Ms. Chuni's Supermarket Tips
*******
Dahil ako ay seasoned shopper (binudburan kasi ng asin at paminta, char), palagay ko (palagay ko lang naman), may K akong magbigay ng ilang tips para sa inyo. read on....
1. Kung ikaw ay pupunta sa supermarket, make sure na may dala kang listahan ng bibilhin mo, or else you will end up buying things you don't actually need. Basta stick to your list! At unahing bilhin yung mga de-lata at dry food, last kunin ang mga meat, gulay at frozen goods.
2. Kung kasya sa basket ang mga bibilhin mo, then get a basket at 'wag ng kumuha ng push cart. Ang tendency kasi, you'll get more items dahil mukhang spacious pa ang cart mo. Sabi nga ni Marian, psychology my dear. Char.
3. Check expiration dates! I always do this lalo na pag bumibili akez ng bread. And another thing, usually ang display sa mga supermarkets, laging nasa unahan ng mga shelves ang malapit ng mag-expire. Yung nasa likod, yun ang medyo matagal pa. Because they are practicing FIFO (First In, First Out). Kaya i always get sa likod. Kung keri ng powers mo, dun ka mismo pumunta sa storage nila. Hihihi!
Also, yung mga nagsi-sale na softdrinks na Buy One, Take One, pansinin nyo ang expiration date, usually burado. Pero kwidaw, usually ay 2-3 days na lang at mag-i-expire na yan. Pero kung malakas naman ang sikmura mo, why not? Wala pa naman yatang namatay sa expired na softdrinks. Chos! ;)
4. Check the price! Some supermarkets do not have price tags on each item. Minsan nasa harap lang ng shelf. Take note of the price coz may instances na hindi nagtutugma ang price pagdating sa cashier or hindi pareho ng SKU/Barcode. And since protected ka ng DTI 'day, you must only pay yung mas mababang presyo kahit nagkamali pa sila.
5. Avail ka ng rewards. Most supermarket offers na yung loyalty or reward system where you can earn points. Mas marami pa yata ang reward cards ko sa credit card ko. Hihihi! At dahil dyan, nakapag-pundar na akez ng 1 stand fan at 1 desk fan, not counting some umbrellas and GC's.
6. Check the ingredients! The BFAD requires yung listing ng ingredients in descending order. Meaning kung ano ang pinaka-maraming sangkap hanggang sa pinaka-konti. Check the most popular brand and compare it with a less popular brand. Sometimes you'll be surprise. Kase, mas matino pa pala ang ingredients ng less popular sa more popular brand. At sa presyo, baka mas maka-save ka pa.
7. 'Wag tarayan ang mga merchandisers, cashiers at sales staff kahit sometimes may pagka-shunga ang iba. Unawain na lamang na ang hirap din ng trabaho nila na nakatayo from time-in hanggang mag time-out, at nag-o-offer pa ng kung ano-ano. Be the better person. Ay ako na ang Nobel Peace Prize winnur porsyur! Hahaha! Chos! :)
8. Tingnan mabuti kung saang kahera ka pipila. May mga supermarkets kasing hindi ko mawari kung bakit iba-iba pa ang pilahan ng push cart sa basket. Kase, kahit walang pila sa push cart at basket ang bitbit mo, hindi ka nila i-e-entertain. Palilipatin ka nila sa basket lane. Kung ganon, gamitin ang brain, kumuha ng push cart at i-tansfer ang 3 pirasong laman ng basket. Hodevah, smart ang lolah. Hahaha!
9. Sa supermarket ko, (oo, may supermarket ako. hahaha! chos!) may freedom akez kung saan ko gustong magbayad except for the senior citizen lane. Sobrang bata ko pa kasi noh. Siguro mga 40 years from now, pipila din ako don. Char. Kaya ang option ko lang ay pumili ng ka-aya-ayang bagger boy sa dulo ng kahera. Parang ganitey lang...
Kebs na kung kinakawayan ka ng kabilang kahera dahil walang nakapila sa kanya. Hold your ground bakla.... o hold your horses? Ah basta, stay put ka lang dyan. Remember, this is your right, your freedom to choose kung sino ang maglalagay sa plastic bag ng mga groceries mo! And no one, i mean NO ONE can take that away from you! Unless kasama mo ang nanay mo. Chos!
10. At kung type mong magpa-charming sa bagger boy, you can always say....
Ms. Chuni: "Ay, it's so heavy. Can you make me hatid to the parking lot?'
Oo, kahit wala kang carlalu, magpahatid ka sa parking lot! Opportunity mo na 'yan bakla to make friends. Hihihi! Remember ang sinasabi ng apron nya...
"HOW MAY I ASSIST YOU?" , So ipa-assist mo na 'teh ang dapat mong ipa-assist, kasehodang pati puso mo ay i-assist nya!
Bagger Boy: "Eh Sir, isang plastic bag lang 'to ah?"
Kaya ang Tip No. 10, 'wag kang shunga. Baka isang litro lang ng softdrtinks ang binili mo, magpapahatid ka pa. Mashado kang obvious. Hahaha!
Chos!
So ayan mga friends ang tip ng lolah nyo. I'm sure, bumaha ang knowledge sa utak nyo. Hahaha! Chos!
Mwwwwaaahhh! :)
******
42 comments:
hindi mo naman sya isinilid sa basket?
ilang beses ko nang ginawa ang no. 8. naloloka ang mga cashier. hahaha
@Kiks.... Muntik na. Nangangati nga ang kamay kong gawin yon. hahaha! :)
@The Geek... Uu nga, ewan ko ba sa policy ng supermarket na yan. :)
infurnace kay bagger!
@Bien... Oo mare, infurnace sa kanya, hindi sha bagay na bagger. Bagay sha sa akin. Hahaha! Chos!
susko ang daming requirement sa pag-grocery... ini-isa-isa ko nang i-memorize ang mga tip mo kaya lang nang makita ko si boylet na-mental block ako. Pogi sya teh, saang waltermart yan? mapuntahan nga.
tip number 9 FTW ahaha. ba yang si kuya pang philippine flag ang peg. :D
In fairr!! Meron siyang hawig na engkanto. Yung bunso namin. Lol.
haha ginagawa ko na yang number 9, master ko na yan.
Hi Ms Chuni! Iba ka talga at si koya, Kahali-halina
namimili din ako ng bagger pag nag-grgrocery ako.. dapat yung cute kahit super haba ng pila... hahaha
-marc
ang galing mo naman madam kumuha ng shot sa bagger. pano mo nakuha yan na di ka nahuhuli? hehe :)
nice tips hihihi.
guilty ako sa #7. relate ako sa #8 - hate na hate ko mamili dyan sa supermarket na may policy na ganyan.
teka tanong ko din pala, tama lang ba na mainis kung may i ask ang kahera ng - "madam, ok lang ba kung kulang ang sukli ko ng so and so centavos???" more often kasi, tinatanong ko din sya kung ok lang ba na kulang din ang bayad ko ng few centavos. taray ba? hahaha
~~ pretty anonymous
praktikal na, ekonomikal pa! sankapa?! kay miss chuni na!
ayan na si Ms.Chuni!!! ahahaha. pasok na pasok sa Jar ang mga tips mo! dapat nagpabuhat ka kay bagger boy. :D ahahahaha. at sinunggaban sya pagdating sa parking lot... char. :D
I really got some goood knowledge on this...I love this.
Agree ako Ms. Chuni. Ang daming mga hot na bagger boy na naglipana sa mga diff. supermarkets. hahaha
kung ako lang, magpapahatid na aketch sa bahay. mahirap na, mapanganib ang paligid. dapat makauwi ng ligtas.
@Papa P.... Sa Waltermart Makati yan papa. Halika, samahan kitang mag-grocery. hahaha! :)
@Elay.... Ay oo, at binuhay nya ang nasyonalismo ko. Hahaha! Chos! :)
@Mugen.... Ay, ang yummy pala ni bunso. Hihihi! paki-haller naman ako sa kanya. Hahaha! :)
@Wizzdumb.... Im shure. nene pa lang akez, gawain ko na talaga yan. hihijhi!
@Jetlander.... Uu, kaya araw-araw na akong mag-grocery. Hahaha!
@Marc.... Korek! Hindi ko magawang mag complaint pag ganyan ang peg ng bagger bor. :)
@Marksupsup.... Usually, nahuhuli ako. hahaha! pero deadma na lang. :)
@Pretty Anonymous.... Alam mo tama ka. hate ko rin yung kulang ang sukli. Next time i-try ko nga yung dialogue na ako naman ang kulang ng bayad. Nice one. :)
@AboutAmbot.... I know! hahaha! Etchos lang. :)
@RonRon... I think nakatunog si koya na mayroon akong hidden agenda, hindi nya ako hinatid. char. :)
@Dyosa... Told yah. Hahaha! Chos! :)
@RandomVisitor.... Dapat naman kase, damihan nila ang pogi, hahatak sa fink market yan. not to metion sa mga matronash. chos! :)
@Kratos... Ay, bet ko rin yan. May punto ka sistah. Safety first! Ma-try nga minsan. Hihihi! :)
how nice nmn ng second picture... ☺
next mag grocery ng madami kasi... para walang kawala ☺
mula ngayon, madame chuni, iba na ang tawag ko sa yo.
sta. chuni, patronesa ng mga mambibingwit.
ng bagger boyz.
lolz
@Brian.... Yeah, santambak na nga ang instant noodles sa balur. Hihihi! :)
@Ternie.... Ayyy, refutasyhun! Hahaha! Chos! :)
sa pharmacy po, hindi na po gnagamit ang FIFO ngayon. FEFO na po. first expiry, first out.. palagay ko ganyan n rin sa mga supermarket...
share ko lng...
aw.. ampogi naman ng bagger boy na yan Ms. Chuni.. gusto ko sya bilhin LOL
i love this entry sobra na kitang love ms chuni love love love
ako din i do my shopping list pero di mo talaga maiwasan na may sosobra sa list hahaha
ang wafu naman nya, mapuntahan nga yang bagger papa na yan pag uwi ko ng pinas this year, may i-book mo sya sakin ms chuni
happy new year ms chuni tsup tsup tsup
marlon
mugen: hawig nga ni bunso hahahaah. Oh-em-Gee. Baka nga si bunso yan!
Well nde nakapagtatakang ang isang Nursing graduate ay maging bagger! hahahahahaah.
Hi Chuni,
Looks familiar, Waltermart near Don Bosco? Dami din "kababalaghan" sa CR "daw" dyan hehehe.
Have you tried sa Landmark Makati? Dami din good looking baggers at dun talagang ihahatid ka nila sa parking or sa taxi stand. At di lang ihahatid, he will wait until makasakay ka ng taxi and will help you load your items sa cab. Kaya haba ng time na makipag bolahan hehehe. And dati they even refused to accept tip kasi bawal daw, not sure if bawal pa din today.
Kwentuhan mo ko if may nabingwit ka.
-Anton
May experience nako sa bagger Ms Chuni
may nakita kong hunk as in whattabody at ang face eh pasado so sinundan ko sa parking at hinintay ko mahatid nya yung customer then ayun attack na ang beauty ko " ask ko number nya " at what time ang out nya at binigay naman nya number at 11pm daw out nya xmas season yun kya late out, so by 11:20 call ko na siya then ask ko siya ano gagawin nya now
sabi nya: "maghahanap ng mauutangan"
sabi ko : "bigyan kita 1,200
ayun nasa Sogo na kami by 1am sarrrrraaaapp!!!!!
- Ms. AltaS
kalami lech!
I learned something new sa #4.
natawa naman ako sa storage room kumuha ng new supply! hahaha
at cute nga si bagger boy!
@Anon... at salamat sa FEFO. Hihihi! :)
@Koro.... Cash or Card? Char! :)
@Marlon.... I-book? Parang boogaloo lang. Hahaha! Chos! Mwah! :)
@Papa P..... Ang harsh mo papa. Hahaha! Chos! :)
@Anton.... Yes, Waltermart Makati. May na witness na akez sa CR nyan. Hihihi! Pero once lang. And yes, mas magandah ang bagger boy service ng Landmark and yes uli, tumatanggap sila ng tip. Hihihi! :)
@Ms. Altas... Ay, i-share ang blessing. E-mail mo sa kin 'teh. Hihihi! :)
@Aru... Alien ka 'teh? Chos! :)
@Ms. Melanie.... At buti naman. hihihi! :)
@Mac....Sa tingin mo, pwede na nyang gamutin ang fuso mo? Hihihi! Nagtatanong lang. :)
tumbling ako kay Ms.Altas, at talagang 1,200 ang presyo ng bagger ha? waging wagi !
Nakita mo ba name nya? parang wala ata name plate
Ay gawain ko yan! may i scout muna san ang yummy na bagger boy, tapos may i say ng mahinhin na "Thank you ha..." tapos ngingiti ng malagkit yung bagger boy! Ay! Alam nah!
love your tips! at love ko si kuyang bagger. pila ako sa likod mo ms chuni.
San ba to? Baka pedeng makigpaglkilala kay Kuya Bagger...
hihihi...
http://sexymalearmpits.blogspot.com/
http://sexymalearmpits.blogspot.com/
http://sexymalearmpits.blogspot.com/
at ano naman kaya ang Its more fun in the philippines ni ms chuni? ...aabangan ko yan!!
yumminess the bagger!
thanks for the tips miss chuni.
you already!
dami ko napulot... ask lang din ako advice/tips how to take stolen shots! hahahaha
thanks in advance :)
Naranasan ko na ung, susuklian ako, ang worth ng na pamili ko is 75.50pesoses, then i give her 100pesoses nung tingnan ko ung sukli ni ms. counter is 24 lng which supposedly is 24.50, eksena agad ako..
ako: ay miss kulang ng 50 cents
m.c: lingon tingin sa sukli
(eh nakita ko yung counter box nea ang daming 25 cents, kaya no choice xa, binigay nea ang 50 cents)
pag ka abot sakin, i say a big thank you while giving her my precious beaming smile sabay quarter back and walk the tsunami walk bitbit ang aking pinamili,... Hehehe...
Nabasa ko yata din yun sa isang entry mo, na nakipag away ka pa ata sa counter girl para makuha ang tamang sukli which is true naman kesehodang 50cents lng yan noh!.. Hehe share ko lng ms. Chuni
Post a Comment