Palawan: DAY 1 (Part 2)

Kahit saglit lamang ang flight, nagutom ang mga beki.


Napag-usapang lumafang muna bago bumyahe pa El Nido.


And since JR is the balikbayan amongst us, sagot daw nya muna ang first meal ng group.


Nag-sparkle all of a sudden ang mga mata ni Friendship. Hindi kasi agad mababawasan ang budget ng Ilokanang beki whose motto in life is "Every peso counts."


So off we went to Sari's Baryo and ordered the most expensive in their menu...... their waiters.


Choz!

















Gusto ko sanang piycturan yung 2 cute na waiters but they look like minors. Kaya mga higad kong readers, itey na lang ang peycture.
















That's what I ordered. Something na sa Palawan mo lang matatagpuan at matitikman. Ang tawag nila ditey ay... Crispy Pata. Char.


Pagkatapos kumain, ay in-assist kami ni Dax, isa ring beki na friend ni JR na naka-based sa Palawan. Si Dax na ang tumawag ng sasakyan naming van going to El Nido.


We got this spacious Hi-Ace van. 5 lang kaming pasahero and we only paid P650.00 each.



Pero, kung kasing tight lang ng virginity ko ang budget mo, pwede ka rin namang mag Bus. P350.00 ang pamasahe sa bus.

















Basta 'wag ka lang mag-inarte. "Wag ka na ring maghanap ng seat belt habang gumigewang sa mga bangin. Kapag puno na ang loob ng bus, pwede ring al fresco. Sa bubong ng bus. Yapos ka na lang kay koya. Hihihi!


Ang mahirap lang sa bus, hindi sya aircon. At dahil may mga areas na hindi sementado, libre na ang face powder mo.


















Yes, mga gurls. Hindi yan fog, hindi yan ulap... yan ay certified alikabok. And did i mention, almost 6 hours ang byahe. Imagine kung ilang layer ng foundation ang papatong sa fez mo pagkatapos ng byahe. Para ka ng hulmahan ng Terra Cotta warrior ng China!


And by the way walang traffic yung 6 hours na 'yon ha. Dire-diretso ang byahe sa mga bundok at almost 70-80kph!


Pero pwede ka rin namang mag regular van. Pahatid ka lang sa tricycle from the airport sa terminal at nasa P500.00 lang ang paysung mo. Yun nga lang, medyo marami kayo sa van. Take note, bawal din ang kandong.


We left Puerto Princesa mga bandang 11:00am at dumating kami ng El Nido ng almost 5:00pm.


Ang una naming ginawa ay maghanap ng lalaki.


Choz!


Syempre accommodation. :)


Since may prior research na si JR, alam nya na ang pinaka-mura - sa Rovick's Inn.

















Yes, bitchfront sya... este beach front pala. Bagay sa mga sirenang may glitters ang hasang. Hihihi!


But will i recommend this inn? Noooo!!! Kung ako sa 'yo, mag ikot-ikot muna kayo at maghanap ng mas ok na accomodation gaya ng Marina.


Pagdating sa El Nido, we arranged na our island hopping tour scheduled for the following day. And then we went to the local wet market to buy food and make paluto with our guide - a resident of El Nido. Seafood is cheap, parang yung mga bekis na kasama ko lang. Choz!

















Actually, you don't need a guide when your in El Nido. Haller, ang fluent lang mag-tagalog ng mga locals don noh. Basta tanung-tanong ka lang. Ganito gawin mo, hanap ka ng pinaka-gwapong local tapos sya ang tanungin mo, pag na sense mong hindi pumapatay ng vakla pwes landiin mo na. Hihihi!


Actually si makulit na manong (our van operator) appointed himself as our guide. Gow with the flow na lang kami. Nabighani yata sa taas ng kilay ni Raki. Choz!


Pagkatapos ng dinner, nagpasyang maglakad-lakad ang mga bakla. Habang nililipad ng hangin ang aming sarong, sabay-sabay kaming umawit ng Magpakailanman. with matching emote. Choz.


And since si JR ang may PhD sa larangan ng pag-alembong, nakinig kaming lahat sa kanyang mga mala Readers Digest na points to ponder.


According to him...


"Kung wala kang kakilala sa isang lugar, tapos you have limited time lang at gusto mong makatikim ng boylets, pwes, mga local beki ang unang hanapin mo."


Haaaa? Local beki? Hindi kaya kami ma-food poison nyan? Choz!


"Nope! Dahil ang mga local bekis ang nakaka-alam kung saan, kaylan at sino ang pwedeng tikman."


Weeeehhh!!!


"Subok ko na 'yan. At ang mga local bekis ay very friendly sa mga tourist bekis."


So, sa unang gabi namin.... mga bakla ang hinanap namin.


The other 3, Friendship, Pol and Raki are not so happy with the idea.


Kaya ng may makita kaming 2 baklang naglalakad, sinundan agad naming dalawa ni JR. Naiwan sina Friendship.


Akala mo kami stalker. Palingon-lingon ang dalawang bakla habang sinusundan namin. At alam nilang sumusunod kami sa kanila.


Pumunta ng madilim na lugar ang dalawang bakla.


Sunod pa rin kami.


Hanggang sa huminto sila....


"Hiiii!!!!" ang malanding bati ni JR.


Walang sagot.


"Mga bakla, saan ba may hada dito?"


Futang JR itetch. Masyadong vulgar. Dapat pala pinag-gurgle ko muna ng muriatic acid.


Beki 1: "Mga bakla kayo?"


Me: "Hindi. Sya lang ang bakla, babae ako."


Choz.


Nagtawanan ang dalawang beki. Akala pala nila pulis kami ni JR o turistang magpapa-hada kami sa kanila?


Halllerr!!!! Anong hahadahin nila sa akin, ingrown?


Pero tama nga si JR.


The local bekis know where to source the goodies.


Unang gabi pa lang, rampage na ang mga kasama ko.


Oo, sila lang. Remember... i have Ryan na. Faithful ako. Choz!


At ang unang lalaki ng gabi...















Tawagin na lang natin syang, Boy Karugs. Local otoko itey na beki friendly. And sino ang naka-getsing? Sinofah.... kundi si JR.


Nagpaubaya na ang grupo. Sa amin kasing lima, sya daw ang pinaka-tigang.


Behave daw kasi sya sa SG.


Well, wala namang naniwala sa amin don.


Pero kanya na ang first meal of the night. At syempre, hindi rin nagpa-zero ang iba pang alibughang bakla.


Si Friendship ay nadiligan ng hamog sa madaling araw. Si Raki ay nag-tampisaw sa dagat ng kaligayahan at ako...... natulog ako.


At ng matapos ang gabi, eto na ang naging ranking sa barometer ng kalandian...


JR - 99 points.

Friendship - 95 points.

Pol - 93 points.

Raki - 90 points.

and yours truly...

50 points.


Hindi naman kasi talaga ako malandi.


Pero alam ko rin na kailangan ko maki-bagay sa uri nila. Choz!


At na-preysure na nga ako bigla.


Kasi ang pinaka-mababa daw ang score sa pagtatapos ng bakasyon, ay ipu-prusisyon sa Avenida.


Ay, whiz ko type maging poon and so i decided that after that night.....


the Queen will definitely compete!




**********************


Expenses:

Lunch : FREE!

Van, Puerto Princesa to El Nido: PhP 650.00

Bottled Water (1 Liter) : PhP 28.00

Accommodation/person/night : PhP 220.00

Dinner : PhP 120.00

My expenses Day 1/Part 2 : PhP 1,018.00

24 comments:

Seriously Funny said...

Ang galing! May kasamang expense report. Very informative para sa mga nagpa-planong magpunta ng Palawan!

AT, type ko yung tip ni JR. May tama sya! Este, tama sya! Hihihi.

eskay said...

Salamat sa tip Reyna Chuni. Matagal ko ng plano mag palawan, gagayahin ko na lang ang itinerary at budget niyo.

Ms. Chuniverse said...

@SF... Uu, baka kasi ma-audit. Choz! :)


@Jetlander... Really? When? Ma-i-enjoy mo yan! :)

Mr. G said...

saan naman ang hadahan dyan? kulang ang progress report mo. Re-write. hihihihihi!

Ms. Chuniverse said...

@Mr. G..... Hahaha! Ayokong maging specific, baka pagbalik ko, bawal na. Hahaha! Just follow the tips. :)

Yj said...

alam ko namang hindi ka mahihirapang humabol sa puntos... bilang alam ko namang ikaw talaga ang pinaka malandeeeeeeeeeeeeee hihihi

Ms. Chuniverse said...

@YJ.... pero kung kasama ka, malamang uuwi kaming TIGANG! Choz! :)

Blakrabit said...

Syet! Makapag book na nga ng ticket pa-Palawan!

Mugen said...

Miss Chuni!! Ikaw na ang official beki information guide pagdating sa beki tourist spots in da pilipins!!

jc said...

gosh wala bang malaki laking pic si boy karugs? hahahaha!

i love the daily expenses tally... :D

Anonymous said...

cant wait for day 2..

Ms. Chuniverse said...

@Blakrabit.... Gow!!!!!! :)


@Mugen... Hahaha! Kaya careful, wiz ko type ma persona non grata. Hahaha! :)


@JC.... meron, ipapa blow up ko. choz! :)


@Anon.... madugo ang Day 2. Streysful! Hahaha!:)

bienvenido_lim said...

Clap clap para kay JR. gusto ko na syang maging friend. I-stalk ko sya dito sa SG haha. Question teh, pinagpasa-pasahan ba ng mga beki friends mo si boy karugs?

Ms. Chuniverse said...

@Bien... ay hinde. sa dami ng boylets sa Palawan, hindi kailangang umulit sa isang lalaki. Choz! :)

candy said...

hahaha.. kakamiss ka chuni.. pwede ka nang gumawa ng travel dokyu.. bravoness! p.s. nakakaano naman si boy karugs... shet.

ANO said...

Wheeeee... Ikaw friend ha, mali ang ranking mo. kulelat kaya ako. Parang, ikaw ang number 2... LOL.......

RainDarwin said...

Punta kami sa Puerto princesa by November (nakakuha ako ng Piso fare sa CebuPac kaya pak na pak! hehehe) kaya lang straight ang mga kasama ko. Di ako pwedeng lumandi hehehe.

angelo'ng discreet said...

pag nagpunta ako ng palawan sis tatanungin kita ha ahihihihi

Albert said...

Leche ka talaga mama! Pinagtitinginan ako dito sa Starbucks dahil tumatawa ako mag-isa! Hahaha!

At nafi-feel ko na bonggang churvahan talaga and part 3. hihihi

Ms. Chuniverse said...

@Candy... hindi ko masyadong type si Boy Karugs. siguro kasi nalawayan na ni JR. Hahaha!



@Friendship... Futah ka. Ikaw pa ang kulelat. Nanlalambot pa nga yung hinada mo sa beach. Choz! :)

Ms. Chuniverse said...

@Papa P... ay naku madali lang yan. If theres a will, there's a hada. Lumabas ka mag-isa ng madaling araw. Hahaha! :)



@Angelo.... uu, malinis ang pagkakakilala nila sa akin don. hihihi!



@Albert..... ay, naku, yung chorvahan part na yan, ang laswa laswa. hindi ko kinaya. hahaha! Choz!

Wilberchie said...

mukha akong tanga dito sa office Ms. Chuni!!! Tawa ako ng tawa!!! read na ang nextsung!

Sedge_Sanctuary said...

LIKE!!! Supah like. ^^, at may blog na rin pala si dakilang friendship. hehe Kakainggit samahan nyo. its fascinating. Sana may mga kasama rin ako sa bakasyon ko next year. ^^,

inggo21 said...

yes mas maganda na nga sa Marina... affordable rin! weird lang no generator lang sa El Nido!

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments