fez. Kaya ‘wag na lang. Anyway, mga vaklush heto na ang…
20 MOST MEMORABLE PINOY MOVIE LINES
20) “Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?”
-Tony Santos Sr., “Sister Stella L.”
19) “Cheeta-eh! Ganda lalake! Sinungaling! Sinungaling ka talaga! Panget! Panget ka pa rin!”
Rene Requiestas and his echo in “Starzan 2: The Legend Continues”
18) “Kung hindi mo ako kayang mahalin tulad ng isang tunay na asawa, e di mahalin mo ako bilang isang kaibigan. Kung ayaw mo pa rin no’n, bigyan mo na lang ako ng respeto bilang isang tao.”
-Vilma Santos, “Relasyon”
17) Alice: “Ate, mamatay ako pag kinuha mo sa akin si Alex.”
Lorna: “Ipalilibing kita!”
Alice: “Ate please.”
Lorna: “Nu’ng inagaw mo sa akin si Alex, muntik na rin akong mamatay. Ngayon naagaw ko na siya sa ‘yo, ikaw naman ang mamatay!”
-Alice Dixson and Lorna Tolentino, “Nagbabagang Luha”
16) “Kung saan, kailan at paano ang labanan, magpasabi ka lang. Hindi kita uurungan!”
-Sharon Cuneta, “Dapat Ka Bang Mahalin?”
15) “Wala akong pakialam. Ibalik mo sa akin si Junjun! Ibalik mo sa akin si Junjun!”
-Vilma Santos, “Paano Ba Ang Mangarap?”
14) Sharon: “Ang hirap sa ‘yo, Delfin, maaga kang pinanganak.”
FPJ: “Ang hirap sa ‘yo, Georgia, huli ka nang ipinanganak.”
-Sharon & FPJ, “Kahit Konting Pagtingin”
13) “Sabel! This must be love!”
-Carmi Martin, “Working Girls”
12) “Gutay-gutay na ang katawan n’yo! Pati ang kaluluwa n’yo, gutay-gutay na rin ”
-Sharon Cuneta, “Pasan Ko Ang Daigdig”
11) “Akala mo lang wala.. pero meron!! meron!! meron!!”
-Carlo Aquino, “Bata, bata…Paano ka Ginawa”
10) “Pwede bang makausap ang asawa ko na asawa mo na asawa ng bayan?”
-Laurice Guillen, “Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi”
9) “Si Val! Si Val! Puro na lang si Val! Si Val na walang malay!”
-Vilma Santos, “Saan Nagtatago ang Pag-ibig”
8-7) “Hayop… Hayuuup… Hayuuupppp!”
-Nora Aunor, “Ina Ka Ng Anak Mo”
“Walang personalan. Trabaho lang.”
-Rudy Fernandez, “Markang Bungo”
6) Ayoko ng masikip, ayoko ng walang tubig, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik"
-Maricel Soriano, “Kaya Kong Abutin ang Langit”
5) “Gaano kadalas ang minsan? Once, twice, three times more?”
-Hilda Koronel, “Gaano Kadalas Ang Minsan?”
4)“My brother is not a pig! My brother is not a pig! Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy damo!”
-Nora Aunor, “Minsa’y Isang Gamugamo”
3) “Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat!”
-Nora Aunor, “Himala”
2) “Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain.”
-Vilma Santos, “Palimos ng Pag-ibig”
At ang PINAKA MEMORABLE PINOY MOVIE LINE is…
1) “You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!”
-Cherie Gil, “Bituing Walang Ningning”
Hindi ka vakla kung hindi mo ‘yan nahulaan.
Mapagpanggap!
Tse!
Panel: Jose Javier Reyes, Bibeth Orteza, RJ Nuevas, Mel Mendoza-del Rosario, Galo Ador, Dado Lumibao
5 comments:
ay te, nung panahon na si Carmina... as in Carmina Sigeon Reyna ang chairwoman ng MTRCB, lumabas ang linyang kailan man ay hinding hindi ko makakalimutan...
"ngayon alam ko na kung bakit baliw na baliw sayo ang asawa ko, MUKHA MO PALANG PEKPEK NA!"
Sharmaine Arnaiz to Ara Mina in Sagad sa Init
@YJ... Hahaha! Love ko yang dialogue na 'yan. =)
Wow! Most are from Nora, Sharon and Vilma. Isa lang kay Cherie Gil but it is the most memorable. Powerful kz :-)
at shempre naman, madame chuni,
ito ang isa sa pinaka-paborito kong eksena sa mga pinoy na pelikula!
borta-ness ng katawan :P
gusto ko yung kay junjun. parang may orgy lang haha
Post a Comment