Ang Jollijeep
Minsan pag gutom na ako and I want an instant fix, bumababa na lang ako ng condo to buy from the neighborhood turo-turo na Jollijeep sa Salcedo Street.
Tapos, mina-microwave ko na lang and ayun, lafang galore.
So masa pero how convenient devah?
Kahapon, i feel like eating Manang's adobo so punta naman ako.
Gusto ko kasi yung timpla nya ng adobo, di matamis, di rin mashadong maasim.
And I believe na safest ang adobo bilhin sa mga ganitong venue.
Itong si Manang, kabiruan ko 'to. Baklang matrona kasi ito. Madaldal. Kaya ka-aliw. Minsan pang nagbi-beki sya, sinasagot ko rin ng beki.
Pero 'di daw sya naniniwalang bakla ako.
Mukha daw kasi akong gago.
Hahaha! Chos.
At dahil prends kami ni Manang, minsan binibigyan pa ko nito ng libreng gulay.
Wearing nothing but my skimpy shorts, havey na havey tsinelas and an old t-shirt, i traversed Salcedo St.
Pag ganung oras, lutang na lutang ang lolah nyo.
Kasi ako lang ang nakapambahay sa Makati Commercial Business District. Eh sayang naman ang oras pag nag necktie pa, devah? Char.
Usually, pag 5:30, wala ng mashadong customer si Manang.
Pero kahapon parang andami pang kumakain. Puro dine-in sa kapirasong 'bar-table' ni Manang. Mga messenger yata iyon at ilang nag-o-opis.
So, kebs na, nakisingit naman ako. Napansin ko ang mga mapanuring tingin ng mga tao sa paligid. Gusto kong sabihin sa kanilang...
"Haller, mukha lang poor ang outfit ko 'noh pero dyaan ako nakatira sa shusyaling building 'noh."
Pero dedma lang. Kumuha ako ng isang supot ng adobo. Inilagay ni Manang yung adobo sa paper bag tapos inabot ko yung bayad.
Nang biglang tumawag yung staff ko.
Sinagot ko yung phone.
Kinuha ko yung adobo at naglakad na pauwi.
Hindi pa ako mashadong nakakalayo...
...biglang sumigaw si Manang.
"Bakla! Yung sukli mo!"
Napahinto ako. Ambilis nag-calculate ng utak ko.
P50.00 yung binayad ko.
P40.00 yung adobo.
May sukli akong P10.00.
Niyakap ko ang adobo sa aking dibdib at napapikit.
Funyeta!
Hindi ako lumingon.
At dahil hindi sapat ang P10.00 para ibangon ang nadungisang refutasyon.....
....hindi ko ko na binalikan ang sukli.
Char.
:)
43 comments:
Mala-BAKLA naman si Manang hahaha.
hilarious entry indeed from The Miss Chuniverse! :D
@Ronnie... Korek! Na shock talaga ang fez ko. chos. :)
pag may mga kinaiinisan akong pamintang buo at nakikita ko sa mga public places binabati ko sila ng pasigaw for everybody to hear...
"HOY BAKLA! Kumusta ka na?"
with my Gladys Reyes smile.
@therealmeganfox... are you in any way, related to Manang? hahaha! maldita ka. chos! :p
kaloka talaga si manang, kahit ako hindi ako lilingon. magtsutsunami walk nalang si watta! :)
ahahaha. ini-imagine ko lang ang situation. kaloka.
hahahahahaha ang dami kong tawa....nang dahil sa 10 pesos vs Bakla......may experience akong ganyan...sakin naman isang buwan ko yatang dinibdib hahahaha.
@LJ... At di na rin muna ako bibilio sa kanya. Siguro mga 10 years. Ganyan.
@Ipe.... Uu, nawala nga gutom ko eh.
Wahahaahaah panalo!
Hahahaha!
Good job, staying poised under pressure!
Alam ko na ang gagawin ko if faced with same situation!
Tnx Madam! =)
@Cute Dessert Boy... ay ayoko na syang indahin. nagpa massage ako kinagabihan at nag move on. hihihi! chos!
@E.R... Uu, one point for Manang. Pero gaganti ako. Hahaha! Chos!
@Anon....Dapat naman, sayang ang crown. hihihi! char. :)
Homaygash! Sobrang gaga ni Manang hahah!
Ako naman pag tinatawag na bakla in public deadma lang.. parang di ko nadinig yung term! wla naman masyado nagrereact kasi mukha akong maton Ms. Chuni.. pag may di kayaayang reaction kwelyuhan ko lang sabay sabing "Sapakan tayu pre gusto mo?" tingnan ko lang kung umulit pa! ako na ang beking maton!
pero imbey ako na tawaging gurl kahit ng close friends ko! sabi ko sutsutan nyo na lang ako na ayaw ko din actually, heheh, kesa tawagin akong gurl..
nakakaloka beks. lol
Ms. Chuni, bakla ka? Akala ko ba dyosa ka. :p
-Atty. Mico
nakakaloka!
Saan ka kaya sa makati? Naandito ako - mandaya moore
natawa ako dun sa part na hindi sya naniniwalang beki ka dahil mukha kang gago... ahahahah! :P
Ms. Chuni, taga-diyan ba si manang sa Jolli-jeep na iyan?
Kalerkey si Manang! Resbak agad!
napatawa mo nako dito madam... KKLK si manang iskandalosa.. VAKLAAaaaa tala... hay nako kung ako yan haharipas ako sa lakad.
Haha suki talaga mga taga sa mga jollijeep at nakuhanan mo pa sila ng pic =)) May jollijeep sa Rada street na nagtitinda ng masarap na sisig miss chuni try mo =D
ay! be careful diyan sa jollijeep na yan. dahil diyan natikman ko na ang itlog ng ipis.
hahahaha!
nakakahiya but true
for sure ang dameng nakarelate, they experienced the same way!!!haha.. Que horror
roberto :)
....hindi ko ko na binalikan ang sukli.
na-stutter ka pa Ms. Chuni ah. Haha.
I havent try kumain sa jollijeep, but na try ko na din ung bout sa ipis2x na yan, and this time dumi nman ng ipis nahalo sa kanin, iw kakasuka yung amoy!..
@cHard... i will never get used to it. yung tawaging "bakla". dahil the truth hurts. hahaha! chos!
@Escabeche..... Korek! at nakaka eskandalo lang, parang nung time na chumorva si Friendship sa kalye. ganun yung feel. chos!
@Atty. Mico.... Yun nga ang malaking pagkakamali ni Manang. :)
@Baste.... Mismo!
@Mandaya... Aba, nasa syudad ang idol, dito lang po sa sulok ng Amorsolo. Hihihi! :)
@Nate... Uu nga eh, kung sinabi nyang mukha akong tanga, ma-o-offend talaga ako. hahaha! chos!
@Balt.... Uu, nakahanda na ang resbak. Ipapa gangrape ko si Manang sa Ayala. Char. ;)
@Popoy.... basta pretend lang akong nag ring uli yung fone ko, tapos diretso lakad uli. hihihi!
@JM... sige hanapin ko, anung building ang tapat? hihihi! Chos!
@Shenanigas... Eewwww! :)
@Roberto... At yung iba,aymshure, sanay na. hahaha! chos!
@Koro... Hindi ko rin kasi ini-expect. Hahaha! chos!
@Nico Robin...ay, parang ayaw ko na. :)
dapat pinatunayan mong hindi ka bakla kay manang, nilapitan mo sya at hinalikan, hahaha, lol
@Anon... Ay, tatanggapin ko na lang po yung announcement. char. :)
Hi Ms, Chuni-
Just started a blog- hope you can forgive me for the shameless plug:
http://aristotleandatlantis.blogspot.com/
FIRST BLOG- The American (IDOL) Dream
Mwuah! Thanks!
hahahaha i loved it!
nga naman! 10 pesos para sa dangal, dignidad at puri? dapat minumum wage hahahahaaha
miss chuni, pahingi naman ng official email moh? mag papa advice lang akow...chos...talaga promise....tnx madam.
jake
@Aristotle... Sure! Best wishes! :)
@Dynonel.... Korek! Babalikan ko talaga kung minimum wage ang difference. Hihihi!
@Jake..... misschuniverse@yahoo.com :)
hahahaha! kaaliw ka talaga Chuni!
oh gosh, Manang outed you?! shame on her!
miss chuni na send ko na pow ang email ko...i hope you'll read it, you can post it here if you want..hehe mwahugs
jake
Ako nga pag may tumawag sakin ng bakla in public, parang humihinto yung oras at nakikiramdam ako sa ibang taong nasa paligid ko kung anu reaksyon nila.. Well yung iba napapatingin kasi di naman talaga akong bakla pumorma, pero yung iba dedma lng kasi halata na ata nila!.. Ahihihihi!..
Ayan kasi masyado mo ni-close ni manang! Kaya moral lesson wag makipag chikahan masyado! Char!
kakamiss mga entries mo, Madam.
I love this post...super kulit
plok-plok: wagas makabakla si manang!!hahaha ako sa gym onetime!!! sa sobrang inis ko sa merlat na ofismate ko sinawsaw ko sa toilet bowl ang face towel!! hahaha!!!!
this gave me a good laugh to a rather boring work day! hahaha!!
Eto ba yung Jollijeep along Metrobank Rada? napadaan kasi ako sa Rada nung Monday tapos mukhang pamilyar yung lugar... hehe
Post a Comment