Ang Unang Byahe (conclusion)

Sa madali’t sabi, nakarating din ako ng NAIA terminal 2. Nang may bumabang pasahero na naka-taxi. Bigla akong sumakay. Nagulat yung taxi driver. Bawal daw don.

Me: “Manong, bigyan kita ng P200.00 plus metro mo dalhin mo lang ako sa Terminal 2.”

Wah na react si old taxi driver. Pagdating ko sa immigration, face value lang. wala ng tanong tanong. Hahaha!

‘Eto na, may 6 hours pa kong gugugulin sa loob ng airport. Nauna pa ko sa mga may flights na mas maaga sa akin. Basta kung ano-ano na lang ginawa ko para di mainip.

Anyway, nakasakay din ako ng eroplano. First time at lifetime experience kaya ‘to. Pagdating sa Chep Lap Kok (Hong Kong Internationsl Airport). Namangha ang aking beauty sa ganda at laki nito. Sushyalin talaga. Parang gusto kong sabihin “I BELONG!”. Hihihi.

Picture, picture ako. Sayang ang opportunity. At least may proof ako na nakalabas na ko ng ‘Pinas noh. Pagdating sa immigration, abot ako ng passport ko. Tingin sa akin si immigration lady na parang younger sister ni Bella Flores. Tapos tingin uli sa passport.

Immigration Lady: “What’s the purpose of your visit?”

Eh ako naman, na orient na ng isang baklitang friendship kaya answer agad.

Me: “I’m here for leisure.”

Immigration Lady: “Oh… do you have enough money with you?”

Teka, teka, mukha ba ‘kong poor?!? Oo naka fake Lacoste shirt ako pero hindi naman obvious na fake. Pulido kaya pagkaka-tahi ng crocodile. I gave her a fake smile na rin.

Me: “Ahmm…. Everything has been paid for. My hotel, tours, etcetera. I think I have enough cash to cover everything and just in case… I have my credit cards with me.”

Wait pa sana ako ng Q&A portion naming ni Bella este Immigration Lady kaya lang tinatakan na passport ko.

After that, balik ako sa pag admire sa ganda ng Chep Lap Kok. I love Architecture kasi. Naka 2 semesters nga ako dyan before I shifted to another course. Isip ko, 30 minutes more at hayaan ang welcoming committee na maghintay sa reyna.

Nang nakaramdam na ako ng pagod. Kinuha ko na yung map papunta sa waiting area ng susundo sa akin. Madali naming hanapin. May sumalubong agad sa akin na Chinese na naka neck-tie.

Mr. Chinese: “Are you Ms. Chuniverse? (Syempre, hindi ’yan real name ko noh.)”

Me: “Ohh.. yes I am.”

Mr. Chinese: “Oh my God! We’ve been waiting for you. Look at all these people waiting for you.”

At noon ko lang napansin ang more or less ay 20 people na naghihintay at obviously ay inip na inip na.

Me: “Why are they waiting for me? (Ano ‘yan, grand welcome party? I’m confused!)”

Mr. Chinese: “Because we cannot leave without you. We are all taking the same bus!”

Oh my pechay. I thought solo lang ako. Chaka. Malay ko naman na yung mga kasabay ko sa eroplano eh yun din ang mga kasabay ko sa hotel transfer. Hindi naman in-explain ng travel agent ko. ‘Di sana 10 minutes lang ako umikot-ikot instead na 45.

Noon ko na experience ‘yung kasabihang “if looks could kill.” Eh sayang naman ang pagiging ambassador of goodwill ko kung hindi ko susuklian ng matamis kong smile ang mga froglets. Hindi na lang ako nag-wave sa kanila. At buti na lang hindi ko suot ang sash at korona or else… dethroned ang reyna.

Halos lahat ng kasabayan ko sa airport transfers ay puro pinoy. At hotel ko pa ang unang dinaanan kaya una akong nag take-off. Hindi na ako lumingon kasi for sure may nag pakyu sign. Lakad na ang reyna sa lobby ng hotel.

Me: “Hello! I have a reservation.”

Receptionist: “Can I have your name please?”

Me: “Ms. Chuniverse.”

Receptionist: “Yes, a single suite for one person. This is your card key and kindly sign here. Our staff will assist you to your room.”

At inabot ng isang gwapitong intsik na roomboy ang aking luggage. Pagpasok sa loob I tipped the gwapitong intsik na roomboy with 5HKD. Hindi ko kasi alam kung magkano dapat. Pero since nasa P6 ang exchange rate eh ‘di P30.00 yon. Basta. Inabot ko na lang na nakatupi. Sa elevator na lang sya ma-shock.

Mega shower agad ako in full blast! Kailangang ma refresh. Aga ko yatang gumising at baka bilasa na ang beauty. Na enjoy ko ang glass covered na shower room at nag emote ako ng slight. I stayed in the shower yata for 30 minutes at paglabas ko, feeling ko ay ang linis linis na ng pagka-babae ko. Now, I am ready to conquer Hong Kong!

Armed with a map and a calling card of my hotel, I took the MTR (an underground train system) to go to Ocean Park.

I don’t remember exactly the route (as told by the hotel staff). Kaya ng lumabas na ‘ko sa MTR train at umakyat, hindi ko na ma recall yung “How to get there.” instructions. I don’t want to take the taxi naman ‘coz I heard na expensive. Kaya mag public transport talaga ako.

So, when I reached the station, exit at akyat na ako.

I really couldn’t understand the map I’m holding kaya nagtanong ako sa nakasalubong ‘kong Chinese. He explained to me in broken English kung ano sasakyan ko. Truth is, di ko rin sya maintindihan. I just followed his hand gestures.

So, sakay uli ako. Monorail yata tawag don. I asked the other passengers for directions pero “No English.” Ang mga sagot sa ‘kin. And then I heard this lady talking over the phone.

“Anu ‘ba ‘yan. Ati, hende ku naman pinopolot ang pira deto sa Hung Kung ‘no. Di Ich lang aku ditu.”

Kababayan!!!

Hintay ako matapos ang conversation ni Ate at ready na ako mag reach out sa kanya. Pero nag stop ang train at bumababa sya. Dire diretso pa rin sya sa kausap nya.

Di ko na sya inabutan.

Hanggang umabot kami sa pinaka last stop ng train. Bumaba na lahat kaya bumaba na ‘rin ako.

“Saan na ba ‘ko?” tanong ko sa sarili ko.

Parang probinsya na ah. May bundok. Iba na hitsura ng mga tao. Sinipat ko talaga mabuti ang paligid sabay tingin sa mapa. Wala yung mga pangalan ng kalye sa mapa. Lingon- lingon uli. Baka kasi makita ko na ang Great Wall. Hahaha!

And then nakita ko may 7-11. Pasok ako. Trying not to impress everyone with my Heidi Klum catwalk. Lapit ako sa babaeng cashier.

Me: “Hello! (todo Ms. Chuniverse smile) Can you tell me how to get to Sesame Street?... este Ocean Park?”

Cashier: “Ushen Pak?!?”

Me: “Ahhh… yes. Ushen Pak!”

Cashier: “Tsong kway la, chili kong kweyla….” (obvious naman na hindi ito ang sinabi, pero how can I recall? Haller??)”

Me: “Huh?!?”

Cashier: “Ushen Pak!”

Me: “Yes! Ushen Pak!”

Cashier: “Bobo ti tam, a chili kong kwayla…”

Me: “English please?”

Cashier: “No English!”

Eeeeek! Potang bengi. Sayang ang saliva. Well, I decided na since nadon na rin lang ako, I might as well enjoy the place. Lakad lakad ng konti. Lingon lingon. Haaayyy… basta gusto kong makapunta ng Ocean Park! I saw a red taxi. Para ako. Kahit na mahal sige ride na ang lola.

Me: “Ocean Park! Ok?”

Driver: “Ushen Pak! Oki. Oki.”

Me: (Haaayyy salamat, makakarating din sa Ocean Park.)

Hindi pa kami nagtatagal. Wala pang 5 minutes ng biglang huminto yung taxi.

Me: “Why did you stop? I said Ocean Park.”

Driver: “Yes, Ushen Pak.”

Sabay turo ni driver. Pakshet talaga. Right infront of us is the entrance gate of Ocean Park! Ang lapit lang pala! Sana nilakad ko na lang. Anyway, paysung ako ng metro at larga na ang beauty. Ocean Park… here I come!

Mmmmwwaaaaah!

8 comments:

Anonymous said...

I like your Unang Byahe Blog!!!

Luis Miguel said...

miss. chuniverse, you're a natural story teller.. keep on coming with stories like this coz i am your avid follower. thank you for making my day happy ang gay.

Ms. Chuniverse said...

Thanks Anonymous.

Salamat Luis Miguel - herederong heredo namesung mo. i like. hehehe. i'll try my best to keep this blog updated.

mwah!

edwin said...

have to correct you tho - terminal 2 ang PAL.. was reading the contents and ayos naman. been to HK na rin kc, tulad mo turistang hilaw din ako. next time u travel to HK coordinate with HK tourism authority. thx

Ms. Chuniverse said...

Thanks edwin.. dontcha worry, next time mag-travel sa HK ang reyna, may alalay na. mwah!

Anonymous said...

naaliw ako sa iyo mis chniverse lols

Ewan said...

natawa ako tungkol dun sa tip!

jejejeje

Anonymous said...

Katawa naman kwento mo. Bago lang akong napadpad dito sa blog mo at masasabi king isa ito sa mga aliw na blogs.

Dapat nag MTR ka papuntang central. sa labas mismo ng central station, andun yung mga bus papuntang ocean park.

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments