Happy Fiesta!
Tapos na ang Pasko at Bagong Taon!
Panahon na naman ng mga FIESTA!
At kung sakaling kayo ay makiki-Fiesta sa probinsya man o Maynila, palaging tandaan…
1 . Hindi lahat ng nakahain ay kaya mong kainin. Iyan ang tinatawag na “takaw-mata”. Pumili lamang ng putaheng sa tingin ninyo ay pinaka-masarap sa inyong panlasa at kainin lamang ang kayang ubusin.
2. Kung gusto mo pa ring malasahan ‘yung ibang food, pwes, tikim-tikim lang. ‘Wag duhapang. I-share ang food sa iba. Sayang naman kung mapapanis lang.
3. Hindi lahat ng masarap sa paningin ay masarap ding kainin. Ang inaakala mong masarap na Cordon Bleu ay hindi pala sing sarap ng Adobo. Be wais!
4. Kung naki-kain ka na sa Fiesta, ‘wag ng mag-take home pa. Not unless na ipinilit ng pinaki-Fiestahan mo ang pina-uwing food.
5. Pumili ng pagkaing hindi ma-mantika. Remember, health is wealth. Pero minsan, masarap din ang may konting fats. Mas malinamnam. Char!
6. Kung ano ang inihain, doon lang mamili. ‘Wag ng maghanap pa ng iba o ng wala. Kung hindi tabing dagat 'yung lugar, 'wag maghanap ng seafood. Nakakahiya naman devah?
7. Kung makikipag-inuman ka sa Fiesta, make sure na kaya mong maki-tagay. Dahil ang ipinasok mo sa bibig, hindi mo dapat ilabas sa bibig. Klaro?
8. Kung ikaw lang ang imbitado, ‘wag magsama ng sangkaterbang dyulalay. Baka hindi sumapat ang handa sa inyong lahat.
9. Huwag pintasera sa handa. Pasalamat ka at ikaw ay nabusog ng free.
10. Be nice sa lahat. Batiin lahat ng makakasalubong ng….
HAPPY FIESTA!
29 comments:
Ayos si mr. policeman ah. Hello world at happy fiesta talaga.
nakakalokah ka, madame chuni.
saan mo pinagkukukuha ang mga pics na yan???
@JasonPaul.... Punta na sa Panagbenga! =)
@Ternie.... Sa aking mahiwagang baul. Char!
nkktawa naman ung mga pics,,
may ndi katakam-takam, meron naman na malinamnam ms.chuni.. ahahaha
heyfi fiestah na!!!
puro dukot king
tsalap
@Ceiboh.... Tikim-tikim lang. Happy Fiesta! =)
@Buendiaboy.... ingat sa pag-salat baka may magalit. char!
ikaw, anong fiesta ang pupuntahan mo?
san mo ba napupulot ang mga pictures na yan! but i am not complaining! keep 'em cummin'.
oo nga natuwa at lumuwa mata ko sa mga tease pics mo grabe!
@Epiphanonymous... lahat ng Fiesta, pinupuntahan ko. =)
@DSM.... Sa dako pa roon. Char!
@Angelo..... Appetizer pa lang yan. hehehe!
panalo ka talaga! hehehe
kaloka yung pic na nasa pool. sana pwede kong ipagawa sa mga straight guy friends ko iyan. EXCITING!!! hahaha.
Ms. Chuni. dapat inominate ka bilang Best Humor Blog sa PBA this year. LOL
natawa ako sa reminder #4. dami kong kamag-anak na ganyan! hahaha. :) happy fiesta!
@Nimmy... ikaw din, winnur! =)
@Jpy Dee... Gusto ko sana Best Drama Actress... pero pwede na 'rin, para maisuot ko naman ang evening gown ko. Char!
@Leo.... May mga kamag-anak din akong ganyan. Ako ang nahihiya for them. Hahaha!
Ms. Chuni
love ko blog mo
im a BIG fan!
ateJ
Miss Chuni, kung ikaw ba ang palaging Hermana Mayora ng fiesta at ganito ang handa, talagang dadayuhin ng bonggang-bongga ang fiesta mo! Wahaha
Panalo ang 2nd pic teh.
Anong kabaklaan festival yang nasa pic#1?
Uuwi akong pinas this january, timing sa isang fiesta.
Ang saya siguro kung may reader ka na mabubulaga na lang kung kasama sya sa mga pics na pino-post mo dito.
@Anonymous... Salamat ateh, Na-touch mo akoh. =)
@Ronnie... Oo ganyan ang ihahanda ko. Buffet galore. Happy Fiesta!
@Orally... hayaan mo silang ma-shock. Ganyan ang buhay, puno ng shockers. Char! Dinagyang yung 1st pic. Saan ka ba makiki-Fiesta? Lafang to the max ka ha. =)
teh bat puro LALAKI ang nakahain? pagkain ba yan ha?
CHING!
@Papa pilyo... yes, at sila ang favorite kong kainin. char!
Happy Fiesta!
happy chinese new year!
Tikim tikim lang. Happy Fieste Ms. Chuni. :)
ms. chuni. fave ko rin ang blog mo. laging panalo!
paano ba naman di magiging takaw-mata diyan sa menu na inihain mo.
gusto ko mamyesta din! kalowkah ang pics!
parang sa pictures sila nagenjoy at hindi gano pinansin ang mga tips mo teh chuni!
@Conio... Feb pa 'yon devah?
@M.I..... type ko yang bumbunan mo. Happy Fiesta! =)
@Sean.... Salamat Sean. Sige, kain ka na. Choz!
@MkSurf8.... Happy Fiesta!
@Ewan... Oo nga eh. Hihihi!
Ms. Chuni, di ko yan bumbunan eh. I don't own my profile picture. It's just a representation of Mind Inception. I got it from google images. :)
yung last pic. hahaha.
salamat natawa ko ng sobra, hahaha!
ur the best ah
Post a Comment