Haberday Mahal! :)
Birthday ni Mahal the other day.
Nag-text ako sa kanya.
Alas 4 ng madaling araw.
"Mahal, Happy Birthday sa 'yo. Alam ko busy ka na sa work. I love you."
Usually, mga tanghali pa yan sasagot, pag hindi na mashadong busy sa palengke.
Pero gulat ako, nag text back agad.
"Salamat Pangga. Gusto ko sana kasama ka mamaya pero alam ko may pasok ka."
Araw kasi ng Martes 'yon.
Me: "Kung magha-half day ba ako, pwede ka? Magkakasama tayo?"
Him: "Talaga Pangga? Oo, pinayagan ako ng Tita ko na mag-day off after lunch."
At dahil hindi naman din ako busy that day, nag-paalam nga ako sa opis.
Dapat magmo-MOA uli kami ni Mahal, kaso naisip ko na invite na lang sya sa balur. Para naman alam nya na rin kung saan ako nakatira.
Him: "Saan ka ba nakatira Pangga?"
Me: "Dito lang sa Makati."
Him: "Hindi ko masyadong kabisado 'yan. Baka maligaw ako."
Me: "Okey, ano ang alam mo dito sa Makati?"
Him: "Yung Glorietta."
Me: "Ganito, punta ka ng Glorietta, tapos pag nandun ka na, text mo ko. Susunduin kita."
Bandang alas tres ng hapon, nag text na sya.
Him: "Pangga, dito ako sa tapat ng Burger King. Wait lang kita dito ha."
Less than 10 minutes lang naman mula sa balur hanggang Glorietta. Kaya nakarating agad ako sa kanya.
Si Mahal, naka white polo at white slacks.
Hihihi!
Me: "Pangga, ang outfit mo - all white. Parang first communion. Hihihi!"
Him: "Pangga naman oh. Nahihiya na nga ako sa suot ko. Ayoko naman pumunta dito na naka-sando at shorts lang."
Napatingin tuloy ako sa outfit ko.
T-shirt, shorts at tsinelas.
I felt so naked. Char.
Alangan namang mag-gown pa ko 'noh? Nasa dry cleaning pa kasi.
Char.
Me: "Bakit ka naman mahihiya, kahit ano pa isuot mo, mas mukhang tao ka naman sa karamihan. Hihihi!"
Him: "Ikaw talaga Pangga.... I love you..." bulong nya.
Me: "Oh, wag mo kong hahalikan ha, baka may makakita. Hahaha!"
Him: "Pag ikaw Pangga, wala na kong pakialam sa kanila."
Matapos kong itirintas ang 10 ft. kong bangs, oo bangs pa lang yon, inaya ko na sya.
Me: "Gusto mo munang kumain dito Mahal?"
Him: "Hindi naman ako gutom Pangga.... punta na lang tayo sa inyo."
Dahil kuripot ang lolah nyo, pumara kami ng jeep. Isang sakay lang naman 'noh. Hihihi. Ilang sandali pa.
Me: "Oh, nandito na tayo Pangga."
Him: "Saan? Wala namang bahay dito." Palinga-linga sya.
Me: "Dyan tayo sa tapat na building."
Napatingala si Pangga.
Him: "Dito ka nakatira?"
Tumango ako.
Dumaan kami sa lobby, parang natigilan si Mahal. Umakyat kami sa 98th floor. Char.
Halata kong parang nabigla si Mahal.
Pinapasok ko sya sa loob.
Him: "Mayaman ka Pangga?"
Me: "Hindi po. May benefactor po ako."
Him: "Ano yon? May kinakasama kang iba?"
Natawa ako kay Mahal.
Me: "Hindi po. Wala po akong kinakasamang iba. Mag-isa lang ako dito."
Him: "Ano yong benefactor? Bakit dito ka nakatira?"
Me: "Syempre pag title-holder ka, may official residence ka. Di ba nga title-holder ako. Hihihi!"
Umikot sa loob si Mahal.
Him: "Magkano ang renta dito?"
Me: "Ahhmm... kung rerentahan, nasa 30K a month."
Him: "Ang mahal pala. Ilang buwan ko ng pagta-trabahuhan yon."
Me: "Ano ka ba Mahal? Nakita mo naman, simpleng tao lang ako. Hindi ako mayaman."
Him: "Parang na-a-alangan ako sa 'yo Pangga..."
Nakaramdam ako ng kurot.
Me: "Mahal...."
Him: "Parang hindi ako nababagay sa 'yo..."
Me: "Wag mong sabihin 'yan...."
At hindi ko napigilan, dahan-dahang pumatak ang luha ko sa kaliwang mata, tapos nag pause sya ng nasa pisngi ko na ng mga 5 seconds bago tuluyang bumagsak sa Mariwasa-tiled floor. Then lumingon ako kay Mahal....
Me: "Kasalanan ko ba kung nakatira ako sa isang marangyang 100 sq. m. na condo na complete with facilities and amenities like gym, spa, wade pool at............. day care center?!?"
Char.
Him: "Nahihiya kasi ako Pangga."
Me: "Bakit? Hinahanapan ba kita? Kinukumpara ko ba ang sarili ko sa 'yo? Naging matapobre ba ako?"
Him: "Pangga...."
Me: "Sabi mo.... mamahalin mo rin ko...... warts and all.... condo pa lang ang nakita mo... nagba- back-out ka na...."
Him: "Hindi naman sa ganon. Pero baka kasi isipin ng mga kaibigan mo, ginusto kita kasi dahil sa mga ito."
Me: "Oo, malandi ang mga friends ko......... parang pokpok na nga sila........ pero kahit kailan.......... hindi sila judgmental."
Natahimik kaming dalawa.
Hanggang sa nagsalita syang muli.
Him: "Sorry na Pangga.... bati na tayo oh."
Niyakap ako ni Mahal.
Hinawakan nya ang aking mga pisngi.
At nilapatan ng pinakamatamis na halik.
Nginitian ko sya at sinabing...
"Happy Birthday Mahal."
Bago pa man makasugod muli ang mga langgam, nasa ibabaw na kami ng California king bed.
Char.
:)
65 comments:
Ang sweet naman.. naiyak ako ng slight(sa inggit, char!!)..
Hi Joanne... hahaha! don't be, malay mo, paparating na Jeric mo. :)
segi na nga maki comment na lang ako..dyusko ha ms chuni ha,,sa tagal ktang sinubaybayan ni hindi sumagi sa isip ko na mag comment,,makikitawa na lang sa mga post kasi sa post mo pa lang matatawa na ako,,nakakapagod ng mag comment..hhahahaha..infairness naiinis ako kapag ang tagal mong magpost ha,,parang gusto kitang tsugihin..hahaha..joke..
sarap naman ng lovelife mo ngayon ms chuni..at least ngayon di ka na gagastos sa pagmamasahe,,naka focus ka na sa pangga mo..hahahah
This is the sweetest entry as of now that you wrote Miss Chuni <3
I can feel the love you have for one another. char Na mimiss ko tuloy ang mahal ko.
hi miss chuni curious lang panu mo na meet si jeric?? share naman ng sweet kwento panu kayo nag meet...thanks and I'm super duper happy for you? close? haha
kris a.
I understand your Mahal. I felt the same way before with a guy. Ma-pride kasi ako eh ang yaman niya. Ako dukha lang. But later on, na-realise kong dahilan ko lang yun at talagang ayoko pa pala talagang magjowa. Ang bata ko pa kaya. Papagalitan lang ako ni Papa pag nalaman niya. Char! Hahahaha.
.
.
Seriously, kakakilig ang story mo Ms. Chuni. More sweetness to come to both of you :)
@Chad... futah ka, tegihin ba ang alindog ko. hahaha! thanks. :)
@Jenny... Minsan kasi, mamalengke ka rin. hahaha! chos!
@Kris A..... Ay, dyan lang sa Pamilihang Bayan ng ..... hihihi! :p
@DB.... Hahaha! Uu, wag piliting mahinog. Darating din ang time na ikaw na mismo ang hihila sa boylet. chos! Thanks ha. :)
Ms. Chuni, hinay hinay lang baka mabuntis ka. Baka lalong mapressure ang bf.
@Stoic.... I know, kaya nga withdrawal kami. Hindi ko nilulunok. Hahaha! chos! :)
oh my god kala ko tragic ang ending, buti naman hindi
@LJ... Tragic ng konti kasi dinugo ako. Hahaha! chos! :p
nangilid luha ka ko dito. i remember my past, ngayon wala na. :(
sana magtagal kayo Ms Chuni. :)
@Anon.... Uy, don't cry....... out loud, just keep it inside,
and learn how to hide your feelings.... chos! darating din ang para sa yo, basta each break up brings you a step closer to that lucky sonofabitch. chos! smile. :)
Miss Chuni namamalengke naman ako eh kaso wala akong makita na kasing yummy at super duper pogi katulad ng mahal ko. hahaha
- Jenny
@Jenny.... Susme, pag ganun, lipat ka na agad ng palengke. Wag mo ng balik-balikan pa. Hahaha! Chos! Try mo sa Farmers. Hahaha! Chos! :)
Well well welll!! Mag abang na tayo.. Ipapa agaw na ni Chuni ang korona since willing na syang mag karon ng sandosenang supli. Hahaha
-@ilikeit_raff
i miss Bb. CHuni. Sana ako na lang mahal mo. :(
kudos to the Queen and her consort.. kakilig ang post na itey!! i'm happy for you, madmoiselle!
@ilikeit_raff...... Hahaha! Sinong maysabeh? Itatago ko sa Bb. Pilipinas Charities ang supling. Hindi nila makikita para di mabawi ang crown. chos!
@Sedge Sanctuary..... Awwwww.... kinilig naman ako don. :)
You just made my day. I was quite sad when I heard the news that Häagen-Dazs will be closing its stores in the Philippines by August.
Now, I'm smiling again. Baliw lang. :p On a completely different note, kaya number 1 tayo sa teen pregnancy eh... Ayan ang dahilan. Hehe. Happy bee.day to your Mahal, Ms. Chuni. Cheerios!
nakakaloka.... pero naiyak ako ng slight..... langit at lupa ang peg!!! pangtelenovela....
chos!!!!!!!!!!!!!!!
@Atty. Mico.... Safe sex kaya kami. Hindi ko nga nilulunok devah? Hihihi! Chos! :p
@Anon.... Hahaha! Wait mo yung haciendara outfit ko. hihihi! chos! :)
ang suweeeeeet!!!!! happy bday kay pangga mo ms chuni! sana nagkasya kayo sa california king bed, kasi feeling ko humaba pa ng 10 meters ang hair mo :)
astig talaga ni idol... si kuya ang may birthday day tapos ikaw ang may gift?????ahahahahhaha....
good job idol!!!!
Haaaang shweeeeeet! Parang ganyan kami ni honey noon nagliliwagan pa lang... ngayon happily living together na kami....
Miss Chuni, sana maging kami na rin ni Friendship mo na mukhang delivery boylet... Para may ganyang eksena din kami...
Ano na nga pala ang number ni Friendship mo?
Hahaha, nakakakompleto talaga ng araw,
Hmmm..sang supermarket mo ba nakita ung Pangga mo??? baka kasi maligaw ako eh, maghahanap na rin ako ng "pangga" dun sa market na un. Hihihi
cute.....
langit at lupa? infinity? si richard si boylet at si dawn si chuni? char...
wag kang mainsulto chuni ha? lam kong mas bongga ka kay dawn...
char! lolz
Madam! Sa The Beacon ka ba nakatira? :)
so isinuko mo na ba ang perlante ms. chuni??? ahaha..kamusta naman..lakas maka-teleserye ng blog entry na'to... so sa kyohay lang ang party..anong catering ang kinotak mo??? ahaha
ms. chuni july ka din diba..nong date?
happy bday to your Mahal, Miss Chuni! buti na lang happy ending, akala ko mgdidiretso ang aslight insecurities ni koya sa big fight.. i so love ur stories...
@ZaiZai.... Masikip pero nagkasya naman. Hihihi! Chos! :p
@Ryofil... Uu, angnagagawa ng alindog. hihihi. char. :)
@Dual Core.... yan din ang aking minimithi.... ang maging plain housewife. hihihi. :)
@Tiyo Pablo.... Hahaha! Hindi pa sumasagot sa text si Friendship. Busy pa yata ang mga daliri. hihihi. :)
@Dyosa... Basta simulan mo sa Farmers Market hanggang Palengke ng Paranaque, pramis, hindi ka uuwing luhaan. hihihi! chos!
@Victor... :)
@Hard Ass Kisser..... Actually, hindi na masama si Dawn. Bawasan mo lang ng 20 years. Hahaha! Etchos!!! :)
@Anon.... Ay, hindi po, sa kapitbahay lang ng The Beacon. hihihi! :)
@Moon... Ang perlas? No comment. hahaha! Uu lapit na bertday ko, July 29. papa parteee ka ba? hahaha! chos! :)
@Anne.... Thank you! Akala ko rin hindi nya matatanggap ang karangyaan ko. hahaha! etchos! :)
ang lakas maka-diabetes, Mademoiselle! Parang kelangan ko ng insulin tuloy wahahaha. Keep going stronger ☺
ang tamis :)
ang sarap basahin ng mga ganitong blog entry. nakaka-inlove...choz
mike209
@Brian.... Ay, next time gagawin nating sugar-free. hihihi! ;)
@Mike209..... Gow and fall. walang masama. hihihi.;p
Ang bilis ng aksyon! Hindipinaabot ang mga langgam! Haha!
hindi ko kinaya ang Mariwasa tiles! HAHAHAHAHA kalowka. win na win parin miss chuni hahahaha
@Nimmy... Syempers, mas mabilis na akong mangagat sa kanila. Hihihi!
@Dynonel.... Ganyan ang flooring ng mga taga alta sosyedad. hihihi! :)
miss chuni kaka inspire naman entry moh ngaun....pero mas na inspire sana kaming mga readers kung itinuloy moh ang kwento sa ginawa niu...hihihi..tapos may pics pang kasama..oh deva?! haha
CHU-RIC for the win! LOL
-Allain-
ganyan talaga, mapera ang beki, poor ang boylet, yan ang perfect combination, otherwise pag walang anda ang beki walang boys na papatol
@Anon.... hahaha! baka i-ban ng MTRCB. chos! :)
@Allain... Kalokah! Thanks! :)
@Anon.... Well, di pa naman humihingi ng pera si Jeric from me. In fact mas madalas pa nya kong i-treat kahit sa simpleg mga bagay. Personal experience mo ba ang pinaghuhugutan mo nito? If so, i feel sad for you. But this does not happen to bekis alone. Kaya 'wag ka ng masyadong negative, makakatagpo ka rin ng boylet na hindi pera lang ang habol sa yo. Good luck po. :)
aray ko, mala drama itey. go miss chuni! i'm happy for you! :)
ahaha July 27 ako...sa 28 tayo magcelebrate! ahaha
Wow, you are so ... Diplomatic sa pagsagot. I was engrossed sa 100 sq meter mong condo, at biglang nabasa ko ang mga comments.
Hahaha i love. Inii intriga ka!!!
Back to the story ... I suppose this has a part two. :) ano ang regalo mo sa kanya?:) i hope he had a happy birthday, chuni. :)
Kane
@Little Nikki.... Hahaha! happy din ako for you. :)
@Moon..... Ay, bawal daw sa feng shui mag celebrate ng advance. hihihi! so 29 na lang tayo. ikaw ang taya. hahaha!
@Kane..... Hahaha! Uu, naglilitawan na ang mga Bella Flores ng buhay ko. Keri lang.
Yung gift na hinihingi nya, unfortunately, hindi ko naibigay...... hongsakeeet kase. parang may pinupunit. inawat ko na sha after 3rd attempt. hihihi. :)
ur so korek!! im not matapobre!!
u n jeric are so sweet!! i hope ma meet q ang pangga mo mo pag npunta aq s balur mo..
raki
so intact pa din ang perlante chi??? ahaha... sige 28 ng gabi na lang, salubungin natin ang 29..LOL...asa Guadalupe Nuevo lang ako! ahaha
Magkabitbahay pala tayo miss chuni, parehong pareho tayo ng unit size at building amenities. choz.
pang precious hearts romances ang storya ah. shweetness :D
@Raki...... Oist, alam ko na kung saan ka magpapa despedida sa amin! hahaha! mag-e-enjoy ka, pramis. :p
@Moon... Hahaha! Uu naman, intact pa. Hindi pa kami kasal eh. hihihi! chos!
@Justin.... Ayyyy, dapat pala i-nominate kitang maging Kapitana ng building. Hihihi! :p
ANG SWEEEEEET SHEEEEEEEEEEETT
I legit cried, Chuni. Seriously. I legit cried.
(omg how I wish I can see his pikshoor kaso... eh di pa tayo close so huhuhuh)
So you finally found someone! I'm so happy for you! - John Chen
@Neil.... Hahaha! I think pwede ko namang i-post ng slayt ang pikshoor nya soon. hihihi. :)
@John.... Thanks! Missing reading your blog. I hope everything is well with you and your partner. :)
tawang tawa ako sa suot mo chuni! bruha ka di agad ako naka move on hahaha
at ang sweet ha!
Memst,
Hindi ko masabi straight from the heart kung natuwa ako sa kwento mo, na kilig ako o nalungkot ako...
Isa lang ang word na pwede kong sabihin...
" P A N A L O ! ! ! "
TC
@Mac.... Ganun talaga, dinadaan ko na lang sa alindog. hihihi! :)
@Alpo.... Thank you! :)
at nalusaw ako sa sobrang inggit... dahil mayaman ka. chos.
ang ganda ng blog mo nakakaaliw..
I am a regular reader of your blog ms. Chuni, pero ngyn lang ako nkapagcomment... Im so happy for you. Ang sweet... It really shows how you and jeric are definitely meant for each other.. Nakakainggit, hehe... Para kasi akng si friendship mo eh, if you know what Im saying, hiding from gears and wheels :)
wahhhhhhhhhhhhhhhhhh.. inggit me ke Ms Chuni.... me pangga..... huhuhu
Post a Comment